Right Here Waiting Ashrald Fa...

By MyanVedad

184K 2.1K 393

More

Right Here Waiting Ashrald Fan Fiction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25A
Chapter 25B
Chapter 25C
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Epilogue
Author's Note
Back At One...

Chapter 12

4K 42 4
By MyanVedad

"Ge, malayo pa ba tayo???"

"Malapit na tayo, hawak kang mabuti medyo malubak tong daan..." bilin nito sa kanya.

Ilang beses na ba siyang nagtanong dito? Ilang beses na rin ba siyang sinagot nito? Halos isang oras na silang nagbabyahe pero hanggang ngayon hindi pa rin sila nakakarating sa kung saan man siya nito balak dalhin.

Maaga siya nitong sinundo sa kanila, ipinaalam siya sa mommy at daddy niya. Iniimbitahan daw kasi siya ng mommy nito for lunch, nung una parang hindi siya naniniwala dahil kung totoo man ang sinabi nito eh sigurado niyang magtetext ang mommy nito sa kanya pero pumayag na rin siya kalaunan. Pumayag naman ang mga magulang niya kahit hindi kasama ang ate niya, may tiwala naman daw ang mga ito sa binata.

Inenjoy niya na lang ang sarili sa magandang tanawing nakikita niya. Nararamdaman niya na rin kasi ang init mula sa sikat ng araw kahit pa nga may suot-suot siyang jacket. Napapahigpit rin ang kapit niya sa bewang ng binata sa tuwing dadaan sila sa malubak na lugar. Maya maya pa'y may nakita siyang signboard "Welcome to Hasyenda Evangelina!!!"

"Evangelina? Katunog yun ng pangalan ni Tita ahhh...Evangeline!" bulong ni Sarah sa sarili.

"were here!!!" narinig niyang sabi nito. Tinulungan siya nitong makababa ng motorsiklo, ito rin ang nagtanggal ng suot-suot niyang helmet.

"wow, ang ganda naman dito!!!" nakangiting sabi niya nang makita ang kabuuan ng lugar. Nasa pinakamataas na parte sila ng hasyenda kaya kitang-kita mula dito ang kabuuan ng lupain.

"ganyan din ang reaksyon ni mommy ng unang punta niya dito." Sabi nito ng hindi tumitingin sa kanya.

Lumingon siya sa gawi nito "huh?"

"anniversary gift to ni Daddy kay Mommy!" sabi nito sa kanya ng nakangiti. "Pasok na tayo sa loob, masyado ng mainit, ayaw kong magkasunburn ka." Pumasok sila sa loob ng bahay, sinalubong naman sila ng mommy nito.

"Hija! Im glad you're here!" bati sa kanya ng mommy nito habang bumebeso. "ang tagal ko ng nagrerequest dito sa anak ko na dalhin ka sa bahay para naman makapag bonding tayo, sabi niya baka hindi daw pumayag parents mo kaya nagulat ako ng sabihin niyang dito ka mag lalunch sa hasyenda." Mahabang sabi ng mommy nito.

Tumingin siya kay Gerald at sinabing "mommy mo pala ha!" ngumiti lang ito.

"ay!!!maiwan ko muna kayong dalawa diyan ha! Ipapahanda ko lang yung pagkain para makapaglunch na tayo. Anak, ikaw na muna bahala kay Sarah ha!" bilin dito ng ina.

"okay ma, don't worry"

"Feel at home lang Hija..." sabi nito bago pumunta ng kusina.

"opo tita!!!"

"Lika Sa, upo muna tayo..." yaya nito sa kanya habang hinuhubad ang suot-suot na jacket. "ikaw? Hindi ka ba naiinitan diyan?" turo nito sa jacket na suot-suot niya.

"ay oo nga pala...kaya pala kanina pa ako pinagpapawisan." Sabi niya saka hinubad ang jacket, kinuha naman nito ito saka ipinatong sa coffee table. Napansin niya ang mga pictures na nakapatong sa isang mesa. Lumapit siya para makitang mabuti ang mga ito.

"ang cute niya naman nung bata pa..." bulong niya sa sarili ng makita ang picture nito hawak-hawak ang isang bola.

"ba't ka nangingiti diyan? Ikaw ha pinagpapantasyahan mo picture ko..." nakangiting sabi nito.

"pinagpapantasyahan ka diyan! Baliw...tinitingnan lang eh..." sabi niya sabay pitik ng tenga nito. Tinitingnan niya pa ang ibang mga pictures ng mahagip ng mga mata niya ang isang picture nito habang yakap yakap ng isang lalake, kinuha niya ito at pinagmasdan ng mabuti. "Ge, sino to?" hindi niya napigilang itanong sa binata.

"ahh yan? Si daddy!!! Hindi mo pa ba siya nakikita? Ay!!! oo nga pala, ikaw pa si Ms. Sungit nung mga panahong buhay pa si dad." Sabi nito ng natatawa, hinampas naman niya ito. "Bakit? Gwapo noh? Sakin nagmana yan eh..."

Gwapo nga ang daddy nito bilugan ang mga mata, matangos ang ilong, perfectly shaped din ang mga labi nito pero bakit parang... "hay naku sarah kung anu-anong iniisip mo, tumigil ka nga" saway niya sa sarili.

Hindi rin nagtagal tinawag na sila ng mommy nito para kumain. Tawanan sila ng tawanan habang kumakain, nagkwento ang mommy nito ng mga kalokohan ng anak nung bata pa ito.

"grabe ka Ge, malala ka pa pala sa iniisip ko." Sabi niya matapos magkwento ng mommy.

"pero mabait naman yan, may pagkapilyo nga lang minsan..." sabi pa ng mommy nito. "sandali lang hija may kukunin lang ako sa taas." Tumayo ito pero nagulat sila ng bigla na lang itong natumba, mabuti na lang at naalalayan niya ito kaagad kaya't hindi ito tuluyang nahulog sa sahig.

"tita okay lang po ba kayo?" tanong niya dito.

"oo nga ma, maputla rin kayo..." nag-aalalang tanong ni Gerald sa ina.

"ano ba kayo, okay lang ako. Napagod lang siguro ako, huwag niyo kong alalahanin. Gerald ipasyal mo naman tong si Sarah sa hasyenda ng maenjoy niya naman ang pagpunta niya dito." Utos dito ng ina.

"oo nga pala!!!" sabi nito sabay tapik ng noo. "pero ma, sure kang okay ka lang?" tanong ulit nito sa ina, tumango naman ito. "kung ganun, let's go baby girl!!!" yaya nito sa kanya.

Namasyal sila sa loob ng hasyenda, pinakilala siya nito sa mga trabahador. Kitang-kita niya kung gano nito kamahal ang mga trabahor kaya hindi kataka-takang ganun din ang mga ito sa binata. Kung anu-ano rin ang mga kinain nila habang namamasyal, umupo sila sa isang bench malapit sa isang tree house ng makaramdam ng pagod.

"ang laki namang tree house nun!" turo niya dun sa tree house.

"ahh yan ba...pinasadya talaga yan ni dad for mom, mahilig kasing mamasyal si mommy kapag nandito sila kaya pinagawa yan ni dad para kapag nakaramdam sila ng pagod, hindi na nila kailangan pang bumalik ng bahay para magpahinga."

"ang sweet pala ng daddy mo noh?"

"yah!!!he's the sweetest ever...pero alam mo hindi ko iniexpect na magiging ganun sila ka sweet sa isa't-isa."

"hah? Bakit naman?"

"madalas silang mag-away when I was a kid, hindi ata kumpleto ang araw nila ng hindi nag-aaway. Minsan nga umaabot pa sila sa puntong nasasaktan nila ang isa't-isa. Ilang beses na rin silang nagplanong maghiwalay, pero hindi nila ito magawa because of lolo. It hurts, ang sakit na makita mo yung mga magulang mo na ganun, sino ba namang anak ang gugustuhin yun diba? Ten years din silang ganun, akala ko nga wala ng pag-asa na magkaayos pa sila, pero nagulat nalang ako ng isang araw dalhin kami dito ni Daddy at sinabing binili niya tong lupang to for mom. That was the happiest day of my life, dun ko nakita kung gano kamahal ni dad ang mom. Yun din ang araw na hindi ko sila nakitang nag-away. At lahat ng yun nangyari dito, dito sa hasyendang to. Simula nun itinuring kung couples land ang lupang to, feeling ko kasi swerte to sa mga couples. Sacred ang lugar na to para sakin even Maj and Fred didn't know about this, gusto ko kasi, yung pinaka unang babaeng dadalhin ko dito eh yung babaeng makakasama ko habang buhay at ikaw yun Sa, ikaw yun..." seryosong sabi nito.

Ayaw niya mang aminin pero kinilig siya sa mga sinabi nito. Sino ba naman ang hindi noh, ikaw ba naman ang sabihan ng lalakeng mahal mo na ikaw ang gusto niyang makasama habang buhay, hindi ka kikiligin? Dinaan niya na lang sa biro ang kilig na nararamdaman. "ikaw Gerald ha, chumicheesy ka na naman..." biro niya dito.

"baby girl naman eh...ang seryoso ko dito tapos dinadaan mo lang sa biro..." reklamo sa kanya nito. "ay wait lang, may kukunin lang ako diyan sa tree house, diyan ka lang ha huwag kang aalis..." bilin nito sa kanya.

"tingin mo sakin bata? Opo dito lang po ako promise..." sabi niya saka itinaas ang kanang kamay na parang nanunumpa.

"good girl..."sabi nito sabay kindat. Umakyat na ito sa tree house, hindi rin nagtagal nakita niya na itong pababa hawak ang isang regalo. "happy first monthsary baby girl..." bati nito sa kanya saka binigay yung regalo.

"naks naman, akala ko nakalimutan mo na..." nakangiting sabi niya.

"pwede ba naman yun? Buksan mo na bilis" natatawang sabi nito.

"ha?"

"buksan mo na yang gift ko sayo, dali..." natatawa pa ring sabi nito.

"oo na, eto na po bubuksan na, ba't ba atat na atat kang buksan ko to? Bigla tuloy akong kinabahan kung ano to, baby boy ha, baka kung anong laman nito..." sabi niya habang binubuksan ang regalo, maya maya pa nabuksan niya na ito, nagulat siya nang makita ang laman ng regalo...

........

.........

...........

..........

"KATOL!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" patanong na sigaw niya kay Gerald, tumawa naman ito ng pagkalakas lakas... "grrrrr...nakakainis ka, bahala ka sa buhay mo!!!" sabi niya saka naglakad palayo dito.

"baby girl wait lang! san ka ba pupunta..." natatawa pa ring tawag nito sa kanya.

"uuwi na!!!" sigaw niya.

"uuwi ka na? o sige bahala ka..." narinig niyang sabi nito.

"teka, tama ba ang dinig ko? Pumapayag na siyang umuwi ako, hindi man lang ba niya ako pipigilan?" sunod-sunod na tanong niya sa sarili.

"bahala ka, di kita pipigilan kung gusto mo na talagang umuwi, kaya lang walang maghahatid sayo, wala ding taxi dito..." natatawa pa ring sabi nito sa kanya. Saka niya lang naalala na nasa hasyenda nga pala sila nito at hindi siya makakauwi kung hindi siya ihahatid nito.

"argh...nakakainis ka talaga Heraldo" nanggigigil na sabi niya. Padabog na lumapit siya dito. "ihatid mo na ako..." asik niya dito.

"Ihahatid ka? O sige...pero hug mo muna ako..." nangingiting sabi nito.

"ayoko nga, tingin mo sakin uto uto?"

"ayaw mo? Eh di huwag, kung sabagay marami namang bakanteng kwarto sa bahay, pwe-"

"eto na nga oh, gagawin na..." sabi niya sabay yakap dito.

"I love you baby girl!!!" bulong nito sa kanya habang yakap-yakap siya.

Hinampas niya ito sa braso. "Nakakainis ka naman eh..."

"Bakit?" tanong nito sa kanya.

"nagtatanong ka pa, alam mo okay lang naman sakin kahit wala kang regalo eh, makasama lang kita masaya na ako dun. Hindi naman ako nagagalit dahil dun sa regalo, naiinis ako kasi parang lahat dinadaan mo sa biro."

"okay sorry na, gusto ko lang naman kasing maging memorable para sayo tong 1st monthsary natin. Ang hirap kayang mag-isip ng regalo for you alam mo ba yun? Kasi lahat parang nasayo na, gusto ko kung magbibigay ako yung siguradong hindi mo makakalimutan, yung tipong pag nakita mo maalala mo tong araw na to. Kaya nga yan yung binigay ko eh..." natatawa paring sabi nito, hinampas niya ulit ito sa braso. "seryoso, ineexpect mo ba ang ganyang regalo? Diba hindi? At pustahan tayo hindi mo talaga makakalimutan tong araw na to dahil diyan. Saka alam mo bang may meaning yang katol na yan for me?" kumunot ang noo niya. "alam mo bang simula ng maging girlfriend kita, sinabi ko sa sarili ko na akin ka lang, na wala ng ibang pwedeng humawak sayo kundi ako lang, wala ng iba kahit pa lamok man yan. Sa umaga alam kong mababantayan kita pero kapag sumapit na ang gabi, wala na ako para mabantayan ka pa, kaya ayan binigyan kita niyan para kahit wala ako, alam kong may proteksyon ka." Seryosong sabi nito.

"nakakainis ka talaga!!!"

"bakit na naman?"

"eh kasi kahit na ang corny mo kinikilig pa rin ako..."

"talaga? Kinikilig ka?"

"oo, akin na nga yang kamay mo."

"bakit?"

"basta bigay mo nalang..." sabi niya, inabot naman nito ang kamay nito.

"o ayan, happy 1st monthsary. Hindi ko ugaling mag regalo ha, salamat ka binigyan pa kita" sabi niya habang sinusuot niya dito ang relong regalo niya. "alam ko hindi yan kasing ganda at kasing mahal katulad ng binibili sayo ng mommy mo pero gusto kong malaman mo na...

....

....

....

....naubos ang allowance ko dahil diyan." Ganting biro niya dito. Humagalpak naman ito ng tawa... "I love you!!!" sabi niya dito.

"ang sweet naman ng baby girl ko..." yayakapin sana siya nito pero pinigilan niya.

"nakakarami ka na ahh..."

"baby girl naman, isa na lang please..." hindi na siya nakatanggi pa nang yakapin siya nito. "I love you too..." bulong ulit nito sa kanya. Humiwalay ito sa pagkakayakap sa kanya at pumunta sa likuran niya, maya-maya pa'y naramdaman niyang may sinusuot ito sa leeg niya. "seryoso ako sa mga sinabi ko kanina, totoong lahat ng yun, pero hindi naman ako papayag na katol lang ang matanggap mo sa espesyal na araw na to, ayoko namang isipin mo na ang boyfriend mo mas kuripot pa sayo..." sabi nito matapos maisuot sa kanya ang kwintas na regalo nito. Pinitik niya ang tenga nito.

"hay naku Heraldo, gusto mo ata akong patayin sa mga pinagagagawa mo. Kelan ka ba mauubusan ng mga surprises? Huwag mo kong sasanayin sa mga ganyan kasi baka masanay ako."

"eh di masanay ka, wala naman akong planong ihinto to eh..." sabi nito sa kanya, hawak hawak ang kamay niya. "oh my God baby girl 5 o' clock na, we need to go 6 o' clock ang curfew mo, bilis..."

waaaaaaaaahhhhhhhhhh...nakakadrain ng utak...haha...

Continue Reading

You'll Also Like

36.6K 1.3K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
327K 5.1K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...