WRITER'S HOUR (PUBLISHED unde...

By hiddenheartless

24.6K 1.3K 480

#Wattys2018LongList 'Squash' is her pseudonym. She became an author through her frustrations and madness. Eve... More

Writer's Note
WH1
WH2
WH3
WH4
WH5
WH6
WH7
WH8
WH9
WH10
WH12
WH13
WH14
WH15
WH16
WH17
WH18
Writer's Hour
WH19
WH20
WH21
WH22
WH23
WH24
WH25
WH-Epilogue
Thank you♥

WH11

734 44 17
By hiddenheartless

Minsan, kahit pa anong iwas natin sa ulan kung bigla itong bubuhos, wala pa rin tayong magagawa. Minsan, bubuhos na lang ito kung kailan wala tayong payong na dala. Tulad na lang ngayon, naisipan kong pumunta sa parke para magpahangin, ngunit bigla na lang bumuhos ang ulan. Sumilong ako sa waiting area na walang tao. Sana lang hindi ako makita ng taong ayaw kong makita.

Tinanggal ko ang aking I.D strap at pinangtirintas ko sa aking buhok dahil basang-basa na. Nilagay ko naman ang I.D ko sa shoulder bag ko. Ramdam ko ang ginaw ng upuang semento sa aking pag-upo, pero hindi ko na lamang ininda. Napayakap ako sa aking sarili habang hinihintay ang sandaling pagtila ng ulan. Tiningnan ko ang oras, alas kwatro nang hapon, napaaga ito. Sana kanina pa ako pumunta sa bakeshop para hintayin na lamang ang 5:00pm to 8:00pm na duty ko.

Ilang minuto lang ang nakalipas nang may kulay puting motor na huminto sa harapan ng waiting shed. Ang nakasakay rito ay mabilis na bumaba at pumasok sa loob. Pumuwesto ito sa kabilang upuan, nakaharap ito sa akin. Pagtanggal nito sa suot niyang helmet, nalaglag ang aking panga. My stomach churned. Kung may iniinom lang siguro akong tubig, kanina pa ako nabulunan.

Siya na naman.

Para siyang ulan, hindi ko inaasahan, pero dumating.

Nag-iwas ako ng tingin bago pa man nito maiangat ang kan’yang mukha papunta sa akin. The last thing I wanted is to see his eyes again. Instead of thinking about this guy, I just look at the other side of the shed and watch the rain as it falls from the roof. Gusto kong tumingin sa p’westo niya pero natatakot akong makita siyang nakatitig sa akin. Ang lakas lakas ng presensya niya na halos ‘di na ako makahinga.

What the hell is happening to me? Epekto ba ito ng lamig at puyat ko? Nakalimutan ko pang kumain ng lunch.

Imbes na panoorin ang ulan ay muli ko na lamang kinalikot ang phone ko. Halos tatlumpung minuto rin akong nag-i-scan sa account ko sa wattpad. Nang mapansin ko na lalong lumalakas na ang ulan, nag-text na ako sa kaibigan ko na baka late ako makauwi.

Tatayo na sana ako para umalis nang marinig ko ang lalaki na tumikhim. Napatingin tuloy ako sa gawi niya.

“Na-stuck ka rin?” nakangiting usisa niya. Sobrang random ng kan’yang tanong na dahilan upang mapataas ako ng kilay.

Mukha bang hindi? Mukha bang nandito ako para maramdaman ang lamig ng hangin at ulan? Mukha bang nag-e-enjoy ako sa sobrang lamig, partida, basang-basa pa ako?

“Madalas kitang makita ah,” dugtong niya. I stare him with disbelief. Mula sa aking mukha, ang kan’yang tingin ay lumipat sa aking buhok. “Wala ka bang panyo? Basang- basa ka na.”

Alam ko, hindi ako manhid para ‘di ko maramdamang basang-basa ako.

Teka, bakit ba nakikipag-usap ‘to?

Napansin niya yatang hindi na ako komportable kaya muli itong tumingin sa akin. His dimples showed up again, revealing an infectious smile. “Ang tahimik kasi, hindi nakakatulong ang buhos ng ulan. Peace tayo, ang daldal ko ba?”

Hindi, hindi ka madaldal, sobrang nakakabingi nga ang katahimikan mo e’,” sabi ko sa aking isip. ‘Yun ang mga salitang gusto kong sabihin. Itinaas ko ang aking kamay, isinara ko ang aking mga daliri at saka ito muling ibinuka malapit sa aking bibig. Umiling ako pagkatapos. Isinesenyas ko sa kan’ya na ‘di ako nakakapagsalita. Hindi pa ba niya ito halata noong nasa bakeshop siya? 

“Alam ko, hindi mo na kailangang sabihin sa akin,” sabi niya at bahagyang natawa. “P’wedeng lumapit? Promise, ‘di ako masamang tao. Swear.” Nang itaas niya ang kan’yang kamay habang nangangako, gusto kong tumawa pero pinigilan ko.

He’s just… I don’t even know kung paano siya ilarawan. He’s a breathe of fresh air. Para siyang bata na nangangakong hindi na gagawa ng masama. Sobrang genuine niya. For I don’t know what reason, I nodded. 

He smiles before he stood from his seat and went at the right side beside me. May kalahating metro siguro ang layo niya mula sa p’westo ko.

He’s the first guy who actually didn’t flinch nor even look at me with pity. Mas gusto ko ‘yung ganoong tingin, ayaw ko na may naaawa sa akin.

“Less than four hours left,” sambit niya nang tumingin siya sa kan’yang relo. He’s really fond of talking, not just to me but also to his own self. When his eyes darted towards me, he smiles. There again, ngumiti na naman. Ang saya sigurong hambalusin ng mukha niya, permanente na yata ang mga ngiti nito.

“Anong pangalan mo?” he queried cheerfully. He’s staring right at me. “Ah wait,” he said as if he had just realized something. May kinuha ito sa kan’yang bulsa. It’s his phone.

“Here,” he offered. Ang mata ko ay nagpabalik-balik ng tingin sa kan’ya at sa selpon na hawak niya. He’s insane! Anong gusto niyang gawin ko? Ilagay ang number ko?

Nabasa niya yata ang nasa isip ko kaya agaran niya itong ibinaba.

“’Yung cellphone mo na lang kung ayaw mo ‘to. Phone na p’wedeng communication natin, ‘yun na lang gamitin mo para kausapin ako. Baka lang kasi iniisip mo na kinukuha ko ang number mo,” natatawang saad niya habang nagkakamot pa ito ng ulo. Saka ko lang naunawaan ang gusto niyang sabihin. I judged him too much. Kinuha ko ang sarili kong phone mula sa bag ko saka nagtipa ng mensahe.

            Me: Huwag mo na lang po
                    akong pansinin. Pretend
                    na wala po ako.

Pagkatapos ko itong itipa ay ipinakita ko sa kan’ya. Nang ito’y mabasa niya, his lips slowly curved upward. He looked amused by the words I typed. Parang gusto pa niyang tumawa.

Ano bang nakakatawa sa mga sinabi ko? I didn’t find humor in it.

Magsasalita na sana siya nang mapansin niya ang panginginig ng aking mga kamay. Kumukulubot na rin kasi ang dulo ng aking mga daliri. Kaunting nawala ang kan’yang mga ngiti. And I hate it. I don’t want the care from his eyes.

“Pasensya ka na, wala akong tuyong jacket. Baka kapag binigay ko pa sayo ‘to, lalo kang lamigin. Gusto kong magpaka-gentleman pero hindi ako gentle. But I am a man so I need your approval first before I’ll be a good man.”

Hindi ko napigilan ang matawa. And when he saw my smile, I saw surprise in his eyes.

“Wow, ngumiti ka,” hindi makapaniwalang sambit niya. Mabilis ko namang ibinalik ang dati kong ekspresyon.

“Ay, binawi,” muli nitong saad habang natatawa. Pagkunwa’y nagtanong siya. “Gusto mo bang hatid na lang kita pauwi? Kahit hindi na sa bahay ninyo, sa sakayan na lang kung sasakay ka pa pauwi. Tutal basa naman tayo pareho. Hindi na titila ang ulan, baka matagalan pa.”

Why does he care? Hindi naman niya ako kilala. We just met three times. Sinong matinong tao ang mag-o-offer ng tulong sa isang estranghero?

“Huwag kang mag-alala, hindi talaga ako masamang tao. Nagmamalasakit lang, para kasing mahihimatay ka na sa sobrang lamig. Kahit i-picture mo pa ako, post mo sa facebook tapos sabihin mo sa caption na kasama ko ang gwapong ‘to. Kung may mangyari sa akin na masama, hanapin niyo ‘to. Ganu’n.”

I roll my eyes but he just laughed. Naging komportable tuloy ako sa presensya niya. “Ano, tara na? Pauwi na rin naman ako. Bibili lang ako ng tinapay at kape sa ‘Happy Bites’.”

Kinuha ko ang aking selpon at mabilis na nagtipa. Pagkatapos ay ipinabasa ko sa kan’ya.

                 Me: Seryoso? Happy
                         Bites?  Kung saan
                         ako  nagta-trabaho?

He thumbs up. “Yes, dadaan ako ru’n pauwi. Seryoso ako, kahit i-picture mo ako tapos I-send mo sa kahit sino para malaman nila na kasama mo ako.”

Gusto kong tanungin ang pangalan niya ngunit ‘di ko magawa. Hindi ko alam, nakasanayan ko nang huwag magtanong kung may bago akong taong nakikilala. Ayaw ko lang talaga. Imbes na magprotesta, tumayo na ako.

“Teka, ayaw mo?” pigil niya sa akin. Tumayo na rin siya. Muli akong nagtipa ng mga salita.

              Me: I need to get
                     your plate number
                     and send it to my friend.

Pagkabasa niya sa itinipa ko, natawa siya. “Grabe ka, naniniwala ka talaga na masama akong tao? Hindi naman lahat ng tao sa mundo masama. Hindi lahat ng gumagawa ng kabutihan ay may kasama nang masamang motibo. Pero go on, hindi kita pipigilan.”

Ginawa ko nga, kinuha ko ang plate number niya sabay send sa kaibigan ko. Nang matapos kong ipadala ang mensahe, nakasakay na ang lalaki sa motorsiklo. Pinaandar niya ito saka ako tiningnan. Minsan ay napapakurap siya dahil sa buhos ng ulan na dumadampi sa kan’yang mukha.

He extended his arms to give the helmet to me. “Isuot mo muna ‘to.”

Umiling ako sabay senyas na siya na lang ang gumamit. Hindi naman p’wedeng ilabas ko ang phone ko dahil ‘di naman ito waterproof. “Huwag na matigas ang ulo. Isuot mo na para makaalis na tayo. Sobrang basa ka na.”

Wow. Nahiya naman ako sa kan’ya, tuyong-tuyo siya. Minsan, ito ang ayaw ko sa mga taong mababait, ang hirap nilang sungitan at saktan. They are so fragile na kahit anong oras ay bigla na lang silang masasaktan nang hindi sinasadya. Their heart may break any moment.

At dahil likas na matigas ang ulo ko, naglakad ako papunta sa kan’yang likuran saka umangkas. Tinapik ko siya sa balikat.

I heard him laughs and says. “Matigas nga pala ang ulo ng mga tao.”

Siya na lamang ang nagsuot ng helmet. “Bahala ka na kung saan ka hahawak, kung saan ka komportable. P’wede kang humawak d’yan sa likod o p’wede sa akin. Suit yourself. English na ‘yun,” natatawang sabi niya bago nito pinaharurot ang motor. Hindi ako humawak sa kan’ya kundi sa likod ng upuan.

Wala akong ibang inisip habang kami ay nasa daan. Hindi rin siya nagsasalita. Wala akong tiwala sa taong ‘to ngunit sumama ako. Sumama ako dahil kung sakali man na gusto niya akong patayin, okay lang. I don’t need to do it myself.

But somehow, I felt safe. Somehow.

Mahigit sampung minuto lang, nakarating na kami sa Happy Bites. Tinapik ko siyang muli tanda ng aking pasasalamat. Pagbaba namin ng motor, agaran kaming sumilong. Kahit basa, kinuha ko ang aking selpon sa aking bag at nagtipa ng mensahe.

              Me: Thank you so much.
                      Huwag ka na 
                      mamayang magbayad.
                      Ako nang bahala. Once
                      na magbayad ka, hindi
                       ka na welcome dito
                       sa loob ng shop.

Nang ipabasa ko sa kan’ya, natawa siya. “Okay. Pero teka, bago ka pumasok sa loob, ano nga pala ang pangalan mo?”

              Me: Kapag nagkita pa tayo
                      ulit. Malalaman mo na.

“Fair enough. Sige na, mauna ka na sa loob. Kunin ko lang ‘yung susi, nakalimutan ko. Goodnight,” ngiting tugon nito.

I nod and smile. I mouthed ‘thank you’. He answered me with a thumbs up.

Pagkapasok ko sa loob ng bakeshop, kinausap ko ang isa sa mga kasamahan ko na ako ang magbabayad sa bibilhin ng lalaking papasok at may jacket na asul. Nagtaka sila dahil ‘di ko man lang alam ang pangalan. I just smile at them before I went at the comfort room and change my clothes.

---------
Nilalagnat ako. Kung bakit ba naman kasi ang hina ng resistensya ko. Gusto ko nang matulog pero ewan ko ba kung bakit ko 'siya' hinihintay. When the clock strikes at 10:00, hinintay ko ang message niya. And he's right in time.

FIVEMONTHS: 10:00! Eksakto!

FIVEMONTHS: Squash! May k'wento ako!

FIVEMONTHS: Squasssh!

SQUASH: Oh?

FIVEMONTHS: !!!!!

FIVEMONTHS: (⊙_ʘ)

FIVEMONTHS: (⊙_⊙)

FIVEMONTHS: (ⓛ_ⓛ)

FIVEMONTHS: Squash sampalin mo nga ako!

FIVEMONTHS: Namamalik mata yata ako!

FIVEMONTHS: You replied at my third message! Magpapaparty ako! Ngayon din!

FIVEMONTHS: Yaya! Ilabas ang lechon.

FIVEMONTHS: Ilabas ang mga mamahaling kasangkapan at ating ipagdiwang ang pagdating ng ating mahal na reyna! Bilis!

FIVEMONTHS: Pati mga itlog at talong!

FIVEMONTHS: Magtotorta tayo!

SQUASH: Gago.

FIVEMONTHS: Hahahaha. Owemjie!! Nakabasa na naman ako ng censored word. Huhuhuhu. My innocent vocabulary.

SQUASH: Pa-inosente ka.

FIVEMONTHS: Inosente pa talaga ako.  Huhuhuhu.

SQUASH: Tigilan mo ako.

FIVEMONTHS: Pero teka lang!Kinikilig na naman ako!!!!

FIVEMONTHS: P'wede na akong mamatay!

FIVEMONTHS: Sa kilig! Hahaha. Okay na sa akin na mamatay basta nakangiti.

SQUASH: Baliw.

FIVEMONTHS: Hahaha. Nagulat lang ako kasi ang bilis mo mag-reply. Singbilis ng heartbeat ko ngayon.

FIVEMONTHS: Tsug! Tsug! Ganu'n!

SQUASH: Ano 'yang puso mo? Tren? Gusto mo ipasagasa ko 'yan? Huwag mo ngang dagdagan sakit ng ulo ko sayo.

FIVEMONTHS: Dug dug dug! 'Yan pala dapat. Hahaha. Iba na-copypaste ko sa google.

FIVEMONTHS: (^________^)

SQUASH: Anong meron? Ba't parang nasobrahan ka na naman ng saya?

FIVEMONTHS: Sobrang saya kamo!

FIVEMONTHS: Nag-uumapaw.

FIVEMONTHS: Kung tulad lang ng load na p'wede mag-share ng saya, ginawa ko na. Hahaha.

SQUASH: No need to share.

FIVEMONTHS: Bakit? Masaya ka ba ngayon? Pareho ba tayong binuhusan ng saya ngayong araw?

SQUASH: Hindi. Ikaw ba't ka masaya?

FIVEMONTHS: Ang saya saya ko!!!

SQUASH: Hindi obvious. Kulang na lang tumakbo ka sa harap ko at magtatatalon.

FIVEMONTHS:  Hahaha. Kung p'wede nga lang e'. Grabe! Alam mo bang muntikan na akong mamatay kanina?

FIVEMONTHS: 'Yung kilig ko kasi. Hahaha. Nasobrahan ako sa kilig, muntikan na akong himatayin!

FIVEMONTHS: ♪┏(・o・)┛♪

SQUASH: Ang abnormal ng emoticon mo. Gan'yan ka ba kasaya?

FIVEMONTHS: Oo naman. Hahaha. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganu'n na saya. Mas malala pa nang sobra.

SQUASH: Ngayon ka lang ba masaya?

FIVEMONTHS: Lagi naman akong masaya. Lalo kapag 10:00 na, iba lang kanina. Alam mo 'yung pakiramdam na kahit kabadong-kabado at kilig na kilig ka na, kailangan mong pigilan kasi baka mahalata niya! Ganu'n!

I halted when I read his message. Masaya siya sa iba. May babae na siyang gusto. Eh ano 'tong pinaggagawa niya sa akin? Ano 'tong effort na pinapakita niya? Kung masaya naman na pala siya, bakit pa niya ako ginugulo?

SQUASH: Ah K.

'Yun lang ang nasabi ko. Ayaw kong magmukhang ewan pero wala akong mahagilap na salita. Ang babaw ko na naman.

FIVEMONTHS: Huwag kang magseselos ha? Loyal naman ako sayo. Hahahaha.

SQUASH: Para kang nangangaliwa sa pinaggagawa mo. Kung kani-kaninong babae ka nagiging masaya.

FIVEMONTHS: Hala! Hindi. Hindi ko kayang mangaliwa.

SQUASH: Then what do you call this? You're making an effort just to chat with me. Tapos masaya ka rin sa ibang babae? Ano 'tong ginagawa mo? Mag-pa-fall ng tao? Tapos ano?

FIVEMONTHS: (◎ ◎)ゞ

FIVEMONTHS: :((((

SQUASH: Screw. You.

FIVEMONTHS: Huhuhu. Galit ka ba?

FIVEMONTHS: Pa-fall? Ako?

FIVEMONTHS: Hindi naman ako nagpapa-fall kung hindi ko sasaluhin 'yung tao Squash.

SQUASH: Damn it Five! Tigilan mo na ako. Kung may babae ka na at masaya ka na, huwag mo na hayaang may mahulog pa sa'yo na iba!

FIVEMONTHS: Squaaaassshh!

FIVEMONTHS: Hindi sa ganu'n.

FIVEMONTHS: Ang hirap kasing i-explain.

FIVEMONTHS: Mag-reply ka naman oh!

FIVEMONTHS: Pleasssee.

FIVEMONTHS: Shit! I need to explain.

Sumasakit ang ulo ko. Arrg! Epekto na siguro 'to ng ulan kanina. Ilang gabi akong napupuyat at hindi na halos kumakain ng tatlong beses sa isang araw kaya siguro ganito. Pati si Five napagbubuntunan ko sa sakit ng aking ulo.

FIVEMONTHS: Crush ko 'yun Squash. Ang crush pang-minuto o oras lang. Ang pag-ibig, habang buhay 'yan.

FIVEMONTHS: Nagseselos ka na ngayon?

FIVEMONTHS: Sorry Squash pero bakit ako kinikilig? Hindi ko alam pero napapangiti ako. Huhuhu

FIVEMONTHS: Huhuhuhu. Mukha na akong tanga. Nakangiti ako lalo Squash!

FIVEMONTHS: Pigilan mo ako. Baka dalhin na ako sa mental nito.

FIVEMONTHS: Baka mapagkamalan na talaga akong baliw. Hahaha.

FIVEMONTHS: Wala akong pakialam kung galit ka ngayon kasi pakiramdam ko nagseselos ka.

FIVEMONTHS: Squash.

FIVEMONTHS: 'Uy sorry na.

FIVEMONTHS: Hindi naman kita sasaktan ng ganu'n.

SQUASH: Hindi ako nagseselos.

FIVEMONTHS: Thanks God!

FIVEMONTHS: Nagreply ka.

SQUASH: Matutulog na ako.

FIVEMONTHS: Hala! May 30 minutes pa! Squaassshhh don't leave meee!

FIVEMONTHS: Sorry kung may nasabi akong mali. Sorry.

FIVEMONTHS: I'm sincerely sorry.

SQUASH: K.

FIVEMONTHS: Hindi ka galit?

SQUASH: I'm just sick. Kaya napagbuntunan siguro kita.

FIVEMONTHS: MAY SAKIT KA???!?

FIVEMONTHS: ANONG NANGYARI?!

SQUASH: Ang o.a mo. Naulanan lang. Puyat ako ng ilang gabi. Tapos nabasa ako ng ulan. Kaya masama pakiramdam ko. Tulog na ako.

FIVEMONTHS: Inom ka ng maraming tubig.  :((((

FIVEMONTHS: Nawala saya ko:(

SQUASH: I'm fine. I just need sleep.

FIVEMONTHS: Bakit ganito Squash? Bakit kung kailan ang saya saya natin, du'n naman darating 'yung mga ganito? Gusto mo bang puntahan kita? Pakilala na ako.

SQUASH: Baliw! Just go. Matulog ka na rin.

FIVEMONTHS: Naulanan ka ba? Sa susunod magdala ka ng payong kasi lagi nang umuulan. Paghandaan mo kasi, dapat lagi lang may dala.

SQUASH: Kahit naman paghandaan ang isang bagay kung nakatadhanang pumalpak ito, wala ka pa ring magagawa.

FIVEMONTHS: Mas maganda na 'yung naghanda ka at naging palpak, at least you've tried. Kaysa 'yung pumalpak ka kasi hindi ka naman talaga naghanda. You never tried, you never did.

FIVEMONTHS: Baka 'di ako makatulog:(

FIVEMONTHS: Para matanggal sakit ng ulo mo, kain ka ng kaunting pipino tapos ilagay mo sa lemon juice. Baka sakaling umepekto:((

SQUASH: Can we just sleep? Don't reply anymore. Mag-out na ako. Bye.

Pagkatapos kong mag-out, ipinikit ko na ang aking mga mata. At sa pagpikit ko, ramdam kong wala na ang hinarang kong pader. Wala na.

                             HIS POV

I looked at the sky. Sobrang lapit kung titingnan. It feels so close. Pero hindi ko maabot kahit pa abutin ko gamit ang aking mga kamay.

Parang siya. Malayo pa bago ko siya maabot nang tuluyan.

Pero okay lang. Kahit hindi ko siya maabot, may alaala naman na ako sa kan'ya. Alaala na sana ay mananatili sa puso niya.

Wala naman talaga akong panghahawakan kundi Siya– ang lumikha. Ako at si Kalabasa, nabubuhay kami sa parehong oras at nakikita namin ang parehong ulap. 

Kailangan ko lang 'yun tandaan para huwag mawala ang paniniwala kong kahit magkalayo kami, may koneksyon pa rin kami sa isa't isa.

Pero pangako, lalaban ako. I'll do everything to live, hindi ako susuko. This is just a test.

"Winther Iris Torres! Saan ka nanggaling?! Hah?! Alam mo bang halos mamatay na kami sa pag-aalala dahil sa papel na 'to?!" sigaw ng kapatid ko, habang umaagos ang luha ng lahat na nakatingin sa akin.

Nahinto ako sa paglalakad palapit nang makita ko ang medical result sa kamay ng aking ina.

Jesus Christ. Why do they have to discover it now? Ayaw kong kaawaan nila ako.

"Bunso, bakit ka naglihim?" tanong ng isa ko pa na kapatid, kagagaling yata sa trabaho. "Bakit 'di mo sinabi? Why did you suffer it alone? How did you manage to laugh and smile at us! Why?!"

I laughed painfully.

"I did try. But you never spared me just a bit of your time. Kailan ba kayo nagtanong?"

                              #####

(PS: Thank you so much sa inyong lahat.)

Continue Reading

You'll Also Like

19M 578K 53
She vowed to stay. She just needed a keeper for maintenance. Henrietta Arturia is a drop-dead, gorgeous ice princess and yeah, a Freniere Mafia Reape...
437 76 11
Chryzantha Faye Vontemar, a senior high school student under HUMSS track, a ray of hope and perseverance for every student. Ilang beses man siyang na...
485 92 14
Issyl Ramirez, a senior high school student known as the muse of her campus, doesn't believe in anything supernatural. On her first day at school, a...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...