Right Here Waiting Ashrald Fa...

By MyanVedad

184K 2.1K 393

More

Right Here Waiting Ashrald Fan Fiction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25A
Chapter 25B
Chapter 25C
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Epilogue
Author's Note
Back At One...

Chapter 9

3.9K 55 6
By MyanVedad

"Ang daya naman eh...wala namang ganyang word." Reklamo niya habang naglalaro sila ng scrabble. Limang buwan na matapos silang maging magkaibigan, 4th year high school na sila ngayon, katulad ng dati magkakakaklase pa rin sila. Madalas itong pumunta sa bahay nila, minsan kasama sina Fred at Maja, minsan naman mag-isa lang ito. Katulad nalang ngayon, mag-isa itong pumunta sa kanila, may pinuntahan daw kasing family reunion yung dalawa. Sabado ngayon kaya walang pasok, naisipan nilang mag-laro ng scrabble, wala kasi silang maisip na ibang magandang gawin.

"anong wala? Meron...tingnan mo pa sa dictionary." Sagot ni Gerald sa kanya.

"o sige nga kung talagang meron, anong ibig sabihin niyan?" tanong niya dito.

"hmmm...ano..." sabi nito habang ang mga mata'y nakatingin sa taas. "ano...hmmm...ewan nakalimutan ko na basta merong word na ganyan." Patuloy nito. Napatingin naman siya sa pinto ng may magsalita.

"Good afternoon sweetheart..." ang daddy niya.

"oh...hi Dad!!!" lumapit siya sa ama saka humalik sa pisngi nito.

"tito, good afternoon po..." bati naman ni Gerald dito saka nakipagkamay.

"kaya pala nasa gate palang ako dinig ko na ang boses nitong si Sarah, yun pala andito ka..." sabi nito kay Gerald. "asan mommy mo?" tanong sa kanya ng ama saka umupo sa sofa.

"Nasa kitchen po, gumagawa ng meryenda kasama si ate." Umupo siya sa sofa katapat ng daddy niya tumabi naman sa kanya si Gerald. "kasi naman Dad, ang daya-daya, ang hilig mag-imbento..." sumbong niya sa ama.

"Sus, di mo lang matanggap na talo ka." Sabi sa kanya ni Gerald sabay pisil ng ilong niya.

"ehem...nandito ang tatay baka nakakalimutan." Ang daddy niya.

"Ay sorry po tito..." nahihiyang paumanhin nito sa daddy niya sabay takip ng throw pillow sa mukha. Napangiti naman si Sarah ng makitang namumula ang mukha ng binata.

"Siyanga pala Dad, bakit ang aga niyo? 3:00 palang ahh..." tanong niya sa ama.

""Na miss ko mommy niyo eh..." sabi nito ng nakangiti.

"Ayieee...si daddy cheesy..." tukso niya sa ama.

"asus...ikaw nga diyan eh..." sabi sa kanya ng ama, napakunot noo naman siya "Anong ako?" tanong niya sa sarili. Nakita niyang tumingin ang daddy niya kay Gerald. "Matanong nga kita iho, nanliligaw ka ba sa anak ko?" derechong tanong nito sa binata, nakita niya kung pano namula ang mukha at tenga nito. Maging siya ay namula sa tinanong ng ama.

"Dad!!!" saway niya dito ngunit hindi siya nito pinansin.

"Baka akala mo hindi ko napapansin ang mga titig mo sa anak ko, kung natutunaw lang siguro yan, matagal na yang natunaw. Akala mo rin hindi ko napapansin na madalas kang pumunta dito. Natutuwa rin naman ako sa ginagawa mo, sabi ko nga sa mga yan kung may manliligaw man sa kanila gusto ko dito sa loob ng bahay. Ayaw ko silang makita sa kung saan saang kanto diyan na nakikipagligawan. Hindi na rin naman sila bumabata, alam kong darating ang panahon na magkaka asawa at magkaka anak ang mga yan. Darating ang panahon na hindi nalang ako ang lalake sa buhay nila. Gusto kong malaman mo na Masaya ako sa kung ano mang meron kayo nitong anak ko, ipangako mo lang na aalagaan at hindi mo sasaktan itong prinsesa ko. Ayaw kong makitang umiiyak yan, o kahit na sino man sa kanilang dalawa ng ate niya. Ano iho? Maipapangako mo ba na aalagaan mo tong prinsesa ko? Maipapangako mo ba na siya lang ang mamahalin mo at wala ng iba? Aba kailangan kong makasigurado na walang kaagaw tong anak ko. Sa itsura mong yan, tiyak na maraming babae ang umaali-aligid sayo." Mahabang sabi ng daddy niya dito. Tahimik lang naman itong nakikinig.

"Don't worry tito promise aalagaan ko po ang prinsesa ninyo..." sabi nito sa daddy niya sabay taas ng kanang kamay na animoy nanunumpa.

"Tumigil nga kayong dalawa..." saway niya sa mga ito. Kanina pa siya namumula sa mga pinagsasasabi ng daddy niya. "ano ka ba Dad, ni hindi nga nanliligaw sakin tong si Gerald kung makapagbilin naman kayo daig ko pa ang mag-aasawa. Hello, Dad, remember? 15 pa lang po ako...eto namang si Gerald may pa promise promise na nalalaman." Sabi niya.

"hindi ba nanliligaw sayo tong mokong na to?" tanong sa kanya ng daddy niya sabay turo kay Gerald. "Bro, ang bagal mo..." sabi dito ng daddy niya. "Huwag kang babagal bagal, baka maunahan ka ng iba..."

"Dad!!!" saway niya ulit sa ama pero katulad ng dati hindi siya nito pinakinggan.

"bibigyan kita ng tips ha...kapag manliligaw ka diyan sa anak ko huwag ganyan ang suotin mo. Dapat casual para mas gwapo"

"Dad, tawag ka ni mommy sa kitchen" tawag niya sa daddy niya pero hindi pa rin siya nito pinapansin.

"kahit huwag ka ng magdala ng bulaklak tsaka chocolates, hindi naman yan mahilig diyan. Yang anak kong yan magpapakipot yan sa umpisa pero kap-"

"Gerald nag text sakin mommy mo, umuwi ka na raw..." putol niya sa sasabihin ng ama.

"Ha? pero-" hindi na nito natapos ang sasabihin ng pandilatan niya ito ng mata. "ay oo nga pala tito, may pupuntahan pala kami ni mommy, bukas nalang po ulit tito..." paalam nito sa daddy niya.

"sige iho, huwag mong kakalimutan yung mga payo ko sayo ha...bilisan mo..."

"Gerald bilis na...kanina pa sakin nag ttext ang mommy mo..." taboy niya ulit dito habang tinutulak ito palabas ng pinto. Tiningnan niya ng masama ang ama ng makaalis si Gerald.

"Honey im home!!!!!!!!" sigaw ng daddy niya saka tumakbo papuntang kusina.

"DADDY!!!!!!!!!!!!!!" tawag niya sa daddy niya saka ito hinabol.

_______________________________________________________________________________

"babe! Gising na, tanghali na oh..."

"mamaya na lang...maaga pa naman eh, saka Sunday ngayon walang pasok. " reklamo niya sa ate niya.

"anong maaga pa, alas nuebe napo mahal na prinsesa...bumangon ka na diyan at maligo ka na, magsisimba pa tayong dalawa.

"tayong dalawa? sina mommy't daddy?"

"wala, kanina pa umalis...silver wedding anniversary daw nung kaibigan nila, baka bukas na raw sila makauwi. Bumangon ka na diyan."

"5 minutes na lang...please!!!" pagmamakaawa niya sa ate niya.

"o sige 5 minutes, after 5 minutes bumaba ka na ha...magpapa prepare lang ako kay manang ng breakfast natin..." sabi nito saka lumabas ng kwarto niya. After 5 minutes bumalik ito para gising siya.

"Sarah gising na!!!ano ba, daig mo pa ang barako kung matulog..." gising sa kanya ng ate niya.

"Another 5 minutes pa ate..."

"anong another 5 minutes? Bumangon ka na diyan, aabutin tayo ng gabi sa kakafive minutes mo na yan eh..."

"ate sige na, 5 minutes na lang talaga..." pilit niya sa ate niya.

"hindi, bumangon kana diyan....si Gerald kanina pa sa baba, ano papapasukin ko na dito?"

"ba't ngayon mo lang sinabi???" tanong niya sa ate niya saka tumayo siya mula sa pagkakahiga, tumawa naman ng malakas ang ate niya ng makita ang reaksyon niya. "ate naman eh..."

"Effective palang alarm clock ang pangalan ni Gerald" sabi ng ate niya. babalik pa sana siya sa kama niya ng hilahin siya ng ate niya at itulak papunta sa banyo. "maligo ka na, hintayin kita sa baba." Sabi nito sa kanya.

"Tse!!!"

Pumunta sila ng mall pakatapos nilang magsimba, dun na rin sila nananghalian. Alas sais na nang hapon ng makauwi sila ng bahay. Magpapaturo siya sa ate niyang magluto ng adobo, naghahanda na sila para magluto.

"babe, ba't ka umiiyak?" tanong sa kanya ng ate niya.

"eto kasing sibuyas nakakaiyak..." sagot niya dito.

"ako na nga niyan...ikaw na lang humiwa nung patatas." Binigay niya sa ate niya ang sibuyas saka inumpisahang hiwain ang patatas. Nasa kalagitnaan siya ng paghihiwa ng tawagin siya ng katulong nila.

"Sarah may bisita ka..."

"Sige po manang susunod po ako..."sabi niya sa matanda "ate iwan muna kita dito, tingnan ko lang kung sino yung bwisita." Paalam niya sa kapatid habang tumatawa. Pumunta siya sa sala para makita kung sino ang bisita. Nakita niya si Gerald ang linis nitong tingnan sa suot nitong kulay puting damit at maong na pantalon. May hawak itong bulaklak at isang kahon na nababalutan ng kulay pula. "Lalong gumwapo ang mokong" bulong ni sarah sa sarili.

"Ge, ganda ng porma natin ngayon ahh...san punta mo?" Bati niya sa kaibigan.

"Ano kasi baby girl...ahhh, pano ba...ahh...ano...woahhhh, kinakabahan ako..."

"Nangyari sayo Ge? Saka ba't pinagpapawisan ka hindi naman mainit nilalamig nga ako eh...naka drugs ka ba?" tanong niya sa kaibigan.

"Hindi ano kasi...hmmm...man-"

"oh Ge, ikaw pala...gwapo natin ngayon ahh...may bulaklak pa, manliligaw ka ba?" tanong dito ng ate niya.

"ahh...opo sana kung ok lang?"

"ahhh, manliligaw ka..." sabi ng ate niya habang tumatango tango. "ano yan? Chocolate?" turo nito sa kulay pulang box.

"ay, opo..."

"akin na lang ge, hindi naman kumakain ng chocolate yan eh..." sabi nito saka kinuha yung chocolate kay Gerald. "hoy Sarah entertainin mo manliligaw mo..." utos sa kanya ng ate niya.

"ahh manliligaw kita..." wala sa loob na sabi niya. "eh teka..." sabi niya na nanlalaki ang mata. "kanino ka ulit manliligaw? Sa akin?" tanong niya dito.

"ay hindi Sarah, kay Manang. Sino pa ba ang ibang pwedeng ligawan dito? Hindi naman pwede sakin, kahit naman gwapo yan hindi ko pa rin yan type. Hindi rin pwede kay mommy kasi masusuntok yan ni daddy. Pwera na lang kung talagang trip niya si Manang." Sabi ng ate niya sa kanya. "O siya, maiwan ko na muna kayo diyan, yung niluluto ko baka sunog na." paalam sa kanila ng ate niya.

"baby girl, flowers for you." Sabi nito sabay abot ng bulaklak sa kanya.

"Ge, hindi magandang biro to ha!!!" sabi niya dito.

"Hindi naman ako nagbibiro, seryoso ako, tama yung narinig mo, man-"

"Kung tungkol ito dun sa mga sinabi ni daddy kahapon, huwag kang mag-alala nagbibiro lang yun, kung iniisip mo na magagalit sayo ang daddy, nagkaka-"

"Sa, this is not about your Dad. This is about me. Walang kinalaman dito yung mga sinabi ng daddy mo kahapon, siguro kung meron man, yun yung nagkaroon ako ng lakas ng loob na gawin to." Ipinatong nito sa coffee table ang hawak hawak na bulaklak saka hinawakan ang mukha niya. "baby girl tingnan mo ko sa mata, please..." sinunod niya ang sinabi nito, "I love you, hayaan mo akong iparamdam yun sayo..."

"Ge, naririnig mo ba ang sinasabi mo?" sabi niya saka kumawala mula sa pagkakahawak nito. "Kilabutan ka nga...alam mo naguguluhan ka lang, yang nararamdaman mo? Mawawala rin yan hin-"

"sigurado ako sa nararamdaman ko..." putol nito sa sasabihin niya, "sigurado ako ng sabihin ko sayong mahal kita, mahal kita matagal na..."

"Ge, maraming babae diyan, mas maganda, mas sexy, mas matalino at mas matangkad pa kesa sakin."

"Pero ikaw yung gusto ko, ikaw yung mahal ko, ikaw lang ang tinitibok nito." Sabay turo sa tapat ng dibdib nito. "Don't make it hard for me naman oh..." naiiyak na sabi nito. Naawa siya ng makita ang namumuong luha sa mga mata nito, lumapit siya at hinawakan ang mga kamay nito.

"Ba't ka umiiyak?" tanong niya dito.

"eh kasi, parang lahat ng sinasabi ko para sayo puro lang kasinunghalingan..."

"hindi naman sa ganun..." sabi niya na parang kumakausap ng 3 taon na bata. "kaya lang tingnan mo nga, ang babata pa natin para sa mga ganyang bagay..."

"Alam ko naman yun, alam ko rin na hindi ka pa handa. Hindi naman ibig sabihin na porke nanliligaw ako sayo eh sasagutin mo na ako agad, pwede naman bukas...OUCH!!!" nahampas niya ito sa braso dahil sa biro nito. "baka lang naman makalusot, pero seryoso, gaya nga ng sabi ko kanina, hindi naman ibig sabihin na porke nanliligaw ako eh sasagutin mo na ako agad, willing naman akong maghintay. Ang gusto ko lang hayaan mo akong iparamdam at ipakita sayo kung ano yung nararamdaman ko..." mahabang paliwanag nito.

"Talaga willing kang maghintay? Kahit gano katagal?" tanong niya dito.

"hindi ako mapapagod at magsasawang maghintay, kung ang kapalit nito ay ang makasama ka habang buhay..." seryosong sabi nito.

"ang corny mo pala Ge..." biro niya dito.

"Corny...halikan kita diyan eh..."

"anong sabi mo?"

"wala..."

"anong wala, narinig ko yun, sumbong kita diyan kay ate eh..."

"ito naman joke lang..."

"joke lang din naman, alam ko namang hindi mo kayang gawin yun..." sabi niya habang tumatawa. "sige na nga payag na ako..." sabi niya maya-maya.

"payag kang? Payag kang maging tayo na?" tanong nito sa kanya.

"Sira!!! Payag na akong manligaw ka..." saka pinitik ang tenga nito.

"ARAY!!!eto naman hindi na mabiro..." sabi nito saka hinawakan ang kamay niya.

"hep hep hep... masyado ng maraming physical contact yan ah..." saway dito ng ate niya, namula naman ang tenga nito. "Babe, lika na dinner na tayo sumabay ka narin samin Gerald" yaya dito ng ate niya. Umuwi na rin ito matapos ang hapunan.

o ayan mahaba update ko ngayon, kahit na nga maya't maya ang brown out dito...haha...thank you po ulit dun sa mga nagbabasa, nag vovote ska nag cocomment...keep it up...haha...

Continue Reading

You'll Also Like

134K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
Connection By Ara

Fanfiction

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
12.1K 1.7K 45
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
326K 5.1K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...