Chapter 7

965K 20.8K 4.1K
                                    


Chapter 7
Confessed

"Hello, Brendt?" tinawagan ko si Brendt.

I need someone to talk to. Someone whom I can trust. Alam kong mapapagkatiwalaan ko siya dahil hindi niya naman kilala si Sean. Ayoko nang madamay pa ulit si Manang sa gulo namin ni Sean. I know she already had enough. I don't want to stress her because of our endless tussle.

"Is this real? Did you really call me?" hindi makapaniwalang pambungad na tanong sa akin ni Brendt nang tumawag ako. "Ganon mo ba ko namiss agad?" he kidded.

"I wanna hang-out tonight." sabi ko nang hindi pinapansin ang kaniyang biro. "Can you come with me?" simpleng pag-aya ko sa kaniya, no more flattery words.

"Of course!" he sounded so excited. "Shall I pick you up later?"

"Hmm... Okay." sabi ko nalang. I'll just leave my car here again. "6PM ang out ko."

"Okay. I'll be there. 6PM sharp or... earlier." he said.

"Sige. Thank you." sabi ko nalang at nagpaalam na kami sa isa't-isa bago namin pinatay ang tawag.

Nagulat naman ako ng biglang sumungaw sa akin si Nikki galing sa kaniyang table.

"Sinong kausap mo? Anong hang-out, hang-out?" she asked me while her forehead creased. "Bakit hindi mo ako isasama?"

"Hindi pwede." umiling ako. "Nagpromise kasi ako kay Brendt na kaming dalawa lang ang aalis." pagdadahilan ko.

If only Nikki knows about me and Sean ay siya ang pipiliin kong makasama pero hindi talaga pwede.

She quietly squealed. Halatang pigil na pigil siya sa pagtili ng malakas.

"Oh my gosh! Magkakalovelife ka na!" she pointed out, looking so happy and excited for me.

"Tumahimik ka nga." pagsuway ko sa kaniya. "Baka may makarinig sayo, ma-issue pa ko."

"Well, may issue ka na nga eh..." she said and crossed her eyes.

I felt my heart racing so fast because of the sudden nervousness that I'm felt.

"Ano namang issue 'yan?" I narrowed my eyes as I asked her.

Sana lang ay hindi ito tungkol sa aming dalawa ni Sean. Kahit paghihinala lang ay ayokong gawin nila dahil alam kong doon mag-uumpisa ang lahat. Ayokong mawala sa akin si Sean sa oras na malaman na nila ang tungkol sa aming dalawa.

Ngumisi ito. "Tungkol sa inyong dalawa ni Sir Viñas." she said at nakahinga naman ako ng maluwag. "Usap-usapan na ang ginawa niyang pagpuri sayo from head to toe doon sa board meeting kanina." she giggled.

Napaiwas nalang ako ng tingin sa kaniya't muling binaling ang atensyon sa computer. Akala ko naman kung ano na 'yon.

"He just wants me to be Sarto's new model. Iyon lang 'yon. Kaya kung ano man ang kumakalat na issue, bahala na kayo." nagkibit-balikat nalang ako saka nagpatuloy sa pagt-type. "And he's not my type."

"Bakit? Dahil ba kay Brendt?" she teased me, pinindot-pindot niya pa ang aking tagiliran.

"Hindi, okay?" I rolled my eyes at her. "Magtrabaho na nga lang tayo. Baka matambakan pa tayo ng trabaho." sabi ko nalang.

Mabuti nalang ay hindi na ulit nang-inis at nangulit si Nikki. Siguro'y naisip niyang baka matambakan nanaman siya ng mga trabaho gaya nang nangyari sa kaniya dati noong daldal siya ng daldal. Kinailangan niya pang pumasok ng Sabado para lang tapusin ang mga paperworks na kailangan niyang gawin.

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon