Chapter 8

954K 22.1K 11.2K
                                    

Chapter 8
Memorize

The office was unsually quiet when I went inside. It was very serene. Hindi naman sobrang maingay sa office namin but normally, I can hear silent whispers and conversations pero ngayon ay walang-wala talaga.

They turned their heads to look at me, watching me as I walked to my place.

"Anong meron?" I asked Nikki when I arrived at my desk. "Bakit ang tahimik nila? Tapos ay nakatingin pa sila sa akin."

Nilinga-linga ko pa ulit ang mga ka-officemate ko. Ang iba'y bumalik na sa ginagawa nila ngunit ang iba'y sinusulyapan pa rin ako.

"Sands, sa ayos mo ngayon, talagang mapapalingon sila sa'yo." sabi naman ni Nikki.

Muli nanamang nag-init ang aking pisngi. I don't know if I should be flattered or embarrassed.

Lumayo na ko sa kaniya at binuksan ang computer ko. "Yun lang pala." sabi ko nalang.

Siya naman ang lumapit sakin. "Hindi lang yun." pahabol niya.

Napalingon akong muli sa kaniya. "Eh ano pa?"

"Si Mr. Sarmiento with a period ay sumobra ng todo ang period niya kaya sobrang init ng ulo tapos ikaw 'tong, nag-grand entrance pa papasok na walang kaproble-problema samantalang yung iba dito, nangangatog na sa takot kay Sir." sabi nita. "Kung nandito ka lang kanina at narinig mo ang nakakapanindig balahibong sigaw niya, baka magtago ka na sa ilalim ng desk mo sa sobrang takot." she sounded so horrified.

I deeply sighed.

Kung pwede ko lang sabihin na sanay na ko sa sigaw at pagalit ni Sean. 'Yan ang hindi nawawala sa araw-araw na buhay ko this past five months until now. Kung hindi siya sisigaw o magagalit, magsusungit naman siya o gagawa ng sarili niyang ikakagalit sa akin. Kung hindi ko lang alam ay iisipin kong nagpapapansin siya sakin. How I wish...

"Shit naman, Warren!" rinig kong sigaw ng isang baritonong boses. Kahit hindi ko lingunin, alam ko kung kanino ito nanggaling. "It's as simple as that! Is it too hard to understand?!"

Lumapit ulit sakin si Nikki. "I told you..." she whispered. "Ang lakas ng vocal chords niya, infernes."

Napailing nalang ako at itinuon lahat ng atensyon ko sa trabaho ko nang maramdaman kong may tumayo sa aking gilid.

Tiningala ko ito at nakita ang nakangiting si Sir Viñas.

"I thought you'll be absent today." he said.

"Na-late po ako nang gising kaya naghalf day po ako." I politely reasoned out.

"Well... as it was said yesterday, your sample shoot will be happening today." sabi niya at nanlaki ang aking mga mata. Nakalimutan ko na ang tungkol doon! "Grab your bag. We'll be going to the set right now."

"Bakit naman po kailangan dalin pa yung bag?" nagtatakang tanong ko. "Sa 8th floor lang naman po ang studio, 'di po ba?"

"I just wondered kung nandiyan ang mga important things mo at medyo matatagalan tayo doon kaya mas mabuti kung dalin mo na 'yan." he suggested.

Tumango naman ako't sinikop na muli ang aking gamit. Mabuti nalang at hindi ko pa ito masiyadong nagugulo.

"Tristan."

Bahagya akong napatigil nang marinig kong muli ang boses na 'yon ngunit nagkibit-balikat nalang ako't nagpatuloy sa ginagawa.

Nagsalita naman si Sir Viñas. "Sean, nandito na siya. I told you, she'll come." tukoy sa akin nito.

Nang matapos ako'y sinukbit ko na ang aking bag saka tumayo. Nakita ko ang mapanuring tingin sakin ni Sean. It felt like he was dissecting me from head to toe.

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon