His Secret Wife

By nininininaaa

48M 296K 138K

[SARMIENTO SERIES #1] I'm Cassandra Talavera or should I say, Cassandra Talavera-Sarmiento. And being his wif... More

HIS SECRET WIFE (PUBLISHED UNDER PSICOM)
His Secret Wife
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Notice

Chapter 3

991K 22.6K 14.1K
By nininininaaa


Chapter 3
Compliment

"Ugh..." I grunted when I felt pain in my back the moment I woke up from sleep.

Kahit pala medyo malambot ang mattress ay hindi pa rin ako ganoon kasanay matulog sa may lapag.

Nilingon ko ang kama ni Manang at nakitang wala na siya doon. Tumayo na ako't tumungo sa may tukador. I stared myself at the mirror, my face look swollen.

Tumungo ako sa maliit na banyo ni Manang dito sa loob ng kwarto niya't nagpasiyang maghilamos. Niligpit ko rin ang pinaghigaan ko at binalik sa loob ng kaniyang kabinet bago lumabas ng kwarto.

Nang maisarado ko ang pintuan ay agad akong nanlamig nang marinig ang boses ng isang babae.

She's still here...

"Come on, dito mo na nga ako pinatulog eh. Bakit ba pinapaalis mo ko agad?" malambing na pagrereklamo ng babae. "Can't I eat first?"

Nagtago ako sa gilid nang makababa na sila ng hagdan. Hinarap ni Sean ang babae.

"No. You have to go." mariin na sabi ni Sean.

"But babe, wala ka namang work 'cause it's Sunday. I'll just stay here and let's have some fun." she flirted with my husband.

Umiwas ako ng tingin nang makitang pinaglalaruan ng kaniyang kamay ang tee shirt ni Sean. Pasimpleng inaangat-angat niya ito.

"I told you, Stacy. I'll go somewhere and it's none of your business!" tumaas na ang tono ng boses ni Sean at binaba ang kaniyang tee shirt.

"It's Daisy, not Stacy." she seems so offended. "I'll go. Just call me." she gave up and went out of our house.

Huminga ako ng malalim nang makaalis na ang babae ngunit hindi pa rin ako lumabas dito sa gilid ng hagdanan.

Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Sean. One sleep isn't enough to forget that fresh memory from last night in my mind. Seeing him will make everything even more painful, especially if he's just going to ignore me again.

"Manang." narinig kong pagtawag ni Sean kay Manang.

Bahagya akong sumilip, nakita kong lumabas si Manang galing sa kusina.

"Bakit, hijo?" tanong nito kay Sean.

"Umuwi po ba si Cassandra?" biglang tanong nito.

Napaawang ang aking bibig sa tinanong ni Sean kay Manang. Ang malamig kong puso ay biglang nag-init. Hindi ako makapaniwala. Is he really asking about me? Does he care for me already?

Thinking that he cares for me made my heart flutter like a butterfly flying so high. Thoughts from last night were instantly washed away from my mind like it didn't happen.

"Oo." tipid na sagot ni Manang.

"Mga anong oras po siya dumating?" sunod niyang tanong at hindi ko mapigilan ang mapangiti.

"Mag-aalas dose na rin siguro." sabi naman ni Manang.

"Saan... po siya natulog?" medyo nag-aalangan pang tanong ni Sean.

"Sa kwarto ko." sabi ni Manang at saka nito tinignan ng mariin si Sean. "Hijo, alam kong hindi kayo magkasundo ng asawa mo pero sana naman ay hindi umaabot sa ganito. Bigyan mo naman siya ng kahit kaunting respeto. Kahit anong sabihin mo, kasal pa rin kayo at asawa mo siya. Kahit sabihin mo pang sa papel lang kayo kasal." pagsesermon ni Manang kay Sean.

Napabuntong hininga naman si Sean at hinilot ang kaniyang sintido na para bang hindi niya rin alam kung ano ang dapat niyang gawin.

"Manang, huwag na po sanang makarating kila daddy 'to." pakiusap ni Sean. "Mag-iingat nalang po ako sa susunod."

Para akong nabagsakan ng mundo nang marinig kong sinabi niyang may susunod pa. When will this kind of routine be over?

"Wag kang mag-alala. Alam kong ayaw din ng asawa mong malaman ng mga magulang niyo kaya hindi ako magsasalita." sabi ni Manang.

"Salamat po, Manang..." nahihiya namang pasasalamat ni Sean.

Napalingon naman si Manang sa gawi ko at bahagyang naningkit pa ang mata dahil hindi siguro ako masiyadong makita.

"Oh! Gising ka na pala, Sandra." puna ni Manang nang masiguradong ako iyon.

Hilaw naman akong ngumiti't lumabas na sa pagtatago saka lumapit sa kanila.

"Good morning po, Manang." bati ko kay Manang at saka lumingon kay Sean. "G-Good morning, Sean." nauutal kong pagbati sa kaniya.

Hinintay kong bumati rin siya sa akin o kahit lumingon lamang ngunit hindi niya ginawa. He remained his straight face, looking at Manang. He refused to look at me.

"Kumain ka na ba? Nagluto ako ng paborito mo." nakangiting sabi sa akin ni Manang.

I appreaciate Manang's effort to make me happy. She even cooked my favorite food dahil alam niyang kahit papaano ay mapapasaya ako non.

"Sige po. Kakain po ako." nakangiting sagot ko at lumingon ulit kay Sean. "Sabay na tayo kumain." pag-aya ko sa kaniya.

"Ikaw nalang. I'm not hungry." simpleng sabi niya sa akin.

Pinilit ko nalang ngumiti. "O-Okay." sabi ko at naglakad na papuntang dining room hawak ang aking balakang dahil medyo masakit ang aking likod. Nagkulang ata ako sa pag-iinat.

"Ayos ka lang ba, hija? May masakit ba sayo?" tanong ni Manang at lumapit sakin nang mapansin ang paghawak ko sa aking balakang.

Nilingon ko ito at umiling. "Di naman po masiyado. Medyo sumakit lang po."

"Sabi ko naman kasi sa'yo na sa kama ko na ikaw matulog. Sanay naman ako sa mattress lang. Magpatingin ka kaya." suwestyon ni Manang.

Bahagya naman akong napatawa sa pag-aalala ni Manang. "Wala lang po 'to. Hindi ko na po kailangang magpatingin. Parang sumakit lang naman po ang likod ko. Mawawala na rin po 'to mamaya."

"Sigurado ka ba?" paninigurado nito sakin.

Tumango ako. "Opo. Kain na po tayo." sabi ko at inaya na si Manang papasok ng kusina.

"Nagcommute ka lang ba pauwi? Hindi mo naman dinala ang kotse mo kahapon." tanong ni Manang sa akin.

Napatigil naman ako. May naghatid nga pala sa akin kagabi... What's his name again?

"May naghatid po sakin." pag-amin ko.

"Oh eh sino naman iyon? Bakit hindi mo man lang pinapasok kagabi?" sabi ni Manang.

"Nakilala ko po doon sa pinuntahan namin nila Nikki. Mabait po siya kaso di ko po maalala yung pangalan. Magha-hating gabi na rin po non kaya hindi ko na po siya pinapasok." sagot ko.

Naalala kong binigyan niya ako ng calling card kagabi ngunit hindi ko na alam kung saan ko 'yon nalagay o naitago. Mabuti nalang at tinawagan ko siya kagabi. Titignan ko nalang sa history mamaya to thank him again.

"Lalaki ba ang naghatid sa'yo, hija?" kuryosong tanong ni Manang.

Napanguso naman ako't unti-unting tumango. "Opo."

"Mabait ba?" sunod niyang tanong.

Ngumiti ako. I'm sure that he's kind. After all, he said that he's not a bad guy. He already proved that to me last night.

"Opo. Mabait po siya. He's also trustworthy at masayang kasama." nakangiting nilingon ko si Manang habang naglalagay ng kanin sa aking plato.

"Hindi kaya siya na ang sagot sa katanungan mong sumaya, Sandra." bigla namang sabi ni Manang at napatigil ako sa paglalagay ng kanin.

My forehead creased. "Po?" I confusedly said.

"Ang taong magmamahal at mag-aalaga sa'yo ng totoo." sabi niya.

Nag-iwas naman ako ng tingin kay Manang at saka kinuha naman ang ulam.

"Manang, alam niyo naman po na si Sean ang mahal ko. Malabo po 'yon." sabi ko nalang.

"Pero Sandra, hindi ka pa ba nagsasawa? Lagi kayong ganito ni Sean. Tuwing nandito lang ang mga magulang niyo saka kayo nagkakasabay kumain. Tuwing gabi naman hindi ikaw ang kasama niya. Ni hindi ka nga niya pinahahalagahan." pangaral nito sa akin.

Kahit na tagus-tagusan sa puso ang mga katotohanang sinabi ni Manang ay nagawa ko pa ring ngumiti.

"Ako naman po ang may gustong ikasal sa kaniya kahit alam kong ganito po ang mangyayari. Handa po ako, Manang... Ito po ang gusto ko." I assured her.

Hindi nalang ulit nagsalita si Manang. Tahimik kaming dalawa habang kumakain.

Nang matapos naman ako'y napagpasiyahan kong umakyat na ng aming kwarto para makaligo na.

Panandalian akong nag-alinlangan na pumasok sa kwarto ngunit hindi rin nagtagal ay maglakas loob na akong pumasok.

Nakita ko namang nasa study table si Sean at may binabasang ilang mga papeles. Kakausapin ko sana 'to upang sabihing maliligo lang ako ngunit mas pinili ko nalang na huwag ng magsalita dahil gaya ng sabi niya, wala naman siyang pakealam kung ano ang mga ginawa, ginagawa at gagawin ko.

Kinagat ko nalang ang labi ko saka dumiretso sa walk-in closet para kumuha ng damit bago pumunta ng banyo at naligo.

Pagkatapos maligo ay napatigil ako nang mamataan ang kama namin. Napapikit ako ng maalala ko ang nakita ko kagabi. Kahit na napalitan na 'to ni Manang dahil nagbago na ang bed sheets, hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang nakita ko kagabi.

Napailing nalang ako't huminga ng malalim saka umupo na sa parte ng kama kung saan ako nakapuwesto nang biglang tumunog ang aking cellphone.

Nikki's calling me.

"Hello?" I answered the phone call.

"Sandra!" nakasigaw na sabi ni Nikki. "Nakauwi ka ba? Grabe ka! Bigla-bigla kang nawawala. Ang sabi mo lalabas ka lang tapos wala ka na agad."

"Pasensya na. Naisipan ko na kasing umuwi eh. Maghahating-gabi na rin kasi. Ayoko namang istorbohin pa kayo doon sa loob." paghingi ko ng paumanhin.

"Hay... Paano ka umuwi? Nagcommute ka lang ba?" she asked.

"May naghatid naman sa akin and don't worry too much, safe naman akong nakauwi." sabi ko.

"Oh sige. Masakit pa ang ulo ko. Medyo naparami din ang inom ko eh." pagpapaalam niya.

"Sige. Magpahinga ka at uminom ka ng maraming tubig, okay?" pagpapaalala ko sa kaniya.

"Okay. Sure, thanks. Bye."
she said and ended the call.

Binaba ko ang phone ko sa tabi ko at binuksan ang drawer para kunin ang librong binabasa ko nang magring ulit ang phone ko.

Tinignan ko ito at hindi na si Nikki ang tumatawag. It's an unknown number but it doesn't begin in +63... It means that I've already dialed this number in my phone before.

"Hello? Sino 'to?" bungad kong sagot sa tawag.

"Aww..." a man's voice filled my right ear. "Ganon mo ko kabilis kinalimutan?"

Is he a prank called or what?

"Excuse me but I don't know what you're talking about." mataray kong sabi.

He chuckled. "I think you're good at breaking hearts, rich office girl. Parang kagabi lang eh." nagtatampong sabi niya. "You didn't save my number. It's me, Brendt." pakilala niya.

Napatayo naman ako bigla. "Brendt?" Brendt pala ang pangalan niya. "Sorry, hindi ko nasave ang number mo. Na-missed place ko rin ang calling card mo."

Tumawa ito. "No, it's fine. At least naalala mo pang ako ang kasama mo kagabi." sabi niya.

"Sorry talaga pero anyway, thank you sa paghatid sakin kagabi." pagpapasalamat ko sa kaniya.

"No problem." he said. "I was just going to ask you if may free time ka or what."

"Free time? Ako?" tanong ko.

"Yup. I want to ask you for a lunch date or dinner date. Kung maaga ka namang magising, we can do a breakfast date." natatawa niyang pag-aaya sa akin.

Natawa naman ako. "Seriously, Brendt? Breakfast date? Is that a joke?"

"Well, kung gusto mo lang naman. And I'm not joking, I really wanna ask you out." biglang seryosong sabi niya.

Umupo naman ako uli sa kama. "You're asking me out?"

"I know it's too fast but I just want to get to know you well. So... are you free? Tomorrow or any day. Kung kailan ka free." he pushed through asking me out.

"Uhm... siguro pwede ako sa--"

"Cassandra." biglang tawag sakin ni Sean na nagpatigil sa akin sa pagsasalita.

Napatingin naman ako sa kaniya at halos magulat ako nang makita ko siyang nakatayo na pala sa harapan ko. I didn't even notice him.

"B-Bakit? May kailangan ka ba?" nauutal kong tanong sa kaniya.

"Read these files." he simply said and throw some folders and envelopes on our bed. "I want you to tell me your suggestions or if you approve their proposals."

Tinignan ko naman ang tatlong medyo makapal na folder at limang brown envelope na hindi medyo manipis lang naman.

"L-Lahat nito?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kailan ko kaya 'to matatapos?

He narrowed his eyes. "Yes and immediately. I need it tonight."

Nanlaki ang aking mga mata. He needs it tonight?!

"P-Pero--"

"Just do it! I don't want any excuses." he cut me off with his harsh voice that filled our room.

"O-Okay." I defeatedly said.

"Good girl." sabi nalang niya't nagmamadaling lumabas ng aming kwarto.

Bahagya naman akong napangiti. What would I give to hear that simple compliment from him again.

Itinapat ko naman ang phone ko sa tenga ko. "Brendt, nandiyan ka pa ba?"

"Yes, I'm still here. Sino yung sumisigaw?" he panicky said.

"Wala yun." sabi ko nalang. "I'll just text you. May gagawin pa kasi ako. Bye."

Hindi ko na siya inintay pang makapagpaalam at pinatay na ang tawag para makapagsimula na ako.

Sinikop ko na ang mga folders at envelopes na binigay niya at sinimulan ko na ang pagbabasa dito.

Continue Reading

You'll Also Like

350K 10.3K 80
A DerpHerp Fanfiction © 2015
423K 1.3K 5
Scarlett Dela Rama's love story is full of twists and turns. Her romantic life is not ordinary. Two men are vying for her heart... but only one of th...
4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
7.2M 183K 29
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...