Seducing My Husband

frappiness

5.7M 55.3K 3.7K

Seven years old pa lang si Christine Villanueva, boyfriend na niya si Jefferson Lee. Ang problema nga lang... Еще

Preview
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
SMH
Question :>

Chapter 35

113K 1.2K 81
frappiness

CHAPTER 35

LEAVING

"Hoy Teeny Weeny! Hindi mo pa ba titigilan yan? Lagi ka na lang nagtetelebabad dito sa shop ah! Oras kaya ng trabaho!"

Ito naman si Anj. Hmmph. Galit agad? Bakit kaya ang init ng ulo nito lagi? "Wait lang naman Anj. Di pa nga sumasagot eh. Tsaka hindi naman ako nagtetelebabad 'no!"

"Anong hindi?! Hoy babae! Araw-araw naman kayong magkasama ng asawa mo sa bahay. Hatid sundo ka pa nga. Pati ba naman sa oras ng trabaho dapat magkausap pa rin sa phone?! PBB TEENS?!"

"Hala ang OA nito. Hindi ah! Tsaka hindi naman si Jeff yung tinatawagan ko ah."

"Wooshooo! Hindi daw. Pwet mo." Sabi ni Anj tapos pumasok ulit sa CR. May nakain hata sya na masama kaya nagsusuka.

Oh well. Hindi naman talaga si Jeff ang tinatawagan ko. Alam ko na may meeting sya ngayon kaya for sure busy sya. Hindi nga ako masyado tumatawag sa office nya kasi baka maistorbo ko sya. Pero okay lang. Nitong mga nakaraang linggo naman kasi lagi kaming magkasama.

Grabe. Ang bilis pala talaga ng oras kapag masaya ka. Parang kahapon lang, muntik na kaming maaresto dahil naghahalikan kami sa loob ng kotse sa gitna ng kalye. Si Jeff kasi. Ang saya-saya ko talaga kasi kahit sa bahay, sa isang kwarto na lang kami natutulog. Level-up na talaga ang beauty ko!

"Hello?"

"Bessie!" Hay sa wakas sinagot din nya. "Si Tin 'to."

"O Tin ikaw pala. Gusto mo bang makausap si boss? Sandali, ibibigay ko yung phone sa kanya."

"Naku Bessie wag na! Alam ko namang nasa meeting sya eh. Ayoko namang maka-istorbo. Tsaka ikaw naman talaga yung tinawagan ko."

"Huh? Bakit? May problema ba?"

"Hindi wala naman Bessie. Nakakahiya man pero, nagpadala kasi ako dyan ng lunch eh. Pakibigay na lang kay Jeff ha. Pakisabi kumain sya at wag magpapalipas ng gutom."

"Ay sus. Yan lang pala Tin eh. Akala ko naman kung ano. O sya sya, ako na ang bahala. For sure makakarating ang lunchbox mo."

"Hihi salamat Bessie! Sorry din pala sa istorbo ha."

"Sus walang problema. Kaya lang pa'ano ba yan. Baka mamiss 'to ni Boss kapag nasa London na kami." Natawa pa sya then parang binulong sa sarili na siguradong maghuhulk-mode daw ulit si Jeff.

"T-Teka. London? Pupunta kayo ng London? Kasama si Jeff?" HUH? Anong meron?

Nagulat naman sya sa tanong ko. "Hindi pa ba nasasabi sa'yo ni Boss? May lawyers' conference sa London, Tin. Meron din kaming mga aasikasuhin dun para sa mga kaso na hawak ng law firm na 'to. Inaabangan na din kami ng mga business partners ni boss na makikipagsosyo blah blah..."

Wala na akong naintindihan sa sinabi ni Bessie. Hindi na rin kasi ako nakikinig. Pupunta si Jeff sa London?! Bakit hindi nya sinasabi sa'kin? Teka lang, Tin. Chill. Baka naman kasi sasabihin pa lang.

"Uh, Bessie. Hindi pa kasi nasasabi sa'kin yan ni Jeff eh. Matagal pa naman yan diba?" Siguro next month? Next year? Sana next ten years pa. "Basta Bessie yung lunchbox ha—"

"Pero Tin, this Monday na ang alis namin."

Napatigil naman ako sa sinabi nya. This Monday?! Eh Sabado na ngayon. "This Monday na ba talaga Bessie? Pero wala naman syang nasabi sa'kin eh."

Ang gulo naman agad ng isip ko. Aalis si Jeff? Aalis sya? Ang layo pa naman ng London! Hindi ba ako pwede sumama? Pero hindi naman ako lawyer eh.

"Naku hindi pa ba nya sinasabi? Ang gulo naman nun ni Boss. Naku lagot. Basta Tin pagtinanog ka, wag mong sasabihing ako nagsabi ha?"

"O-ok." Naguguluhan pa rin ako. Kung sa Lunes na ang alis ni Jeff, bakit wala man lang syang sinasabi sa'kin? Teka. Baka naman kasi overnight lang sila dun? Oo tama conference lang naman. Iisipin ko na lang na nag-overnight lang din si Jeff sa office nya.

"Sige Tin ibababa ko na ha. Since Linggo naman bukas, magkita na lang tayo sa airport sa Monday? Ihahatid mo naman si Boss diba? Tsaka gusto din kasi kitang makita. Alam mo na, 2 months din tayong hindi magkikita—"

"TWO MONTHS?!" Halos malaglag ko na ang phone. Dalawang buwan si Jeff sa London?! "Teka, akala ko ba conference lang?"

"Oo Tin, conference. Pero matagal yun eh. Madami pa rin kasi kaming aasikusahin blah blah."

Wala na talaga akong naintindihan. Binaba ko ang phone na may mabigat na puso. Seryoso ba si Bessie?! Two months mawawala si Jeff tapos... hindi pa nga niya sinasabi sa'kin eh! Hala naman.

"Anyare sa'yo? Kanina ang saysa-saya tapos ngayon parang pinagsakluban ng langit at lupa." Nilapitan ako ni Anj. Magdadrama na sana ako sa harap nya kaya lang napansin ko na parang namumutla sya.

"Okay ka lang Anj? Maputi na yang lips mo o!" Naku kanina pa sya nagsusuka. Nakakainis naman ako! Baka nadedehydrate na sya kanina pa tapos ako telebabad lang.

"Psh. Ano ka ba Teeny Weeny. Ok lang ako, wag ka ngang OA."

"Hala Anj. Hindi ako OA ah. Namumutla ka talaga. Halika nga." Hinigit ko sya at pinaupo dun sa may sofa. Magrereklamo pa sana sya kaya lang syempre medyo matamlay sya kaya sumunod na lang sya sa'kin. "Ano ba kasi yung nakain mo? Bakit ka nagsusuka?"

"Okay lang ako Tin. Masama lang talaga ang tyan ko."

"Isara na lang natin yung shop. Half-day na lang tayo ngayon, Sabado naman eh. Gusto mo bang samahan kita sa ospital?"

"No way. Hindi ako pupunta ng ospital. Wala lang 'to, ano ka ba Tin. Pwede ba."

"Pero kasi Anj... teka alam ko na. Sandali lang. Tatawagan ko na lang si Kev para masundo ka dito para makapagpahinga ka na sa bahay—"

"WAG TIN! Wag mong tatawagan ang lalakeng yun! Wag na wag." Huh? Paalis na sana ako para tumawag kaya lang hinigit nya ako pabalik. May LQ na naman ba 'tong dalawang 'to?

"Pero Anj. Namumutla ka na eh. Sigurado kahit na anong away nyo ni Kev, eh pupunta pa din yun dito para sunduin ka kapag sinabi ko sa kanya yung itsura mo ngayon."

"Pwede ba Tin? Maganda ako lagi ah. Tsaka ayokong makita ang lalakeng yun! Sige subukan mo syang tawagan mas lalo akong maghihingalo dito dahil sa konsumisyon na binibigay sa'kin ng hinayupak na—"

"Okay. Okay. Chill Anj. Breathe. Wag ka mastress ha. Baka mahimatay ka pa dyan eh. Sige hindi ko na sya tatawagan. Ummm, ganito na lang. Relax ka lang dyan then bibili lang ako ng gatorade para hindi ka madehydrate. Wag ka na magpapapasok ng customer ha. Sarado na tayo."

"Fine fine. SIge basta bilisan mo bumalik ha. Nako Teeny Weeny pag nabalitaan kong dumaan ka pa sa office ni Jeff bago ka bumili ng gatorade eh ewan ko na lang."

"Ui hindi ako pupunta dun 'no. Dyan lang naman sa kanto may mini mart na eh. SIge basta hintayin mo lang ako dito." At lumabas na nga ako at bumili ng gatorade. Bumili pa ako ng mga gamot-gamot at konting makakain ni Anj. Grabe kahit namumutla na eh ang ingay pa din nya.

Pagbalik ko sa shop, pinainom ko na si Anj at pinilit pakainin nung mga dala ko. Nagkwentuhan pa muna kami then kinumbinsi ko sya na magpasundo na kay Kev. Pero ayaw pa rin nya kaya nagtaxi na lang kami pauwi sa bahay nya.

"Oi Tin. Dito ka muna sa bahay. Wag ka muna umuwi. Makikipaglandian ka na naman kasi kay Jeff eh."

"Ui hindi ako makikipaglandian ah. Sige dito muna ako. Hapon pa lang naman eh. Mamayang gabi na lang ako uuwi." At saka kahit naman hindi sabihin ni Anj, alam ko namang gusto nya ng kasama. Nasa states kasi parents nya and super independent 'yan si Anj. Pero syempre kailangan pa rin nya ako.

Inalalayan ko naman sya sa kwarto nya. Then humiga din ako katabi nya. Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Pati nga ang nakakatawang prof namin nung college, naalala namin. Tawa tuloy kami ng tawa. Hindi ko tuloy namalayan na nakatulog na pala kami. Nagising lang ako nang may tumapik sa'kin.

"Tin. Gising na. Ginabi ka na dito."

Bumangon naman ako at kinusot ang mata. "Kev? Bakit ka nandito?" Ay oo nga pala. May susi sya dito sa bahay ni Anj.

"Kanina ko pa kayo tinatawagan. Hindi naman kayo sumasagot. Diba dapat susunduin ko si Anj? Bakit ba maaga kayo nagsara ng shop?"

"Ah, medyo masama kasi kanina yung pakiramdam ni Anj eh. Kaya inuwi ko na lang sya."

"HUH?! Anong nangyari? Bakit hindi nyo 'ko tinawagan?" Sabi ni Kev habang umuupo sa gilid ng kama. Hinawakan naman nya ang noo ni Anj. Napangiti naman ako.

"Kev wala naman syang lagnat eh. May LQ pa nga ata kayo kaya ayaw ka nyang tawagan kanina." Sabi ko naman habang tumatayo galing sa kama. Hala oo nga gabi na. Ang tagal ko ding nakatulog.

"Ayaw na naman nya sigurong sabihin sa'kin na may sakit sya. Ganyan naman sya lagi kapag masama ang pakiramdam. Ayaw akong pag-alalahanin." Hinaplos-haplos pa ni Kev ang buhok ni Anj. Awww. Kahit happy-go-lucky 'to si Kev, pagdating kay Anj nagiging seryoso.

"Sige na Kev. Mauuna na 'ko. Gabi na din kasi eh." At baka langgamin na kayo dito. Madamay pa 'ko. Tumingin naman sya bigla sa'kin.

"Oo nga pala Tin—"

"Ok lang kev. Wag mo na 'ko ihatid. Wala rin kasing kasama dito si Anj eh. Kaya ko namang umuwi mag-isa." Alam ko kasing mag-ooffer sya na ihatid ako pauwi eh. Kinuha ko na yung bag ko. Nginitian naman ako nito ni Kev.

"Wag kang mag-alala Tin. Hindi kita ihahatid. Dyosa ka naman diba?"

"Huh?" Ano bang sinasabi nito.

Ding dong. Sunod sunod ang 'ding dong'

Grabe namang makapindot yun ng doorbell! Parang walang bukas!

"Ayan na pala ang sundo mo eh." Nakangiti pa rin sya sa'kin. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Si Jeff?" Naku oo nga pala hindi ko sya natext. "Pero... pa'no nya nalaman na andito ako?"

"Kanina ka pa rin kasi hinahanap nyan. Tinawagan na nga ako at baka daw kasama kita. Pinagdudahan pa 'ko ng loko." Umiling-iling pa si Kev at parang natatawa pa. "Nang makita ko kayo dito ni Anj, ayun sinabihan ko rin sya."

"TIN?! TIN?! ANDYAN KA BA SA LOOB?!" Sigaw ni Jeff habang kumakatok. Hala. Tumakbo naman ako palabas ng kwarto ni Anj at binuksan ng pinto si Jeff.

"Bubu." Nakahinga naman sya ng maluwag nang makita ako. Lagot ako nito. Kanina nya pa siguro ako hinahanap.

"TSK! BAKIT HINDI KA SUMASAGOT?! KANINA PA KITA TINATAWAGAN!"

"Sorry Jeff. Nakatulog kasi ako pagkahatid ko dito kay Anj eh."

"DAPAT NAGSABI KA MAN LANG KUNG SAAN KA PUPUNTA! TSK! ALAM MO BANG KANINA PA KITA HINAHANAP?!" Patay talaga ako nito.

"Wag masyadong mainit ang ulo pare. Sige ka, baka di na yan sumama sa'yo pauwi." Nasa likod ko na pala si Kev. Nakangiti naman sya kay Jeff. Nagtitigan silang dalawa.

"TSK." Naunang nag-iwas ng tingin si Jeff. Mas lalo namang lumaki ang ngiti nito ni Kev.

"Sige na Tin. Umuwi na kayo. Baka magising pa ang babe ko sa boses ng asawa mo." Aba, nang-asar pa.

"Kaya mo na ba? Basta meron akong mga biniling gamot dyan ha. Nandun sa may table."

"Dyosa ka talaga. Salamat Tin." Nagfriendly hug naman kami ni kev.

"TSK!!" Napatingin naman kami kay Jeff. Ang sungit na naman ng mukha nito.

"Chill lang pare. Ako pa nga ang nagsabi sa'yo na nandito si Tin diba?" Ito talaga si Kev. Ang laki pa din ng ngiti. Feeling ko nang-aasar lang 'to.

"Fine. Tsk... Thanks." Bulong naman ni jeff bago tumalikod at pumasok sa driver's seat ng kotse.

"Wow. Marunong na pala magpasalamat ang asawa mo? Ang galing mo Tin ah." Tinapik tapik naman ni Kev ang ulo ko. Bigla namang bumusina si Jeff. "oops. Bawal talaga ata hawakan ang dyosa." Kumindat naman tong si Kev.

"Nyek. Sige Kev una na ako. Basta... sabihin mo kay Anj hindi kita tinawagan ha. Hindi naman talaga kita tinawagan na pumunta diba?" Tumawa naman sya then tumango.

Pumasok na ako sa passenger seat. Sa buong byahe hindi nya pa rin ako pinapansin. Nagsorry naman ako diba? Hindi ko naman talaga sinasadya. Nilabas ko ang phone ko sa bag. Hala. Halos 200 missed calls na! Yung iba galing kay Kev pero syempre halos lahat galing kay Jeff. Kaya pala galit eh.

"Kumain ka na?"

"Huh?" Nagulat naman ako nang bigla nya akong kausapin. "H-Hindi pa. Ikaw kumain ka na ba Jeff? Pwede naman ako magluto sa bahay."

"Tsk. Wag na. Gabi na." Tapos tumigil sya sa Mcdo. 24 hours naman ang Mcdo kaya nakakain kami. Sinusubukan ko na ulit sya kausapin pero hindi pa rin ako pinapansin. Hanggang nasa kotse na ulit kami pauwi sa bahay.

"Ui bubu. Wag ka na magalit o. Hindi ko naman talaga sinasadya eh."

"Ayaw mo na akong magalit?" Hindi sya nakatingin sa'kin pero at least nagsasalita na sya!

"Syempre naman bubu. Bati na tayo please?"

"Bakit, ano bang gagawin mo para mapatawad na kita?"

"Ehh?" Anong gagawin ko? "Syempre magsosorry. Kahit ilang sorry pa bubu!"

"Tsk. Sorry lang?"

"Eh bakit? Anong gusto mong gawin ko?"

"Wala. Tsk. Bahala ka na nga!" Hala. Bakit biglang nainis 'to?

Teka nga. Speaking of inis, bigla ko namang naalala yung sinabi sa'kin ni Bessie kanina. Aalis na nga pala si Jeff papuntang London sa Monday tapos hindi man lang sasabihin sa'kin! Diba dapat ako ang magalit dito?! Hmpph! Mayamaya pa dumating na kami sa bahay. Pagpasok pa lang, nagsalita na agad si Jeff.

"Fine. Hindi na ako magagalit sa'yo kung yayakapin mo 'ko." Napatingin naman ako sa kanya. Seryoso ba sya? "Yung mahigpit ah. Tsk. Dapat yung mahigpit na mahigpit."

Oh my golly apple sauce. Tama nga si Anj. PBB Teens nga kami. Nilampasan ko naman sya at tumakbo na ako papunta sa kwarto ko. Tapos nilock ko agad.

Grabe ka Jeff. Nagpapayakap ka pa sa'kin ngayon pero aalis ka naman. Take note ha, walang paalam.

Kumakatok si Jeff ng pinto. "Tsk. Tin buksan mo nga 'to! Hindi na nga ako galit sa'yo diba!"

"Ayoko Jeff. Hindi ko bubuksan! Dun ka na ulit sa kwarto mo!"

"WHAT?! Tsk. Hindi pwede. Dito na rin ang kwarto ko diba?! Buksan mo na nga 'to!" Sabi nya pa rin habang kumakatok. Hinarang ko naman ang isang upuan sa tapat ng pinto. Para di sya makapasok.

"Ayoko! Simula ngayon, may rule na. Bawal ka na pumasok sa kwarto ko. Rule na yan!"

"Bakit ikaw lang ang gumagawa ng rule?! Tsk. Hindi ko yan susundin!"

"Dapat sundin mo Jeff! Sige ka... uhm, dito ko na lang papatirahin si mom! Para hindi ka na talaga makapasok sa kwarto ko!"

"WHAT?! TSK. FINE. HINDI NA AKO PAPASOK DITO!" Tumigil naman sya sa pagkatok. Hala tumigil sya agad. Ay erase erase. Gusto ko nga pala sya tumigil.

"Sige wag ka na talaga pumasok! Aalis ka naman diba! Pupunta ka sa London! Iiwan mo naman ako eh!" Bigla ata syang napatahimik. Wala na kasing nagsalita eh. Akala ko umalis na sya pero narinig ko ulit sya.

"Pa'no mo nalaman?" Sabi nya sa mahinang boses. "Tsk. Hindi mo pa dapat malaman."

Ganun?! "Kailan mo pa sasabihin sa'kin? Pag-aalis ka na? Dalawang buwan ka mawawala tapos hindi mo man lang sasabihin? Bakit ganyan ka Jeff. Ang mean mo." Tapos lumayo na ako sa pinto at humiga na lang sa kama.

Mukhang umalis na rin hata sya kasi wala na akong ingay na narinig. Parang kahapon lang nakahiga kaming dalawa dito sa kamang 'to. Naman Jeff eh. Minsan hindi talaga kita maintindihan.

Kinabukasan, paggising ko pa lang sinalubong na ako agad ng ulan. Ang dilim sa labas kasi umuulan pa rin. Ewan ko ba, tuwing malungkot ako nakikisama sa'kin ang panahon. Walang araw na sumisikat.

Lumabas ako ng kwarto. Hmm. Mukhang tulog pa si Jeff. Sa kwarto nya sya ulit natulog. Nagluto na lang ako ng breakfast then kumain mag-isa. Baka kasi ang awkward pagsinabayan ko pa sya. Wahhh. Di ko alam ang sasabihin kay Jeff pag nakita ko sya. Ang gulo na naman ng utak ko.

At kapag magulo ang utak, isa lang naman ang ginagawa ko. Naligo muna ako tapos hinigit ang isang payong. Nagpara ng taxi at sumugod sa bahay ni Anj. Pagkadoorbell ko pa lang, pinagbuksan na agad ako ni Kev na kumakain ng tinapay.

"Tin? Anong ginagawa mo dito?"

"Kev, gising na ba si Anj?"

"Oo ayun. Ayaw nga kumain eh. Sige halika pasok." Nakita ko si Anj na nakaupo sa dining table pero hindi naman kumakain. Nakatitig lang sya dun sa mga pagkain.

"Diet ka ba Anj? Hindi pa hata ok ang pakiramdam mo eh." Nagulat naman sya nang nagsalita ako.

"Whoa Teeny Weeny. Ang aga natin ah. Sus ano ka ba, ok na 'ko. Kung anu-ano pinapainom sa'kin ng iba dyan eh."

"Alalang-alala kaya sa'yo yan si Kev kagabi. Ang sweet nga eh!" Umupo ako at kumuha rin ng tinapay. Feel at home talaga ako dito sa bahay nya. Umupo rin si Kev at kumain.

"Sweet talaga 'ko. Gwapo pa. Perfect package." Nakangiting sabi ni Kev

"Perfect daw. Baka package lang. Mukhang package. Psh. O sandali nga Tin. Anong meron kay Jeff?" Wow ang galing naman ni Anj. Alam nya agad na dahil kay Jeff kaya ako nandito.

"Bakit tin? Akala ko magiging okay na kayo kagabi?" sabi ni Kev

"Nandito si Jeff kagabi? Hay grabe, ang dami ko atang namiss ah." Umiiling pa tong si Anj

"Don't worry babe. Hindi mo naman namiss ang kagwapuhan ko."

"Ugh. Parang nasusuka ulit ako."

Naglandian pa sila sa harap ko. Oo ganyan talaga sila maglandian. Kumain na ako sa bahay pero kumagat ulit ako ng bread nila. "Ang sama nyong dalawa. Namomroblema na nga ako, ang saya nyo pa."

"Hello Tin?! Paano ka magiging masaya kung ganito kahangi ang makikita mo sa umaga." Tinuro-turo ni Anj si Kev.

"Come on babe. Aminin mo na. Ang sarap magising kapag ganito kagwapo ang makikita mo diba?"

"Ugh. Wag mo nga akong kausapin! Sige na Tin. Ano bang problema mo?"

"Yun nga Anj eh. Si Jeff kasi—"

May tumunog na phone.

"Excuse me ladies. May nangangailangan ng kagwapuhan ko." Kumindat muna bago tumayo si Kev. Sasagutin nya kasi ang phone nya. Nagroll-eyes naman si Anj.

"Wag mo ngang pansinin yun. Ang yabang. O sige ano na. Anong ginawa na naman ng lalakeng yun?"

At kinuwento ko na nga kay Anj. Kaya lang halos hindi ko pa nauubos ang kinakain kong tinapay, eh hinihigit na ako patayo at pinagtutulakan palabas.

"Sandali lang naman Anj. Pinapaalis mo na ba ako agad?"

"Hay naku Teeny Weeny. Tigilan mo nga ako sa kaartehan mo. Umuwi ka na." Tinutulak-tulak na nya talaga ako papunta sa pinto.

"So ano Anj. Hindi mo man lang ako bibigyan ng advice? Umuulan pa naman tapos pumunta ako dito maagang-maaga eh."

"Alam mo Tin. Ang advice ko lang naman sa'yo, eh ang umuwi na. Hello?! Linggo na kaya ngayon. Monday na bukas. Makipagbati ka na kay Jeff. Aalis na nga yung tao eh aawayin mo pa? Sige ka, gusto mo bang dalawang buwan kayo hindi magkita tapos magkagalit pa?"

Napatigil naman ako. Hala. Ayoko nga. Ayokong umalis sya na magkagalit kami.

"Grabe Anj. Genius ka talaga. Tuwing kinakausap kita naliliwanagan ako eh."

"Tungeks. Ang liit naman kasi ng problema mo, pinoproblema mo pa. Sa'n ba gawa yang utak mo?" Ito naman si Anj. May pahabol pang insulto.

"Teka Tin. Aalis ka na? Sa'n ka pupunta?" Hinold muna ni Kev yung tumawag sa kanya.

"Uuwi na ako Kev. Sorry sa abala ha."

"Wala yun. Pero sure kang uuwi ka na? Wala ka nang ibang pupuntahan?"

"Uhm, wala naman. Bakit?"

"Wala. Hatid na kita?"

"Hindi Kev wag na. Okay lang ako."

"Ikaw bahala. Sige Tin ingat." Sabi ni Kev at kinidatan pa ako. Tapos kinausap na ulit nya ang kausap nya sa phone. "O ayan na. Pauwi na ang dyosa. Wag mo kasing sigawan pare. Kaya umaalis eh.... Hoy wag mo nga akong sigawan. Ayaw magpahatid anong magagawa ko? Tsaka walang kasama ang babe ko dito 'no!"

Teka. Sinong kausap ni Kev. Hindi ko na natanong kasi tinulak naman ako bigla ni Anj palabas ng pinto. "Sige na. Go umalis ka na. Sinasayang mo ang oras eh. Pag umalis na sya, sige ka pagsisisihan mo yan."

"Wag ka namang ganyan Anj. Pinagtatabuyan mo talaga 'ko?"

"Ay sows hindi uubra ang pagpapacute mo sa'kin. Teka may payong ka bang dala?" Tumango naman ako. "O sige mag-ingat ka. Magsorry ka na kasi agad para di na lumaki."

"Eh pa'no kung ayaw na nya ng sorry?"

"Sus! Edi hug mo! PBB Teens naman kayo eh." Bigla ko namang naalala na nagpapahug nga pala sya kagabi.

"Ang galing mo talaga Anj! Ang talino mo!"

"Ewan ko sa'yo. O sige na go. Chupi chupi."

At nagchupi na nga ako. Pumara ulit ako ng taxi then umuwi na. Umuulan pa rin pero hindi na masyado malakas. Pagdating ko sa bahay, nagulat ako kasi nakaupo si Jeff sa sofa. Nakalatag yung laptop nya, mga libro, etc. Grabe nagtatrabaho na sya agad?

Hindi man lang nya inangat ang ulo nya sa binabasa nya nang pumasok ako. Galit pa rin kaya sya sa'kin dahil sa mga sinabi ko kagabi?

"Kumain ka na ba Jeff? May iniwan akong food dyan eh."

"Mmm." Tapos nagflip sya ng page ng libro. Hindi pa rin nya ako tinitingnan pero at least sumasagot sya diba? Good sign naman 'to eh. Umupo din ako sa sofa.

"Galing ako kina Anj."

"Alam ko."

"Ah... huh?" Teka pa'no nya nalaman? Eh magsosorry nga dapat ako kasi wala akong iniwan na note.

Nagclear throat siya. "Wala ka namang ibang pupuntahan. Kaya naisip ko na kay Anj ka lang pupunta."

Ahh. Ganun pala. Ang talino naman ni Jeff. Parang si Anj din. Pero teka. "Sunday ngayon ah. Nagtatrabaho ka pa rin?" Hindi nya ba pwedeng ipagpaliban muna yan?

"Kailangan ko na gawin 'to para sa conference bukas." Sabi nya habang nagbabasa pa rin. Ano ba yan, pinaalala nya pa na aalis na sya bukas. Nakakalungkot naman.

Umusod naman ako papalapit sa kanya. Umurong ako ng umurong hanggang sa super katabi na nya ako sa upuan. Magkadikit na nga ang arms namin.

"Tsk. Bakit mo ba 'ko sinisiksik? Ang laki-laki ng sofa."

"Hala Jeff. Hindi kita sinisiksik ha. Gusto ko lang talaga dito umupo."

"Tsk." Sabi nya lang pero hindi naman sya umusod palayo. Pero nagbabasa pa rin sya.

"Haaaay. Gusto ko manyakap eh. Yung mahigpit na mahigpit na huuug. Sino kayang pwedeng yakapin?" Aba si Jeff. Hindi pa rin namamansin. Hindi nya ba nafifeel na nagpapapansin ako? Teka alam ko na.

Kiniss ko siya sa cheek. Yehey! Napatigil sya sa pagbababasa at napatingin sa'kin. "Bakit mo ba 'ko ginugulo?"

"Hindi kita ginugulo Jeff ah." Hala. Hindi ko naman talaga sya ginugulo.

Hindi na lang sya sumagot. Babalik na sana ulit sya sa pagbabasa pero pinatong ko ang ulo ko sa lap nya at humiga sa sofa. Ito talaga nanggugulo na ako. Papansin pa.

"Tsk. Akala ko ba hindi ka nanggugulo?"

"Hindi nga. Napagod lang kasi ako kaya kailangan ko humiga."

"Pumunta ka na lang sa kwarto mo. Dun ka na lang humiga."

"Ehh. Gusto ko dito eh. Tsaka baka may makuha akong free kiss dito. Sino kayang pwede magbigay ng free kiss?"

Nilapit naman nya sa mukha nya yung librong binabasa kanina. "Tsk. Busy ako. Umalis ka na." Ano ba yan si Jeff. Ang manhid naman.

Bigla namang tumunog ang phone ko. Huh? Sino naman 'to? Habang hindi pa rin tumatayo, sinagot ko naman. "Hello?"

"Hey Tin. This is Andrew."

"O Andrew ikaw pala." Parang naramdaman kong biglang tumigil sa paghinga si Jeff. Well hindi ko naman kasi makita yung mukha nya eh. Natatakpan kasi ng libro. "May problema ba?"

"Well wala naman. Mom actually wants to talk to you. I'll just give her the phone ha. But ofcourse if you still want to hear my beautiful voice..." Nangiti naman ako dun.

"Beautiful voice talaga?"

"Naman! If you want I can give you a sample. Gusto mo kantahan kita?"

"Weh. Seryoso kakanta ka?"

"EHEM." Sabi naman bigla nito ni Jeff. "Alam kong si Anj lang ang kausap mo. Tsk. Itigil nyo na nga yan."

Napaupo naman ako sa sinabi nya. Hala ang weird naman nito ni Jeff. Bakit si Anj daw ang kausap ko? Nabalik naman agad yung attention ko sa phone. Kumanta kasi si Andrew.

"Mahal kita pero di mo lang alam. Mahal kita pero di mo lang ramdam. Mahal kita kahit di mo naman ako tinitingnan. Mahal kita kahi lagi mo lang akong dinedeadma.."

"Naks! Ang galing mo Andrew kumanta ah! Ikaw na ang may beautiful voice." Binaba naman bigla ni Jeff ang binabasa nyang libro tapos tumingin sa'kin na parang naiinis.

"Tsk. Wag ka na ngang magkunwari. Alam kong si Anj lang yan." Hala naman 'to si Jeff. Bakit ba feeling nya si Anj ang kausap ko? Kakausapin ko na sana sya kaya lang biglang...

"Hello Tin?"

"Oh hello po tita Mariel." Binigay na pala ni Andrew yung phone sa mommy nya.

"Sorry to disturb you iha. Pero are you free today? I'm thinking that maybe you can do our portrait?" Ay oo nga pala. Nakapangako nga ako dito kay tita na ipapaint ko silang buong pamilya.

Tumingin naman ako kay Jeff na nakatingin pa din sa'kin. "Uhm, tita? Ngayon na po ba talaga? Sunday po kasi ngayon eh."

"I know. Pero ngayon lang din free ang tito Ariel mo. I'm sorry about this Tin. Pero I'd really appreciate it if you can come today."

"Ganun po ba tita? Ummm..." Ano. Pupunta ba 'ko? Syempre ayoko pumunta. Last day na nga dito ni Jeff eh. Pero kasi nakikiusap na si tita. Tapos hindi naman ako pinapansin ni Jeff kaya ano pang point kung mananatili lang ako dito. Hay. Sige na nga. "S-Sige po tita—"

Bigla namang hinablot ni Jeff yung phone ko. Hala! Bakit nya sinasagot? "Tsk, Anj. Itigil nyo na nga 'to—" Napatigil sya sa pagsasalita at napatingin sa'kin. Si tita yung kausap ko! Bakit nya tinawag na Anj??

"Akin na Jeff yung phone ko." Bulong ko naman sa kanya. Pero hindi pa din nya binabalik.

"Pasensya na po. Pero hindi po makakapunta si Tin ngayon.." Hala! Anong sinasabi nya kay tita? "Pasensya na po talaga." And then he ended the call. Nganga ako.

"Seryoso Jeff? Pinagbabaan mo ng phone si tita??"

"Tsk. Bakit hindi mo sinabi na sya pala talaga ang kausap mo."

Ehhh? Bigla namang tumunog ulit ang phone ko. Panigurado si Andrew ulit yan. Pero hindi ko pa nga nakikita, inend call na agad ni Jeff. Tapos pinatay ang phone ko.

"Hala ka Jeff. Bakit hindi mo sinagot? Baka magalit—" Hiniga naman nya ako ulit sa lap nya at hinalikan. Nawala na naman tuloy sa isip ko yung sasabihin ko.

"Tsk. Bakit nagpapakanta ka pa sa mokong na yun?"

"Huh?" Teka lang kasi. Hindi ako makapag-isip. Ang lapit naman kasi ng mukha nya eh. Si Andrew ba ang tinutukoy nya— Hinalikan na naman nya 'ko. Wala na talaga. Hindi ko na yan maiisip mamaya.

Bigla ko namang naalala na baka nagugulo ko na nga si Jeff. May mga kailangan pa naman sya gawin para bukas. Umupo na lang ako ulit sa tabi nya. "Naku sorry bubu. Gingulo pa kita eh busy ka."

"Wala naman akong kailangan gawin."

"Ehh? Pero bakit ang dami mong ginagawa? Ang dami mo pa ngang libro dyan na binabasa."

"Bored lang ako kanina. Tsk."

"Grabe! Pag-bored ka nagtatrabaho ka? Ibang klaseng hobby yan bubu ah."

Nagshrug lang sya. "Tapos na akong mag-impake so wala na akong gagawin." At bigla ko na namang naalala. Aalis na nga pala sya. Naka-impake na nga sya.

Pinitik naman nya ako sa noo. "Gusto mo lumabas? Date tayo?" WOW. Si Jeff nagyayaya na magdate kami? Gusto ko yan! Ay wait. Umuulan pa rin kasi sa labas. At saka kung lumabas kami saan naman kami pupunta?

"Wag na bubu. Dito na lang tayo sa bahay."

Nagulat hata sya sa sinagot ko. "Anong gusto mong gawin dito?"

Nginitian ko naman sya. "Ano pa bang ginagawa sa bahay?"

"Hindi ka ba mapapagod nito bubu?"

"Tsk. Bakit naman ako mapapagod?"

"Sure ka?"

"Oo nga! Bilis na!"

"Ok sige ha. 1, 2, 3... start na!"

At nagkarera na nga kaming dalawa. Yung pabilisan ng kotse sa playstation. Nakasalampak kami dito sa floor at aba, seryosong-seryoso si Jeff.

"Tsk."

"Waaaaahh. Nauunahan ko na yung kotse mo bubu!"

"Tsamba lang yan." Aba, pikon pa.

Pero since hindi naman sya naglalaro ng playstation, eh ako ang nauna sa finish line.

"Oh well. Oh well." Naghair-flip pa 'ko. Hihi ang cute talaga nito asarin.

"Tsk. Rematch."

"Eh ano munang prize ko?"

"Wala. Bilis na. Simula na ulit."

At naglaro kami nang naglaro. Infairness naman sa bubu ko! After sometime eh natalo na nya 'ko. Di ko sya pinagbigyan nyan huh.

"Naks ang galing ni bubu!"

"Mmm." Sabi nya habang nagpipigil ng ngiti. Aba aba. Mukhang masaya talaga sya ah. "Tsk. Yung prize ko?"

"Huh? Eh diba wala namang prize pag nanalo—"

Ninakawan na naman nya 'ko ng halik. Nako, lagi na lang ako magpapatalo pag ganyan. Naglaro-laro pa kami then nung medyo nagugutom na kami hinigit ko si Jeff sa kusina.

"Bakit ba 'ko kasama?"

"Syempre Bubu! Sabay tayo magluluto eh."

"Tsk. Hindi ako marunong." Namumula pa ang tenga nya. Ang cuuute!

"Ok lang yun. Kaya nga kita tuturuan eh. Umm, since maulan naman ngayon, magsinigang na lang tayo! Para may sabaw. Ok lang ba yun sa'yo bubu?"

"Mmm."

Sinuotan ko na din sya ng apron. Waahhhh. Ang cute! Tapos hindi ko naman sya pinapalapit sa kalan. Pinapatulong ko lang sya paggagayat. Seryosong-seryoso sya ulit. Kaya lang mukhang naiinis na dun sa sibuyas. Hindi nya kasi magaya yung ginagawa ko..

Tinuruan ko rin sya magsaing. Para diba, pag nasa London na sya, kahit kanin marunong sya. Hay naalala ko na naman. Wala ngang nagbabanggit sa'min ng kahit anong bagay na connected sa pag-alis nya eh. Parang ayaw naming maalalang dalawa. We're acting na parang normal Sunday lang 'to.

"Bubu tikman mo." Hinipan ko yung sandok tapos pinatikim ko sa kanya.

"Masarap na." Sabi nya pa habang tumatango-tango.

"Syempre naman! Galing mo magluto eh."

"Tsk. Aayusin ko na lang yung lamesa." Tapos lumabas na sya sa kusina. Ang cute talaga nun!

Kumain na kami at usap lang kami ng usap ng kung anu-anong mga bagay. Basta kahit ano. Wag lang yung pag-alis nya. Pagkatapos namin, nagligpit din kami ng sabay at nagtapunan pa kami ng tubig sa isa't-isa. Nabasa tuloy kami kaya nagshower muna ulit ako.

Pagbaba ko, nakita ko si Jeff na may inaayos sa tv. Basa rin yung buhok nya kaya nagshower din siguro sya. "Anong gusto mong panoorin?"

"Huh?" Ay wow. Magmomovie kami? "Sige bubu kahit ano na lang. Ikaw na lang bahala." Pumunta muna ako sa may ref at kumuha ng cookies na binake ko kahapon. Wala kasing popcorn.

Nakaupo na si Jeff sa sofa pagbalik ko, kaya tinabihan ko na lang sya. Automatic naman nya akong inakbayan at nanood kami habang kumakain ng cookies.

Pero bakit ganun? Comedy yung pinapanood namin pero naiiyak ako. Halos wala na nga akong maintindihan. Si Jeff naman kasi. Maya't-maya eh hinahalikan ang ulo ko. Tapos kanina pa nya hinahawakan at nilalaro-laro ang buhok ko. Nakasandal na nga lang yung ulo ko sa balikat nya.

Tahimik lang kami. Pero feeling ko wala naman talagang nanonood sa aming dalawa. Waaahhh ayoko syang umalis . Iniisip ko pa nga lang na hindi ko sya makikita ng 2 months, sumisikip na yung dibdib ko.

Nanood lang kami buong maghapon tapos nagluto ulit kami ng dinner. Pinatay din nya ang cellphone nya kaya wala tuloy umiistorbo sa'min. Pati nga pag may tumatawag sa landline, walang sumasagot. Para kasing ayaw naming magpa-istorbo.

Nagkwentuhan lang kami ulit sa dinner. Nagbiruan. Then nagligpit at sabay na kaming umakyat sa taas. Kaya lang nagulat naman ako sa sinabi nya.

"Sige na magpahinga ka na. Matulog ka ng maaga."

Teka. Hindi ba kami tabi matutulog? "Dyan ka matutulog sa kwarto mo Jeff?"

Tumango naman sya. "Diba may rule? Bawal na akong pumasok sa kwarto mo."

Anong rule? May sinabi ba akong rule? Wala kaya! "G-Ganun?"

"Mmm. Sige na, pumasok ka na sa kwarto mo."

At pumasok na nga ako sa kwarto ko. Waaaahhhh. Bakit ang bobo ko? Bakit ba ako nagiimbento ng ganung rule? Joke lang naman yun Jeff eh! Naman!! Hay nako. Dapat hindi ako pumayag na pumasok sya sa kwarto nya. Dapat hinigit ko na lang sya dito! Oo tama!

Lumabas ako ng pinto para higitin sana si Jeff dito. Kaya lang wala na sya. Pumasok na sya ng kwarto nya. Naman eh. Bumalik na lang tuloy ako then naghilamos at nagprepare na matulog. Pero as I expected, paikot-ikot lang ako sa kama. Hindi makatulog. Ang lakas pa rin ng ulan.

Dalawang buwan mawawala si Jeff? Kaya ko ba yun? Eh isang araw nga lang syang hindi umuwi nanghihina na ako eh. Pa'no pa pag matagal? Ayoko na!! Ayoko na mag-isip!! Gusto ko na matulog!

Waaahhhhh. Naka-ilang tupa na ako na nabibilang. Hindi pa rin talaga ako makatulog!! Ilang oras na rin akong paikot-ikot. Ewan ko ba. Pero bigla na lang akong... umiyak. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan.

Hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak. Siguro kasi naiinis ako. Naiinis ako kasi umuulan pa rin. Naiinis ako kasi hindi ako makatulog. Naiinis ako kasi wala si Jeff dito. Naiinis talaga ako!! UWAAAAA.

Lumabas ako ng kwarto ko na umiiyak pa rin. Pumasok ako sa kwarto ni Jeff. Tulog na sya kaya humiga na lang ako sa tabi nya. Tapos siniksik ko ang sarili ko sa gitna ng arms nya then sinubsob ko ang mukha ko sa chest nya. Huhuhuhu Jeff, wag ka na lang umalis.

"Tin?" Naku lagot. Nagising hata sya. Pero hindi ako sumasagot. Kinakagat ko kasi ang labi ko para pigilan ang sarili ko umiyak ng malakas. "Tin." Sabi lang nya tapos niyakap ako ng mahigpit. Uwaaaaa. Pa'no na lang ako mabubuhay ng dalawang buwan na wala si Jeff? Hindi ko kaya!!

"Tsk. Umiiyak ka ba?"

"H-hindi ah." Pero tumutulo na naman ang mga luha ko. Nababasa ko na yung damit ni Jeff. Naman eh.

"Wag ka na umiyak. Tsk. Kaya ayokong sabihin sa'yo na aalis ako."

"Bubu naman eh. Bakit kasi dalwang buwan? Ang tagal nun eh." Nakakaiyak talaga.

"Mabilis lang yun. Hindi mo mamamalayan, nandito na ako agad. Tsk. Kaya wag ka na umiyak."

"Eh mamimiss kasi kita eh!! Pa'no na yun. Pag-uwi ko dito sa bahay, walang tao. Wala akong kasabay kumain o makakausap. Tapos hindi na kita mahuhug. Pa'no na?"

Tinaas naman nya 'ko kaya magkapantay na ang mga mukha namin. Pinunasan nya naman ang mga luha ko. "Tsk. Lagi naman kitang tatawagan. At lagi rin kitang iisipin."

"Talaga? Baka mamaya yung mga girls na sa London ang iniisip mo ah."

Ngumiti naman sya. "Pwede ba yun? Eh wala namang mas maganda sa'yo eh— Tsk. Wag ka na umiyak." Kiniss nya naman ako sa noo then niyakap ulit ng mahigpit. "Basta ikaw din. Wag ka masyado makikipag-usap sa mokong na Andrew na yun. Pati na rin sa ibang lalake."

"Syempre naman bubu."

"Tsk. Ako lang din ang lagi mong iisipin."

"Ikaw lang naman talaga eh."

"Mmm. Basta mag-ingat ka lagi. Tsk. Pinagbilin na kita pero mag-ingat ka pa rin."

"Huh? Kanino mo 'ko pinagbilin bubu?"

"Tsk. Basta."

Medyo tumigil na 'ko sa pag-iyak. Kung anu-ano kasi ang sinasabi ni Jeff. Style nya rin ata 'to para di na ako masyado malungkot. Pero hala! Madaling-araw na.

"Bubu? Hindi mo ba kailangan matulog?"

"Sa airplane na lang ako matutulog."

"Huh? Naku sorry. Ginising kasi kita, eh natutulog ka na kanina."

"Kakatulog ko lang din nang dumating ka. Tsk. Gusto kasi kitang puntahan sa kwarto mo, pero may rule."

"Wala na yun bubu! Pinapawalang-bisa ko na ang rule hindi na yun effective."

Naramdaman kong parang ngumingiti sya. "Pa'no yan. Ginising mo 'ko. Hindi na 'ko makatulog."

"Hala sorry bubu. Uhmm, gusto mo ba bumalik na 'ko sa kwarto ko para makatulog ka na—"

Kiniss na naman nya ako. "Tsk. May sinabi ba akong ganun? Ang sabi ko, dahil ginising mo na din ako, you should take responsibiity."

"Take responsibility? Eh anong gusto mong gawin ko—"

Hinalikan na naman nya ako. At hinalikan at hinalikan at hinalikan. Sus, ang dali lang pala magtake responsibility. Chos. At hindi na nga kami natulog. Alam na.

Kinabukasan sa airport.... "Uyyy. Ang laki ng eyebags mo Tin ah. Hindi ka ba pinatulog ni Boss?"

Namula naman ako bigla. "Ano ka ba Bessie."

Inaasikaso kasi ni Jeff ang lahat ng empleyado. Kaya ayun busy busy sya. Ako iniwan nya muna dito kay Bessie. Hinatid sya ng family nya pero umalis na sila. Lumapit naman sa'min si Rey.

"Grabe. Lahat ng girlfriends ko gusto akong ihatid sa airport. Pero sabi ko na lang, sorry ladies. Baka mag-away away pa kayo. Wala na lang maghahatid sa'kin."

"Woooh! Palusot mo Rey. Wala lang talagang maghahatid sa'yo kaya nag-iimbento ka ng kwento."

"Akala mo lang yun Bessie. Masyado kaya pinagkakaguluhan ang kagwapuhan ko."

Natatawa naman ako sa kanila. Mayamaya lumapit na din sa'min si Paul. Kasama nya si Lucy, yung girlfriend nya. Nagkamustahan. Nagkwentuhan.

"Panigurado hulk-mode na naman yan mamaya si Boss." Sabi ni Paul.

"Oo nga Tin. Isama ka na lang kaya namin. Ikaw lang naman nagpapakalma dun eh." Nakangiting sabi ni Bessie

"Ano Tin, isuksok na lang kita sa maleta ko?"si Rey naman nakakatuwa.

Nginitian ko na lang sila. "Kaya nyo yan. Kayo pa! Hindi naman talaga masungit si Jeff eh."

"Ikaw lang naman nagsasabi nyan." Nagtawanan kami lahat sa sinabi ni Rey.

Pero mayamaya pa, narinig ko na ang kinatatakutan ko. Pinapapasok na ang mga pasahero sa ariplane. Kinuha na nila ang mga bags nila. Go Tin. Kaya mo yan. Diba sabi mo hindi ka iiyak ngayon? Dapat nakangiti kang magpapaalam kay Jeff para hindi sya mag-alala.

"Tin, mag-ingat ka ha. Mauuna na kami." Hinug naman ako ni Bessie. Si Paul nagpaalam na rin then lumayo muna sila ng konti ng girlfriend nya.

"Oi Tin! Anong gusto mong pasalubong? Sabihin mo lang! ...Papabili ko kay Boss."

Nginitian ko na lang sya. "Salamat Rey. Gusto ko sana... yung bridge that is falling down sa London."

"Nakoooo! Ganyan ba ang nangyayari kapag asawa si boy pick-up?!"

Nagpaalam din sa'kin yung ibang mga katrabaho ni Jeff. Mayamaya rin, dumating na si Jeff. Hindi pa nga sila umaalis busy na sya. Binigay ko na sa kanya yung briefcase nya tsaka yung mga bags nya. Tapos ngumiti ako ng malaking-malaki.

"Bubu ingat ka ha! Tawagan mo ako agad kapag nasa London ka na."

"Mmm." Sabi nya lang habang nakatitig sa'kin.

"Wag ka masyado magpapakapagod. Tsaka kumain ka lagi sa oras. Ok?"

"Mmm."

All passengers boarding the flight to London blah blah. Pinapapasok na talaga sila. Ngiti ka lang Tin. Ngiti ka lang. Wag kang iiyak.

"Halikan mo na kasi boss!" Sigaw naman ni Rey.

"Maiiwan ka nyan ng eroplano sa bagal mo boss." Sabi ni Paul

"Boss hindi naman kami nakatingin eh. Promise!" nakangiti naman tong si Bessie

"Tsk." Hala. Namumula ang tenga ni Jeff. Napatingin ako sa paligid. Halos lahat ng kaopisina ni Jeff sa'min nakatingin. Ano bang meron? Bakit hindi pa rin sila pumapasok sa loob? Teka. Don't tell me hinihintay nila ang kissing scene namin ni Jeff?

Hinawakan ko na lang ang kamay ni Jeff at pinisil. "Okay lang bubu." Alam ko namang shy sya eh. "Sige na pumasok ka na sa loob. Baka maiwan ka nga ng airplane, sige ka."

Pinisil din naman niya ang kamay ko. "Tsk. Wag ka masyado umiyak."

Hala nakangiti nga ako eh! "Syempre hindi 'no. Sige na Jeff. Hinihintay ka na din nila eh."

"Ang weak mo boy pick-up! Ang weak mo!" Parinig ni Rey.

"Haist! Ihuhulog ko sa eroplano ang lokong yun." Sabi ni Jeff habang hawak pa rin ang kamay ko. Nakatingin pa rin sa'min ang mga tao. Naiiyak na ako. Kailangan pigilin!!

"Sige na Jeff, go na." Tinalikod ko na sya at tinulak para gumalaw. "Mag-ingat ka bubu!" Naglakad na sya pero lumingon-lingon pa ulit sa'kin. Nagwave naman ako at nagsmile. Wag kang iiyak Tin. Wag kang iiyak

Yung mga ka-opisina nyang nakatingin sa'min kanina, nagsimula na rin pumasok sa loob. Sila Rey naman nilapitan si Jeff at inakbayan. Mukhang niloloko-loko hata. Lumingon naman ulit sa'kin si Jeff. Nginitian ko ulit sya ng malaki. Pero kinakagat ko na ang dila ko para hindi ako umiyak.

Nung ibibigay na ni Jeff ang passport nya dun sa babaeng nagchecheck, tumalikod na ako. Nagsimula na kasing tumulo ang mga luha ko. Okay Tin, good job. At least naihatid mo sya nang nakangiti. At least naihatid mo sya na hindi ka nyang nakikitang umiyak—

Biglang may humigit ng arm ko kaya napaikot ako. Nakaharap na naman ako sa chest ni Jeff. Niyayakap nya kasi ako eh. "Tsk. Diba sinabi ko nang wag kang masyadong iiyak?"

Bakit ba kasi bumalik pa sya? Mas lalo lang akong naiyak. "Nakasmile na nga ako kanina bubu eh. Dapat hindi ka na bumalik."

"Eh anong magagawa ko. Tsk, miss na kita agad."

"Nagbabalik! Nagbabalik na si boy pick-up!!" Sigaw na naman ni Rey. Nag-wooooh naman ang ibang mga tao.

"Lagot sa'kin talaga ang hinayupak na yun." Bulong ni Jeff tapos hinawakan nya ang mukha ko. Tapos hinalikan kahit na feeling ko madami pa ring nakatingin sa'min. "Hintayin mo lang ako."

Nag-nod naman ako then tumalikod na ulit sya and this time, binigay na nya ang passport nya at pumasok sa loob. Grabe. Ngayon pa lang din, miss ko na si Jeff!

Продолжить чтение

Вам также понравится

570K 8.9K 52
Sapphira Villamoral was just a normal mathematics major student migrated in the city where Hudson River meets the Atlantic Ocean; the big apple, New...
Rightfully His ✔ Jeeeeeey ♔

Подростковая литература

384K 4.8K 64
COMPLETED || R-13 || A faithful meeting started it all..
10M 103K 56
Mark Dave Fuentabella is a man of every woman's dream, a certified badboy who doesn't believe in LOVE. Magbabago kaya ang paniniwala niya ngayong na...
The Runaway Husband Arytheia Dawson

Подростковая литература

409K 5.3K 39
Ang "and-they-lived-happily-ever-after" kind of life na inakala ng lahat ay mabilis na nauwi lang sa tragic ending. Ito ay dahil sa runaway husband n...