Deciphered -=ViceRylle=-

By iShare

138K 4.2K 806

How can they be together when they can't even change their reality? More

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13.2
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18

Deciphered -=ViceRylle=-

28.7K 333 49
By iShare

Yael: So you're taking me out for dinner, Love?

Karylle: Yes.

Yael: Wow that's...........

Karylle: Don't make me change my mind. Just be on time later, Love.

Yael: I will. By the way, manggagaling pala ako sa Fairview mamaya.

Karylle: I know. Kaya nga you don't have any reason to be late kasi ako na pupunta sa 'yo.

Yael: Sabi ko nga.

Karylle: I love you.

Yael: I love you.

Patay ng linya.

More than 3 years ng magkarelasyon sina Yael at Karylle. Pinipilit nilang maging private silang dalawa sa madla dahil medyo conservative si Yael at iniiwasan din nila ang intriga.

Si Yael ang vocalist ng sikat na bandang Sponge Cola. Si Karylle o minsang tinatawag din ng K ay kasalukuyang miyembro ng programang It's Showtime at modelo rin siya ng iba't ibang produkto. Well-known artist din siya sa theater. Nagkakilala si Yael at Karylle noong lumipat si K sa ABS-CBN. Dahil makulit at makwento si Yael, madali siyang nagustuhan ni K. Parehas silang mahilig sa musika, isang dahilan kung bakit mabilis silang nagkasundo. Hindi naging madali para kay Karylle na magtiwalang muli sa isang lalaki dahil kagagaling niya lang sa isang failed relationship noon, ngunit dahil naging matiyaga si Yael ay napatunayan naman niya ang sinseridad niya kay K. Hindi na nga nagtagal ay naging sila rin.

Thursday. Pagkatapos ng Showtime.

Vice: *biglang pumasok sa Dressing Room ni Karylle* K, magkano na nga ulit 'yong bag na sinasabi mo kanina?

Karylle: Anong bag?

Vice: Sa instagram. 'Yong pinakita mo.

Karylle: 8K. *dinampot sa lamesa ang damit niya*

Vice: May lakad ka?

Karylle: Magkikita kasi kami ni Yael.

Vice: Ahh. *nilabas ang cellphone* Teka intresado ko sa bag eh. Di ba scam 'yon? Orig ba 'yon?

Karylle: Hindi. Kakilala ko 'yong nagbebenta. Business talaga niya 'yon.

Vice: Dati kasi kumuha si Laureen ng wallet naman sa gano'n tas ang chaka ng balat.

Karylle: Authentic 'yon.

Vice: Sige nga. Paano ba bumili sa kanya?

Karylle: Here's her contact number. *pinakita ang number via cellphone*

Vice: *tinignan at kinopya* Salamat. Sige Kurba, gumorabels ka na. *bumeso* Baka ma-late ka pa sa date mo.

Palabas na sana noon si Vice sa Dressing Room.

Karylle: Vice.

Lumingon si Vice. Ilang segundong tumingin si Karylle sa mukha ng kaibigan.

Vice: Uy K... Bakit?

Karylle: Pag tinawag kita ng ganito wag ka ng lilingon o hihinto.

Vice: *nawirdohan* Huh?

Karylle: *napailing* Wala. *humingang malalim* Sige na. See you na lang bukas.

Vice: Ikaw... Bawas-bawasan mong kumain ng lumpiang may bawang. Naapektuhan na 'yang ulo mo eh. *lumabas na ng pinto* Bye...

Si Vice, ang pinakasikat na komedyante ngayon. Malapit talaga silang magkaibigan ni Karylle dahil araw-araw silang nagkakasama sa Showtime at kung minsan pa hanggang sa gimikan ay nagkakasama sila. Masayahin talagang tao si Vice kapag nasa labas. Ayaw kasi niya ng malungkot dahil isa sa mga requirement ng trabaho niya ang makapagpasaya talaga ng tao. Dahil sa mabilis naman makisama si Vice sa mga taong nakakasalamuha niya, hindi rin naging mahirap sa kanya na makasundo si Yael. Nagkakasama na sila sa party. Sa kainan. Hanggang sa mabuo ang ViceRylle sa Showtime. Loveteam iyon nina Vice at Karylle. Pero kahit ang alam ng lahat ay trabaho lang 'yon dahil may sari-sariling buhay silang dalawa, may mga bagay pa rin na hindi maiiwasan.

Napaupo sa sofa si Karylle pagkalabas ng pinto ni Vice. Hawak niya ang cellphone niya. Hindi niya mapigilan ang nararamdaman niya noong mga oras na 'yon. Kumalma lang siya nang pumasok ang stylist niya na si Sidney. Hindi siya nagpahalata rito. Tumayo na siya at inayos ang mga gamit niya. Hindi na rin nagtagal at umalis na siya sa studio.

Nagkita sina Karylle at Yael sa isang resto bar. Casual lang silang dalawa dahil parehas silang galing sa trabaho. Unang nag-order si Yael. Gutom siya ng mga oras na 'yon kaya heavy meal ang inorder niya. Si Karylle medyo natagalan pumili dahil iniisip niya ang talagang pakay niya sa pagkikita nilang 'yon. Pagkatapos kumain ay kinausap na siya ng seryoso ni Yael dahil parang nakakaramdam ito ng kakaiba sa girlfriend niya.

Yael: Love, may gusto ka bang sabihin?

Napalunok si Karylle. Hindi kasi niya alam kung paano niya sisimulan o paano niya dapat sabihin.

Yael: May problema ba tayo?

Karylle: Love...

Yael: Yes? *leaned forward*

Karylle: Can I be honest with you?

Yael: *kinabahan* Oo naman.

Karylle: Lately, may nararamdaman akong hindi ko gusto.

Yael: Tungkol sa 'kin?

Karylle: *umiling* Ilang araw ko ng iniiwasan... *tumingin kay Yael* Love... Pinag-iisipan kong mabuti kung ano na ba 'tong nararamdaman ko.

Yael: Are you falling for somebody else?

Karylle: *pabulong* Still not sure. *hinawakan ang kamay ni Yael* Love...

Napasandal si Yael sa upuan niya. Bigla siyang nawalan ng sasabihin. Natahimik sila.

Yael: Who's the guy?

Napatingin si Karylle kay Yael. No'ng mga panahon na 'yon natakot siya. Alam niyang galit na ang boyfriend niya.

Yael: K, who's the guy?

Hindi sumagot si Karylle. Biglang tumayo si Yael at naglakad palabas. Nag-iwan na lang ng pera sa waiter si Karylle at sinundan na ang boyfriend niya. Hinahabol ni Karylle si Yael papunta ng sasakyan nila sa parking lot nang biglang napahinto si Yael dahil nakita niyang bumaba sa sasakyan si Vice kasama ang mga kaibigan nito. Napaisip bigla si Yael. Lumingon siya kay Karylle. Tinignan din siya ni K na tila nagkompirma sa naiisip nito.

Vice: Oh... Dito rin pala kayo nag-date?

Dahil sa halo-halong emosyon na umiikot sa ulo ni Yael, hindi na siya nakapagpigil. Bigla niyang sinapak ng malakas si Vice sa mukha na sumakto sa labi nito. Napaupo si Vice sa kalsada sa lakas ng suntok ni Yael.

Karylle: Yael!!! *tumakbo palapit sa kanila* Tama na.

Yael: *kinuwelyohan si Vice* Simula ngayon, layuan mo na ang girlfriend ko! *tumayo na hinihingal at biglang hinatak si Karylle* Tara na.

Karylle: Yael sandali lang. Ano ba?!

Umalis na bigla sina Karylle at Yael. Naiwan si Vice sa ganoong sitwasyon. Nilapitan na siya ng mga kaibigan niya.

Donna: Naku Vice, pumutok ang labi mo.

Raffy: Ano bang atraso mo kay Yael at bigla kang sinapak ng bongga?

Inalalayan nila si Vice na makatayo at binigyan ng towel para pigilan ang pagdurugo ng labi niya.

Vice: Umuwi na tayo. *pormal at mababa ang boses*

Raffy: Eh teka hihingan na lang muna kita ng yelo sa loob nang hindi sobrang mamaga 'yang labi mo.

Vice: Ayos na 'yan. Tignan niyo lang kung may kumuha ng video. Ayoko na lumabas sa media 'to.

Agad sumakay si Vice sa sasakyan. Uminit ang ulo niya sa nangyari dahil siya mismo hindi niya maintindihan kung bakit naging ganoon si Yael. Wala naman siyang ginagawa sa girlfriend niya. Tinignan niya sa salamin ang mukha niya, namaga na nga ang labi niya at nagpasa pa sa paligid.

Raffy: Baka naman nagseselos na si Yael sa loveteam kuno niyo ni Kurba.

Vice: Jusko naman. Para sapakin niya ko ng dahil do'n, ang babaw ha. *nilalagyan ng towel na basa ng malamig na tubig ang labi niya*

Raffy: Eh ano pa bang dahilan at sinabi pa niyang layuan mo ang gelpren niya?

Donna: Alam mo hindi yata matatago ng make-up mo bukas 'yang maga sa mukha mo.

Vice: Absent muna ko. Di ako pwedeng pumasok na ganito ang mukha ko. Intriga na naman 'to.

Raffy: Kausapin mo kaya si K?

Vice: Di nga niya ko pinagtanggol kanina, kakausapin ko pa siya.

Donna: Ano ka ba?! Tanungin mo man lang kung bakit biglang nanapak 'yong jowa niyang bansot 'no.

Pagdating sa bahay, ginamot ni Vice ang labi niya. Kahit mahapdi ay tiniis niya dahil kailangan gumaling ito agad para makabalik siya sa trabaho. Magdamag niyang hinintay ang tawag ni Karylle pero kahit text man lang wala siyang natanggap.

Kinabukasan nagpunta sa studio ng Showtime si Yael para personal na makausap ang direktor ng programa na si Bobet Vidanes.

Bobet: Oh, Yael... Gusto mo raw akong kausapin?

Yael: Yes, Direk. Sorry naistorbo pa kita.

Bobet: Walang problema. Tungkol ba 'to saan?

Yael: Direk, di na ko magpapaligoy-ligoy pa. Ahmm, gusto ko po sanang huminto na 'yong loveteam nina Vice at Karylle.

Bobet: Ah 'yong ViceRylle? Sa Sine Mo 'To lang naman 'yan at katuwaan lang. Bakit? Di ka na ba komportable?

Yael: Eh Direk, sa dinami-dami naman po kasi ng maipapareha kay Karylle, bakla pa.

Bobet: Di ba mas pabor sa 'yo 'yon?

Yael: Basta po sana Direk, tama na po ang loveteam nila.

Hindi rin masyadong maunawaan ni Direk Bobet ang biglaang pagtutol ni Yael sa kunwaring loveteam ng kanyang mga hosts ngunit nirespeto na lang niya ang kahilingan nito. Kinausap niya ang mga writers niya para sa mga susunod na SMT episodes ay wala na munang ViceRylle.

Nang araw ding iyon, nagsimula ng gumawa ng paraan si Yael para maisalba ang relasyon nila ni Karylle. Nag-isip siya ng mga dapat gawin hanggang sa may makita siya sa mall na isang bagay na makakapagbigay ng kasiguraduhan na hindi na sila maghihiwalay pa ng girlfriend niya. Binili na niya agad iyon at hindi na nag-aksaya pa ng panahon. Bumili siya ng bulaklak at sinundo si Karylle sa trabaho. Hindi pa man maayos ang problema nilang dalawa ay sumama na rin si Karylle. Nagpunta sila sa isang private na lugar. Kumain sila. Tahimik lang. Walang nagtatangkang magsimula ng conversation. Hanggang sa matapos sila, pormal pa rin sila sa isa't isa. Pabalik na sila sa sasakyan nang makita ni Karylle ang bulaklak.

Yael: Love... *tumingin kay K*

Karylle: Love.

Yael: Sorry.

Karylle: Ako dapat ang nagso-sorry. Ako ang nagkamali.

Yael: Mahal mo pa ba 'ko?

Karylle: Oo naman. *hinawakan sa mukha si Yael* Hindi nagbabago 'yon.

Humarap si Yael kay Karylle, may kinuha na maliit na kahon sa bulsa sabay luhod ang isang tuhod.

Yael: K, I really can't find any other way to keep our relationship lasts forever. This is what I can only do for you. *tumingin ng sincere sa mga mata ni K* Love, will you marry me?

Nabigla si Karylle. Hindi pa siya handa sa kasal. At hindi pa rin malinaw sa kanya ang nararamdaman niya para sa isang kaibigan pero wala na rin siyang alam na paraan para patunayan na mahal niya si Yael. Ngumiti siya at sumagot.

Karylle: Yes.

Yael: Yes!!! *sinuot ang singsing at tumayo. Yumakap kay K.* Thank you, Love.

Karylle: I love you.

Makalipas ang tatlong araw mula sa proposal ni Yael, bumalik na sa trabaho si Vice. Sa studio habang nakikipagbiruan siya sa mga dancers ng Showtime, nakita niya si Karylle. Lalapit na sana noon si K kaso biglang tinawag ni Direk Bobet si Vice.

Vice: Yes, Direk. What can I do for you?

Bobet: Anong nangyari sa 'yo at matagal kang umabsent?

Vice: Nagkasakit lang, Direk.

Bobet: Love-nat na naman?

Vice: Eeehh... Inalagaan naman niya ko eh. *malandi ang boses* Charot! Wag ka na magalit.

Bobet: Di naman dahil doon ang sasabihin ko.

Vice: Tungkol sa'n?

Bobet: Kinausap ako ni Yael noong nakaraang araw.

Biglang hindi naging komportable si Vice.

Bobet: May issue ba kayo nina Karylle?

Vice: Issue? Anong issue?

Bobet: Eh kasi kinausap niya ko, parang hindi na siya komportable sa loveteam niyo ng girlfriend niya. Sabi pa nga niya, sa dinami-dami raw ng maipapareha kay K, 'yong bakla pa.

Vice: *nasaktan* Kung may issue silang dalawa, Direk, wala akong kinalaman do'n. At saka, mas okay sa akin na wala na 'yang loveteam na 'yan kasi wala naman din akong napapala diyan.

Bobet: Kaya ko sinabi sa 'yo ito hindi para pasamain si Karylle o Yael ha at lalong hindi para insultuhin ka. Gusto ko lang malaman mo ang nangyari noong wala ka.

Vice: Salamat po, Direk.

Nasaktan si Vice sa mga sinabi sa kanya ng kanilang direktor. Nang matapos ang pag-uusap nila, habang naglalakad siya papunta sa Dressing Room niya ay nakasalubong niya si Karylle.

Karylle: Vice. Sorry sa... *hindi na natapos ang sasabihin*

Vice: Alam mo, K *imbiyerna na ang tono* kung ano man ang problema niyo ng jowa mo pwede ba 'wag niyo na kong dinadamay. At saka wala na raw 'yong loveteam natin na sa totoo lang ay di ko masikmura. Kung naipareha ka sa bakla, di ko na kasalanan 'yon dahil sa ating dalawa ikaw lang naman talaga ang nakikinabang do'n. Kaya sana tama na ha... Tigilan niyo na 'kong dalawa kasi pinapakisamahan ko naman kayo ng maayos tapos ganito lang.

Karylle: Anong sinasabi mo? Wala ng loveteam natin?

Vice: Oo wala na. So di mo alam? Oh well, nagpapasalamat ako na tapos na 'yon kasi hindi na rin ako komportableng makapareha ka.

Nabigla si Karylle sa mga sinabi ni Vice. Nasaktan din siya sa mga sinabi ng kaibigan niya. Iniwan na siya ni Vice.

Nagsimula ang show na hindi sila magkaayos. Ni ayaw tumabi ni Vice kay Karylle. Hindi niya ito kinukulit o tinitignan man lang. Nawalan na rin ng lakas ng loob si K na subukang kausapin si Vice dahil kilala niya ito kapag nagalit. Baka mapahiya lang siya on-screen. Kung magtatabi man sila o mag-uusap, scripted lang 'yon. The show must go on. Kahit may problema silang dalawa. Nakahalata ang mga kasamahan nila sa pag-iiwasan nilang dalawa at hindi pagpapansinan. Kaya nagtanong ang mga ito sa backstage habang commercial break.

Teddy: May LQ ba kayong dalawa?

Vhong: Oo nga. *kausap si Vice* Galit ka ba kay K? Kanina mo pa siya di pinapansin?

Billy: K? *tingin naman kay Karylle*

Teddy: Pag-usapan natin 'yang problema niyo. Baka kasi maapektuhan ang show.

Vice: Bakit? Naapektuhan ba kayo kanina?

Vhong: Siyempre!

Billy: Ramdam, Vice.

Vhong: So, magkagalit nga kayong dalawa?

Karylle: Hindi. Ahmm meron lang kaming di pagkakaintindihan ni Vice.

Vice: Ay naku basta ako di ako ma-issue sa buhay. Tanungin niyo si Karylle baka siya ang may problema.

Tumayo si Vice at naglakad dahil hindi na niya gusto ang atmosphere. Tumingin lahat kay Karylle nang mapansin ni Coleen na may suot na singsing si K.

Coleen: Wow, Ate K! You're engaged?

Billy: Engaged?

Teddy: Hanep! Ikakasal ka na pala di ka man lang nagsasabi.

Napalingon si Vice at tinignan ang kamay ni Karylle. Tinignan din siya ni K.

Billy: Kelan pa?

Karylle: Ahmm *tumingin kay Billy* 3 days ago.

Billy: Congrats!

Karylle: *ngumiti na* Thank you.

Umalis nang tuluyan doon si Vice pero napaisip siya sa engagement nila ni Yael. Parang biglaan kasi. At nag-propose si Yael kay K a day before na magkita silang tatlo sa parking lot.

Sunud-sunod naman ang tanong ng mga kasamahan ni Karylle tungkol sa engagement nila ni Yael at sa araw na rin na 'yon ay kumalat na ang balita sa buong Showtime family. Masaya sila para kay Karylle. Pagkatapos pa ng programa ay sinundo ulit siya ni Yael at lalong nagpakilig sa mga kasamahan ni Karylle. Kinulit nila ang dalawa tungkol sa detalye ng magiging kasal nila. At dahil magkagalit ang Vicerylle ay hindi nakisalamuha si Vice sa mga ito, iniwasan na rin niyang makita ang boyfriend ng kaibigan niya kaya naman umuwi na rin siya agad.

Lumabas mag-isa si Vice at uminom ng kaunting alak. Pinipilit kasi niyang intindihin ang nangyayari. May kutob na siya pero pilit niyang itinatanggi ito sa kanyang sarili. Hindi kasi pwede at medyo imposible.

Lumipas ang isang linggo na magkagalit ang dalawa. Marami ng nakakapansin sa hindi nila pagpapansinan. Hindi man apektado ang programa pero sa mga fans nila at katrabaho, malungkot. Hanggang mainterview na si Vice sa Abunda and Aquino Tonight.

Boy: Ito Vice, gusto lang namin malaman dahil napapansin na ng marami na tila may tampuhan kayo ni Karylle.

Kris: At saka, Asawa... Dinededma mo raw si K. Bakit?

Vice: Aahh.. Medyo may personal kasing pinagsimulan 'yan. Nag-umpisa kasi siya na parang komplikado agad tapos lumala na hanggang sa kinausap daw ni Yael si Direk Bobet na tigilan na raw 'yong loveteam namin.

Boy: Ito ba 'yong sikat ngayon na Vicerylle?

Vice: Oo. Ahmm *nag-isip ng tamang sasabihin* sa totoo lang kasi hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit umabot sa ganitong tampuhan basta ang saktong sinabi sa akin ni Direk ay sinabi raw sa kanya ni Yael na sa dinami-dami raw ng ipapartner kay Karylle, bakla pa.

Kris: Bakit daw sinabi 'yon ni Yael?

Vice: Hindi ko alam. Pero sa totoo lang na-offend ako.

Boy: Oo medyo masakit nga ang sinabi niya. Pero totoo ba na nasabi talaga ni Yael 'yon?

Vice: Hindi ko lang din talaga alam pero since direktor ko naman ang nagsabi naniniwala ako.

Boy: Hindi ba kayo magkasundo ni Yael?

Vice: Magkakaibigan kami.

Kris: Oh eh bakit nagkagano'n?

Vice: Ewan. Hindi ko talaga alam. Ang alam ko okay kami pero hindi naman pala.

Boy: Nagkausap na ba kayo ni Karylle?

Vice: Hindi pa. Kasi hindi ko pa rin siya kayang kausapin. Pero kaibigan ko naman si K, magkasama kami sa trabaho kaya siguro palipasin na lang muna lahat ng sama ng loob, magkakaayos din kami.

Kris: Oo di naman talaga mawawala sa magkaibigan ang tampuhan.

Boy: At saka ika nga nila, parte lang ng buhay 'yan.

Vice: Oo. Kaya 'yon. Basta kung anuman, mahal ko pa rin si Karylle bilang kaibigan.

Kris: That's nice. At least save the friendship.

Boy: Sige Vice, magpromote ka na ng concert mo sa US... Malapit na.

Vice: Ayan. Iniimbitahan ko po kayong manood ng I-ViceGanda Mo Ko sa America... Next week na po 'yan........

Napanood ni Karylle ang interview na iyon ni Vice kaya naman pinuntahan niya si Yael para kausapin tungkol dito. Hindi kasi niya alam ang insidente na iyon tungkol sa pag-uusap nina Bobet at ng kanyang boyfriend.

Karylle: Kinausap mo pala si Direk Bobet nang hindi mo sinasabi sa akin?

Yael: Sinabi ko lang naman na itigil na 'yang loveteam niyo ni Vice.

Karylle: Bakit mo pa siya ininsulto?

Yael: Ininsulto?

Karylle: Oo. Ininterview si Vice at sinabi niya na sinabi mo raw kay Direk Bobet na sa dinami-dami raw ng ipapartner sa akin, isang bakla pa.

Yael: Totoo naman 'yon ha. Is that an insult to you?

Karylle: Yael, iyong loveteam namin trabaho lang 'yon. At saka hindi mo kailangan sabihin 'yon kay Vice kasi wala naman siyang alam tungkol sa problema nating dalawa.

Yael: Trabaho lang, K? Na-in love ka na nga sa kanya tapos sasabihin mo sa aking trabaho lang 'yon.

Karylle: Yael, you don't have to be scared of anything. I'm yours.

Yael: Hanggang araw-araw mong nakakasama ang baklang 'yon at hindi pa tayo kinakasal, hindi ako makakasiguro na akin ka pa nga.

Karylle: What do you want me to do then?

Yael: Stay away from him.

Karylle: I can't.

Yael: Bakit?

Karylle: Dahil mabuti ko siyang kaibigan at magkatrabaho kaming dalawa. Hanggang do'n lang.

Yael: Yeah right. *tumalikod kay Karylle*

Karylle: *yumakap kay Yael sa likod* Love, I told you about what I'm feeling because I want to be honest with you. But it doesn't mean I am not in love with you anymore. I'm happy when I'm with you. You are more important to me than any other guys out there.

Yael: I'm jealous, K.

Karylle: *humarap kay Yael at hinawakan ito sa kamay* I understand. I love you. *hinalikan niya sa labi si Yael ng medyo matagal.*

Lumipas ang ilan na namang linggo na hindi pa rin nag-uusap sina Vice at Karylle. Nagkita na rin isang beses sina Vice at Yael sa studio pero para wala ng issue dinedma na lang ni Vice ito. Naging normal lang ang barkada nila sa Showtime. Tuloy lang ang programa.

Isang araw biglang may announcement on-air si Karylle. Nasa gilid lang si Vice katabi ni Billy. Tahimik.

Karylle: Not a lot of people know ahmm three and a half years ago a new chapter in my life started. *naluluha na sa kaba at tension* The happiest and most exciting one yet. I started as a hurado here in Showtime. And became part of the Showtime Family. At kakambal po nito, dumating si Yael sa buhay ko. Ahmmm *medyo kinikilig na at napapangiti* it was a sunny afternoon, actually guest pa ko sa Pilipinas Win na Win. And kumain kami sa Mr. Kebab kasi mahilig po ako sa kanin. And after that we had coffee. And 'yon sinagot ko siya. A little by little my life started to change. Ryan *tumingin sa gilid* he taught me how to be a hurado para hindi ako ma-vote out ng madlang Pipol. I started to dream bigger because of Anne. I learned how to share sawsawan because of Vhong. I was pushed to give more and share more of myself because of Direk Bobet. I learned na si Billy lang ang pinaka game sa malabo kong trip na abangan ang sunrise because he's ready to be a friend anytime and anywhere. Teddy showed me how fun it is to have a growing family. Jugy showed me that he loves me even though he finds I'm the weirdest in the Showtime group. Jhong taught me to be more attentive and respectful. Coleen taught me that younger people have wisdom. And Eric showed me that boys with muscles have big, big hearts. DJ MOD, my first ever music producer, showed me that my dreams 10 years ago are finally coming true kahit medyo na-delay. And Vice... *lumingon sa gilid* helped me to learn how to laugh out loud hindi 'yong parang dalagang Pilipina na mahinhin na tumatawa. Most importantly, Kuya Kim told me that I'm a good friend but a high maintenance girlfriend. *natawa* So sa tuwing inaaway ko si Yael parang konsensiya ko si Kuya Kim na naririning ko do'n and I just keep your words in mind and try to be a better person. I am a work in progress. But I know that everything I've been through happen for a reason. And the people, the angels, that come along my way have scattered them by the Lord. Thank you Lord. Ang dami pong nagmamahal sa akin, I don't know why but I love them all too. And I'm very, very grateful for each of you. Thank you all for helping me reach the next level. Next month, we wed. And the new chapter begins.

Pagkatapos ng mahabang speech ni Karylle, lahat nag-congratulate sa kanya. Except kay Vice. Nakangiti lang siya sa gilid para walang makahalata na sa announcement ni K na iyon ay may kirot na pumisil sa puso niya. Masaya siya para sa kaibigan pero hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya ng mga oras na 'yon. Gusto niyang maluha. Nag-group hug sila kasama ang lahat ng Showtime hosts. Hindi lang umiimik si Vice. Pagka-cue for a break, dali-daling pumunta ng Dressing Room si Vice. Pero dahil maraming tao doon ay dumirecho na muna siya sa CR at doon ay hindi na niya napigilang tumulo ang luha niya. Napahawak siya sa dibdib niya dahil hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Tumagal siya doon ng halos limang minuto. Pinunasan niya agad ang luha niya, humingang malalim at nag-ayos ng sarili. Tinignan niya ang sarili niya sa salamin. Hinawakan ang parte kung saan nasuntok siya ni Yael. Napasandal siya sa pader. Maya-maya pa ay may kumatok na sa banyo dahil magsisimula na ulit ang show.

Nang matapos ang Showtime, dali-daling bumalik sa Dressing Room at nag-ayos ng gamit si Vice. Umuwi sila agad ng mga kaibigan niya dahil hindi na siya komportable pang makita pa si K. Paglakad niya palabas ng studio, bigla siyang sinalubong ni Karylle.

Karylle: Can we talk?

Vice: Bawal akong lumapit sa 'yo. Bilin ng boypren mo.

Karylle: Please.

Hindi na rin tumanggi si Vice. Gabi nang magpunta sila sa isang bar along metrowalk. Silang dalawa lang ang magkasama. Tahimik lang sila. Umorder si Vice ng inumin at ganoon din si K.

Vice: Biglaan yata ang pagpapakasal niyo. *pormal at lalaki ang boses*

Karylle: Yael wanted an assurance.

Vice: Para sa'n? Para wala ng makaagaw sa 'yo?

Karylle: Sorry sa mga nangyari. *tumingin kay Vice* Alam ko nasaktan ka niya physically and emotionally. I'm sorry.

Vice: *uminom ng alak* Hindi ko alam ang nangyayri, Karylle pero alam ko wala akong atraso sa inyong dalawa para gawin sa akin 'yon ng boyfriend mo. Ay mali. Fiance na pala.

Karylle: Sorry, Vice. Ako ang may kasalanan. Hindi na dapat umabot pa sa gano'n.

Vice: Alam mo kung anong mas masakit, K... *tumingin na rin sa katabi* Nandoon ka noong araw na sinapak ako ng boyfriend mo... Alam mo na ininsulto ako ng lalaking pakakasalan mo, pero wala ka man lang ginawa. Hindi mo man lang ako pinagtanggol. Mas masakit 'yon, Karylle. *naluluha na* Kasi kaibigan kita eh. Kaibigan ko kayo.

Karylle: Sorry. *naluluha na rin* Sorry kung nawalan ako ng lakas ng loob para gawin 'yon.

Natahimik muna silang dalawa para kumalma.

Karylle: Yael wanted an assurance because I'm falling for somebody else.

Nabigla si Vice at napatingin kay Karylle.

Karylle: Hindi ko alam ang nangyari pero nadala ako sa sitwasyon. Masyado akong nag-enjoy sa bawat oras na nakakasama ko ang taong 'yon. *uminom ng alak*

Vice: And I'm involved?

Karylle: I'm falling for you, Vice. *nakatitig lang sa baso ng alak na hawak niya* Hindi ko sigurado kung in-love na nga ako sa 'yo o masyado na lang tayong malapit sa isa't isa. Hinayaan ko lang noon kasi inisip ko wala lang naman 'yon. At hindi rin naman tayo pwede dahil gay ka. Ako naman, committed. The last time na nag-text ako sa 'yo, na akala mo biro lang... na nadedevelop ako sa 'yo. Totoo 'yon. Hindi ko alam kung paano nangyari pero bigla ko na lang naramdaman. *uminom na naman ng alak*

Vice: *natawa lang* Baliw ka na talaga.

Karylle: Seryoso ang mga sinabi ko, Vice.

Vice: Hindi ka pwedeng ma-in love sa akin. *binaba ang baso sa lamesa* Masasaktan ka lang.

Karylle: I know. Kasi sa mga oras na 'to nasasaktan na ako.

Natahimik ulit silang dalawa.

Vice: Gusto kitang yakapin, Karylle. Pero hindi pwede.

Karylle: Gusto ko ring hawakan ang kamay mo, Vice. Pero hindi pwede.

Napatingin si Vice kay Karylle at nakita niya sa mga mata nito ang lungkot. Apektado na rin si Vice. Sa mga oras na rin na 'yon, hindi na niya alam ang nararamdaman at dapat niyang gawin.

to be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

290K 5.1K 50
Two persons who both suffered pain from their past relationships and they're both scared to love again What will happen if they fall in love with eac...
698 74 16
Maria Nicolette Vergara is a famous idol and known as a short tempered person. Jhoanna Christine Robles is a blind girl and she idolize Colet's group.
14.5K 813 20
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
8.9K 392 38
Highest rank achieved: #1 "Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means that you are strong enough to let go." - Kyth Sandoval All...