Because Almost is Never Enough

Por CelineIsabellaPHR

364K 8.4K 1.5K

Sabi ni Jackie sa sarili ay puwede na uli niyang ngitian si Yael dahil mahigit walong taon na rin naman ang n... Más

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 (SPG)
Chapter 16
Chapter 17.1
Chapter 17.2
Chapter 17.3
Chapter 18.1
Chapter 18.2
Chapter 18.3
Chapter 18.4
Chapter 18.5
Chapter 19.1
Chapter 19.3
Chapter 19.4
chapter 20.1
Chapter 20.2
Chapter 20.3
announcement
xxx

Chapter 11 - for real na

10.8K 258 41
Por CelineIsabellaPHR


HINDI nagsisinungaling si Leklek. Mga tatlong paligo na lang ay kamukhang-kamukha na ng bayaw nitong si Isaac si Ryan Gosling. Pero hindi lang gandang lalaki ang maipagmamalaki ni Isaac. Medical Examiner din kasi ito at konektado sa NYPD. Ito ang nago-autopsy sa mga bangkay ng mga biktima ng krimen.

Aliw na aliw si Jackie habang kausap ito. Mula pa kaninang magsimula ang kainan ay sila na ang magkausap.

"And you, guys, found out who the serial killer was just because of the depth and length of the lacerations on the fifth victim's back?" namimilog ang mga matang wika ni Jackie kay Isaac.

Ngumiti si Isaac. Um-oo ito pero agad din naman nitong idinagdag na team effort daw iyon. "Afterall, there is no 'I' in the word 'team,' right?"

Tumango si Jackie. "Right," aniya na lumapad ang ngiti. "But solving a crime... wow... that's really something!"

Narinig ni Jackie ang bahagyang pagtawa ni Yael sa kaliwa niya. Kunot ang noong sinulyapan niya ito.

Pero nakatingin pala si Yael sa iPhone nito. Wala pala sa kanya ang atensyon nito. Marahil ay ka-text nito si Leslie at may sinabi ang babae na ikinakilig nito.

Nag-angat si Yael ng tingin at nagtama ang mga mata nila. "Beer pa, Jac?" tanong nito. Muli nitong ipinatong ang iPhone nito sa lamesa.

Umiling si Jackie. "Nakadalawa na ako," aniya bago muling bumaling kay Isaac.

Ngumiti si Isaac. "Is it true that you'll be pursuing a career in Interventional Cardiology?"

"Naikuwento ko," sabad ni Leklek.

Ngumiti si Jackie. "That's where the action is."

Tumangu-tango si Isaac. "You're not scared of radiation, are you?"

Napangiti si Jackie sa tanong ni Isaac. May nakahanda na siyang sagot doon. Pero bago pa man makapagsalita si Jackie ay naunahan na siya ni Yael.

"What's radiation got to do with that?" tanong ni Yael.

Nilingon ni Jackie si Yael. Kunot ang noo nito.

Ipinaliwanag ni Jackie dito na ang mga procedure na gagawin ng isang Interventional Cardiologist ay ginagawa sa isang catheterization lab kung saan ang buong cath team ay mas exposed sa radiation kaysa sa ibang mga nasa medical profession.

"And that's a huge challenge for women in their child-bearing years," dagdag ni Isaac sa sinabi ni Jackie.

Nanlaki ang mga mata ni Yael. "Nakakabaog?" wika nito kay Jackie. "Parang wala kang nabanggit sa akin no'ng napagkuwentuhan natin kahapon."

Inaamin ni Jackie na ganoon na lang ang gulat niya sa reaksyon ni Yael. Pero marahil ay napuno lang ito ng kuryusidad. "No," aniya. Ipinaliwanag niya na ang ibig sabihin ni Isaac ay hindi nagiging madali para sa mga babae ang kompetisyon dahil kakailanganin ng mga babae na ipasa muna ang trabaho sa colleagues ng mga ito sa tuwing nagbubuntis ang mga ito.

Tumangu-tango si Yael.

Napansin ni Jackie na umilaw ang iPhone ni Yael na nasa ibabaw ng lamesa. "Phone mo," aniya.

Pinulot ni Yael iyon. "O, Berto," anito. Tumayo ito at naglakad palapit sa gilid ng pool.

"If you, guys, wanna swim, the pool's clean," wika ni Linus

Umiling si Isaac. May jetlag pa daw ito. "How about you, Jackie? Do you love to swim?"

"Yeah, but I'm not really in the mood right now," aniya. Wala talaga siyang balak kaya hindi siya nagdala ng pamalit.

Noon napansin ni Jackie ang palitan ng makahulugang tingin sina Linus at Gary. Tumayo ang mga ito.

Namilog ang mga mata ni Jackie. Kahit walang sinasabi ang mga ito ay alam na niya ang binabalak ng mga ito. "Oh, no, you won't..." aniya. Sigurado siyang itatapon siya ng mga ito sa pool.

Ngumisi ang mga ito. Lumapit sa kanya.

Tumayo si Jackie. Tiningala siya ni Isaac. Pumunta siya sa likod ng upuan. "Mukha kayong rapist sa tabing-ilog!"

Tinawanan lang siya ng mga ito.

Dahil patuloy lang si Jackie sa pag-atras nang hindi tinitingnan ang likuran niya ay ganoon na lang ang gulat niya nang bumangga siya. Lumingon siya. It was Yael, of course.

Nakahinga si Jackie nang maluwag. Nagtago siya sa likod ni Yael. "Pigilan mo sila, Yael, please!" Bahagya niya itong itinulak pero hawak niya ang magkabilang tagiliran ng T-shirt nito.

Nilingon siya ni Yael. "Ang lalaki nila, Jac. 'Di ko sila kakayanin."

Pinandilatan niya ito. "Puwes kayanin mo," aniya. Sa pagkakaalam niya ay halos magkakasintangkad lang ang mga ito. Pero dalawa nga naman sina Linus at Gary.

Ngumisi si Gary. "Makisama ka, Yael. Brotherhood 'di ba?"

"Pa'no ba 'yan, brotherhood daw," wika ni Yael.

"Utang na loob, Rafael, brotherhood o ako?" Sa sandaling masabi niya Jackie iyon ay natigilan siya.

Napamaang si Yael sa kanya.

"Ah, mukhang may tatalikod sa brotherhood," wika ni Linus.

"At ano ang ginagawa sa mga tumatalikod?" wika ni Gary.

Ganoon na lang ang gulat niya nang humarap si Yael sa kanya. Napaigik siya nang haklitin nito ang baywang niya. "Bawal lumapit," banta nito sa dalawa.

Pero hindi nga kinaya ni Yael ang lakas ng dalawa.

Namalayan na lang ni Jackie na bumagsak na siya sa tubig. Kung nahulog din ba si Yael ay hindi siya sigurado.

Sa kabila ng panic na naramdaman ni Jackie nang lumubog siya ay pinilit niyang kumampay. Napasinghap siya nang maiahon niya ang mukha niya. Ipinunas niya ang palad niya sa mukha niya.

Ganoon na lang ang bilis ng pintig ng puso ni Jackie nang tumambad sa harapan niya ang mukha ni Yael. Naramdaman niya na mahigpit na hinawakan ni Yael ang baywang niya.

Awtomatikong napahawak siya sa balikat ni Yael.

Hindi sigurado si Jackie kung ang pag-alon lang ba 'yon nang tubig o kung talagang nagtataas-baba sa tagiliran niya ang kamay ni Yael. But just the same, the sensation was coaxing her to wrap her arms around his neck. At alam niyang hindi niya puwedeng gawin iyon.

Isinuklay ni Yael ang daliri sa basang buhok nito bago muling ikinakampay ang isang kamay. "Okay ka lang?" tanong nito.

Bago pa makatango si Jackie ay nagpatihulog na si Linus ilang talampakan ang layo mula sa kanila. Kasunod din nito si Gary. Itinago niya ang mukha niya sa leeg ni Yael dahil sa splash ng tubig na nilikha ng pag-dive ng mga ito.

Nakita niyang lumusong na rin si Lira, Krissy at Leklek. Ang magkapatid na Amerikano na lang ang nakatayo sa gilid ng pool.

Hinawi ni Yael ang ilang hibla ng buhok ni Jackie na dumikit sa mukha niya.

Bumilis ang tibok ng puso ni Jackie sa ginawa ni Yael.

"Sorry, I had to let you go," mahinang wika ni Yael. "Baka magkaumpugan tayo."

Tumikhim si Jackie. "O-okay lang. Marunong na akong lumangoy."

Ipinilig ni Yael ang ulo nito. "Talaga?"

Bahagyang ngumiti si Jackie. Ilang beses siyang tinangkang turuan noon ni Yael pero tinatamad siya. "Mahilig kasi sa swimming ang mga kasamahan ko. Napilitan akong mag-aral."

"That's good," wika nito.

Ngumiti si Jackie. "'Yong iPhone mo?" naalala niyang itanong.

"Hinablot nila bago tayo itinulak kaya na-off balance ako."

"Mabuti naman."

Tumaas ang isang sulok ng labi ni Yael. "Mabuti naman na na-off balance ako?"

Umingos si Jackie. Nagsimula na siyang lumangoy papunta sa gilid.

"Hi, guys!"

Sa lakas ng boses ng nagsalita ay parang iisang tao silang napatingin sa pinanggalingan niyon. It was Leslie.

"Are you, guys, having fun?" muling wika ni Leslie.

Sa tingin naman ni Jackie ay para sa kanilang lahat ang tanong na iyon ni Leslie pero sa kanya ito nakatingin.

Umahon siya. Kasunod niya si Yael. "Hey, Leslie," ani Yael.

"Join us, Leslie," wika din ni Krissy.

Kay Krissy tumingin si Leslie. "I just need to talk to Yael." Base sa slurred napagsasalita ni Leslie, halatang nakainom ito. Leslie was smiling, alright. Pero hindi iyon abot sa mga mata nito.

Lumapit si Yael kay Leslie. "Tungkol saan?"

"Kung sinagot mo 'yong tawag ko sa 'yo alam mo sana kung bakit."

Napatingin si Jackie kina Krissy, Leklek at Lira. Nakangiwi ang mga ito.

"Kausap ko si foreman. You were on call waiting," mahinahong wika ni Yael.

"Kausap mo si foreman o busy lang kayo ni Jackie?"

Napasinghap si Jackie. Ganoon na lang ang bilis ng tibok ng puso niya. Pero bago pa siya makalingon ay narinig na niya ang boses ni Yael.

"Hindi kasalanan ni Jac na hindi ko nasagot ang tawag mo, Leslie. Leave her out of this."

"Really?" namumutiktik sa sarkasmo ang boses ni Leslie. "Sabagay, inabutan ko lang naman na hinahaplos mo ang mukha niya. What is so wrong about that, right?"

Pinigilan ni Jackie ang mapahugot ng hininga. Babae rin siya. Kahit naman wala silang ginagawang masama ni Yael ay hindi niya lubos maisip kung ano ang nararamdaman ni Leslie.

"Leslie, you're drunk," ani Yael. "Ihahatid na kita"

"Drunk or not, I know what's happening, Yael," ani Leslie. "Kasi 'di ba dapat noong isang gabi pa natin ipa-finalize 'yong design sa living room pero hindi ka naman dumaan sa resort. Naisip ko tuloy na baka si Jackie din ang dahilan."

Hindi na napigilan ni Jackie ang sarili niya. "Nananahimik ako dito, Leslie. Huwag mo akong isama sa problema n'yo."

Humarap sa kanya si Leslie. "Mukha nga. Nanahimik nga kayo. You, two, are making-out in the pool... quietly."

Pakiramdam ni Jackie ay umakyat na ang lahat ng dugo niya sa ulo. Pero pinilit niyang magpakahinahon. Wala siyang balak pumatol sa lasing. Humarap si Jackie kay Yael. Hindi siya nagsalita.

Pero mukhang naintindihan ni Yael ang ibig niyang sabihin. Tumango ito. Hinawakan nito ang siko ni Leslie. "Leslie, you're completely out of line."

"Alam ko ang sinasabi ko," singhal ni Leslie kay Yael bago muling bumaling kay Jackie. "What are you trying to prove? Na kayang-kaya mong kunin uli si Yael kung kailan mo gusto?"

Sa kabila ng nararamdaman ni Jackie ay pilit niyang pinantay ang boses niya. "Malinis ang konsensya ko, Leslie. Iyung-iyo si Yael."

"Why am I finding that so hard to believe?" pauyam na wika ni Leslie bago muling tumingin kay Yael. "And you know what I think? Magkasama talaga kayong dalawa kagabi. At kahit noong isang gabi."

Nanlaki ang mga mata ni Jackie sa implikasyon ng sinabi ni Leslie. Pero bago pa siya nakahuma ay muli na namang nagsalita si Leslie.

"Anong balak mo, Yael? Dagdagan pa ang koleksyon mo ng mga lacy underwears ni Jackie?"

Lacy underwears? Niya? Pakiramdam ni Jackie ay para nang sinisilaban ang mukha niya. Nagtatanong ang mga matang tumingin siya kay Yael. Pero mukhang ikinagulat din nito ang narinig.

Humarap sa kanya si Leslie. "Oh, yes, Jackie. After all these years, Yael is still keeping your underwears. Nasa isang kahon do'n sa bagong bahay niya."

Hindi alam ni Jackie kung ano ang gustong mangyari ni Leslie. Pero hindi niya mapapayagang may bumastos sa kanya sa teritoryo niya. "Dati kong asawa 'yan, ano naman ang nakakapagtaka kung may makita kang gamit ko na nakahalo sa mga gamit niya?"

Humalakhak si Leslie. "Oh, I guess that's normal," anito. Iwinasiwas nito ang kamay nito. "Pero nakakatawa lang kasi 'yong brassieres. What were you thinking, Yael? Ano'ng napala mo sa size thirty-four cup A noon?"

"Leslie, tama na, sabi, eh," wika ni Yael.

Pilit ipinapaalala ni Jackie sa sarili niya na lasing si Leslie at hindi niya ito dapat patulan. Na kalahati ng mga sinasabi nito ay posibleng hindi nito maaalala kapag nahulasan na ito. Pero hindi na niya mapapalampas ang sinabi nitong iyon.

"Linawin mo nga, Leslie, kung ano talaga ang problema mo? Napu-frustrate ka ba sa nalaman mo na hindi size ng bra ang basehan ni Yael sa babaeng papakasalan?" wika niya. "Kung kinakain ka ng insecurity mo, dahil alam mo ang maio-offer mo lang sa kanya ay ang cup D mo, hindi ko na siguro kasalanan 'yon."

"Jac, please..."

"Huwag kang makialam dito, Yael. Nagdala ka dito ng basura. At dahil mukhang wala kang balak na itapon, ako na lang ang maglalagay sa kanya sa dapat na kalagyan niya," aniya. Kung saan pinulot ni Jackie ang sinabi niyang iyon ay hindi niya alam. But it surely sounded like a line lifted from an old Tagalog movie she almost cringed after saying it. O baka marahil ay galit na galit na lang siguro siya kaya kung anu-anong baduy na analogy ang nasasabi niya.

Nanlisik ang mga mata ni Leslie. "Eh, 'di lumabas din pala ang totoo? Na mababa talaga ang pagtingin n'yong lahat sa 'kin! Lalo ka na, Jackie. Ang plastic mo. Just because you're a doctor doesn't mean your above everyone else."

Napakunot ng noo si Jackie. Wala naman siyang maalala ni isang sitwasyon na ipinangalandakan niya ang propesyon niya.

Noon naramdaman ni Jackie na may humawak sa braso niya. It was Krissy. Kahit hindi ito magsalita ay alam na niya kung ano ang ibig sabihin nito.

Tumango si Jackie. Humugot siya ng malalim na hininga. Marami pa siyang gustong sabihin pero pinigilan na niya ang sarili niya. Wala siyang mapapala.

"Everybody thinks I'm not good enough for Yael," impit na tili ni Leslie.

"Leslie, tama na," muling wika ni Yael.

Bumaling si Leslie kay Yael. Umiling. "Okay lang naman sa 'kin ang mga private jokes n'yo. Natitiis ko din ang insensitive na comments ng mga kaibigan mo. But to see you with her... I can only take so much, Yael."

"Leslie..." wika ni Yael. Tinangka nitong hawakan ang braso ni Leslie pero pumiksi si Leslie.

"You very well know I don't deserve to be treated this way, Yael," mahinang wika ni Leslie. Umiling. "You know I don't." Pagkasabi nito sa mga katagang iyon ay tumalikod na si Leslie. Mabibilis na ang mga hakbang na tinungo ang direksyon ng gate.

Hindi na nagtaka si Jackie nang sundan ito ni Yael.

Pero kung bakit parang nauupos na kandila ang pakiramdam ni Jackie habang sinusundan niya ng tingin ang papalayong likod ni Yael ay hindi niya maipaliwanag.

Isinuot ni Jackie ang tsinelas na una niyang nakita at naglakad na palayo.

Sinundan si Jackie ni Krissy pero pinaalis niya ito. Gusto muna niyang mapag-isa. Ayaw din niyang magpahatid pauwi. Ayaw niyang makita siya ng mga magulang niya na ganito ang hitsura niya. Pinapapasok siya ni Krissy sa bahay ng mga ito pero hindi siya makakahinga ng maayos doon. Sa halip ay nagpunta siya sa gilid ng bahay ng mga ito.

Umupo siya sa isang sementadong bench. Doon, walang makakita sa kanya dahil walang dumaraan doon.

Itinaas ni Jackie ang dalawang paa niya sa bench. Isinubsob na niya sa tuhod niya ang mukha niya.

Seguir leyendo

También te gustarán

504K 11.7K 27
"Maybe you're not my idea of a perfect woman but that doesn't stop me from loving you." Natagpuan na lang ni Sam ang sariling nakakulong na sa mga bi...
867 57 27
Pag sinabi ko bang mahal kita maniniwala ka ? Paano pag sinabi kong di na kita mahal maniniwala ka rin bang hindi na talaga?
308K 16.6K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
116K 3.1K 19
Ang babae nga pala ay nililigawan muna at saka pa lang pasasagutin. Can we be a bit different, sweetheart? Puwede bang sagutin mo na muna ako at saka...