Chapter 9

1M 20.5K 19K
                                    

Chapter 9
Coming

"Hija, ano ba 'yang ginagawa mo?"

Kanina pa natataranta si Manang habang pinapanood akong hinahakot ang mga damit ko at nilalagay sa aking maleta. Hindi niya alam kung pipigilan niya ba ako't susubukang pakiusapan o hahayaan niya nalang ako sa kagustuhan kong umalis dahil ito ang mas makakabuti sa aming dalawa ni Sean.

Naiirita ako sa pag-aayos dahil bawat punas ko sa luha ko'y mayroon nanamang mabubuo't hindi ko nakikita ng maayos ang aking ginagawa.

"Kailangan ko po 'tong gawin, Manang..." sabi ko nalang at nagpatuloy na sa ginagawang pag-iimpake ng mga gamit.

Siguro'y kung may maiiwan man ako, papabalikan ko nalang at ipapakuha dito.

"Alam ba 'to ng Daddy mo ha, Sandra?" tanong ni Manang sa akin. "Hintayin mo kaya muna ang asawa mo. Nag-away nanaman ba kayo?"

"Hindi pa po alam ni Daddy. Sasabihin ko po kapag nakauwi na ako sa bahay." sabi ko naman at isinarado na ang zipper ng maleta. "Matagal ko na pong dapat ginawa 'to, Manang. Sinulit ko lang po yung pagkatanga ko. Para wala nang matira sa susunod."

"Sandra... Hija..." may halo nang pagmamakaawa sa boses ni Manang.

Napapikit ako ng mariin at umupo sa may dulo ng kama. Yumuko ako nang maramdaman ang sunod-sunod na pagpatak ng aking mga luha.

"Hindi ko na po kaya..." I cried. "Ayoko na po... Suko na po ako."

Lumapit si Manang sakin. Itinabi niya sa gilid ang aking maleta upang makatabi siya sa akin. At nang magawa niya 'yon, walang pag-aatubili niya akong niyakap. Paulit-ulit lang siya sa paghagod ng likod ko at sa pag-alo sa akin.

I bursted crying, pouring out all of the pain that was kept inside my heart for a very long time, but I know that a night of suffering isn't for me to clear all the pain.

"Kung 'yan na talaga ang gusto mong mangyari at kung buong-buo na ang desisyon mo, hindi kita pipigilang umalis." sabi ni Manang habang patuloy sa paghagod sa aking likod. "Alam ko rin ang mga pinagdaanan mo bilang asawa niya at hindi kita masisisi sa gagawin mong hakbang. Kung saan ka masaya ay doon din ako."

Gumaang naman kahit papaano ang aking pakiramdam nang dahil sa sinabi sa akin ni Manang at nang humupa na ang aking emosyon ay hinayaan niya akong mapag-isa dito sa kwarto para makapag-isip hanggang sa huling sandali.

Napatingin naman ako sa malaking picture frame ng wedding photo namin ni Sean. Kahit pilit lang ang ngiti niya doon, it still means a lot to me. At least he made an effort to smile even just a little bit, right?

Naiinis ako sa sarili ko sa sobrang kababawan ko. Ganito ba talaga kapag sobrang mahal mo ang isang tao? Kahit ata pagsulyap lang mg isang segundo ay gagawin mong malaking bagay at abot-abot ang sayang mararamdaman mo.

But fate didn't want us together. Hindi niya man lang nabalik ng kahit kunti lang ang sobra-sobrang pagmamahal na binibigay ko sa kaniya. Everything didn't turned out the way I wanted it to be — loving me the way I love him.

Napailing naman ako't inalis ang lahat nang pagdadalawang-isip. I should be firm with my decision.

Hinigit ko ang maleta papalapit sa akin. Papalabas na ako ng aming silid nang muli akong bumalik sa kama upang hagkan ang kaniyang unan.

I bit my lower lip as another batch of tears fell.

"I'm going to miss you... so bad." I whispered at his pillow, thinking that it was a representation of Sean. "...but I need to set you free."

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon