My Cold Beautiful Man

By Mrs_ZhangKZ

435 67 0

This is a sequel of His Cellphone Diary. Like HCD, this is also a story that is divided into two parts: The f... More

P R O L O G U E
C H A P T E R - O N E
C H A P T E R - T W O
C H A P T E R - T H R E E
C H A P T E R - F O U R
C H A P T E R - F I V E
C H A P T E R - S I X
C H A P T E R - S E V E N
C H A P T E R - E I G H T
C H A P T E R - N I N E
C H A P T E R - T E N
C H A P T E R - E L E V E N
C H A P T E R - T W E L V E
C H A P T E R - T H I R T E E N
C H A P T E R - F O U R T E E N
C H A P T E R - F I F T E E N
E P I L O G U E
Another Secrets
Another Secrets Chapter #1
Another Secrets Chapter #2
The Another Secrets Chapter #4

The Another Secrets Chapter #3

3 0 0
By Mrs_ZhangKZ

Sammielyn's POV

Habang naglalakad ako sa garden may narinig akong nag-uusap. Mukhang sina Tita Thea at Amy. Sasama sana ako sa kanila nang mapatigil na lang ako dahil sa narinig ko.

"Ang ibig mong sabihin? May paraan para magbago ang mangyayare?" tanong ni Tita Thea. Agad akong kinabahan.

"Oo mom. At yun ang di ko kayang sabihin sa kanila."

"Sinong nagsabi sayo?"

"Ang future mismo ni Ate Sam." Sagot nya. Napahawak naman ako sa dibdib ko at muling nakinig.

"Paano?"

"Sa Vampire's Eclipse na mangyayare next year lalabas na ng tuluyan ang dark aura sa katawan nya at maiiwan ang kaluluwa nya sa salamin ng kwarto nya. Nakausap ko yung kaluluwa nya sa loob ng salamin. Ang paraan ay..." lalo kong kinabahan sa sumunod kong marinig. "Ang kamatayan nya bago ang eclipse."

"Y-yun din ang naisip ko. Lahat ng mangyayare sa future maaari lang magbago sa absence ng main character. Kaso di ko din kayang sabihin sa kanila. Kahit na alam kong yun ang tama." Sabi ng mommy nya. Tuluyan na ngang tumulo ang luha ko.

"S-sinubukan kong magbasa ng mga libro pero lahat ng nakikita kong sagot ay kamatayan." Dagdag pa ni Amy. Di ko na kinaya kaya tumakbo na ko palayo. Ang kamatayan ko ang sulusyon?

"Ate? Ate..." si Love yun. Agad kong tinanggal ang mga luha sa mukha ko at umayos ng kinikilos ko bago ko sya hanapin.

"Oh... Love bakit?"

"Ate fullmoon kasi ngayon. Maggagabi na din kasi... tara na?"

Tumango naman ako at sumama sa kanya papuntang kulungan ko. Tinatawag ko na nga syang kulungan ko eh kasi ako lang naman ang nagamit. Habang nakakulong ako nakita ko pa ang pagpasok nina mommy at daddy. Nakita kong kumunot ang noo ni daddy habang sumisinghot, parang may naaamoy ito na kakaiba. "Parang may kakaibang amoy dito." Sabi nya pa bago ko tuluyang makatulog.

Paggising ko nasa labas na ako ng kulungan. "Bakit nasa labas ako? Nakatakas ba ako?" agad kong tanong sa kanila.

"Hindi anak, inilabas ka namin nang mahimatay ka. Anak... Alam namin na normal pa kayong mga tao kahit na may mga kapangyarihan na kayo. May itatanong ako sayo ha..." tumango lang ako. "Buntis ka ba?" agad na napakunot noo ako sa tanong nya. "Kailan ka huling dinatnan?" Two weeks na rin ang nakalipas sa nangyareng yun.

"Kasi ate naamoy si daddy." Agad akong napabangon sa mga sinasabi nila. Mabilis makaamoy ng kakaiba ang mga bampira.

"Anak... alam kong buntis ka. Si Sky ba?"

Agad akong umiyak. Masaya ako pero may halong lungkot.  "Sorry po."

"Ayos lang yun, wag ka ng umiyak. Naiinitndihan ka namin ng daddy mo." Sabi naman ni mommy.

"Ipapaalam mo ba to kay kuya Sky?"  tanong sa akin ni Love. Umiling naman ako. Bakit ko ipapaalam ang balak ko nga kanina eh umalis na papuntang Korea. "Bakit?"

"Mga bampira ang ilan sa mga tao dito sa mansion. Ang mga tito at tita mo. Malaki ang possibility na malaman nila yun." Daddy.

"Kaya ang plano ko po umuwi ng Korea. Doon mas maganda ang mga gamit na makakapigil sa halimaw sa loob ko. Baka may paraan sila doon." Sabi ko.

"Pero bakit ayaw mong malaman ni Sky?" Mommy.

"Pano po kung wala na talagang paraan? Ayoko pong masaktan sya." Sagot ko.

"Kailan natin balak umalis?" Love.

"Ang balak ko sana, Love, kami lang nina mommy at daddy. Dito ka lang muna sa Pilipinas. Nag-aaral ka pa saka ayokong mag-alala sila pagkaumalis tayong buong pamilya. Pagnasulusyunan ang lahat babalik ako dito sa Pilipinas before vampire's eclipse."

"Pero ate..."

"Gusto mo bang iwan si Anthon?"

"Hindi po, pero ayokong mapalayo sayo."

"Ako rin naman eh. Babalik naman ako, Love... babalik ako."

"Kung ayaw mong ipaalam kay Sky na buntis ka, baka gusto mong sabihin sa kanya na pupunta kang Korea." Mommy.

"Anak... kung gusto mo talagang lumayo kay Sky sana manlang magkaroon kayo ng closure." Daddy.

"Love naalala mo ang sinabi ko sayo noon... mga one month na din ang nakalipas, nung nalaman mong ako yung pumapatay sa gubat?"

"Alin doon ate?" Love

"Na gusto ko, si Michaela at Sky ang magkatuluyan pag-umalis ako?"

"Pero ate hindi ba masakit yun sa side mo?" Love

"Ipangako mo naman oh! Wala kasing kasiguraduhan ang pagpunta ko sa Korea."

"Pero di ba sabi mo babalik ka?"

"Oo, pero sa tingin mo ba kami pa rin pagbalik ko?"

"Kung mahal ka talaga ni Kuya Sky kayo pa rin."

Umiling ako. "Hindi kami ang nakatakda para sa isa't isa Love. Yan ang sinabi sa akin ni Amy."

"Huh? Pero nagmamahalan kayo."

"Anak... hindi lahat ng nagmamahalan ay sa bandang huli sila pa rin." Mommy.

"Bakit?" Love

"Kasi anak hindi natin hawak ang pagkakataon at ang mga mangyayare. Posible ang fall out of love." Daddy.

"Makinig ka Love... Kahit kailan hindi pumalya ang oracle. Baka destiny ko talaga na ako lang. O baka destiny namin ni baby na kami lang." sabi ko pa at hinawakan ko pa ang tiyan ko.

"Pero may anak kayo."

"Maraming single mom, Love. May iba nga na friends lang sila ng tatay ng anak nila eh. Possible yun."

"Anong gusto mong gawin ko ate?"

"Si Michaela ang tamang babae para kay Sky." Naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko. "Noon pa lang alam kong sila na talaga, high school pa lang tayo."

"Bakit ngayon mo lang to sinasabi sa akin ate?"

"Akala ko kasi mababago ko pa ang nakatakdang mangyare, mahal kasi namin ang isa't isa. Hanggang sa dumating tong problema ko. At narealize kong totoo nga. Hindi nga kami ang para sa isa't isa." Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko bago ngumiti. "Bukas ng gabi baka umalis na kami." Tumingin ako kay daddy at tumango naman sya.

"Tatawagan mo ako lagi ha? Magchachat tayo." Tumango na lang ako at ngumiti.

Kinabukasan, nakipagkita ako kay Sky sa dati naming school, Smith-Lee Academy second campus.

"Sam! Sam!" sigaw nya habang kumakaway. Pinagtitinginan na nga sya ng mga estudyante dito sa school eh.

Sinalubong ko sya ng isang simpleng ngiti. "Tara sa dating tambayan?" aya ko sa kanya.

Pagkarating namin sa garden ng second campus ng SLA umupo agad kami sa bench na nandun. "Dati wala pang bench na nandito." Pagbasag nya sa katahimikan.

"Dito ko unang nasaktan." Sabi ko sa kanya.

"Sa garden na to?"

"Sa campus na to."

"S-sinaktan na ba kita? Kung nasaktan kita, sorry."

Ngumiti ako ng mapait. "Kasalanan ko naman kung bakit ako nasaktan noon eh." Sabi ko. Tapos tumawa ng pilit. "Nakalimutan kasi kita noon. Si Love kasi sinabi sa akin na showing yung paborito kong movie sa cinema booth, eh kahit ilang beses ko na yun napanood, gusto ko pa rin yun ulit ulitin." Tumahimik nanaman. "May gusto sana akong sabihin sayo."

"Ako muna." Sabi nya. Tapos biglang lumuhod sya sa harapan ko. "Sam... Mahal... Babe... Will you be my wife?" hindi ako natuwa sa sinabi nya. Pinabalik ko sya sa bench na inuupuan namin. "Bakit?"

"Sorry." Yun lang ang nasabi ko tapos tumulo ang luha ko, agad ko naman itong pinahid at tumingin sa kanya. "I can't."

"Why?"

"Hindi mo ba napapansin na wala ng spark sa atin? Na kaya na lang tayo mag boyfriend at maggirlfriend kasi we are committed to each other. Di mo ba napapansin na parang ang commitment na yun na lang ang nagpapanatili ng relationship natin?"

"H-hindi... ang nakikita ko mahal kita kaya nagpapatuloy ang relationship natin. Ikaw ba mahal mo pa ko?"

"Isa pa yun." Hinawakan ko ang kamay nya. "I love... I loved you." Sabi ko.

"Past tense?"

Tumango ako. "Sabi ng isip ko mahal kita..." umiling ako. "... mahalin kita, pero sabi ng puso ko wala na. Sorry Sky... Hindi ko na nakikita yung nakikita ko sa atin noon. Hindi ko na nakikita ang tayo. Ang nakikita ko na ay ikaw at ako... separated."

"May iba ba?"

"No... walang iba. Ikaw lang ang minahal ko."

"Minahal?"

"Sorry Sky."

"No... you're just joking right?"

"Sky di mo ba napansin yung sinabi ko sayo nung una? Dito ko unang nasaktan. Gusto ko dito din ako ulit huling masasaktan."

"Kung masasaktan ka wag ka na lang makipagbreak."

"Sky wag ka naman maging mahinahon oh! Magalit ka naman sa akin please."

"Di ko kayang magalit sa mahal ko."

"Sky hindi na kita mahal."

"Pano ba kita sinaktan dito?"

"Dito ka unang nagalit sa akin. At gusto ko sa lugar na to ka ulit magalit."

"Di ko kayang magalit Sam. Naguguluhan ka lang." bigla nya akong niyakap. "Mahal mo pa ko alam ko."

Naramdaman kong umiiyak na din sya. "I'll let you move on. Lalayo muna ako para makapag move on ka." Mas hinigpitan nya ang yakap sa akin.

"No... no... Pag-isipan mo pa ulit."

"Napag-isipan ko na to. Sobrang daming beses na Sky. Ayoko na talaga Sky. Sorry." Bumitaw ako sa kanya at naglakad paalis. Rinig ko pa ang pagtawag nya ng pangalan ko. Pero umiyak lang ako nang umiyak hanggang makalabas ako ng campus. Buti konti lang ang tao dahil maggagabi na din. Paglabas ko sinalubong agad ako ng yakap ni Love at sumakay ako sa kotse namin. Nandun sina mommy at daddy, ngayon na din kasi ang alis namin papuntang Korea.

"Ate... tahan na~"

"Natawagan mo na ba si Michaela?"

"Opo."

"Tawagan mo ulit. Siguraduhin mong magkikita sila."

Agad naman nyang kinuha ang phone nya. "Hello? Michaela?" bigla naman syang napalingon sa akin.

"Hello? Love... nandito na ko sa loob ng campus. Kinuha ko na yung naiwan mong folders. Palabas na nga ako eh."

"N-nandyan ka na pala. P-pupunta ko dyan intayin mo ako sa labas ng campus. On the way na ko." Ibinaba naman nya ang phone nya at tumingin sa akin.

"Intayin natin na magkita sila." Sabi ko. Nakita naman namin mula sa loob ng kotse na nasa labas na ng campus si Michaela at nag-aantay. Mga ilang sandal lang nakita na namin nandyan na si Sky. Malungkot habang tulalang naglalakad palabas ng campus. Nakita sya agad ni Michaela at agad na pinuntahan. Parang kinakausap nya si Sky. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Michaela. Pinigilan pa ako ni Love pero umiling ako. "Hello Michaela?"

"Ate... buti napatawag ka si Kuya Sky..."

"Ahhh... Sinama ko pala si Love papuntang airport. Aalis kasi kami nina daddy. Baka di na sya makapunta dyan. Nag-aalala nga sya na baka intayin mo pa sya."

"Si Sam ba yan? Hello? Sam..."

"Sky? Ilang beses ko ba sasabihin sayong ayoko na! Bakit di mo ba ko magets?"

"Please..."

"Sorry Sky." Sabi ko tapos pinatay na ang cellphone ko para di na nya ko macontact.

"Tinext ko na si Michaela na wag sabihin kay kuya Sky na ngayon ang alis nyo."

"Sure ka na ba dito anak?" tanong ni mom. Tumango lang ako.

"Tara na?" tumango ulit ako sa tanong ni dad.



Michaela's POV

"Hello po." Pagbati ko sa mga professors pagpasok ko ng faculty room.

"Oh~ Ms. Micha. Bakit?" tanong nung isang professors.

"May kukunin lang po akong folder kay Sir Raf." Sabi ko at dumeretso na sa table ni Sir Raf. "Sir..."

"Yes?"

"Sir may pinakukuha po kasing folder sa inyo si Love... Love Santos po."

"Ahh~ Oo. eto oh." May kinuha naman syang folder sa table nya at ibinigay sa akin. "Sabi nya sa akin hindi na nya yan kukunin." Nagkibitbalikat na lang ako. "Baka nagbago ang isip." Sabi pa nya kaya tumango ako.

"Sige po sir. Salamat po." Tapos lumabas na ko ng faculty room. Pagkalabas ko nagvibrate naman ang phone ko. Tumatawag si Love.

"Hello? Michaela?"

"Hello? Love... nandito na ko sa loob ng campus. Kinuha ko na yung naiwan mong folders. Palabas na nga ako eh."

"N-nandyan ka na pala. P-pupunta ko dyan intayin mo ako sa labas ng campus. On the way na ko." Bigla naman nyang binaba. Kaya nang makalabas ako ng campus inintay ko sya sa labas.

"Nasaan na ba yun?" bulong ko pa. Hanggang sa makarinig ako ng mga bulungan ng mga naglalabasang estudyante.

"Alumni sila dito ano?" sabi nung isa.

"Oo... mukhang nagbreak." Sabi nung isa.

"Nakita ko nga yung babae iyak ng iyak."

"Mas kawawa yung lalaki kasi sya ang iniwan." Bigla naman sumingit yung isang babae na kasama nila. Tatlo kasi sila.

"Alam nyo, minsan mas masakit ang mang iwan kesa maiwan. Wala tayong alam kaya pwede wag natin silang pagchismisan?"

"KJ mo talaga!" at tuluyan na silang nakalayo.

Mayamaya nakita ko na lang si Sky na palabas ng campus at tulala. Ang pula pa ng mata kaya lumapit ako sa kanya. "Kuya Sky?" pero tumigil lang sya sa paglalakad. "Kuya? Ano pong nangyare?"

"Totoo ba ang fall out of love?" out of no where nyang tanong.

"Huh? Yung totoo po ba ang gusto nyong marinig?" tanong ko sa kanya kaya humarap sya sa akin at tiningnan ako sa mata. "Opo. Totoo, minsan dahil sa may iba at minsan naman dahil sa pagkakataon." Sagot ko at tiningnan ko sya pabalik nakita ko ang pagpatak ng luha nya pero bago ko pa pahirin yumuko sya at pinunasan na yun. Bigla nanamang nagvibrate ang phone ko. Nang makita ko si Ate Sam kaya sinagot ko, kailangan nyang malaman ang nangyayare kay kuya Sky.

"Hello Michaela?"

"Ate... buti napatawag ka si Kuya Sky..." nakita ko ang pagtingin ni Kuya sky sa akin.

"Ahhh... Sinama ko pala si Love papuntang airport. Aalis kasi kami nina daddy. Baka di na sya makapunta dyan. Nag-aalala nga sya na baka intayin mo pa sya." Eto talaga si Love iniwan nanaman ako.

"Si Sam ba yan?" bigla namang hinablot ni Kuya Sky ang cellphone ko. "Hello? Sam..." Nakita ko naman na umiiyak nanaman sya. "Please..." tapos bigla na lang nyang tinanggal sa tenga nya yung cellphone ko. Kinuha ko naman agad yun at nakitang pinatay na ni ate Sam ang tawag. Bago ko pa itago ang phone ko nagvibrate ito agad. May nagtext, si Love.

"Michaela sorry kung di ako makakapunta si ate kasi, biglaan, pupunta daw sila sa Korea ngayon nina mommy at daddy. Nagbreak ata sila ni Kuya Sky. Wag mo naman sabihin kay kuya Sky oh. Ayaw kasi ni Ate na habulin pa sya sa airport."

Tinago ko naman agad ang phone ko. "Alam mo ba na di na nya ko mahal?"

"Kuya Sky... Kasi..."

"Alam mo?"

Alam kong mahal ka pa nya. At alam kong kaya sya lumalayo dahil sa nangyayare sa kanya. Yun ang gusto kong sabihin pero di ko kaya. "Parang ganun na nga po."

"Kailan mo pa napansin yun?"

"One month na po ata..."

"Bakit di ko napansin?"

"Kuya Sky... Di ko po alam eh." napalingon lingon ako sa paligid at napansin ang isang kotse. Kotse to ni ate Sam. Nakita ko din na aalis na ito. Niyakap ko na lang si Kuya Sky bago pa nya mapansin ang kotse nina ate Sam.

"Manhid ba ko?"

Sa di malamang dahilan, gusto ko syang sagutin ng deretsahang Oo, kaso nagawa ko namang makapagpreno. "S-siguro po. Kuya may dala po ba kayong kotse? Iuuwi ko na po kayo." Sabi ko at inalalayan sya. Tinuro naman nya sa akin kung saan yon nakapark. Kinuha ko ang susi sa kanya at ako ang nagdrive.

"Gusto kong maglasing." Sabi nya.

"Pero di ba po bawal kayong maglasing may ooperahan po kayo bukas."

"Pano mo nalaman?" natauhan ako. Bat ko nga ba alam ang schedule nya?

"Nabasa ko po sa notebook nyo. Naiwan nyo po kasi yun nung isang araw sa sala... Nakalikot po namin ni Love." Palusot ko, pero ang totoo kaklase ko ang secretary nya sa isang subject sa SLA. Working student kasi yun at kadalasan ako ang nagpapaalala sa kanya kung ano ang sched ni Kuya Sky dahil alam kong makakalimutin si Kuya Sky at masyadong maraming part time job ang kaklase ko para maalala nya every details. Para sa kaklase ko, hulog daw ako ng langit para sa kanya kasi tinutulungan ko sya ng free sa trabaho nya, hindi nya alam gusto ko din naman ang ginagawa ko.

"Icacancel ko naman lahat ng trabaho ko bukas or this week. Kasi parang di ko kakayanin."

"Ganun po ba? Saan nyo po gustong uminom?"

"Ayoko sa maingay. Bumili na lang tayo ng maiinom."

"Samahan ko na lang po kayo." Nang makabili kami ng alak at soda naman sa akin nagpark kami sa isang lugar na tinuro nya. Sumandal naman kami sa unahan ng sasakyan nya. "Ang ganda po dito." Sabi ko para maputol naman ang katahimikan.

"Sabi ko pagkaumoo na sya sa akin dito ko sya dadalhin para makita nya ang kagandahan ng lugar na to." Napalingon naman ako sa kanya, tumingin sya sa akin bago tumingin ulit sa view ng mga ilaw sa kalsada na tanaw dito. Ang ganda nga ng itsura nila eh. "Nagpropose ako sa kanya kanina, akala ko sya ang masusurprise, ako pala."

"Kuya... hindi ba ang dami ng binili mong alak. Di naman po ako iinom kasi ako po ang magdadrive eh."

"Akin yan lahat wag kang mag-alala." Naubos na nya ang isang bote. Limang bote kasi ang binili nya.

7 pm na. Sa sobrang lamig nga sa labas pumasok na ko sa loob ng kotse at pinanood ko na lang sya habang umiinom. Di naman sya katulad ng iba na nagwawala pag umiinom o kaya umiiyak, tahimik lang sya. Sobrang bait ni kuya Sky ganun din si Ate Sam bakit kailangan mangyare sa kanila to? Napansin ko naman na bigla syang tumayo. Napalabas tuloy ako ng kotse at lumapit ng konti sa kanya. Nakita ko na nagpunta lang sya sa isang puno at sumuka. "Kuya parang hindi mo na kaya." Sabi ko pa sa kanya habang tinatapik ang likod nya. Umiling lang sya at maya maya bumalik nanaman sya sa pwesto nya tapos tumabi ako sa kanya.

"Nilalamig ka?" tanong nya, pero bago pa ko makasagot hinubad na nya ang coat nya at inilagay sa likod ko. Sinoot ko naman agad. "Sorry kung kailangan kita ngayon ha? Naistorbo pa ata kita." Ang tino pa rin nya kausap kahit na nakainom na sya. Napatingin naman ako sa tatlong bote ng alak na naubos nya. "Di ako madaling malasing... Pumasok ka na sa loob nilalamig ka dito eh." Tumango na lang ako at pumasok sa loob ng kotse nya.

Kakaintay ko sa kanya na maubos lahat ng binili nyang alak nakatulog na ko. Nagising na lang ako dahil sa di ako komportable sa pagkakaupo ko sa kotse. Naalala ko na lang si Kuya Sky at dalidaling lumabas. Nang tingnan ko ang relo ko. Alauna na ng madaling araw. Nakita ko na lang si Kuya Sky na nakahiga sa damuhan. Agad akong lumapit sa kanya. "Kuya Sky?" Itinayo ko na lang sya.

"Sam..." nakatulog na sya sa kalasingan. Agad ko syang ipinasok sa sasakyan. Kinuha ko yung mga bote ng alak at nilagay sa likod ng kotse.

"Kuya Sky?" pagtawag ko sa kanya at inayos ang seatbelt nya. Tulog na tulog sya at puro pangalan ni Ate Sam ang binubulong nya. Hinubad ko muna ang coat nya na suot ko at ikinumot yun sa kanya, nalaglag pa nga ang ballpen nya kaya pinulot ko. Pinindot ko pa ito kasi ichecheck ko kung anong ballpen yun. "Ang ganda naman nito." Napatingin ako kay Kuya Sky. "Bakit ganito nanaman ang nangyayare? Bakit laging ganito? Bakit pagsinasaktan ka nya ako ang sumasalo sayo pero at the end of the day sya pa rin ang mahal mo." Bulong ko habang chinecheck ang ballpen. Mukhang isang simple fountain pen lang. Kaya ibinalik ko sa bulsa ng coat nya. At nagdrive papuntang mansion. Pagkadating ko inalalayan ko sya papasok ng mansion, sinalubong naman ako nina Love at Anthon.

"Oh my gosh Michaela kagabi pa kami nag-iintay sa inyo." Bungad ni Love. Kinuha naman sa akin ni Anthon si Sky at dinala nya sa kwarto nito.

"Naglasing kasi sya tapos sabi nya pagka lasing na lasing na sya saka kami umuwi, kaso nakatulog ako sa kotse nya kaya di ko namalayang nakatulog na sya sa labas."

"Ganun ba? Kumain ka na ba?"

"Hindi pa, puro soda na nga ang laman ng bituka ko eh."

"Sya tara sa kusina."



Sky's POV

Nagising ako sa ingay mula sa coat ko. "Full memory. Full memory." Paulit ulit na ingay. Ang sakit ng ulo ko. Kinuha ko naman yung fountain pen ko.

"Bakit full memory ka na?" sabi ko sa kanya. As if sasagutin nya ko. Tiningnan ko naman ng maige. Naiwang bukas. Kaya pala. Plinay ko naman ang mga nakarecord dito.

"I love you Sky! I love love love love love you." Muli nanaman bumalik ang sakit. Pinatay ko na lang ang fountain pen ko. Recording pen sya. Itinago ko sa cabinet katabi ng kama ko. Pag lagi kitang inaalala lalo lang akong masasaktan. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko si Michaela na may dalang tray ng pagkain.

"Ahhh~ Kasi lasing na lasing ka kagabi. Hot honey juice pampatanggal ng hangover saka breakfast?" sabi nya. Ngumiti lang ako at kinuha yung tray saka ipinatong sa side table ng kama ko. Napansin ko naman na nakatayo pa rin sya sa labas ng kwarto ko. Nakita kong dumaan sina Anthon at Love.

"Uy Michaela..." tapos tumingin sya sa akin. Umiwas naman ako ng tingin kasi naaalala ko lang si Sam kada nakikita ko sya. "K-kuya Sky... Aalis pala kami ng mansion, baka kayo lang ni Michaela ang iwan dito kasi wala din sina Ate Rhea at Kuya Neil." Napatingin ako ulit saka tumango. Naalala ko naman na di nya nabanggit si Sam kaya hahabulin ko sana sila kaso umurong yung dila ko.

"Ahhh... Kuya Sky?" napansin ko naman si Michaela.

"T-tatanungin ko sana kung nasaan si Sam." Sabi ko.

"K-kuya Sky... Kasi... Nagpunta na sila kahapon nina Tita Shane at Tito Lu sa Korea."  Napayuko naman ako sa sinabi nya. Di na ko makaiyak, ubos na ubos na kahapon. Sinabi nya nga pala na lalayo sya para makapagmove on ako.

"Ahhhh... Gusto mo sabayan mo kong magbreakfast? Mukhang madami naman tong hinanda mo eh." Aya ko sa kanya. Tumango lang sya at pumasok ng kwarto at umupo sa couch. Kinuha ko naman yung isang tray at inilagay sa table katapat ng couch. "Kamusta ka naman?" tanong ko sa kanya.

"Ayos lang po. Hindi po ba dapat ako po ang magtanong nyan sa inyo? Alam ko pong hindi po kayo okay pero Kuya Sky... mas okay na po ba kayo kesa kahapon?"

Ngumiti lang ako sa kinuha yung isang ham na hinanda nya. "Siguro." Sabi ko.

"Kuya Sky... Masakit po ba? Sobra po bang sakit?"

Ngumiti naman ako ng mapait. "Oo... sobra." Napatingin ako sa kanya. Ever since wala pa syang nagiging boyfriend. "Sa sobrang sakit di mo gugustuhing mapunta sa pwesto ko."

"Prang 75% lang po yan ng naramdaman ko." Sabi nya. Napatingin naman ako sa kanya habang nginunguya yung fried rice. Ibig sabihin umibig na sya...

"Umibig ka na?" ngumiti naman sya. "Ikaw ha~ Di ka nagkwekwento!" sabi ko sa kanya at umayos ng upo.

"Siguro nga po masakit na maiwan pero mas masakit po na makita mo yung mahal mo na nasasaktan."

"Hugot ah~ Kailan ka ba nainlove?"

"Hahaha! Highschool pa po. Pero parang sanay na po ko na masaktan ng ganun ng paulit ulit ... Lagi naman eh."

"Sino ba yan?"

"Hahahaha! Naku wag nyo na pong alamin." Ngumiti lang ako at nakita ko na ubos na yung hinanda nya.

"Hala sorry. Sabi ko share tayo kaso napasarap ata ako ng kain."

"Ayos lang po nakapagbreakfast na naman po ako eh."

Lumipas ang anim na buwan na tinutok ko na lang ang sarili ko sa pagtatrabaho at minsan pakikipagdate sa mga babaeng nirereto sa akin ng mga doctor na kasamahan ko sa ospital pero wala naman akong nagugustuhan. Kung tatanungin nyo kung nakapag move on na ba ko... masasabi kong hindi pa.

Habang naglalakad ako sa hallway ng mansion papunta sana sa kwarto ni Neil dahil yayayain ko syang mag-inom nakarinig ako ng nagsisigawan sa kwarto ni Michaela.

"Ano?!" Michaela

"Please Michaela wag mo naman tong sabihin sa iba oh." Love.

"Kailangang malaman ni Kuya Sky na nandito na sa Pilipinas si Ate Sam." Michaela. Sa narinig ko lalo kong binuksan ang nakaawang na naman talagang pinto.

"K-kuya Sky?"

"Nandito na si Sam?"

"K-kuya Sky kasi ayaw ipasabi ni Ate."

Agad akong umalis ng mansion, alam ko kung saan sila tutuloy sa dati nilang mansion. Nang makarating ako don, derederetso akong pumasok at nakita sya sa sala. "Guard! Pano sya napasok dito?" sigaw agad ni Sam. Tiningnan ko lang sya. Buntis sya?

"A-anak ko  ba yan?"

"Hindi. Hindi mo sya anak." Agad na sagot ni Sam, pero ramdam ko... alam ko.

"Sam... wag mo naman gawin sa akin to oh karapatan..."

"Sam? What is happening?" biglang may pumasok na lalake at nilagpasan ako. Tumayo naman si Sam at niyakap ito.

"He's my hudband... Hyukjae Park, nakilala ko sya sa Korea. At sya ang ama ng pinagbubuntis ko."

"Ahm... Nukayo..." (Ahm... Who...)

Agad naman na sumagot si Sam "He's Sky." Tumango yung lalaki at nakipagkamay sa akin.

"Hello Sky. Moleukesseoyo that she has a friend named Sky. She didn't tell me." (I don't know that she has a friend named Sky.)

"Maybe she forgot me." Sabi ko at ngumiti. Tiningnan ko ulit si Sam.

"She's daseol months pregnant." (She's 5 months pregnant.)

"Sorry, he's not good in English, he always mix Korean and English language badly." Nagkatinginan sila at nagngitian pa.

Tumango pa si Hyukjae. "Mian hamnida." (I'm sorry.)

"Nang magkakilala kami agad na naging maganda ang namamagitan sa amin at after a month naging kami. Kinasal ako nang malaman nyang buntis na nga ako."

"Take a sit Sky."

"Aniyo. I just came here to say hi. I have to go." (No.)

"Are you sure?"

"Yes. Bye Sam, Bye Hyukjae." Sabi ko at nakipagkamay pa ako sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...