Chapter 2

1M 21.7K 6.8K
                                    

Chapter 2
Home

"Let's party!" agad na pagsigaw ni Nikki nang makapasok na kami sa loob ng bar.

Napatakip naman ako sa tenga sa sobrang lakas ng tunog. Does it have to be really this loud?

"God, Sandra! Have fun!" sabi sa akin ni Nikki at tinapik ako sa aking balikat.

Umiling naman ako. "It's too loud!" reklamo ko naman.

I've been to a bar before pero hindi katulad ng sound system dito ang sound system sa napuntahan ko ngayon.

"It's fine! You'll get used to it after some time." sabi naman niya sa akin.

Hindi na ako nakasagot pabalik dahil kinausap na siya ng isang crew dito sa bar.

Hinayaan ko lang siyang makipag-usap habang iniikot ang tingin sa kabuuan ng bar. It's very spacious. The party's already at its peak.

Napukaw ng tingin ko ang mga nagsasayaw sa dance floor. I can see couples or even a pair of strangers grinding and dry humping against each other. Alam kong uso ang ganiyan sa mga bar, pero kapag naiisip kong ganiyan din si Sean sa kaniyang mga babae ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng pagkaawa sa sarili ko. I feel so disrespected.

"Umupo na tayo doon sa may couch na pinareserve ko. Come on!" pag-aya ni Nikki sa amin nang matapos silang mag-usap ng crew.

Tinanguan ni Nikki ang crew at agad na itong nagsimulang maglakad. Sinundan lang namin siya patungo sa mga tables at couches na nakapiligid sa may dance floor.

Huminto kami sa spot kung saan nasa gitnang gilid ng dance floor. "This is your place, Ma'am." sabi ng crew kay Nikki.

"Thanks." nakangiting pasasalamat ni Nikki dito at kumuha ng one hundred para ibigay na tip sa lalaki.

I think I already got used to the booming sound system. Hindi ko na masiyadong iniinda ang napakalakas na tunog katulad ng sa kanina noong pagpasok namin.

"Still not comfortable, Sandra?" tanong sakin ni Mae, isa pang ka-officemate namin ni Nikki.

Umiling ako at ngumiti. "Medyo ayos na."

"You can chill muna doon sa bar, Sandra." sabi naman ni Kacey. "Medyo may pagkawild ang mga tao dito dahil nasa gilid lang ng dance floor."

I smiled and nodded. "Maya-maya siguro. Dito muna ako kasama niyo."

Bigla namang tumayo si Nikki at Briana. "Sasayaw lang kami ni Bri. Sunod nalang kayo ah!" hindi na makapaghintay na sabi ni Nikki't agad nang hinila si Briana patungo sa dance floor.

Ang alam ko'y madadalas sila Briana, Kacey at Mae na magbar. Si Nikki naman ay hindi ganoon kadalas dahil hindi ko naman hilig ang pumunta sa ganito. Wala siyang makakasamang gumimik.

Kacey took the glass shot from the table. Napangiwi siya nang sinipsip ang lemon bago ininom ang tequila at kumuha rin ng asin na kaniyang dinilaan mula sa kaniyang palad.

Si Mae naman ay kinuha ang cocktail drink. I don't know what alcohol is that ngunit parang wala lang sa kaniya kung inumin niya ito.

"Sunod na kami kila Nikki sa dance floor, Sandra." paalam ni Kacey nang tumayo na silang dalawa ni Mae. "Ayos ka lang bang mag-isa dito? Sumama ka na kaya doon sa dance floor."

Agad naman akong umiling at ngumiti. "Huwag na." pagtanggi ko. "Ayos lang ako dito or baka pumunta nalang ako doon sa may bar."

They nodded and told me that they're going to check on me from time to time before they headed out onto the dance floor.

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon