WRITER'S HOUR (PUBLISHED unde...

By hiddenheartless

24.6K 1.3K 480

#Wattys2018LongList 'Squash' is her pseudonym. She became an author through her frustrations and madness. Eve... More

Writer's Note
WH1
WH2
WH3
WH4
WH5
WH6
WH7
WH8
WH9
WH10
WH11
WH12
WH13
WH14
WH16
WH17
WH18
Writer's Hour
WH19
WH20
WH21
WH22
WH23
WH24
WH25
WH-Epilogue
Thank you♥

WH15

725 43 10
By hiddenheartless

 Malapit nang graduation, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita si Winther. Baliw na ‘yun, kung kailan siya umamin, saka nang-iwan.  Isa rin ang abnormal na Five, hindi na siya nagpapadala ng mensahe. Pareho silang nawala na parang bula.

Wala silang paninindigan. Ginawa nila akong boredom killer. Kung kailan sila bored, saka sila magpaparamdam. Nakakainis.

“Alam mo ‘yun?! Nanligaw siya tapos iiwan lang pala ako kung kailan nakahanap nang iba? Imba!” naiinis na maktol ng kaibigan ko. Kanina pa siya nag-i-sketch pero wala siyang matapos-tapos. Hindi na rin nito pinakialaman ang subjects niya sa  humanities.

Bigla na lang kasi na sumuko ang manliligaw niya. Wala pang dalawang linggo, bumitaw na, kung kailan nahulog na ang kaibigan ko.

"Kung laban, ilaban at ipaglaban niya. Hindi p‘wede yung ngayon lalaban siya tapos bukas binabawi na niya!" muli nitong saad. Alam kong kailangan na naman niyang magsalita upang mailabas lahat ng kan'yang hinanakit kaya nakinig lang ako.

Matapos ang dalawang oras, mag-isa na lang ako ulit sa k‘warto niya. I opened my account in wattpad at exactly 10:00pm. I was shock to see a message from Five.

                    85 Days Left

FIVEMONTHS: Helllooooooo!

FIVEMONTHS: Squash! Namiss kita!

FIVEMONTHS: I’m here again!

SQUASH: Manggugulo ka na naman?

FIVEMONTHS: Woah! Nag-reply ka agad! Parang hinintay mo talaga ako!

SQUASH: Tapos?

FIVEMONTHS: Squash! Ngayon lang ‘to nangyari! Naiintindihan mo ba?You just made my day complete! Happylayp! Hahaha

FIVEMONTHS: Reply at exactly 10:00 is real!

FIVEMONTHS: Huy!

FIVEMONTHS: Alam mo bang hinintay ko ang pagkakataon na ‘to?

FIVEMONTHS: I spent my days thinking if you’ll still reply if I come back.

FIVEMONTHS: Araw-araw habang nasa loob ako ng isang k’warto, wala akong inisip kundi kumusta na si Kalabasa.

FIVEMONTHS: Alam mo bang...

SQUASH: Hindi pa.

FIVEMONTHS: Hintayin mo kasi muna ang reply ko!

SQUASH: Shut up ka muna p’wede?

FIVEMONTHS: Huhuhuhu

FIVEMONTHS: Ngayon na nga lang tayo nagka-chat e’.

FIVEMONTHS: Ang unfair mo naman.

FIVEMONTHS: Mamatay-matay na ako kakaisip kung kumusta ka tapos wala lang pala?!

SQUASH: Teka lang. I’m thinking.

FIVEMONTHS: Mahal ka nu’n, huwag mo masiyadong isipin. Hahaha

SQUASH: Sa tingin mo ba ikaw iniisip ko? Huwag kang assuming ‘uy.

FIVEMONTHS: ‘Di ako assuming. Hindi ko rin naman sinabi na ako iniisip mo. Ikaw lang nag-aasume.

SQUASH: Bakit, sino ba alam mong iniisip ko?

FIVEMONTHS: Bakit sino bang nasa isip mo na iniisip ko?

SQUASH: Ang tino mong kausap. Thank you.

FIVEMONTHS: Walang anuman. (^____^)

SQUASH: Ewan ko sa’yo.

FIVEMONTHS: Ano bang iniisip mo maliban sa akin?

SQUASH: Assume pa.

FIVEMONTHS: (ᵕᴗᵕ)

FIVEMONTHS: Pero seryoso, ano o sino ba iniisip mo?

SQUASH: Wala. Huwag kang feeling close.

FIVEMONTHS: Hindi feeling close tawag dito Squash. It's called connection.

SQUASH: But it doesn't mean na kailangan mo nang tanungin lahat pati iniisip ko.

FIVEMONTHS: Iniisip mo ba kung bakit ngayon lang ako nagparamdam? Iniisip mo ba kung bakit nawala ako ng ilang araw? Salamat Squash.

SQUASH: You're freaking assuming.

FIVEMONTHS: Bakit ba nananakit ka na naman? Wawa naman si ako.

SQUASH: Me pretending to listen should be enough for you. Huwag ka nang umasa na ikaw iniisip ko.

FIVEMONTHS: Galit ka ba? Kung alam ko lang na magagalit ka dahil 'di ako nag-chat nang matagal, sana hindi na lang ako nagpa-miss. Huhuhu

SQUASH: Nauntog ka na nga.

FIVEMONTHS: 'Di pa ako nauuntog. Mahal pa kita 'uy.

SQUASH: Wtf!

FIVEMONTHS: Hahahahaha. Nakakamiss 'tong ganito. Nakahinga ako agad. Salamat sa oxygen.

FIVEMONTHS: (❍❛‿❛❍)

SQUASH: Ang pangit.

FIVEMONTHS: Pati ba naman sa ganitong simpleng bagay inaapi mo ako?

FIVEMONTHS: (╥_╥)

SQUASH: As if naman umiiyak ka. Kung makapag-react ka naman parang ako 'tong laging nang-aapi sa'yo.

FIVEMONTHS: Hahahahaha nadali mo babe.

SQUASH: Tigilan mo ako sa kaka-babe mo, 'di nakakatuwa.

FIVEMONTHS: 'Di ko naman sinabing matuwa ka. Mas okay pa siguro kung magmahal ka. Hahahaha

SQUASH: Sapakin mo nga sarili mo. Mukhang bangag ka pa. Bakit ka ba bumalik?

FIVEMONTHS: Kasi alam kong may naghihintay sa akin(^_^).

SQUASH: Bahala ka nga. Dami mong alam.

SQUASH: May gusto pala akong tanungin.

FIVEMONTHS: Kinakabahan ako. Oh my God!

FIVEMONTHS: Huhuhu. Huwag ngayon. Wala pa akong mga baboy at mga kalabaw. Tapos wala pa tayong bahay, p‘wedeng mag-ipon muna ako bago tayo magpakasal?

SQUASH: What the heck!

FIVEMONTHS: Huhuhuhu

FIVEMONTHS: ‘Di ba tatanungin mo kung papakasal na tayo?

SQUASH: Arrrgg! Bakit ba kasi naisipan kong ikaw ang tanungin. Kainis!

FIVEMONTHS: Kasi namis mo ako. ‘Yun lang ang rason. Hahahaha.

SQUASH: Ayaw ko na.

FIVEMONTHS: Hahaha. Sorry na. Sige na, tanungin mo na ako.

SQUASH: B‘wisit ka kasi.

FIVEMONTHS: Hashtag, b‘wisit na naman sa akin ang nag-iisang kalabasa ko. Hahaha. Sige na. ‘ Di na kita babarahin.

SQUASH: Siguraduhin mo lang!

FIVEMONTHS: Pramis. \(^▽^)/

SQUASH: Sinungaling.

FIVEMONTHS: Awww, seryoso nga ako. Sige lang.

SQUASH: Huwag na lang pala.

FIVEMONTHS: Ang labo mo rin. Kung kailan nagising ‘yung diwa ko saka ka magba-back out. Huwag ganu’n. Panindigan mo naman ‘yung puso ko.

SQUASH: Anong puso pinagsasabi mo?

FIVEMONTHS: Kapag curious ako, pati puso ko naaapektuhan. Kaya panindigan mo puso ko. Hahaha

SQUASH: Saksakin ko pa puso mo e.

FIVEMONTHS: Ang harsh mo na naman. Haha. Sige na nga, magtanong ka na bago pa man tayo mapunta sa kasalan.

SQUASH: Isa pa, aalis na ako.

FIVEMONTHS: Hahahaha. Jokolang. Sige na. Game.

SQUASH: 'Yung username mo na Fivemonths, ano ba talaga ibig sabihin? Hindi mo pa sinasagot 'yung tanong ko noong nakaraan.

FIVEMONTHS: Ah 'yun ba? Wala lang. Haha. Trip ko lang kasi ang number Five.

SQUASH: Alam kong may meaning ang five. Ano bang ibig sabihin niyan?

FIVEMONTHS: Limang buwan lang ang kaya kong ibigay.

SQUASH: Why?

FIVEMONTHS: Bakit?

SQUASH: Tinagalog mo lang.

FIVEMONTHS: ๑(ᵔωᵔ)๑

SQUASH: Seryoso kasi!!!!!

FIVEMONTHS: Ayaw kong sabihin over the screen. Gusto ko, personal para may damdamin,  ‘yung dama talaga.

SQUASH: Ang misteryoso mo kasi. Nakakatakot na minsan ang sobrang kamisteryoso mo.

FIVEMONTHS: Ang visible ko kaya Squash ko. Hindi mo lang ako napapansin.

SQUASH: Bakit ako? Bakit bigla ka na lang nag-message sa akin noon? Hindi mo naman nakikita ang mukha ko? Hindi mo naman ako kilala?

FIVEMONTHS: Paulit-ulit Squash? Kasi sa account mo ako napadpad. Sabi ko sa sarili ko na kung sino man ang unang babaeng makaka-chat ko, siya na ang guguluhin ko sa limang buwan na ‘yun.

SQUASH: I don't believe yoi.

SQUASH: *you.

FIVEMONTHS: Makipagkita ka na kasi sa akin. Para malaman mo na seryoso ako sa mga sinasabi ko. I'm not a bad guy.

SQUASH: Kababalik mo lang 'yan na naman agad request mo? Ang galing mo rin.

FIVEMONTHS: Baka hindi ko na kayanin makipagkita sa‘yo kapag nagtagal pa.

SQUASH: Bakit? Punta ka ba sa ibang planeta?

FIVEMONTHS: Mas malayo pa:)

SQUASH: You answer like you're going to die.

FIVEMONTHS: Hahahaha. Hindi naman, hindi ko muna hahayaan. ‘Di pa tayo kasal.

SQUASH: Kanina ka pa kasal nang kasal. ‘Di ko balak magkaroon ng relasyon through screen and without a name.

FIVEMONTHS: Gusto mo na ba malaman pangalan ko?

SQUASH: Bakit, ano bang pangalan mo?

Hindi na siya nag-reply nang magtanong ako. Hinintay ko nang limang minuto ngunit wala pa rin. Wow ha, kung kailan naman okay na ako na malaman kung sino siya, saka naman hindi mag-re-reply.

SQUASH: Sabi mo, sasabihin mo na kung tatanungin ko?

FIVEMONTHS:  Kapag ba sinabi ko na ang pangalan ko, tayo na?

SQUASH: Kapag ba pinahanap kita sa SOCO, titigilan mo na ako sa kakasabi ng 'TAYO NA'?

FIVEMONTHS: Hahahaha. Dinamay mo pa ang Soco.

FIVEMONTHS: P‘wede namang ako. Hahahaha.

SQUASH: Nakalaklak ka yata ng sangkaterbang shabu.

FIVEMONTHS: Na-overdose na ako sa kalabasa, ‘di ko na kailangan maging adik sa shabu kung sa‘yo pa lang adik na ako. Boom!

FIVEMONTHS: Hahahahahahaha

FIVEMONTHS: Huy!

FIVEMONTHS: Ang kj nito. Haha

FIVEMONTHS: Okay fine. Sorry na ulit. Hehe.

FIVEMONTHS: Masaya lang ako kasi sa wakas nakausap na naman kita through wattpad.

FIVEMONTHS: Kapag magpapakasal tayo, invite ko lahat ng mga adik sa wattpad tapos mga authors.

FIVEMONTHS: Kahit maubos budget ko. Tapos ang theme sa reception mga picture na ginamit ng mga authors sa books nila.

FIVEMONTHS: Tapos ang mga dadalo kailangan nakadamit gamit ang mga paborito nilang character sa wattpad.

FIVEMONTHS: Astig ‘di ba?

FIVEMONTHS: Huy!

FIVEMONTHS: Reply ka na. Hahaha. Kung anu-ano na pinag-iisip ko.

SQUASH: Ikaw na talaga pinakabaliw na taong nakilala ko.

FIVEMONTHS: ‘Di mo pa nga ako kilala e.

FIVEMONTHS: Punta ako kung nasaan ka. Magpapakita ako.

SQUASH: Malayo ang lugar ko.

FIVEMONTHS: Try me.

SQUASH: Paano kung nakatira ka sa Baguio tapos ako sa Amerika?

FIVEMONTHS: Kahit pa sa planet Nemik ka, pupuntahan kita.

SQUASH: Korni mo.

FIVEMONTHS: Gwapo 'to.

SQUASH: Shut up.

FIVEMONTHS: Matanong lang, bakit hanggang ngayon nagre-reply ka pa rin sa akin?

FIVEMONTHS: Let us be honest Squash. You wanted my presence, right?

SQUASH: I just wanted to kill my boredom.

FIVEMONTHS: You waited for me.

SQUASH: I didn't. Nagkataon lang na nakabukas ang wattpad account ko kanina kaya naka-reply ako agad. Huwag kang mag-assume.

FIVEMONTHS: Don't fool yourself Squash.

SQUASH: I'm not fooling myself jerk!

FIVEMONTHS: Kung gan'un, awa pa rin ba nararamdaman mo sa akin? Naaawa ka pa rin kaya ka nagre-reply? Kasi kung hindi mo gustong makita sa inbox mo ang username ko, hindi mo na sana ako pinansin simula pa lang.

SQUASH: So anong gusto mong palabasin?

FIVEMONTHS: Bakit hindi ka nag-effort na layuan ako?

Holy crap! What's with this person? Ano bang nakain niya at ginigisa niya ako ngayon? Hindi naman siya ganito dati. Bakit pinipilit niya yatang paaminin ako sa bagay na hindi ko nga kayang aminin sa sarili ko? I'm glad that he's back but he's now confusing me. Bigtime.

FIVEMONTHS: Huhuhu. Natahimik ka na naman.

SQUASH: I hate you.

FIVEMONTHS: Try harder. Hindi ‘yan uubra sa akin Squash.

FIVEMONTHS: Make me leave.

FIVEMONTHS: You don’t need this. You don't need me.

FIVEMONTHS: Pinilit kong layuan ka sa ilang araw pero ‘di ko kaya.

FIVEMONTHS: I just don’t know how to stop wanting your presence, your heart, and all of you. Tell me to go a hundred times again, maybe this time I’ll go.

FIVEMONTHS: Tagalugin ko ba? Hahahaha

SQUASH: Ewan ko sayo.

FIVEMONTHS: Hindi ka ba talaga tinatablan sa puso?

SQUASH: Magulo buhay ko. Huwag mo na lalong guluhin. Ang dami ko ang iniisip.

FIVEMONTHS: Sino ba kasi talaga iniisip mo? Iyong lalaki ba na umamin sayo o ako?

SQUASH: OO!

B'wisit. Naiinis na ako. Sobrang gulo na nang buhay ko pero bakit pati nga taong napapalapit sa akin ay ginugulo ako? I met this guy and then I met Winther! They are both confusing me like hell! Ayaw ko nitong nararamdaman ko pero ayaw ko rin naman na mawala sila. Nasaktan ako nang 'di sila nagparamdam pero ang hirap!

I'm mute! Hindi pa ako magaling. Hindi ako nakakapagsalita. Hindi ko alam kung gagaling pa ba ako, pero ito, nasasaktan na ako, nakakasakit pa ako. Ramdam ko naman e, ramdam ko kung anong nararamdaman nila pero ang hirap kasi! I'm not yet healed, I might just hurt them.

FIVEMONTHS: Anong oo?

FIVEMONTHS: Oo na ako ang iniisip mo?

FIVEMONTHS: O oo na siya ang iniisip mo?

SQUASH: Just stop asking me.

FIVEMONTHS: Squash, tanggapin mo lang ako. Tanggapin mo lang ang ibinibigay ko sayo, okay na.

FIVEMONTHS: Hayaan mong ako na lang magmahal. One-sided man o hindi, handa akong masaktan.

SQUASH: Why are you doing this to me? Alam mo namang ang gulo gulo ko.

FIVEMONTHS: Edi magulo. Guluhin na natin buhay-buhay natin Kalabasa. Wala namang mawawala. P'wera na lang kung may iba ka pang taong gusto.

SQUASH: May tanong ako pero huwag mo akong pagtatawanan.

FIVEMONTHS: Hahahahahaha

FIVEMONTHS: Hahahahahaha

FIVEMONTHS: Oh! 'Ayan, tumawa na ako nang advance. Hindi na ako makakatawa ulit. P'wede mo nang sabihin.

SQUASH: Dahek! Huwag na nga!

FIVEMONTHS: Aww. Sige promise, 'di ako tatawa. Ano bang tanong ulit? Tungkol ba 'yan sa iba mong gusto. Ouch naman Squash, 'di ako manhid, tandaan mo 'yan.

SQUASH: Huwag na lang then.

FIVEMONTHS: Jokolang. Go, ihahanda ko puso ko sa tanong.

SQUASH: I met someone.

FIVEMONTHS: Anong nakakatawa kapag naka-meet ka ng tao Squash? Bakit sinabi mo pang huwag kitang pagtawanan kung wala namang nakakatawa?

SQUASH: Kainis. Patapusin mo kasi ako.

FIVEMONTHS: Binibitin mo kasi ako. Ang hirap mabitin. Hahaha.

SQUASH: I met someone, a guy, not so long ago. Tapos hindi ko naman siya close.

FIVEMONTHS: Seen

SQUASH: Walangya ka. So ako ang isi-seen mo ngayon?

FIVEMONTHS:  Ahahahaha ang gulo mo Kalabasa. Sabi mo patapusin muna kita?

SQUASH: Oo nga. Sinabi ko.

FIVEMONTHS: Sige na, tuloy mo.

SQUASH: 'Yun nga. May nakilala ako. Tingin ko may sakit siya pero gusto niyang pumasok sa buhay ko. Kung ikaw, papapasukin mo ba siya at maging parte ng buhay mo?

FIVEMONTHS: Yhup. I'll make that person happy hanggang sa huling hininga niya. Hindi mo tinanong kung anong sakit niya?

SQUASH: Takot ako. Baka mamaya malala pala. I can't handle it. Ayaw kong ma-attach sa mawawala lang din. Kaya kung ikaw, mawawala rin, huwag mo nang subukan na makita o makausap ako. Ayaw ko nang mawalan.

FIVEMONTHS: Gan'yan ka ba talaga kahina?

SQUASH: Kung ikaw nasa posisyon ko? Kung ako nakipaglapit sayo tapos malalaman mo na lang na mawawala na pala ako, gugustuhin mo pa rin bang maging parte ako ng buhay mo?

FIVEMONTHS: Oo Squash. Tatanggapin pa rin kita kahit panandalian lang. Kahit saglit na saya, okay na ako. Good memories are all worth it Squash.

SQUASH: Sinasabi mo 'yan kasi hindi ka pa nawalan.

FIVEMONTH: Hindi Squash. Noong nawala ang lola ko, nawalan din ako.  Pero kahit nawala siya, napasaya ko naman siya. And I know she's now happy wherever she is.

SQUASH: Sa mga sinasabi mo, totoo nga. Mawawala ka rin. May timeframe ka nang inilagay.

FIVEMONTHS: Squash naman.

SQUASH: Mang-iiwan ka rin. Nice.

FIVEMONTHS: Bakit sa akin mo tinatanong ang mga 'to?

SQUASH: Kasi may sense ka minsan kausap. Kaya kita tinanong kasi baka alam mo ang sagot, pero magkaiba pala tayo.

SQUASH: Kasi kung ako ang tatanungin, ayaw ko. Ayaw ko na ma-attach sa taong mawawala rin.

FIVEMONTHS: Hindi ako mawawala. Susubukan kong manatili. Hindi ako mangangako kasi ayaw kong nababali ang mga pangako ko. Pero sisiguraduhin kong lalaban ako para manatili Squash.

SQUASH: Bakit ba lagi na lang ganito? Ano ba kasing mangyayari sayo after five months?

FIVEMONTHS: Baka mag-landing ako sa planet Pluto. Hahaha.

SQUASH: 'Yan ka na naman. Dinadaan mo sa humor ang mga sinasabi ko para mawala. Kainis. Kaya ayaw ko talaga sayo e.

FIVEMONTHS: Awts. Hahahaha.

FIVEMONTHS: Ayaw mo talaga sa akin? Saklap naman.

SQUASH: Pasalamat ka pa nga honest ako.

FIVEMONTHS: Namimis mo na ba 'yung lalaking umamin sayo? Pramis 'di ako magagalit.

SQUASH: Baliw. Hindi 'no.

FIVEMONTHS: Tayo tayo lang naman nakakaalam. Hahaha. Hindi na nagpakita sayo pagkatapos umamin 'no?

SQUASH: Paano mo alam?

FIVEMONTHS: Na umamin siya sayo at kung bakit hindi pa siya nagpapakita?

SQUASH: Oo.

FIVEMONTHS: Sabi mo gusto niyang pumasok sa buhay mo. So I assumed that he wanted to be with you.

SQUASH: Ganu'n na nga. Hindi ko pa siya nakikita.

FIVEMONTHS: Pinagpapalit mo na ako? <\3

SQUASH: Sira. Nagtanong lang ako.

FIVEMONTHS: So hindi mo ako kayang ipagpalit?

SQUASH: Paano kita ipagpapalit kung in the first place hindi naman kita gusto?

FIVEMONTHS: Arrraaayyy! Orayt! Taob na naman ako :(

SQUASH: Matanong ko lang. When do we say na nahulog na tayo sa isang tao?

FIVEMONTHS: Kapag nasasaktan ka na.

SQUASH: ‘Yun na ‘yun?

FIVEMONTHS: Yhup. Hindi ko kasi kayang ipaliwanag nang buo. Mahirap. Ang mahalin ka lang, 'dun ako expert. Hahahaha.

SQUASH: Konti na lang, malapit na kitang ipahanap at ipa-rehab.

FIVEMONTHS: Hahahahahahaha.

SQUASH: What's funny?

FIVEMONTHS: Kinikilig kasi ako. Biruin mo, ikaw na ngayon magpapahanap sa akin.

SQUASH: Ewan ko sayo!

FIVEMONTHS: Ako naman magtatanong, kaya mo bang kontrolin ang magmahal? Since mahilig ka sa tragic, gusto ko malaman ang side mo.

SQUASH: Yes. We can control feelings.

Pagkatapos ko 'yun i-send, parang nanghina ako. Pakiramdam ko mali ang aking isinagot.  I tell myself that with enough effort, I can learn to control my feelings. But then this guy will say something, and I can literally feel the part of my heart that belongs to him getting fuller. As much as I want it to empty.

I’m worried that feelings are the one thing in our lives that we have absolutely no control over.

FIVEMONTHS: Pero pakiramdam ko hindi ito ang sagot sa gusto mo talagang sabihin.

FIVEMONTHS: No matter how foolish or incomprehensible, some love cannot be discarded. You may try to stop your heart, unable to forgive yourself, but there will be times when you lose hope and your heart is moved again.

FIVEMONTHS: Naniniwala ako diyan.

FIVEMONTHS: :)

SQUASH: Tigilan mo ako. Matutulog na ako.

FIVEMONTHS: May isang minuto pa. Sulitin na natin.

SQUASH: Hindi kita maintindihan. Bakit ba isang oras? Anong mayroon sa isang oras? Ikaw ang bumuo sa walang k'wentang oras na 'to.

FIVEMONTHS: Let's break the rule?

SQUASH: No.

FIVEMONTHS: Eh galit ka na kasi. Huhuhuhu.

SQUASH: Matutulog na ako.

FIVEMONTHS: May ilang segundo paaaaa!

SQUASH: Sleep.

FIVEMONTHS: I'll see you tomorrow. I need to see you. Goodnight.

SQUASH: What?

Naguluhan ako sa reply niya. Anong 'i'll see you tomorrow'? Baliw yata 'to, kung anu-ano na naman pinagsasabi.

FIVEMONTHS:  Goodnight Squash(^___^)

FIVEMONTHS: Hashtag ToTo♥.

Mag-re-reply na sana ako nang makita kong 11:00 na. I just exit my browser and close my laptop. Sinong toto ang pinagsasabi nito? Pangalan ba niya toto? Arrggh! Baliw talaga, nakakainis!

Pero bakit ganito? The more fun I have, the more it's hurting me? What if we really part ways? I think I'll get hurt, I know that all too well.

                  WINTHER'S POV

"Siraulo ka ba? Pagpapanggapin mo ako na ikaw? Na-ah, tigilan mo ako Winther!"

"Brad, bonus mo na lang sa akin. Mawawala ako, pero darating ako ulit. Kailangan ko lang kasi na umalis," pagmamakaawa ko pero natatawa lang siya. Kung p'wede lang akong maglaro ng basketball ulit, kanina ko pa siya nakumbinsi.

He shakes his head. "Sorry brad, hindi ko kaya. Baka kapag nakausap ko ang babaeng 'yun, sasabihin ko kung sino ka."

"Kailangan niya ako pero hindi kaya ng powers ko. Ibigay mo lang 'yung envelope, diyan 'yung address kung saan makakapagpagaling sa kan'ya. Naniniwala ako, makakapagsalita siya ulit, tulungan mo lang ako," sabi ko habang pinapanood siyang nagdi-dribble ng bola.

Sandali itong tumigil at tumingin sa akin. "Hindi ako magpapanggap, sa mga teleserye lang 'yan nangyayari. Hindi ko gustong magpanggap na ikaw. Ayaw kong madamay sa inyo. Pero may plano ako."

Kumunot ang aking noo. "Ano?"

"Natapos mo na 'yung lyrics ng kantang isinulat mo?"

"Oo. Lalapatan pa ng tono."

"I'll arrange it."

"And?" I inquired.

Lumawak ang kan'yang ngiti. "Magkabituka tayo 'di ba? Sigurado ako, papayag ka."

                            #####

(PS: Hindi ko alam na makakarating ang k'wento nina Five at Squash dito. Isinulat ko lang ang Chapter 1 nito na walang plot, and now, nakarating na rito dahil sa pangungumbinsi ninyong ituloy ko. Thank you so much sa inyong lahat. Sobra sobra.)

Continue Reading

You'll Also Like

122K 5.6K 44
Hindi ko siya gusto no'ng una dahil alam kong hindi kami magtutugma. Pero loko-loko talaga ang tadhana. Ngayon, ayaw ko na siyang mawala.
38.3M 1M 91
[COMPLETED] #1 in Teen Fiction Frans Abigail wants to forget her best friend whom she's fallen in love with. As she's creating new memories in her ne...
2.2K 103 12
"Loving you is the best decision I ever made, though it gives me so much pain." Tristan.
22.6K 1K 8
Raffy Liu thinks he's a walking uncertainty, while Baekhyun still wonders what exactly went wrong. [ exo!canon ]