Territorial Men 1: Colton Alt...

By missgrainne

15.3M 432K 120K

Kilala si Colton Altaraza sa Philippine Navy Seal na mabangis pagdating sa underwater swimming. Pero sa huli... More

Synopsis
Prologue
1 ~ The Boss
2 ~Warning
3 ~Admiration
4 ~ Deal
5 ~ Ego
6 ~ Kiss
7 ~ Rival
8 ~ Yes...
10 ~ Underwater (SPG)
11 ~ I Want You
12 ~ Mistake (SPG)
13 ~ Turn On
14 ~ Secret Affair
15 ~ Promise?
16 ~ Elope
17 ~ Live In
18 ~ First Day
19 ~ Ring (SPG)
20 ~ Villain
21 ~ Visitor's News
22 ~ Jealousy (SPG)
23 ~ Waiting
24 ~ Love
25 ~ Threat
26 ~ Pleasure (SPG)
27 ~ Hopes
28 ~ Darkness
29 ~ Baby...
30 ~ Hero
31 ~ Sorry
32 ~ Mrs. Altaraza (SPG)
Epilogue

9 ~ Bikini

448K 14.2K 3.3K
By missgrainne

Chapter Nine

TUNAY nga talagang may mga bagay na gustuhin man natin ay hindi mapapasatin, lalo pa't matagal ng nakalaan iyon sa iba. Kung dati-rati ay ninanais niyang manatili sa Villa Altaraza ng mas matagal pa, ngayon na sinang-ayunan na ni Colton ang hinuha niyang nalalapit nitong pagpapakasal, parang sinasakal siya ng sarili niyang kagagawan.

But who's to blame? Nagmahal lang naman ang puso niya... 'yon nga lang, do'n pa sa taong hindi na dapat pang mahalin.

"Miss Karen, baka gusto mong sumama sa amin mamaya?" Untag sa kanya ni Esmeralda.

Nagdidilig ito sa malawak na hardin ng mansion, kung saan ilang metro lang ang layo sa fountain. Araw ng Linggo ngayon, ang rest day na ibinigay sa kanya ni Colton.

"Saan naman?" Tanong niya, nakamasid dito.

"Sa Resort. Mag night swimming tayo." Lumingon ito sa kanya, nakangisi. "Sama ka ha."

"S-sige, wala din naman akong gagawin. Anong oras ba?"

"Bago mananghalian ay tutulak na tayo do'n. Kami na ang bahala sa pagkain natin." Tumango-tango siya. "Free entrance din naman tayo do'n kaya wala na masyadong iisipin."

"Sinu-sino ba tayo?"

"Ako, ikaw, si Manong Alfred at ang asawa niyang cook dito. Si Ricky at sasama din si Wenna." Tukoy nito sa isa pang kasambahay na nakatoka naman sa paglalaba. Muli ay nilingon siya ni Esmeralda. "At ang alam ko ay makikisali din sa atin si Sir Jonas," Hindi maalis ang ngisi sa labi nito.

"Si Jonas? 'Yung Therapist ni Colton?"

Mabilis itong tumango. "Oo, Miss Karen.  Mabait ang batang 'yon, nakikihalubilo. At isa pa ay gwapo!"

K chuckled. "Tama lang ang ginagawa niya para hindi siya mainip dito."

Sa Resort tumutuloy si Jonas, iyon ang alam niya. Mananatili ito do'n hanggat hindi pa natatapos ang session ni Colton. Siya kaya? Hanggang kailan mananatili? Gayong nakikita niya na ang mabilis na improvement sa paglalakad ni Colton. Hindi na siya magtataka kung isang araw ay aalis na siya sa mansion.

"Balita ko nga at marami ang nagkakagusto do'n. Mga waitress at receptionist ng Resort."

"Tiyak na hindi nga siya maiinip kung gano'n." Sabay silang nagtawanan ni Esmeralda at natigil iyon ng marinig ang pamilyar na boses sa likod nila.

"Oras ng trabaho at bakit kayo nagtsitsismisan riyan?" Patuya na sabi sa kanila ni Gail.

Umikot ang mata niya sa iritasyon. "Makaalis na nga." Mahinang paalam niya kay Esmeralda na ngayon ay seryoso na sa pagdidilig.

"Basta, mamaya Miss Karen ha." Bulong nito. Tango lang ang naisagot niya at tinalikuran na. Ayaw niyang pati ito ay madamay.

Sa entrada ay nakita niyang nakapameywang sa kanila si Gail. Suot ang white short shorts at asul na pang-itaas na litaw ang cleavage, nakita ang ganda ng hubog ng katawan nito. Lalo lang tuloy siyang sinampal ng katotohanan na kung sa pisikal na anyo ang pag-uusapan, Colton won the jackpot. Aware naman kaya ang lalaki sa kagaspangan ng ugali ng fiance?

Malapit na siya sa entrada at nanatili itong nakatayo do'n. Mas mataas lang ito ng kaunti sa kanya, gayon pa man ay hindi naman siya ginagapangan ng takot kung sakaling magpang-abot na naman sila.

"Excuse me." Casual na sabi niya ngunit hindi man lang ito gumalaw.

Nang tignan niya ito ay nakaarko ang isang kilay nito, nanghahamon. Malalim siyang bumuntong hininga. Paano nga ba siya iiwas sa away kung ang away mismo ang lumalapit sa kanya?

"If I were you, I will ask Colton to give you a break...a long break, rather." Paunang sabi nito. "I know you're bored, pero hindi mo pwedeng idahilan 'yan para makipagtsismisan sa mga kasambahay."

"Hindi ako nakikipagtsismisan."

"Then, ano ang ginagawa niyo, huh? Nagtatawanan pa kayo sa oras ng trabaho!"

"Bakit? Kailan pa pinagbawal ang magtawanan sa oras ng trabaho?" She cannot control the sarcasm on her voice.

She saw how her beautiful face heated in anger. "Don't you dare talk to me like that!" Gail pointed a finger on her. Again! "Nurse ka lang ng fiance ko at wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan—"

"Gail!"

Hindi niya alam kung matutuwa siya sa pagdating ni Colton o maiinis lang siya dahil hindi man lang siya nakasagot sa babae.

Galit na nilingon ito ni Gail. "What? Pagtatanggol mo na naman itong nurse mo?!"

Imbes na sumagot, ay tinignan siya ni Colton. His emotionless eyes bored into here making her heart thump crazily. Kung bakit kahit sa ganitong pagkakataon ay nagagawa pa din nitong baliwin ang puso niya. Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya kayang tumagal ng titigan kung gano'n na lang magwala ang puso niya dahil dito.

"Where are you going?" Colton asked gently.

Kung hindi niya pa ulit tignan ang binata ay hindi niya malalaman na siya pala ang tinatanong nito dahil sa kanya na naman nakatingin. O talaga bang hindi nito inalis ang tingin sa kanya?

"Sa kwarto." Sinadya niyang palamigin ang boses niya.

Inisang hakbang ni Colton ang pagitan nito at ni Gail. He's now standing beside his fiance, giving her a good view how perfect they are together.

Itinago niya ang pait na ngiti sa kanyang labi. Gail is right, she's not belong here. Wala siyang puwang sa mundong ginagalawan ng mga ito. Isa lamang siyang hamak na extra sa buhay pag-ibig ng dalawa.

Sinundan niya ng tingin ang kamay ni Colton ng hawakan nito sa siko si Gail at marahan na hinapit palapit, upang sa gayon ay wala ng harang sa daraanan niya.

Nakayuko na nilagpasan niya ang mga ito at nagderederetso sa kanyang silid. Naupo siya sa gilid ng kama at hinilamos ang mukha gamit ang dalawang palad.

"Hindi ko dapat ito nararamdaman! Hindi dapat ako nasasaktan! Hindi dapat ako nagseselos!" Bigo niyang kinakastigo ang sarili. "They're bound to marry each other before I came in the picture! I don't like to be a villain on their love story!" Karen shook her head absentmindedly. "Dapat ay matigil na itong kahibangan ko! Hindi ko siya pwedeng mahalin...Hindi pwede..."

ANG ASUL na tubig sa pool at ang mga lumalangoy do' na kasama niya ay ang siyang nagpapapayapa sa damdamin ni Karen. Hindi niya na batid ang pananghaliang sikat ng araw na tumatama sa lounge na inuupuan niya.

"Swimming tayo?" Nakangiting aya sa kanya ni Jonas.

He's wearing a printed summer shorts and goodness he's topless! Kaya naman pala palinga-linga at padaan-daan sa gawi nila ang ilang grupo ng kababaihan!

"Mamaya na. Magpapaaraw muna ako." Binuntutan niya iyon ng maiksing tawa.

Naupo ito sa katabing lounge. Balak talagang kausapin siya. "You want to have a tan skin?"

Wala sa sariling pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan niya. Hindi man kaiksian ang suot niyang summer shorts ay litaw pa din ang hubog at puti ng binti niya. Kulay pink ang manipis na spaghetti strap sando ang suot niya at sa ilalim niyon ay itim na bikini. She tied her hair in a messy bun and wear her sunglasses.

"Hindi naman. Na-miss ko lang magpaaraw. Pakiramdam ko ang tagal kong hindi nakalabas."

"Matagal ka na bang nagtatrabaho bilang nurse ni Colton?"

"Ahm, mag-iisang buwan pa lang halos. At sa palagay ko ay ilang buwan na lang ay aalis na ako."

Tiyak na malulungkot siya kapag dumating na ang araw na iyon, pero siguradong sasaya din siya dahil sa wakas ay maayos na ang kalagayan ni Colton. Iyon naman ang ipinunta niya sa Villa Altaraza, hindi ba? Tulungan ang binata na gumaling at makapaglakad ulit.

"Well, for sure you can easily find a job in Manila when it happens." Nakita niya sa gilid ng kanyang mata ang pagpasada ng tingin sa kanya ni Jonas, pero wala siyang maramdaman na kahit ano. Pero bakit kapag si Colton ang tumitingin sa kanya ay hindi kaagad siya magkandamayaw? "With your looks, papasa kang model."

Inismidan niya ito. "Huwag ako ang bolahin mo riyan."

Noong nasa kolehiyo siya, palaging siya ang napipili upang irepresinta ang course nila pagdating sa mga beauty pageant. Pero hindi iyon ang hilig niya kahit pa sa sarili niya ay alam niyang may ibubuga siya. Kaya naman, medyo nakasanayan niya na kapag may pumupuri sa kanya.

"It's true. Napagkamalan pa nga kita noon na girlfriend ni Colton."

Binalingan niya ito saglit at muling itinuon ang tingin kina Esmeralda na ngayon ay kaharutan ang isa sa mga hardinero, si Ricky.

Gustuhin niya man na mapagkamalan na kasintahan ni Colton ay pinigil niya ang sarili. Dahil alam niyang aasa lang siya sa wala.

"My fiance na 'yon." Sana ay hindi nito nahalata ang pagka-ampalaya niya.

"That's good then. Bagay naman sila ni Gail." Ngumuso siya. Oo alam niya! Hindi kailangang ipagdikdikan sa mukha niya! "So, I assume, you're single?"

"Yea," Sa sagot niya ay parang naligayahan si Jonas. Ang lapad ng ngiti nito. Napailing-iling tuloy siya.

"Anyway, do you like something to eat? Or to drink? Ikukuha kita."

"Ahm," Nag-isip siya saglit. Hindi pa pala siya nanananghalian. "Rice and grilled pork chop will do." She gave him her cute smile.

"Sure. Wait for me here."

Sinundan niya ng tingin si Jonas hanggang sa makalapit ito sa cottage na inuukupa nila kung nasaan ang mga pagkain at gamit nila.

For the ninth times she scan the whole resort. The mini hotel in front of them looks classy. Sa may likuran na bahagi ng pwesto niya ang reception area. Nakapalibot sa entrada ng resort ang mga halaman at mga iba't-ibang uri ng bulaklak.

May tatlong malalaking swimming pool sa buong lugar. Ang isa ay para sa mga bata at ang dalawa ay para sa mga taong kaya ang lalim ng tubig at ang isa ay nakapwesto sa tapat mismo ng Hotel. Kung saan ekslusibo lamang sa mga guests na naka-check in sa Hotel mismo.

Ilang minuto lang ay bumalik na si Jonas, dala ang pagkain nilang dalawa. Inilapag nito ang mga 'yon sa ratan na lamesa na pinag-gigitnaan ng lounge nila.

They're in the middle of eating their late lunch when a familiar built caught her eyes. Parang gusto niyang mabilaukan nang makita si Colton na papalapit sa gawi nila. Hindi natabunan ng sikat ng araw ang dilim ng mukha nito.

"Let me..." Sabi ni Jonas bago niya naramdaman ang daliri nito sa gilid ng labi niya. "Okey na..."

Wala dito ang atensyon niya kundi na kay Colton na mas lalong bumigat ang bawat dampi ng tingin sa kanya. Literal na napalunok siya.

"Enjoying the view?" She could hear the sarcasm on Colton's voice as he dangerously looks at Jonas.

"Yes," Simpleng sagot ni Jonas, tila hindi naman batid ang talim ng titig ng binata.

Tumikhim siya at isa iyong pagkakamali dahil bumalik ulit ang tingin sa kanya ni Colton. Hindi na siya mapakali lalo at napansin niyang tumagal ang tingin nito sa dibdib niya. Uminit ang pisngi niya.

"K-kain..." That was awkward!

Colton didn't speak.

"Sir Jonas! Halika na! Mag swimming na tayo—" Nabitin sa ere ang kamay ni Esmeralda nang makita si Colton. "B-boss, nariyan ho pala kayo."

At ang masungit na amo nila ay hindi man lang pinansin si Esmeralda, bagkos, hindi inalis ang tingin sa kanya na para bang kapag nalingat ito ay mawawala siya sa paningin nito.

"Sige!" Mas lalo siyang pinanghinaan ng loob nang tinakbo ni Jonas ang siwmming pool. Nagtawanan sila Esmeralda ng nag-dive ito.

Wala siyang nagawa kundi ibaling kay Colton ang atensyon niya. Kahit pa tinutunaw siya ng mga titig nito.

"Upo ka." Aniya.

Nagpatuloy siya sa pagkain pero itinigil din iyon ng hindi ito gumalaw. Nag-angat siya ng tingin dito, nagtatanong ang mga mata.

"Hanggang anong oras kayo dito?" He suddenly asked, without breaking an eye contact. Damn it!

"S-sabi ni Esmeralda until midnight. Ayos lang ba 'yon?" Kung hindi pwede, ay okey lang din naman sa kanya.

"Do you like to stay here until midnight?" Masuyo pero nananantiyang tanong nito.

Ngumuso siya tapos ay buong puso na tumango. Then, she heard Colton sighed, parang ang bigat ng problemang pasan.

Gusto niyang masulit ang day off niya. Isa pa first time niya sa resort na iyon.

"Okey then, I'll stay here until midnight."

"W-what?" Natarantang bulalas niya.

Naupo ito sa lounge na inupuan kanina ni Jonas. His v-neck grey shirt and white shorts looks really good on him. He's wearing an expensive flip-flops. Tamang-tama sa lugar kung nasaan sila.

"Don't you like my presence here?"

"W-wala akong sinabi." Napainom siya ng juice. Kabado dahil sa presenya nito.

"That man..." Bahagya nitong nilingon si Jonas na pansin niyang panaka-nakang nagnanakaw ng sulyap sa kanila. "...is hitting on you."

"Nakikipagkaibigan lang 'yung tao, Colton."

He groaned. "May kaibigan ba na hahawakan ang gilid ng labi mo? At bakit ba nagpapahawak ka sa gagong 'yon?"

Nakikita niyang iritado ito pero mas nairita siya bigla. Alam niyang walang malisya ang ginagawa ni Jonas kaya nga magaan ang loob niyang makipag-usap.

"Para may inalis lang sa gilid ng labi ko..." She murmured.

"I will find a new therapist."

Napapantastikuhan na tinignan niya si Colton. Ano ba ang problema ng lalaking 'to? Bigla-bigla na lang susulpot at bibigyan siya ng sakit ng ulo! Day off niya, di ba? At bakit ba nandito itong amo niya?

Okey fine, this is their freakin resort, pero bakit dito pa napili manatili kung nasaan sila?

"Why? He's doing his best to help you. Wala akong makitang dahilan para humanap ka pa ng iba!"

"You want him to stay? Para ano?" Nasapo niya ang noo sa kunsumisyon. "Huwag kang makikipag-usap sa kanya."

What? Is he really prohibited to talk to Jonas? Hindi porke amo niya ito at lihim niya itong iniibig, ay susundin niya na ang ano man ang gusto nito!

She glared at Colton.

"You're being irrational!" Kumulo bigla ang dugo niya at napatayo.

Sinundan lang siya ng tingin ni Colton. Kung gano'n lang rin ang pag-uusapan nila ay mas mabuti pang itigil na nila. Bakit ba ganito umasta ang lalaking ito? Natutuliro siya!

"Where are you going?" He asked coldly, a little bit alarmed.

"Maliligo!"

She took off her pink spaghetti strap sando and summer shorts annoyingly, revealing her black bikini. Sa kulay ng kanyang suot ay lumitaw lalo ang kulay ng balat niya at walang ka-effort effort na nadepina ng husto ang malulusog niyang dibdib. Ang cleavage niya ay nagmamalaki.

Uminit ang pisngi niya bigla nang galit na pinasadahan ng tingin ni Colton ang kabuuan niya tapos ay nagtagal sa kanyang dibdib. Marahas na nagtaas baba ang Adam's apple nito.

"No! You're not going to swim wearing that piece of shit." Mahina pero mariin na sabi nito. His jaw is clenching dangerously.

Nadagdagan lang lalo ang inis niya sa pagbabawal nito sa kanya! Nagmamartsa na nagpunta siya kung nasaan bahagi ng swimming pool sila Jonas at hindi na pinansin pa ang pagtawag sa kanya ni Colton. Tiyak na mag-aaway lang sila.

"Ang sama ng tingin sa iyo ni boss Colton." Pasimple siyang siniko ni Esmeralda sa ilalim ng tubig.

Ngumuso siya at hindi lumingon sa gawi ng binata. Malakas ang loob niya kanina dahil naiinis siya. Hanggang saan kaya ang lakas ng loob niya? Mukhang hindi aalis si Colton, dahil prente lang itong nakaupo sa lounge at totoong masama ang tingin sa kanya.

"Hayaan mo na. Ganyan naman talaga 'yan." Sagot niya para matapos na.

"Pero in fairness Miss Karen, kabogera ka pala! Ang sexy mo!" Si Wenna iyon na nakangisi sa kanya.

"Yea, sexy nga." Sinang-ayunan naman ni Jonas. "Papasa na ngang model sa men's magazine."

"Nambola na naman." She rolled her eyes.

"Nagugutom na ako." Reklamo ni Wenna. "Tara, ate Esmeralda, kain muna tayo."

Iyon nga ang ginawa ng mga ito. Nagsialisan, sila ni Jonas ang natira.

"Lumalangoy ka?" Tanong nito, mukhang may naiisip na gawin.

"Oo naman!" Mayabang na sagot niya. "Bakit?"

"Let's play then." Itinuro nito ang dulo ng mahabang swimming pool. "Paunahan tayo makarating do'n. Game?"

"Iyon lang ba? Game!"

Ngising aso sila pareho ni Jonas. Matagal-tagal na din na hindi siya nakalangoy. Ang huling outing nila ay nung nakaraang taon pa kasama ang mga kapatid niya. Nakakamiss din pala.

Surely, Colton missed swimming so bad! Then suddenly her eyes went on him. Inirapan niya ito, kulang na lang ay baguhan siya ng apoy dahil sa talim ng tingin sa kanya.

"In a count of three, okey?" Ganadong paalala ni Jonas. "One, two..." Pareho silang nag-ipon ng hangin sa dibdib. "Three!"

Sabay nilang ikinampay ang mga kamay at paa sa tubig. Sa bilis ng galaw ni Jonas ay hindi na siya magtataka kung mauna ito sa finish line. Ilang kampay pa lang ang nagagawa niya ay hinahapo na siya. Sa bawat malakas na tilamsik ng tubig sa paligid niya, hindi niya na napansin na may nag-dive sa starting line nila.

Nasisiyahan siya sa paglangoy ng biglang may bagay na humawak sa isang paa niya at hinila iyon pailalim dahilan kung bakit mabilis ang pagbaba ng katawan niya sa tubig. Binalot siya ng matinding kaba dahil nasa malalim siya na parte!

Nahihirapan na idinilat niya ang mga mata sa ilalim ng tubig para lamang makita si Colton na nakahawak sa binti niya. Damn it!

Nagpupumiglas ang kanyang paa ngunit imbes na pakawalan ay hinapit lang siya nito sa bewang. Sinenyasan niya itong nauubusan na siya ng hangin, akala niya ay papakawalan siya nito, bagkos, idinikit lang nito ang labi sa kanya na para bang ang halik nito ang magliligtas sa kanya.

Automatiko na yumapos ang mga braso niya sa batok nito sa takot na pakawalan siya sa ilalim. Nakakaliyong pumulupot naman ang matitigas na braso ni Colton sa maliit na bewang niya at mas lalo pa siyang hinapit palapit dito. Ni ang tubig ay ayaw nitong bigyan ng espasyo sa pagitan nila.

Nawawala siya sa tamang pag-iisip sa pagdadampi ng labi nila at hindi iyon lubos na nakakatulong sa estado niya sa mga oras na iyon. Mukhang napansin iyon ni Colton kaya umahon sila sa tubig.

"You!" Galit pero nanghihina na kastigo niya dito. Kumuha siya ng hangin.

Lagpas sa ulo niya ang tubig, kung hindi nakaalalay ang braso ni Colton sa bewang niya ay siguradong lulubog siya. Hanggang leeg naman nito ang tubig, di hamak na mas matangkad sa kanya.

Nang umayos na ang paghinga niya ay muling binalingan si Colton. Handa niya na ulit itong bulyawan ngunit natigil siya sa ere ng makita na nakayapos ang mga braso niya sa leeg nito at gahibla lang ang layo ng labi nila.

"You don't know what I'm going through watching you wearing this..." He whispered huskily.

Naramdaman niyang gumapang ang kamay ni Colton mula sa likod niya papunta sa bewang hanggang huminto sa tiyan niya. Ang apoy na dala ng palad nito ay hindi kayang apulahin ng tubig sa paligid nila.

"C-Colton..." Her voice sounds begging. Begging for his touch.

Muling gumapang ang kamay nito paangat sa kanyang dibdib. Her heart beat gone wild.

"You will change or..." She close her eyes as he his palm cupped her breast and massage it lightly. "...I will take this bikini off using my lips..." He sensually whispered, making her shiver silently.

Continue Reading

You'll Also Like

25K 482 33
(A Collaboration Series) She's a top secret agent with an annoying attitude and a mission to fulfil in a short period of time. Amalthea Helen Garadze...
24.2M 709K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
5.8M 214K 43
Known for being a notable and respected politician, Luke Fuentes is always focused on his work as the mayor of Buenavista and doesn't have time for l...
4.4M 112K 50
[PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.] Have you ever made the most stupid mistake in your life? I don't know which one is mine, is it introducing t...