Protecting the Campus Royalti...

By Baepreshyy

7.5M 202K 41.4K

"Far from being Ordinary Girls" ang papasok sa isang sikat na paaralan kung saan nandoon ang mga kalalakihang... More

PTCR
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69

CHAPTER 50

74.4K 2.2K 1.3K
By Baepreshyy

★★★

Zell's POV

----------

It's been a month. Isang buwan na ang nakalilipas simula nung nawala siya pero hanggang ngayon, sobrang guilty pa rin ako. Alam kong kasalanan ko ang lahat ng 'yon. Ako ang dapat na nabaril, hindi siya. Ako ang pakay ni Ellisandra pero siya ang sumalo ng lahat. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang lahat ng 'yon. Hindi ko alam kung paano.. Hindi ko na alam..

Malamig ang simoy ng hangin ang sumalubong sa'kin pagbaba ko ng sasakyan. Andito na ako sa sementeryo. Kaagad kong kinuha ang mga bulaklak na dala ko para hindi ko 'yon makalimutan.

May pasok ngayon pero mas pinili kong pumunta rito sa sementeryo para bumisita. Nakasuot ako ng aming school uniform at maya maya na lang ay mag-uumpisa na ang aming klase. Wala na akong pake alam kung ma-late ako o hindi basta ang alam ko, gusto kong pumuntahan ang lugar na ito.

Hindi ko siya nabisita noong araw ng mga patay. Ngayon lang ako dadalaw. Malapit na nga ang aming Christmas party. Ito na siguro ang pinakamlungkot kong pasko. Bakit ba kasi nangyayari ang lahat ng ito?

Nilagay ko ang isang basket ng bulaklak sa tabi ng puntod niya. Umupo ako sa damuhan habang nakatingin sa kaniyang lapida.

"Hi..." Sabi ko at ngumiti na tila nasa harap ko siya.

Umihip ang hangin. Katamtaman ang sikat ng araw ngayon kaya okay lang kung magpabilad ako sa araw kahit ilang minuto lang.

"Kumusta ka dyan?" Tanong ko at huminga ng malalim. "Sana okay dyan..." Ngumiti ako at hinaplos ang kaniyang lapida kung saan nakaukit ang kaniyang pangalan. Ang petsa ng kaniyang kaarawan at ang petsa kung kailan siya namatay...

Pasensya na kung ngayon lang ako nakadalaw. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Hindi ko rin alam... Ang hirap tanggapin.

Ilang minuto pa akong nakatunganga habang nakaupo ro'n. Nakatingin lang ako sa lapida niya nang biglang umihip ang malamig na hangin. Para kong naramdaman na siya 'yan. Nakangiti habang tinitingnan akong nandito sa puntod niya.

Gusto kong isipin ang lahat ng puwedeng mangyari kung hindi siya namatay. Huminga ako ng malalim. Tapos na eh. Wala na akong magagawa dahil tapos na.

Napatingin ako sa aking wrist watch at tumayo na. Sa huling beses ay tumingin ako sa kaniyang puntod...

Zaeidra Clau Maximo..

Naglakad na ako palayo doon. Bumalik na ako sa sasakyan at sumakay na. Driver namin ang nagmamaneho dahil simula nang gabing binaril si Wayne ay agad 'tong kumalat hanggang sa nalaman ng mga magulang ko kaya pinagbawalan nila akong sumakay ng taxi o magmanehong mag-isa.

Lumingon pa ako sa sementeryo habang tumatakbo ang sasakyan namin. I just want to visit his sister's grave. After all, kapatid pa rin siya ng naging boyfriend ko. Hindi ako makapaniwala na wala na siya. Na siya pala ang nawala! Naalala ko 'yong mga araw na nakikita ko siya. Ang bata bata pa niya!

At ngayong nalaman kong buhay pa pala ang taong 'yon at si Zaeidra ang namatay, hindi ko maiwasang isipin kung bakit hindi man lang siya nagpakita sa akin! Bakit hindi man lang siya nagparamdam! Sinayang ko lahat ng luha ko. Akala ko patay na siya pero buhay pa pala. Hinayaan niya akong magdusa para sa wala!

Kung mahal niya talaga ako, hindi niya gagawin sa 'kin 'yon pero ginawa niya... Hindi rin ako makapaniwala na kaya niyang hindi magpakita sa akin hayaan akong magdusa sa pagkawala niya... Eh ano ang magagawa ko? We were still kids! Malay ko ba baka hindi totoo lahat ng ipinakita niya sa akin noon? We were kids but that doesn't mean it wasn't serious!

Nang makarating ako sa eskwelahan ay bumaba na ako at naglakad papasok ng building. Ang bigat ng dibdib ko. Pasan pasan ko ang bigat sa lahat ng nangyayari.

At gaya ng dati, yung ibang estudyante na kararating lang din ay napapatingin sa 'kin. Hanggang ngayon kasi, mainit pa ang nangyari sa gabing 'yon.

Naalala ko noong pabalik na kami sa ospital matapos mahuli si Ellisandra at matapos tumawag si Sasha na agad ibinalita ang kalagayan ni Wayne... Sariwa pa 'yon sa aking utak at naaalala ko bawat oras na dumadaan.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Yumie ng sasakyan. Lumaban ka, Wayne. Lumaban ka!

Kaagad kaming nakarating sa ospital. Hindi na ako nagulat na ang daming media sa entrance nito. Marami ring nagkalat na mga pulis sa paligid. Ang ingay ng paligid para lang malaman kung ano ang nangyari sa isang Wayne Ford Laurent. Alam kong sikat siya, mayaman, matalino, hinahangaan, at Third Prince ng isang prestihiyosong eskwelahan pero para naman yata siyang artista dahil sa pagdumog ng media!

Nakapasok kaagad kami ng hospital. Naghintay kami sa labas ng O.R. Kita pa ang natuyong dugo sa kamay ko.

"Sasha!" Si Yumie.

Napatingin sa 'min ang mangiyak-ngiyak na si Sasha. Tumayo siya at malungkot na nakatingin sa amin.

"He died..." Nanginig ang boses niya. Nanlaki naman ang mga mata ko. Para akong nanghina dahil sa narinig ko. Unti-unting nag-iinit ang aking mga mata.

What? Hindi puwede... Mali ang narinig ko! Lalaban siya! Alam ko!

"Napaka walanghiya talaga 'yang si Ellisandra!" Si Yumie.

"P-Pero na defibrillate s-siya.. Ang sabi ng doctor, lumalaban daw si Wayne..." Kusang tumulo ang luha ko. Lumalaban si Wayne... Hindi niya kami iiwan. Oh my gosh.

Ganyan nga, Wayne, please. Lumaban ka.

Umupo na muna kami doon sa labas ng Operating room. Hindi ko alam kung nasaan ang mga kaibigan ni Wayne pero mukhang binabantayan naman sila ni Axiesse dahil patingin tingin silang tatlo sa kanilang mga wrist watch.

Hindi nagtagal ay umuwi na muna sila ni Axiesse at Yumie. Nagpaiwan naman si Sasha para samahan ako. Saktong pag-alis nila ay ang pagdating ng tatlo. Naupo sila sa upuan sa harap ko. Walang umimik sa 'ming apat. Pareho silang seryoso. Galit. Hindi ko alam. Baka galit sila sa akin.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nakatulog ako sa balikat ni Sasha habang suot-suot pa rin ang damit kong may dugo ni Wayne.

Nagising nalang ako nang gumalaw si Sasha. Agad akong nagmulat ng mga mata at napatingin sa paligid.

"Nasaan na si Wayne?" 'Yan ang unang lumabas sa bibig ko.

Napabuntong hininga siya. "He's in Coma. Nasa ICU na siya."

Naghalo ulit ang galit at lungkot ko. Galit dahil sa gumawa no'n kay Wayne. Galit sa sarili ko dahil ako ang dapat na nabaril! Ako ang dapat na nasa sitwasyon niya. Kasalanan ko! At lungkot dahil siya ang sumalo ng lahat ng para sa 'kin! Sino ba ako? Ha? Sino ba naman ako sa buhay niya?

"Nandito na ang mga magulang ni Wayne..."

Napatingin ako kay Sasha na nakatingin din sa 'kin.

"Gusto kong makita si Wayne," wala sa sariling sambit ko sabay tayo.

Sobrang guilt ang nararamdaman ko sa ngayon na para bang gusto ko nalang magpabaon sa lupa. At... natatakot din ako sa kalagayan ni Wayne. Sa akin naman talaga dapat mapunta ang sisi.

"Nasa sixth floor si Wayne pero hindi rin tayo makakapunta roon. Exclusive ngayon ang lugar na 'yon. Madaming mga guards na kumakalat."

Napabuntong hininga ako.

"At... nagpunta rito si Sir Will. Siya na ang kumausap sa mga pulis na balak ka sanang kausapin dahil ikaw 'yong nagdala kay Wayne dito."

Tumango lang ako sa sinabi niya. Hindi naman na ako kailangan kausapin at hingan ng testigo pa ng mga pulis dahil nahuli na rin ang kriminal. She's heading now to her cage. Dinala na si Ellisandra ng Interpol at hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa kaniya.

Sinubukan kong pumunta sa ikaanim na palapag pero nabigo ako. Sobrang higpit ng security! Bigong bigo ako dahil hindi ko rin makakausap ang mga magulang ni Wayne dahil bawal daw sabi ng mga guards kaya umuwi nalang ako. Bigong-bigo at laglag ang mga balikat.

Pagkarating ko sa bahay ay hinang hina ako sa lahat. Naglinis muna ako ng katawan bago bumagsak sa kama.

Napahikbi ako. Wayne, kakayanin mo diba? Lalaban ka. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Nang dahil sa 'kin muntik ka nang mawala. Wayne, I'm sorry... I'm so sorry. Itatama ko ang lahat. Gusto kong bumawi pagkagising mo. Babawi ako.

Halos hindi ako makatulog. Dalawa o tatlong oras lang siguro ang naitulog ko dahil sa sobrang pag-iisip kay Wayne. Sa araw ding 'yon ay nagkalagnat ako. Nalaman din ng mga magulang ko ang nangyari. Nalaman nila na nandoon ako kasama ni Wayne noong nabaril siya kaya pinagbawalan nila akong lumabas ng bahay. Wala rin akong magawa dahil sobrang sakit ng katawan ko. Para ring bibiyak ang ulo ko sa sakit.

Minsan napapaluha nalang ako sa dalawang rason: Sakit sa ulo at buong katawan at sa kalagayan ni Wayne.

Natulog nalang ako buong araw pagkatapos kong uminom ng gamot.

Nagising nalang ako ulit na masakit ang likod. Napabangon ako sa kama at uminom ng tubig na nasa side table. Bigla nalang nahagip ng paningin ko ang digital clock ko na may kasamang date dito sa kwarto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang oras at ang petsa.

DALAWANG ARAW AKONG TULOG?!

Sa dalawang araw kong pagtulog at sa hindi pagbisita kay Wayne ay agad akong sinalubong ng isang balita...

Wala na si Wayne..

Agad na nanghina ang katawan ko. Napaupo ako sa kama matapos mabasa ang text na galing kay Axiesse.

Wala na si Wayne? Nasaan siya? Patay na siya?

Parang bumagsak ang lahat lahat sa akin.

Sandaling natigilan ang mundo ko. Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin! Hindi maproseso ng utak ko ang mga nalaman. Hindi makahinga pero nabunutan ng tinik sa dibdib nang matanggap ang isa pang balita na galing din kay Axiesse.

From: Axiesse

Ang alam ko, sa abroad siya pinagamot. Hindi ko alam kung saang lugar. Hindi ko rin ma track.

Napahinga ako ng malalim.

Buhay pa siya... Gusto kong maiyak. Bakit naman kasi hindi kinompleto ni Axiesse ang ibabalita sa akin? Muntik na! Pakiramdam ko, maiiyak ako malalang emosyong nararamdaman!

Dire-diretso lang ang lakad ko papasok ng Campus. Hindi ko na pinansin 'yong mga nagbubulungan. Isang buwan na. Hindi pa rin siya bumabalik. Hindi ko alam kung babalik pa ba 'yon dito.

Naging malaking balita ang nangyari kay Wayne. Nayanig ang buong paaralan pati na rin ang buong bansa dahil naibalita sa National TV ang nangyari sa kaniya. Usap-usapan din 'yon ng karamihan. Sa nangyari sa kaniya na dapat ay sa 'kin nangyari, maraming nagbago. Hindi natuloy ang photography contest nina Axiesse at Zae. Canceled at ang iba ay naka halt ang mga activities. Naging malungkot ang buong eskwelahan. Pero pagkatapos ng dalawang linggo, naibalik din sa dati. Hindi nga lang kasing normal noong nandito pa si Wayne.

At sa loob ng dalawang linggo, hindi naging maayos ang pag-aaral ni Klenth dahil sa biglaang pagkawala ni Ellisandra. Naging magulo ang buhay niya. Naging mahirap kay Yumie ang kaniyang misyon dahil sa pabalik balik ni Klenth sa bar. Napapaaway din si Klenth, madalas. At madalas ding to the rescue ang kawawang si Yumie.

"Hi daaaaay!" Bungad sa 'kin nina Arjie at Cherwin nang makarating ako sa room.

Marami talagang nangyari sa paglipas ng panahon. Three weeks pagkatapos noong gabing 'yon, kumalat ang balita na si Ellisandra ang bumaril kay Wayne. Kumalat din na isa siyang international criminal. Nalaman din ni Zae na si Elli ang pumatay sa kaniyang kapatid. Si Zae at ang kaniyang pamilya lang ang nakakaalam no'n dahil sensitibo at eksklusibo ang bagay na 'yon, bagay na hindi dapat isinasalawat sa publiko. Pero ang hindi nila alam ay kami ang humuli kay Ellisandra.

Naupo na ako sa upuan ko. Nilabas ko ang earphones at nagsoundtrip nalang. Nandito na rin si Sasha na parating tulog, Yumie na nagseselfie na naman, at si Axiesse na kumakain ng shawarma. Maybe, for them, it's just a normal day... pero para sa akin, hindi.

I was summoned to the headquarters and my mission is halted. Nabawasan ang points ko. I was almost scolded. It's disappointing. I'm disappointed at myself.

"Haaayss. Na miss ko na si Wayne..." Rinig kong sabi ni Arjie habang nakaupo sa kaniyang upuan at nakapatong ang kamay sa kaniyang mesa.

Nakatingin lang siya sa bakanteng upuan na matagal ng walang umuupo. Ang upuan ni Wayne.

Napatitig ako sa upuan ni Wayne. Ngayong araw na ba siya papasok? Uuwi na ba siya rito sa Pilipinas? Napabuntong hininga ako. Pinilig ko ang aking ulo at dineretso ang tingin sa harapan. Maya maya ay dumating na ang unang lecturer namin.

Agad kong kinurot ang kamay ni Sasha na hanggang ngayon ay tulog pa.

"Sasha, gising na."

Kinurot ko siya ulit. Nagmulat siya ng mga mata at si Yumie ang ginantihan kurot.

"Ikaw ha! Bakit ka nangungurot eh kita mo naman na natutulog 'yong tao!" Inis na sambit niya.

Kumunot naman ang noo ni Yumie.

"Anong pinagsasabi mo dyan? Eh hindi nga kita inaano dyan tapos ako kukurutin mo?"
Si Yumie.

"Kinurot mo kaya ako!"

"Oy, Sasha. Hindi kita kinurot noh."

"Sinungaleng!"

"Ay bahala ka dyan, Yoon."

Magsasalita na sana si Sasha kaso lang nakita ko na napatingin sa kaniya si Marx. Napatikom ang kaniyang bibig at napayuko. Tss. Kay Marx lang ba titiklop?

Nandito na 'yong mga Campus Royalties. Patuloy pa rin silang binabantayan nila Axiesse.

Pagkatapos ng aming klase sa umaga ay lunch na. Napagdesisyunan ko na hindi muna ulit ako maglu-lunch. Sina Sasha lang 'yong naglunch dahil hindi ako sumama. Pumunta ako sa library at agad na nagtungo roon sa likod ng mga bookshelves kung saan doon ako tinuruan ni Wayne sa math.

Umupo ako sa may sahig at kinuha ang sticky notes ko saka sinulatan.

Day 41. Hi, Wayne. Bumalik ka na please? I miss you so much. At siguro alam mo naman na gusto kita o baka hindi mo alam. Hehe.

-Ms.ProblematicInMath

Dinikit ko na yung sticky note sa ilalim ng bookshelf. Confident naman akong walang makakakita no'n. Gusto kong matawa sa mga isinulat ko roon. I'm really problematic in math kasi ang hirap hirap. Hindi ko alam kung paano ko nalagpasan noon. Siguro dahil ang hirap talaga ng mga itinuturo rito sa Sky Hexton. Marami naman akong awards noon pero mukhang malabo na rito sa Sky Hexton.

Napatitig ako sa sticky note ko. Totoong... gusto kita, Wayne. Siguro ngayon ko lang napagtanto na gusto talaga kita. Na unti-unting nawawala ang nararamdaman ko sa taong nasa nakaraan ko dahil sa 'yo. Gusto kita kahit ang gulo gulo ko. Alam kong gusto kita kahit ang gulo gulo ko...

Sa sumunod na araw ay gano'n pa rin. Papasok sa eskwelahan. Makikita ang kaniyang bakanteng upuan. Maririnig ang kaniyang pangalan na pinag-uusapan. Mahihirapan sa math. Walang magtuturo para maintindihan. Pupunta sa library at didikit ng sticky notes.

Sa bahay gano'n rin, walang bulaklak na dadating. Walang video call na magri-ring. Walang ngingiti na Wayne. Walang magtu-tutor sa akin at tutulong sa mga assignments ko.

Sa sumunod pang mga araw ay natagpuan ko 'yong kwintas na binigay sa 'kin ni Wayne. Eto 'yong kwintas na binigay niya at sa araw ding 'yon, pumunta ako sa kanilang mansion dahil may sakit siya at walang nag-aalaga sa kaniya.

Sa sumunod na linggo ay sobrang busy kami sa pag submit ng mga requirements. May mga practicum pa. May film pa kaming ginagawa tapos kung ano ano pa pero kahit gano'n, hindi ko pa rin nakakaligtaan ang pagsulat sa sticky notes.

Day 56 na! Wayne! Balik ka na! Please! Pero kung nagpapagaling ka pa okay lang. Take your time! Hays. Sobrang busy ngayon. Pati 'yong damit ko basang basa dahil sa practicum! Natuyuan na ako ng pawis dahil naubos na 'yong mga extra t-shirt ko. Share ko lang. :)

-Ms.ProblematicInMath

Napailing ako matapos kong maidikit yung sticky notes. Habang tumatagal, parang nagfa-fan girling na ako ah?

Pagkatapos no'n ay lumabas na ako ng library para pumunta ng canteen. Nandoon na rin sina Arjie at Cherwin kasama sina Sasha, Yumie, at Axiesse. Kumuha na ako ng pagkain at umupo na, tahimik lang.

Napasulyap ako sa upuan ng mga Campus Royalties. Tatlo lang sila. Wala si Wayne. Napabuntong hininga ako at kumain nalang. Hindi kailanman ako masasanay.

Tahimik lang akong kumakain habang sina Sasha, Arjie, at Cherwin naman ay nagkukwentuhan.

Gusto kong magtanong sa kanilang tatlo, sa mga Campus Royalties kung kailan babalik si Wayne o kung babalik pa ba siya rito. Ang maisip na hindi na siya babalik ay nakakapanlumo. Wala akong komunikasyon sa kaniya. Sa tuwing tinatawagan ko siya ay palaging out of coverage! Masakit sa puso at nakakapanghina ang lahat. 'Yong pakiramdam na... may gusto kang sabihin sa isang tao pero wala kang magawa dahil hindi mo alam kung paano kahit na moderno na ang panahon ngayon. Ang tanging magagawa mo lang ay ang maghintay sa pagbalik niya kahit walang kasiguraduhan.

Napabuntong hininga ako ng malakas. Buong oras ay si Wayne lang ang iniisip ko. Alam ko naman na kahit naging normal ulit ang school ay deep inside sa puso ng lahat, nami-miss na siya rito.

Bigla nalang pumasok sa isip ko ang kuya ni Zae. Siya, kailan siya babalik? Alam ko sa sarili ko na may kaonting narararamdaman pa akong natira sa kaniya pero siya? Alam kong maraming taon na ang lumipas pero may nararamdaman pa rin ba siya sa akin? Kung oo, bakit niya ako iniwan diba? Bakit nabalitaan ko nalang namatay na siya kahit hindi naman totoo diba? Kung oo, bakit hindi siya nagparamdam sa 'kin?

Matapos akong kumain ay sinilip ko muna ang table ng Campus Royalties. Nang makita na ko na tumayo si Zae at lumabas ng canteen ay tumayo na rin ako at palihim na sinundan siya.

Walang tao rito sa hallway dahil halos lahat sila ay nasa canteen na. 'Yong iba naman ay nasa library siguro o kung saan mang sulok ng eskwelahan.

Tinakbo ko ang distansya namin ni Zae habang naglalakad siya. Nang maabutan siya ay agad kong hinawakan ang kaniyang braso.

"Sandali, Zae..." Agad siyang napalingon sa 'kin tapos sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Agad kong tinanggal 'yon at bahagyang napayuko.

"What do you want?" Napalunok ako sa lamig ng boses niya. Nakaka intimidate! Nakaharap ako sa hari ng paaralang ito. Pinakamatalino! Hindi ko nga alam kung paano 'to napapakisamahan ni Axiesse.

"Puwede bang magtanong?"

He sighed.

"What is it?"

"Uhmm... Kumusta na pala a-ang kuya mo?"

Kumunot ang noo niya sa tanong ko. Tumingin siya ng diretso sa aking mga mata.

"Why do you ask?"

"Gusto kong malaman kung okay lang ba siya-"

"He's doing fine in New York."

Napatiim ako ng labi sa sinabi niya. Doing fine, huh?

"Kailan siya babalik?"

"He will never come back," aniya at tinalikuran ako.

Gusto kong batuhin si Zae ng sapatos ko. Argh! Bastos talaga! Kita niya na kinakausap ko pa siya eh. May hindi tuloy ako natanong!

Sa sumunod pang mga araw ay maaga ang dismissal namin. Wala pa ring Wayne na dumating.

"Bye! Uwi na ako," paalam ko kina Axiesse.

Naglalakad ako ngayon palabas ng building. Hindi ko na kailangang magpa-iwan dito sa school o mag delay dahil wala rin naman ang subject ko. Hindi pa bumabalik.

Napabuntong hininga ako at kinuha ang earphones. Sinaksak ko na 'yon sa aking cellphone at nag soundtrip nang biglang may humawak sa siko ko. Halos mapatalon ako sa nangyari at napatingin sa taong humawak sa braso ko!

"M-Marx? Bakit?"

Binitawan niya na ang aking braso at namulsa.

"Please wait for him. I think he really really likes you..."
Aniya at ako na naman ang tinalikuran.

Napakurap kurap ako sa sinabi niya. Tiningnan ko ang likod niya habang naglalakad siya. What did he say? Sino ang tinutukoy niya...

Kumabog ang puso ko. Wait for him?

Sumakay na ako sa sasakyan namin. Sinabi ko sa driver ang pupuntahan ko.

Nang makarating kami roon ay bumaba na ako sa sasakyan. Nandito ako sa may bangin kung saan aksidente niya akong nahalikan.

Sinalubong ko ang hanging umihip. Nagpasilong kaagad ako sa may puno doon dahil medyo mainit. Huminga ako ng malalim habang tinatanaw ang buong syudad. I miss Wayne so much. It's been a month. Malapit ng mag two months ng wala siya. Ayaw kong umabot pa sa gano'n ka tagal. Pakiramdam ko sobrang miss na miss ko na siya nakakabaliw!

Napatingin ako sa puno ro'n. Kumuha ako ng batong may matulis na parte saka may inukit doon sa puno...

I miss you...

Medyo napangiti ako sa inukit ko. Nababaliw na siguro ako. Naalala ko 'yong sinabi sa 'kin ni Marx. Hihintayin ko si Wayne? Hihintayin ko talaga siya. Parang bumaliktad ang sitwasyon, ah? No'ng nanliligaw pa siya, ang sabi niya hihintayin niya ako pero ngayon? Ako na ang maghihintay sa pagbalik niya.

Napangiti ako nang nay maisip na ideya! Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at dali daling rumecord ng voice message.

"Hi..." Huminga ako ng malalim at tiningnan ang screen kung saan tumatakbo ang duration ng aking voice message. "Wayne, I miss you.. Marami pa akong gustong sabihin sa 'yo kaya p-please? Come back... Gusto na kitang mayakap."

Tumikhim ako at napapikit. Mabuti nalang at malayo ang sasakyan at driver namin.

S

inend ko na ang voice message kahit imposible namang mapakinggan niya 'yon!

Bahala na!

Sa sunod pang mga araw ay nahuli ako sa klase dahil late na ako natulog at late din na ring nagising. Nagmamadali ako sa pag-ligo at pag-ayos. Nakalimutan ko na ngang kumain dahil isang oras na akong late!

Pagkarating ko sa eskwelahan ay nagulat ako nang hindi pa nag-uumpisa ang klase. Nasa fourth floor ang room namin at nandito pa lamang ako sa second floor! Nagtataka nga ako dahil marami pang mga estudyante ang nagkalat at mukhang walang balak na pumasok sa kani-kanilang mga room!

"Daaaay! daaaay!" Sigaw ni Cherwin at inalog alog ang balikat ko. Nandito na ako sa room at sinalubong kaagad nila ako.

"Oh? An-anong-"

"Today is a great day! Nakabalik na si Wayne!"

Nanlaki ang mga mata ko. Natigilan ako at hindi makagalaw. Babalik na siya?! Nakabalik na siya? Papasok na ba siya dito sa eskwelahan? Makikita ko na ba siya?

Agad naman akong nilapitan ni Sasha na may naka plaster na ngiti sa labi. Parang alam ko na kung bakit parang walang pasok ngayon at kung bakit maraming estudyante ang hindi pa pumapasok sa kanilang mga classroom.

"Nandito na si Wayne sa school! Nandoon na siya sa Royal room at maya maya nalang lalabas na siya..."

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
78.5K 1.9K 51
Love Letter Series#1 "When you stop chasing the wrong one, you give the right one a chance to catch you!" TEASER Bog. . bog. .bog Kasabay ng pag palp...
1.4M 56.3K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
288K 20.3K 91
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...