“Angelo gusto kong ipakilala sayo ang boy bestfriend ko”
“Talaga may kaibigan kang lalaki bakit parang hindi ko naman sya nakikita”
“Sa Nightingale Academy kasi sya nag-aaral”
“Talaga close ba kayo nun?”
“OO Super close kami, magkababata kasi kami eh! Nagkahiwalay lang kami ngayong college”
“Kaibigan lang ba talaga ang turing mo sa kanya ni hindi ka ba nagkagusto sa kanya”
“Ahhhh syempre sa tagal naming magkaibigan nagkaroon din ng pagkakataon na naging iba yung turing ko sa kanya pero mas pinahalagaan ko ang pagkakaibigan namin”
“Ahhhh.” Natawa naman ako sa sagot nya halatang nagseselos sya!
“Wag ka ng magselos” sabi ko habang niyuyugyog ang balikat nya
“Hindi ako nag seselos ah!”
“OO tama yan kasi may girlfriend na sya! At mahal na mahal nya yun kaya wala kang dapat ipagalala” nag sigh na lang sya kasi wala naman dapat syang ikaselos kung may spark kami eh! di sana naging kami ng bestfriend ko dati pa.
“Sige na Sha Sha mag order ka na” hayyy hanggang ngayon Sha Sha pa din ang tawag sa akin wala man lang syang endearment kahit unting tamis wala man lang.
“Sha Sha lang talaga ang itatawag mo sa akin?”
“OO ano ba dapat?”
“Angelo naman wala ba tayong magiging tawagan”
“Wag na Sha Sha na lang ang itatawag ko sayo at ako tawagin mo na lang ako sa pangalan kong Angelo” seryoso na sabi nya wala man lang ekspresyon yun mukha nya napaka cold nyang tao, nakakainis talaga
“KDAT” sabi ko habang hindi bumubuka ang labi!
“SNAMMMMPPPYYYY” paglingon ko si Samson ang bestfriend ko nandito na kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at niyakap sya ng mahigpit
“YAH! Wag nga kayong magyakapan” sabi ng girlfriend yang si Rachel habang pinaghihiwalay kaming dalawa. Kaya natawa na lang kaming dalawa ni Samson lagi kasi syang ganyan eh! Ayaw nyang ipahawak sa akin yung boyfriend nya.
“Ikaw talaga honey ang cute cute mo” sabi ni Samson habang pinipisil ang pisngi ni Rachel na ngayong nakanguso at parang batang nakapulupot sa braso ni Samson
“Hindi ka pa rin nagbabago Rachel! Wag kang mag-alala hindi ko aagawain si Samson sayo! Kasi may boyfriend na ako” paglingon ko si Angelo nakaupo pa din habang nakatingin sa amin. Tiningnan ko sya ng masama na parang sinasabing ano bang ginagawa mo dyan tumayo ka nga. Buti na lang nabasa nya kung anong ibig kong sabihin kaya tumayo sya at tumabi sa akin
“Sammy si Angelo boyfriend ko!” ngumiti silang dalawa at nag shake hands
“Hoy! Angelo wag kayong mag brebreak ni Sha Sha kasi pag yan na broken heart tiyak kay Samson sya lalapit at magpapa comfort at ayokong mangyari yun!” nakakatawa talaga si Rachel kulang na lang hindi na kami magkita ni Samson kasi sobra syang nagseselos pag magkasama kami.
“Honey! Hindi sila mag brebreak parang tayo forever diba” sabi ni Samson habang nagpapacute kay Rachel, minsan nasusuka ako sa ka sweetan nila pero wala akong magawa ganun nila kamahal ang isa’t isa eh! Nakakainggit noh!
Napatingin ako kay Angelo yung tingin na parang sinasabi na ang sweet nila naiinggit ako. Pero wa effect ang pagpapacute ko kasi no comment pa rin sya ni hindi man lang ako akbayan o kaya ngitian man lang. wala na talaga syang pag-asa!
“Tara na kain na tayo” yun lang ang nasabi ni Angelo yun lang! OO naiinis na talaga ako kasi sweet na sweet sila Samson at Rachel pero kami wala pa din nganga lang
“Honey upo ka na” sabi ni Samson habang inaalayan si Rachel na makaupo! Samantalang si Angelo nakaupo na hindi man lang nya ginawa sa akin yun. Kaya nagtatampo talaga ako sa kanya tumingin ako sa kanya na parang sinasabi na ano ka ba gayahin mo naman yung ginagwa ni Samson
“Sha maupo ka na ano pang hinihintay mo” kaya naman padabog akong umupo sa tabi nya! Habang yung nasa harapan naming sina Samson at Rachel sweet na sweet!... kaming dalawa ni Angelo nakatingin lang sa kanila at sa tuwing napapatingin ako kay Angelo ngumingiti lang sya o kaya tinitingan ako na parang sinasabing anong problema mo?
Nakaorder na kami! Actually nandito kami sa restaurant nila Angelo! Syempre ganun talaga mayaman sya eh! Kaya VIP kami, pero sina Samson at Rachel mayaman din sila! ako lang yata ang belong sa nakaka family NAKAKARAOS RAOS lang!
“Angelo alagaan mo si Sha Sha! Minsan sira ulo yan at mababa ang IQ pero mabait yan!”
“OO alam ko na yun! Medyo may pagkaengot kasi tong si Sha Sha eh” teka grabe sila nilalait nila ako at pinagtatawanan!
“Hoy! Ano ba yang pinagsasabi nyo compliment o panglalait”
“Panglalait” sabay na sabi nilang dalawa
“Nakakainis talaga kayong dalawa!” sabi ko habang nakapout kaya naman mas lalo silang natawa
“YAH! Honey wag kang tumawa ako lang dapat ang dahilan nag pagtawa mo” seryoso na sabi ni Rachel! Masanay na kayo sa kanya ganyan lang talaga yan!
“OO na honey! Alam mo namang ikaw ang kasiyahan ko diba” pweeeee minsan talaga hindi ko na matiis ang ka sweetan ng dalawang toh! Medyo O. A pero kahit anong gawin nilang dalawa cute pa din silang tingnan at mas lalo akong naiingit sa kanila.
“So Angelo paano mo nakikilala tong si Sha Sha” tanong ni Rachel habang sinusubuan ni Samson
“Classmate ko sya! Tapos lagi ko syang inaasar! Pero hindi nya alam na kaya ko lang naman sya inaasar kasi may gusto ako sa kanya pero dahil may pag engot si Sha Sha hindi nya na gets yun!” tapos tumingin sya sa akin while nakangiti
“Kung hindi ko pa sasabihin na gusto ko sya hindi nya malalaman na gusto ko talaga sya” simpleng salita pero complikado ang epekto nito sa akin. Wag nyo ng tanungin ang nararamdan ko kasi maski ako hindi ko ma explain
“At yun ang kwento namin”
“Ang sweet nyo naman! Diba Honey ang sweet nila” sabi ni Rachel na halata ngang kinikilig kasi yung smile nya wagas! Tapos mas lalong humigpit ang pagkakayakap nya sa braso si Samson
“Kung ganun boto na ako sayo! Mukha namang mahal na mahal ka si Sha Sha kasi tingnan mo yung mukha nya ngayon” teka ano bang ibig nilang sabihin
Napansin ko na nakakunot yung noo ko habang parang tanga na nakangiti ng wagas napatingin ako Rachel at ganun din ang mukha nya nakakunot ang noo habang kilig na kilig while wagas makasmile. Ibig sabihin parehas pala kami ni Rachel well ganun talaga pag kinikilig! Ng makita ni Rachel na parehas pala kami ng reaction agad nyang inayos ang sarili nya at umupo ng maayos at ganun din ang ginawa ko akala naman nya! Kaya mas lalong natawa yung dalawang lalaking mokong!
“Alam mo Samson ngayon ko lang napatunayan na ang babae para palang adobo” teka nag pipick up line ba si Angelo
“Bakit kasi masarap mahalin” sabi ni Rachel na feeling proud sa sinasabi
“Adobo kasi hindi kumpleto pag walang toyo” ang sama talaga ng mga lalaking toh! Kasi tawa sila ng tawa kanina pa nila kami pinagtritripan ni Rachel
“Hoy kanina mo pa kami pinagtrirtripan ah!” sabi ko kay Angelo habang nakakunot ang noo
“Ikaw naman compliment yun” tapos tinulak nya yung noo ko, dahilan para matawa ako kiligin ako kahit simpleng move lang ni Angelo iba talaga epekto sa akin.
“Yah! Sinong nagsabi sa inyo na dapat mas sweet kayo kesa sa amin” si Rachel talaga ayaw patalo
“Honey! Mas sweet tayo” tapos pinipisil ni Samson yung pisngi ni Rachel
Kaya naman napatingin nanaman kaming dalawa ni Angelo sa kanila! Eh di sila na ang sweet sila na ang O.A couple of the century SILA NA! SILA NA TALAGA! Ang pinaka cute couple sa whole world
Nakakatawa talaga pag kasama double date noh! Ang saya lang. Pauwi na kami actually nasa parking lot na kami ngayon
“Ah Angelo pwede bang ako na lang ang maghatid kay Sha Sha gusto ko kasi syang kausapin na miss ko lang talaga toh eh” sabi ni Samson habang nakaakbay sa akin na halatang ikinagulat ni Angelo at Rachel
“Yah! Ako ang girlfriend mo tapos hindi ako ang ihahatid mo” pagtatampo ni Rachel
“Angelo pwede bang ikaw na lang ang maghatid kay Rachel my loves ko! Wag kang mag-alala wala akong gagawing masama kay Sha Sha” tiningnan ko si Angelo na parang sinasabi na wag kang mag-alala tiwala lang syempre dapat soft yung tingin ko sa kanya yung walang bahid ng pag-aalala
“Okey! Ako na ang maghahatid kay Rachel pero alagaan mo si Sha Sha ah!” sincere na sabi ni Angelo siguro napansin din nya na sobra ang closeness namin ni Samson pero alam ko na hindi na sya nagseselos kasi chill lang ang awra nya. Nakakatuwa kasi naiintindihan nya na kaibigan ko lang talaga si Samson at wala syang dapat ipag-alala.
“No! Angelo naman bakit ka pumayag! Honey bahala ka pag si Sha Sha ang inihatid mo hindi talaga kita papansinin” parang bata na sabi ni Rachel habang nakabusangot
“Honey wag kang O.A alam mo namang mahal na mahal kita diba! I Love you Honey” tapos kiniss ni Samson si Rachel sa cheeks at itong si Rachel naman umamo na yung mukha kiss lang pala ang katapat eh. Tumingin ako kay Angelo na parang sinasabi buti pa si Rachel may kiss ako wala! Naiiinggit ako kaya ikiss mo din ako. Kaso wa effect nanaman nakatingin lang sya sa akin! Wag na akong umasa hindi na mangyayari pa yun!
“O sige na honey hatid ko na si Snampy ko” tapos inakbayan na ako ni Samson
“Honey ah! Ako lang ang iisipin mo pag kasama mo yang Sha Sha na yan” pahuling sabi ni Rachel kasi hinihila na sya ngayon ni Angelo papasok ng kotse kasi kung hindi kakaladkarin ni Rachel eh hindi sya titigil kaka paalala kay Samson. Bago pumasok si Angelo sa kotse tiningnan nya ako at nag smile! Yung smile na yun parang sinasabi ni Okey lang sa akin na sumama ka kay Samson kasi I trust you!
“Oh nakaalis na sila tara na hatid na kita Snampy” nag nod lang ako kay Samson at gaya ng dati gentleman pa din sya kasi pinagopen nya ako ng pintuan.
Actually kung kayo si Rachel natural lang na magselos sa aming dalawa ni Samson kasi super close kami. Pero kung talagang kilala mo kami alam mo na walang malisya ang closeness namin, si Rachel lang naman ang O.A kung makaasta palibahasa sobrang mahal nya lang si Samson.
“Ang galing mo na mag drive Sammy ah” ang cute ng endearment namin diba! Snampy tawag nya sa akin, Sammy naman ang tawag ko sa kanya.
“Ganun talaga malaki na tayo! Ang dami ng pinagbago noh!” nag nod lang ako sa kanya kasi tama nga sya madami ng nagbago kung dati puro kalokohan lang ngayon mas nagging mature na kami.
“Ay Snampy halika mag picture muna tayo” trapik kasi kaya siguro mag selfie muna kami. Nag peace sign ako tapos itong si Samson naman nag pogi sign naman
“Teka anong ginagawa mo Sammy?” napansin ko kasing ang dami nyang pinipindot sa cp nya eh!
“Popose ko kasi toh sa facebook eh! Caption with my girl bestfriend! Hashtag #ImiisHer” ang cute talaga ng bestfriend kong toh!
“Snapmy mag bilang ka ng 3 dali” ano bang trip nya parang ewan kaya sinunod ko naman
“1…………….2…………….3” pagkabilang ko ng three saktong nag ring ang cellphone nya, agad naman nyang sinagot at narinig ko ang boses ng Rachel ni loudspeaker kasi ni Samson eh
“YAH! Honey ano ba tong pinopose mo! Sabi ko sayo diba wag mong hahawakan si Sha Sha! Nakakainis ka talaga!” natawa ako ng sobra sa reaction ni Rachel
“Yah! Narinig ko si Sha Sha tumatawa! Anong nangyayari dya! Honey naman eh! Mamamatay ako kakaselos nyan eh” pag naiimagine ko kung ano ang itsura ni Rachel ngayon mas lalo akong natatwa tiyak para na syang bata kakamaktol ngayon. At si Angelo kaya ano ang itsura ngayon hindi naman sigura sya nagseselos diba!
“Honey! Ikaw an gang loves ko OKEY! I LOVE YOU HONEY! Muuuuahhhhh” sabi ni Samson at pinatay na ang cellphone habang tawa pa din ng tawa
“Kakaiba talaga si Rachel noh”
“OO kaya loves na loves ko yun eh”
“OO mukha nga! Obvious na obvious eh!”
“Mag-iingat ka lagi Sha Sha ah! Pero sabagay hindi na ako mag-aalala sayo kasi may titingin na sayo lagi! Mahalin nyo ang isa’t isa ah!” parang tatay ang peg nya ngayon ah! Makapangaral naman
“OO naman! Salamat ah!”
Ng makarating kami sa bahay ko, nagulat ako kasi may pamilyar na kotse ang nakaparada sa harap ng bahay namin. Hangga’t sa may sumalubong sa aming isang babae hindi pa man din kami nakakababa eh nasa bukana na sya ng pintuan. Tinatanong nyo pa kung sino si Rachel nagmamaktol nanaman! Actually natatawa na lang ako dyan kay Rachel eh!
Bumaba na si Samson at agad namang niyakap sya ni Rachel!... bababa na sana ako ng biglang tumakbo sa bandang pintuan ko si Samson at mukhang pagbubuksan nya ako ng pintuan! inabot nya sa akin yung kamay nya kasi aalalayan nya pa ako! kaya napa smile ako!
“YAH! Wag mong hawakan kamay ng honey ko! Itong akin na lang” at agad yang hinawakan ni Rachel ang kamay ko at inalalayan ako sa pagbaba. Hindi ko mapigilan na mapa smile sa mga pinagkakagawa nito ni Rachel.
“Bakit ka nandito Rachel?” tanong ko tapos napatingin ako sa kotse nakatayo naman doon si Angelo habang nakangiti
“Yah! Sa tingin mo mapapalampas ko na kayong dalawa lang ang nag seselfie dapat apat tayo” tinawag no Rachel si Angelo kaya lumapit naman ito
“Dali mag selfie tayong apat” tapos nag pose si Rachel habang kami nakatingin lang sa kanya na parang sinasabing seryoso ka ba?
“Yah! Seryoso ako mag picture tayong apat” tapos kung ano anong pose na yung ginagawa ni Rachel pero hindi pa din kami sumasama sa kanya. Tawa lang kami ng tawa kasi para syang tanga! talagang pumunta pa sa bahay para lang magpapicture!
BACKWARD
Ng makita ni Rachel ang picture na pinose ni Samson kasama si Sha Sha
“What the.. what’s the meaning of this! Bakit sila nagpipicture habang nasa sasakyan possible pa yun! Sabihin mo nga sa akin Angelo bakit sila nag seselfie at hashtag I miss her pa! hindi ba nya alam na may girlfriend sya na pwedeng magselos at itong si Sha Sha naman pumayag na makipag picture eh may boyfriend na nga sya hindi ka ba nag seselos Angelo” pagwawala si Rachel
“Hindi! Magkaibigan lang yun kaya wag ka ng magselos! Close lang talaga sila”
“YAH! Walang babae at lalaki na magkaibigan lang”
“Alam mo Rachel may mga babae talagang binebestfriend lang”
“Kahit na! akala nya mag popose din ako” tapos may kinuha si Rachel sa bag nya na eyedrops at nilagyan ang mata
“Ano bang ginagawa mo Rachel”
“Mag pipicture ako ng umiiyak! Hashtag! #SELOSmuchAKO”