Chapter 4

955K 19.8K 5.2K
                                    


Chapter 4
Faded

Tinakpan ko ang aking bibig nang humikab ako.

I don't think I can finish my tasks tonight. Kung bukas ay baka pu-pwede pa. Pero kung ngayong gabi malabo.

Nilingon ko naman si Sean na kakalabas palang ng banyo. He's already wearing shorts and a white sando that's hugging his body.

"Uhm... Sean, pwede bang bukas ko na ng umaga bigay 'to sa'yo? Pangatlong folder palang ako eh." tanong ko sa kaniya nang papahiga na siya sa kama.

He looked at me na para bang iniisip niya kung papayag siya o hindi. Kahit naman hindi siya pumayag ay wala siyang magagawa dahil bukas ko pa talaga 'to ng madaling araw matatapos.

"Fine." sabi niya. "But you have to give it to me tomorrow. I need those files tomorrow."

"Okay..." sabi ko nalang.

Humarap ako ulit sa laptop ko at sinimulang basahin ang mga nasa pangatlong folder habang tinatype ang ibang suggestions at mga thoughts ko tungkol sa mga proposals na 'to.

Tinignan ko ang orasan at hindi ko namalayang alas-tres na pala. Konting-konti nalang at matatapos ko na, ngunit konting-konti nalang din at pipikit na rin ako...

Bigla naman akong nagising sa tunog ng alarm ng phone ko. Agad ko itong pinatay at nilibot ng tingin ang kwarto.

"Wala na si Sean.." sambit ko sa sarili ko nang makitang wala nang nakahiga sa kama.

Tinignan ko ang orasan at alas-sais palang. Ang aga naman niyang umalis ngayon. Mas nauna pa siya sakin.

Tatayo na sana ko nang makita kong biglang nawala sa pagkaka-hybernate ang laptop ko, kinusot ko pa ang mga mata ko dahil sa pagtama ng liwanag galing sa laptop.

I saved the ms word document where I put my insights and transferred the saved file to my flashdrive.

Pagkatayo ko ay saka ko palang napansin na may nakabalot pala sa aking comforter na nahulog sa lapag.

Napangiti naman ako. I'm pretty sure that Sean's the one who did this. Kahit papaano'y pinapahalagahan niya rin pala ako. He's simple gestures are enough to melt my heart.

"Good morning, Manang." masayang bati ko kay Manang nang bumaba na ako pagkatapos maligo upang makapag-almusal na bago pumasok sa trabaho.

Ngumiti ito sa akin. "Gising ka na pala. Kumain ka na."

Tumango ako at agad nagsimulang kumain.

"Si Sean po? Nakaalis na po ba?" tanong ko.

"Oo, mga ilang minuto rin siguro bago ka bumaba. Maghahanda pa daw siya para sa meeting niya mamaya kaya maagang pumasok." sagot ni Manang.

Sayang naman pala. Dapat ay maaabutan ko siya kaso naligo pa ako't medyo matagalan din sa banyo.

Napanguso nalang ako't tumango-tango habang nginunguya ang aking kinakain.

"Buti nga at pumasok ako sa kwarto niyo. Nanginginig ka na sa lamig kanina kaya nilagyan kita ng comforter." biglang pahabol ni Manang na nagpatigil sa akin sa pagkain.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "K-Kayo po ang naglagay ng comforter sakin?"

Tumango naman agad si Manang. "Oo. Nilalamig ka na kasi. Hindi ka man lang kasi nilagyan ng asawa mo ng kumot."

So... I just assumed again? Kailangan ba ako titigil sa pag-aassume na magbabago na si Sean? Yun na ata ang pinakahuling mangyayari sa mundong 'to habang buhay pa ako.

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon