Chapter 5

900K 19.8K 8K
                                    

Chapter 5
Self-Proclaimed

I slowly opened my eyes, a bright white ceiling welcomed me. I wandered my gaze around the white room. There's no doubt that I'm in the hospital.

"Manang! Gising na po si Sandra." rinig kong sabi ni Nikki at mabilis na lumapit sakin.

It took me a few seconds before my blur vision turned clear. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Nikki.

"Okay ka na ba?" she worriedly asked me.

Nagsumikap naman akong ngumiti to show gratitude for her concern. "Oo. Ayos na ko. Salamat." I even thanked her.

Bigla namang lumapit si Manang. "Nako, Sandra, ano bang ginagawa mo sa sarili mo ah?"

"Manang, nako! Ipagluto niyo po si Sandra ng maraming pagkain. For sure naman po ay 'yon ang dahilan." Nikki said and I can sense irritation in her voice.

"Nikki..." sabi kong may halong pagbabanta at pinanglakihan ko pa siya ng mata.

"Oo nga. Wala nga palang kalaman-laman ang tiyan mo ng pumasok ka." pag-alala ni Manang.

Itutukod ko sana ang kamay ko sa kama para makaupo ng maayos nang maramdaman ko ang pagkirot nito. Tinignan ko't nakita kong naka-swero pala ako.

"Ay, Manang! Sandra! Uwi muna ko ah. Kanina pa ako hinahanap-hanap sa amin eh. Sabi ko hihintayin lang kitang gumising tapos uuwi na ako." pagpapaalam ni Nikki.

Tumango naman kami ni Manang. "Salamat sa pagdala kay Sandra dito ah?" pasasalamat ni Manang kay Sandra.

"Walang anuman po, Manang." lumingon sakin si Nikki. "Kain-kain din ah. Pahinga ka ng mabuti." bilin niya sa akin.

Napangiti naman ako ng malawak. "Mag-ingat ka ah. Salamat."

Ngumiti lang ito at kumindat sakin bago umalis ng kwarto.

Nilingon ko naman agad si Manang. "Manang, alam po ba ni Sean na nandito ako?"

"Oo, alam niya. Sinabi ko kanina bago ako umalis papunta dito." sabi ni Manang at magsimula nang magbalat ng mansanas.

"D-Dumalaw na po ba siya?" I hopefullty asked.

Please, sabihin niyong oo. Kahit silip lang. Please...

Napabuntong hininga naman si Manang bago nagpatuloy sa pagbabalat. "Hindi, hija." sagot niya.

Hindi ka na nadala, Sandra. Kahit ilang beses na akong nasaktan ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong umasa.

"May kasama rin siyang babae sa bahay ng sinabi ko sa kaniya kaya hindi talaga siguro siya pupunta." dagdag pa ni Manang.

I bit my lower lip. It was like someone's clenching my heart with its fist. Pinipiga na ata ang lahat ng sakit na pwede kong maramdaman. Sana ay maging manhid na ako. I'm so tired of hoping and being hurt.

"Okay po..." sabi ko nalang.

Ibinigay naman sa akin ni Manang ang kaniyang nabalatang mansanas bago tumayo.

"Bibili lang ako ng maraming pagkain mo." sabi ni Manang. "Pag dumating ang doctor at sinabi ang dahilan kung bakit ka nawalan ng malay, pakisabi nalang sakin ang sinabi ah?"

"Hindi pa po ba dumadating ang doctor?" tanong ko.

"Hindi pa. Kinuhanan ka ng dugo kanina. Baka maya-maya'y parating na rin yun." sabi niya.

Tumango nalang ako. "Sige po."

Lumabas na ito ng kwarto at tinignan ko ang phone ko sa gilid ng kama. Baka sakaling may text man lang si Sean pero kahit anong gawin kong buklat sa inbox ko ay wala talaga.

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon