Savior ยป k.w. โœ”

By inkedbyzayn

21.2K 1.7K 346

Saviors.inc, isang site na sabi ko sa sarili ko hinding hindi ko pupuntahan. Bakit nga ba? Para saan pa? Pare... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
!!! MUST READ !!!
โ™ป SURVEY LANG HO! โ™ป
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Sorry na
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Missing Author
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Hi. Hope you still remember me.
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Guys! Pakibasa po!
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
ANNOUNCEMENT!!!
BOOK 2!!!!

Chapter 50

232 12 18
By inkedbyzayn

LONG CHAPTER AHEAD... OH, AND REALLY SAD TOO. Hindi ko sinasabing need niyo ng tissue pero kailangan niyo ng tissue! Hahaha! Thank you!

KISSES

WALA NA NGA sigurong mas sasakit pa dito. Narating ko na nga siguro ang dulo. Yung pinakamasakit, yung pinaka nakamamatay sa lahat. Gusto kong tumigil sa pag iyak pero gusto ko rin magwala. Gusto ko siya hanapin, harapin pero sigurado akong mas lalo lang akong masasaktan.

Nabitawan ko yung hawak kong basag na baso nang may kumatok sa pintuan. "Kisses?" Tawag ni Ate Maymay.

Napasinghap ako at pinunasan yung mukha ko. "Kisses, alam kong nandiyan ka! Kisses, sagutin mo ako."

Hindi ko alam kung ano sasabihin ko o kung ano gagawin ko. Kung titigil pa ba ako sa pag iyak. Itinakip ko nalang sa mukha ko yung kamay ko, umaasang hindi niya ako maririnig sa kabila ng pinto.

Naririnig ko silang naglalakad sa harap ng kwarto ko. Katulad nung mga nakaraang araw, umaasang lalabas ako ng kwarto, umaasang ayos na ako.

Umikot yung door knob ng pintuan, bago ko pa makita kung sino yung pumasok, nasa harapan ko na ito at yakap yakap ako nang mahigpit.

"Kisses... Diyos ko..." Naiiyak na sabi ni Ate Maymay. Nakaupo kami sa sahig ng kwarto. Ang tagal rin namin sa ganoong pwesto.

Parehas kaming umiiyak. Umiiyak dahil sa magkaibang dahilan. Siya, baka dahil naaawa siya sa kalagayan ko. Ako, dahil hirap na hirap na ako at ito nalang ang magagawa ko.

Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko at iniharap sa kanya. Lalo siyang humagulgol. Gusto ko siyang tignan at sabihing tumahan na siya pero hindi ko ito magawa. Sobrang maga na ng mga mata ko at wala na rin akong boses.

"Diyos 'ko po, Kisses! Ano bang ginawa mo sa sarili mo?" Malungkot niyang sabi.

"Anak ko..." Nanginginig ang boses ni Daddy. Dahan dahan ko idinilat yung mga mata ko. Malabo man pero kitang kita ko kung gaano sila kalungkot.

Nakatayo si Daddy sa may pintuan habang nakakapit sa kanya si Mommy na para bang kapag bumitaw ito ay tutumba ito.

Magulo yung buong kwarto ko. Sirang lamp, duguang bedsheet at carpet, at sa tabi ko yung basag na baso.

"M-Masakit ba?" Pinupunasan ni Ate Maymay yung kamay ko na hindi ko namalayan na may hiwa pala.

Lumapit si Mommy at ipinunas naman sa mukha ko yung dulo ng suot niyang t-shirt. May dugo rin ito.

"Bakit ba namin hinayaang mangyari sa'yo ito, anak?" Sabi ni Daddy habang nakahawak siya sa ulo niya.

Ngumiti nalang ako bago magdilim lahat at bumagsak sa sahig.

------------------------

Ang ganda sana ng moon ngayon kaso wala gaananong stars na kasama ito. Para tuloy ang lungkot niya dun mag isa. Moon and stars. Walang moon kung walang stars at wala ring stars kung walang moon.

Naalala ko tuloy yung gabing nasa parking lot lang kami ni Edward. Nakatingin sa langit. Tahimik ang lahat pero komportable. Tahimik pero alam mong nandiyan lang siya.

"I will always be with you." Bulong niya sa tenga ko bago ako halikan sa pisngi. Humarap ako sa kanya. "I know."

Yumuko siya at napangiti. "You're so beautiful." Namula yung mukha ko. Edward and his compliments. Laging may baon eh.

Sasagot na sana ako nang nagsalita siya ulit.

"Kisses, what would you do if I were to leave you?" This time mahina lang boses niya. Na para bang nag aalangan siya sabihin ito.

Natahimik ako. Hindi ko ba alam pero naramdaman ko nalang na basa na yung mga mata ko. May kakaiba kasi sa pagtatanong niya. Para bang hindi na tanong at nagpapaalam na siya.

Tumulo bigla yung luha ko at napabulong nalang ako. "Don't leave."

Nakatitig lang kami sa isa't isa. Hindi siya sumagot. Tumayo siya sa kinauupuan niya at humarap sa akin.

May kinuha siya sa bulsa niya. Isang necklace na may star na pendant.

Tinuro niya yung langit. "Kisses, you see how lonely the moon is without stars?" Hinawi niya yung buhok ko at iniipit sa tenga ko. "I would be like that without you."

Idinikit niya yung labi niya sa basang pisngi ko habang isinusuot sa akin yung necklace. "I love you so much, Kisses," Sabi niya bago ako halikan. Hindi ko na naintindihan yung sumunod niyang ibinulong habang nakadikit yung labi niya sa labi ko. "Please know that I'm doing this for you. I would never ever hurt you, at least not intentionally."

Nagising ako sa boses ni Ate Maymay at ng isang lalaking kausap niya. Dahan dahan akong dumilat.

"Ate May?" Tawag ko. Dali dali siyang lumapit sa akin. "OH MY GOD! KISSES, GISING KA NA!"

Hindi ko makilala yung lalaking kausap kanina ni Ate May. Nakatalikod kasi ito at nakahoodie.

"Marco, pakitawag naman yung mga nurse." Nahihiya itong humarap sa akin at malungkot na ngumiti bago tumakbo palabas.

Naguguluhan ako. Anong ginagawa ni Ate Maymay kasama si Marco? At nurse?

Tumingin ako sa paligid ko. Nasa hospital ako. Itinaas ko yung kamay ko, may swero ito.

Dahan dahang ibinaba ni Ate Maymay ito sa gilid ko at hinawakan ako sa braso. "Hinimatay ka nung isang araw. Four days ka na ring nandito." Sabi ni Ate May na para bang nabasa niya na sa isip ko yung tanong ko.

"Ano bang ginawa mo sarili mo, Kisses?" Nakangiti si Ate Maymay pero basa na yung mga mata niya. Wag mo akong kaawaan. Gusto ko sanang sabihin pero hindi ko magawa. Masakit yung lalamunan ko kaya napahawak ako dito.

Umikot si Ate Maymay sa kabilang side ko at ipinaglagay ako ng tubig. Tinulungan niya akong umupo. "Uminom ka muna." Sabi niya pagkaabot sa akin nung baso.

May benda yung kaliwang kamay ko. Ito yata yung nahiwa ko... Napailing ako.

"S-Sorry, Ate May." Iyon nalang ang tanging nasabi ko habang tumatakbosa isip ko lahat ng mga nangyari, nang mga nagawa ko.     

"Edward!" Sigaw ko habang hinahabol ko siya. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari. Hindi ko maintindihan bakit ginagawa niya 'to.

Tinanggal ko yung sapatos ko at binilisan pa yung pagtakbo. Edward. Edward. Wala nang iba pang tumatakbo sa isip ko kung hindi siya.

Bakit siya aalis? Bakit siya nagpaalam?

Itinulak ko yung pintuan at patuloy lang sa pagtakbo. Hindi ko alam kung nasaan na siya. Kung maabutan ko pa ba siya. Kung maaabot ko pa siya.

Kung siya ang buwan sa mga bituin ko, bakit parang sobrang layo niya na? Bakit hindi ko na siya matanaw?

Tumingin ako sa paligid. Hindi ko siya mahanap. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang makarating ako sa parking lot.

Ayun siya. Ayun sila. Magkayakap. Bakit magkasama sila ni Heaven? Anong ginagawa niya dito? Bakit sila magkayakap?

Sobrang daming tanong sa isip ko. Gusto ko sila sigawan. Gusto ko sila saktan. Pero hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Nakatalikod sa akin si Edward. Malayo sila pero nakikita ko sila. Nakikita ko yung ngiti ni Heaven habang yakap yakap siya ni Edward.

Ngayon ko lang namalayan na umiiyak na pala ako at kasabay ng bawat tulo ng luha kong tumulo ang ulan, para bang nakikisama ito at ramdam nito ang nararamdaman ko ngayon.

Mahina pero rinig ko ang boses ni Edward habang tinutulak niya si Heaven papasok ng kalapit na sasakyan. "Get in. You'll get sick." Para akong sinasaksak sa nakikita ko. Ganun rin siya makipag usap sa akin. Na para bang sobrang nag aalala siya sa'yo. Na para bang hindi niya kakayanin mahirapan ka, masaktan ka... Pero bakit mo ginagawa sa akin 'to? Ano nalang ba ako sa iyo?

Para akong nadurog sa sumunod kong nakita. Hinalikan ni Heaven si Edward. Hindi umiwas si Edward. Hindi siya lumayo.

Tumingin si Heaven sa akin. Alam niyang nandito ako kaya niya ginawa iyon. Napahawak ako ng mahigpit sa palda ko.

Kisses, kumilos ka. Kisses, bakit nakatayo ka lang diyan?! Ipaglaban mo si Edward!

May binulong si Heaven kay Edward bago tumalikod at sumakay sa kotse. Umalis rin agad ito.

Dahan dahan akong naglakad papalapit kay Edward. Ang unang pumasok sa isip ko, sampalin siya o 'di kaya sigawan siya. Gusto kong ilabas sa kanya yung galit ko. Gusto ko maramdaman niya rin yung sakit. Pero parang may sariling pag iisip yung katawan ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Napakahigpit, umaasang hindi siya mawawala.

"Don't leave me." Napaka-vulnerable ng dating ko sa tonong lumabas sa bibig ko. Para akong madudurog. Unti unting maglalaho kapag nawala siya.

Desperada na kung desperada pero gusto ako lang. Ako nalang. "I beg you, Edward. Don't leave me." Hindi siya nagsasalita. Hindi rin siya kumikilos.

Nakayakap ako sa kanya pero yung mga kamay niya nasa gilid niya lang. Pakiramdam ko ang layo layo niya kahit nasa harapan ko lang siya.

Sobrang tagal bago siya nagsalita. Tinanggal niya yung pagkakayakap ko sa kanya bago sabihing, "Are you done?" Yung tono niya para bang inis na inis na siya.

Napatingin lang ako sa kanya. Hindi ko maintindihan. Bakit siya nagkakaganyan? Bakit kami umabot rito?

"Can you get any more desperate?" Patuloy lang ako sa pag iyak.

"Kisses, I know you're not blind nor stupid. Nakita mo kami. We're happy. Let me-"

"NO!" Sigaw ko. Nakahawak ako ng mahigpit sa damit ko, nagpipigil sa ano mang kayang gawin ng kamay ko. "You're lying!"

"We were happy thirty minutes ago. Tayo yung masaya." Hindi ko alam kung posible bang mangliit ako pero iyon yung nararamdaman ko.

"I-I could... I could forget what I just saw. I-I'm forgiving you. We could still be happy."

Tinignan niya lang ako. Hindi ko mabasa yung reaksyon niya.

"You're impossible! Can't you hear yourself?! Why are you doing this to yourself?!" Galit niyang sabi.

Inabot ko yung mga kamay niya at mahigpit itong hinawakan. "I love you. You love me. I-I'm sure we can work this out. Hindi mo naman sinasadya-"

Binitawan niya yung kamay ko at hinawakan ako sa balikat. "No, I don't!" Tuloy lang ako sa pag iyak. "I don't think there's a way to fix this relationship."

Naririnig ko siya pero hindi nagsi-sink in sa utak ko yung mga sinasabi niya dahil pinipigil kong intindihin ito, tanggapin ito.

"Let's end whatever this is." Mahina lang yung boses niya pero nakakabingi ito. Parang may isang truck na bumubusina dahil masasagasaan na ako. Sana nga masagasaan nalang ako. Sana mamatay nalang ako. Ganun rin naman ito.

Umiling ako. "Edward," Nanginginig na yung boses at katawan ko, hindi sa lamig ng ulan, kundi sa lamig ng pagtrato niya sa akin. "Ako nalang."

Napahawak siya sa buhok niya na para bang nafu-frustrate na siya. "Ano ba hindi mo maintindihan?!"

"Please..." Iyak ko.

"I'm with Heaven now. You know I love her." Para akong dinudurog sa mga sinasabi niya. "I'm not leaving her for you."

Sabi niya bago maglakad papalayo. Para akong hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Ito na ba iyon? Ito na ba yung "Dulo"?

Bubuksan niya na yung pintuan ng sasakyan niya nang nagtatakbo ako papalapit sa kanya. Yumakap ako sa likod niya.

"S-Sabi mo walang dulo pero ano 'to?" Hindi ko alam kung papaano ko nakakayang magsalita. Magmakaawa. Hindi ako ganito pero para kay Edward, ito na ako.

Humarap siya sa akin at niyakap ako. "I'm sorry." This time, umiiyak na rin siya. This time, si Edward na ulit siya at hindi yung Edward na hindi ko kilala.

Bumitaw siya at tinignan ako sa mata. "I love you. You know that." Pinunasan niya yung luha ko. "Pero we both know na I love her too."

Gusto kong bumagsak sa lupa. Gusto kong agad makalayo bago ko pa marinig lahat. Kung kanina hindi ko tinatanggap mga sinasabi niya, ngayon hindi ko na kaya pigilin pa. Hindi ko na kaya labanan pa. Hindi ko na kaya ipaglaban pa siya, dahil matagal na pala siyang sumuko.

K.O. na ako 'di pa man niya buoin. Knockout na ako noon pa man.

"I love her." Bulong niya. That's when realization hit me. He loves her more. I have to accept my defeat.

Tinanggal ko yung pagkakayakap niya sa akin at ngumiti. "You love her more than you love me." Tanggap ko na. Talo na ako. Hindi pa man nagsisimula yung laban, talo na ako.

Tinitigan niya ako. Hindi ko alam kung grabe na ba ang pagkadesperada ko pero for a split second, natanggal yung maskara niya. Nabasa ko yung emosyon niya. Parang nasasaktan rin siya. Parang gusto niyang bawiin lahat ng mga sinabi niya at tumakbo sa lahat kasama ako.

Pero imposible pala iyon dahil imahinasyon ko lang iyon. Pinatunayan iyon ng mga sumunod niyang sinabi. "It has always been her. From the beginning, it was always her. Siguro ginamit lang kita to cope with pain. To fill in the space she had left. And I'm sorry. I'm sorry I let this thing go on for so long. I should've told you from the start, hell, I shouldn't have been with you in the first place. I'm really sorry."

Para akong tanga. Napahiya na naman ako. Si Kisses na dating ginagamit lang dahil sobrang easy, ngayon rebound na rin.

Hindi ko na alam kung ano sasabihin ko. Kung papaano ako magrereact.

Hinawakan niya yung kamay ko pero hinila ko lang ito at ngumiti. "Sorry napilitan ka lang sa akin. Sana maging masaya na kayo ni Heaven." Parang nakakamatay na lason yung lumabas sa bibig ko... At ako yung nag aagaw buhay.

Tumalikod na ako at naglakad papalayo. Papalayo sa taong ginawa kong mundo. Papalayo sa taong naging buhay ko. Hindi ko alam kung papaano na ako pagkatapos nito pero ang alam ko lang, kailangan ko makalayo bago pa ako tuluyan maglaho.

-----------------------

Ilang araw na rin ako dito sa hospital. Unti unting naghihilom yung mga pisikal na sugat. Inamin ko rin kina Ate Maymay na tinangka ko magpakamatay. Tutal matagal na naman akong namatay.

"S-Sorry, Ate May." Iyon nalang ang tanging nasabi ko habang tumatakbo sa isip ko lahat ng mga nangyari, nang mga nagawa ko.

"Ano ba nangyayari sa'yo?" Tumabi siya sa akin at humiga.

"Hindi ko na kasi kaya." Hinawakan niya yung kamay ko.

"Kaya nagawa mo yan." Galit yung tono niya pero mas nangibabaw yung lungkot dito. Tumango ako. Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko na gagawin ko iyon. Ang magsuicide.

Humarap sa akin si Ate Maymay. "Kisses, nandito lang kami. Siya lang yung nawala pero nandito pa kami. Huwag mo naman kami iwan dahil lang sa isang tao."

Tumango ako. To be honest, hindi ko na alam ang sasabihin ko. Kahit ako galit sa sarili ko dahil sa nagawa ko. Napakatanga ko para isipin na sagot yun sa sakit na nararamdaman ko.

"Mangako ka sa akin na pagkatapos nito magiging okay ka na. Na hindi mo sasaktan sarili mo dahil lang sa kanya." Tinitigan niya ako sa mata. "Na kakalimutan mo na siya." Dagdag pa niya.

Napayuko ako at hinawakan yung kamay ko. "Pangako."

Bumukas yung pintuan ng kwarto at pumasok si Ate Maymay at Daddy. Nakangiti sa akin si Ate Maymay pero si Daddy, matapos nung insidenteng iyon sa bahay hanggang ngayon hindi pa rin tumitingin o umiimik sa akin.

Itinaas ni Ate Maymay yung hawak niyang mga plastic bag at nagsasayaw. "Kainan na!" Kanta niya pa.

Napangiti naman ako. Mamaya maya pa bumukas uli yung pintuan at pumasok si Marco. Ilang araw na rin siyang nandito. Hindi kami nag uusap pero lagi pa rin siyang nagpupunta dito, tumutulong kina Mommy sa pag aasikaso ng papers.

Ngumiti ito sa akin bago nagsalita. "Nakausap na namin ni Tita yung mga doctors. Hindi na daw kailangan magstay ni Kisses para sa psych evaluation. Buti nakasama rin namin ni Tita si Mommy para kausapin yung mga psychiatrists." Napahawak si Daddy sa dibdib niya, si Ate Maymay naman napakapit sa braso ko.

Kapag nagtangka kang magpakamatay at naisugod ka naman sa hospital bago ka pa tuluyang mag agaw buhay, matapos ka nilang gamutin, magi-stay ka pa ng two weeks hanggang 3 months sa psych ward, depende sa findings ng doctors. Mabuti nalang yung psychiatrist na Mama ni Marco, inassess ako at sinabing "safe" pa ako at nagawa ko lang saktan sarili ko dahil sa sakit na dinanas ko at hindi dahil may malubhang sakit ako na nakakaapekto sa pag iisip ko.

"Sabi sa inyo hindi ako baliw." Biro ko pero lahat sila nakatingin lang sa akin. Panigurado hindi na ako maiiwan sa kitchen o makakahawak ng cutter sa buhay ko.

As if naman magpapakamatay pa ako. Para saan pa? Matagal na akong patay. Dahil sa kanya.

--------------------

Nagising ako nang may narinig akong kumalabog. "Shit!" Mura nito. Dahan dahan akong bumangon at tinignan kung ano yung nangyari.

"Okay ka lang?" Tanong ko. Gulat na napatingin si Marco sa akin.

Dali dali ito tumayo at pinulot yung nahulog niyang gamit. "Kinakausap mo ako?" Tanong niya.

"Ahhhh Duh? Malamang. Tayo lang kaya nandito."

Tumango siya at napakamot ng batok. "Yeah. I'm okay. Nagising ba kita?"

Tumango naman ako. Napakamot siya uli sa ulo niya at ngumiti. "Sorry."

"Bakit ka ba kasi diyan natutulog? Wala ka bang bahay? Lagi kang nandito."

Natawa siya. "Isa isa lang tanong, Kisses. Mahina kalaban."

Nagmake face lang ako sa kanya. "Alam mo you got sassier." Tinaasan ko siya ng kilay. "May bahay ako. Natutulog ako sa couch kasi hindi naman tayo kasya diyan, at for sure, 'di ka naman papayag na tabi tayo diyan." Namula yung pisngi niya nung narealize niya yung nasabi niya.

"Uy, tomato face, mainit ba? Namumula ka diyan." Natawa ako sa itsura niya.

"Alam mo grabe ka! Bully ka na ha?" Biro nito.

"Thank you sa pagtulong mo sa amin. Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa pero thank you." Sabi ko habang dahan dahan na tumatayo sa kinahihigaan ko.

Lumapit siya sa akin at inalalayan ako. "Hindi ko alam na nursing na pala kinukuha mo at ang aga mong nag iinternship ha?" Biro ko uli. Napangiti naman siya.

Naikwento na sa akin ni Ate Maymay kung bakit nandito si Marco. Apparently nung araw na isinugod ako sa hospital, nandito si Marco kasama ng Mommy niya as a punishment dahil nakabasag ng mga vases yung mga friends ni Marco nung magpaparty siya na nangyari three years ago pa. Ever since then, pinapatulong na siya ng doctor niyang mommy mag assist assist sa mga pasyente nito every summer o 'di kaya kung wala siyang ginagawa. At isa na ako dun sa mga tinutulungan niya.

"Alam mo kung ito ang punishment na matatanggap ko kay Mommy everytime magpapa-house party ako nang hindi nagpapaalam, gagawin ko." Sabi niya subconsciously.

"Dahil nakakasama mo ako?"

Natawa siya at umiling. "Yes and no. Gusto ko lang makatulong sa mga tao dito. Sinwerte ka lang at kaibigan kita, may special treatment ka."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Friends tayo?"

Nagulat siya sa sinabi ko kaya napailing nalang siya. "Sorry - "

Tinawanan ko siya nang malakas. "Joke lang 'to naman hindi mabiro!"

"Baliw ka. Isumbong kita kay mommy sabihin ko mali assessment niya sa'yo!" Natatawa na rin siya.

Nang medyo humupa na yung tawanan nagsalita uli ako. "Yeah, I guess we're friends. Who wouldn't want to be friends with this new version of Marco?!" Kung may nagsabi sa akin na magiging ganito siya a year ago, baka tinawanan lang ko lang yun.

Ngumiti siya. "I like the sound of that. Marco version 2.0!"

Hindi ko alam kung saan nanggaling itong mabait at matulungin na Marco na ito pero nakakatuwa lang na nagbago na siya. Paunti unti man, at least nagtatry siya.

"After her, nagpromise ako sa sarili ko na magbabago na ako. For the better. Para sakali one day, maging deserving na rin ako para sa kanya." Humarap siya sa akin at ngumiti.

Tumayo ako at hila hilang naglakad yung IV papunta sa harap ng pinto. "Ang swerte naman ni Vivoree."

"Hindi naman si Viv 'yun." Kumunot yung noo ko at humarap sa kanya. "Then whoever she is, ang swerte niya. May guy na willing to change his ways para sa kanya."

Nakangiti siyang napayuko. "Yeah."

"Labas lang ako, pakisabi kay Ate May papahangin lang ako." Paalam ko.

Bubuksan ko na yung pinto nang magsalita siya. "Five am pa lang."

"So?"

"Anong 'so'? Nakahospital gown ka at may hila hilang dextrose. Baka pagkamalan kang multo ng mga multo diyan." Natawa kami. "Bye na." Sabi ko.

"Sige ingat." Isasara ko na yung pintuan sa likuran ko nang iharang ni Marco yung paa niya dito. "One more thing, please wag kang pupunta sa south wing ng hospital."

Aba effort manakot 'to ha? "Dahil may lumulutang na scalpel?" Natatawang biro ko.

"Basta." Nginitian nalang ako nito at sinara yung pinto.

Tahimik pa ngayon. Aside sa mga nurses na nagpapabalik balik sa mga kwarto ng pasyente nila, wala pa gaanong taong nasa labas.

"Do you need anything, Ma'am? Samahan ko kayo?" May lumapit sa aking nurse na muntik makapagpatalon sa akin sa takot. Ito yung nurse ko ngayon ah? Bigla biglang sumusulpot ba naman! Pero at least siya, nagpapakita, kaysa naman yung iba nawawala.

"No, thank you." Naglakad na ako ulit kaso sinundan naman niya ako lalo.

"No, I insist, Ma'am. Patient po kayo. Baka mapaano po kayo." Akala ko nagtatanong lang 'to?

"Pupunta lang ako sa chapel, I don't think may mangyayari sa akin dun." Sabi ko.

"Ay sa south wing ng hospital yun! Malayo po." Napaface palm nalang ako. Hindi yata marunong makiramdam 'to na gusto ko mapag isa.

"Whatever sige. Ihatid mo nalang ako dun."

Naglakad kami, hila hila niya yung IV. Saglit pa nakarating din kami. Ang layo daw eh hindi naman.

Iba na yung walls dito. Baby pink na. Akala ko pediatrics area ayun pala para sa may mga sakit sa dugo.

"Nurse? Nurse?!" Tawag nung babae sa isang kwarto. Tinanguan ko naman si John na tumingin sa akin para bang nanghihingi pa ng consent. "Go ahead, trabaho mo 'yan. Kaya ko na."

Naglakad lakad ako hanggang sa mahanap ko yung chapel. Binuksan ko yung pinto. Isang tao lang yung nandito. Wala pa nga sigurong masyadong gising.

Umupo ako sa kabilang row. Hindi ko mapigilan mapatingin sa kanya. May kamukha kasi yung suot niyang hoodie. Bakit nakayuko lang kaya yun? Nacurious ako kasi sa tabi niya may maliit na unan. Bakit dito natutulog yan? Hay nako! Ano naman kung dito siya natutulog, Kisses?

Hindi ko nalang siya pinansin at humarap nalang sa altar.

Pumikit ako at magdadasal na sana nang may narinig akong tumawag sa akin. "Kisses?"

--------------------

Akala ko nagiging ayos na ako. Akala ko unti unti na ring nawawala. Akala ko lang pala.

Kilalang kilala ko ang boses na iyon. Siya lang ang may kayang gumawa nito sa akin.

Napahawak ako sa dibdib ko. Parang hindi na coordinated mga bahagi ng katawan ko. Katulad ng pagtatalo ng utak at puso ko ngayon.

Sa isip ko galit na galit ako sa kanya. Pero yung puso ko... Yung puso ko ganun pa rin. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako.

Lahat ng lakas na unti unti kong inipon, nawala lang sa isang iglap. Sa isang salita.

Nakayuko akong tumayo sa kinauupuan ko. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan yung braso ko.

"Kisses, is that you?" Hinawakan niya yung pisngi ko at iniharap ako sa kanya. "Kisses..." Nakatitig lang siya sa akin hanggang sa malipat yung tingin niya sa kamay ko.

Namula yung mata niya. Parang maiiyak siya. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang iyon o namamalikmata lang ako dahil mugto yung mata niya at mukhang hindi siya nakakatulog.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Yung kamay ko automatic na kumapit sa hoodie niya. Hindi ko maintindihan kung ano yung nangyayari pero namiss ko ito. Namiss ko yung yakap niya. Namiss ko siya.

Bumitaw siya sa pagkakayakap niya at tumingin sa akin. Umiiyak na siya ngayon. "Why would you do this to yourself?!" Tanong niya habang hawak niya yung nakabenda kong kamay. Kinilabutan ako nang itaas niya yung kamay ko papalapit sa labi niya at halikan ito.

"I'm not worth your life, Kisses." Bulong niya. "I miss you. I-I -" Hindi ko na siya pinatapos magsalita.

"Siguro nga hindi. Kasi heto pa rin ako. Buhay pa rin." Unti unti akong lumayo sa kanya.

"Babe-" Hindi ko na napigilan sarili ko. Sinampal ko siya. Anong karapatan niyang paglaruan ako ng ganito?! Anong karapatan niyang saktan ako at umastang walang nangyari sa susunod na araw?!

"Hindi ko alam kung anong klaseng tao ka. Wala akong kasalanan sa'yo para gawin mo sa akin 'to! Para paglaruan ako ng ganito!" Sigaw ko. Gusto kong magwala. Nung isang araw puro sakit pero ngayon, galit. Mas nangingibabaw yung galit.

Iniwan ko siyang nakatayo doon. Agad akong lumabas ng chapel. Hindi ko na siya hahayaan saktan ako. Akala ko nakalayo na ako pero nahabol niya pa rin ako.

Hinila niya ako sa braso at iniharap sa kanya. Sasampalin ko na sana uli siya nang abutin niya yung kamay ko bago marahang itulak sa pader.

Napakalapit namin sa isa't isa. Hindi ko inaasahan yung sumunod na nangyari. Idinikit niya yung buong katawan niya sa akin, yung isang kamay ko napahawak sa dulo ng hoodie niya sa gulat. Itinaas niya yung isang kamay ko sa ibabaw ng ulo ko at mahigpit itong hinawakan bago ako halikan.

Iba ito sa mga halik niya noon. Punong puno ng emosyon niya ito. It was rough and needy. Like he aches for me. Napapikit ako at hinalikan siya pabalik.

Binitawan niya na yung kamay ko at hinayaang ibaba ko ito sa gilid ko. Yinakap niya ako habang patuloy lang siya sa paghalik sa akin. Yung mga pisngi namin na puro luha, sabay pumapatak.

Matapos ang ilang minuto inilayo na rin niya yung labi niya sa labi ko. Parehas kaming hirap huminga. Nakakapit lang ako sa hoodie niya habang siya nakahawak naman sa beywang ko.

Nakadikit yung mga noo namin katulad ng katawan niya sa katawan ko. Sabay kami sa paghinga. "I'm sorry." Bulong niya.

Hinawakan ko yung pisngi niya at tinignan siya. "I love you." Pag amin ko. Hindi mawawala ito kahit ano pang gawin ko.

"I love you too, Kisses." Nagcrack pa yung boses niya. Ngayon napatunayan kong nasasaktan din siya sa mga nangyayari.

"Pero wala na akong magagawa." Itinulak ko siya.

"Hindi ko maintindihan."

"Forget about me. It'll be easier that way."

Hindi ako makapagsalita. Totoo ba 'to?! Pinaglalaruan niya ba ako?!

Sinuntok ko yung dibdib niya. "Niloloko mo ba ako?!" Iyak ko.

Hinawakan niya nang mahigpit yung kamay ko. "Promise me hindi mo na sasaktan sarili mo." Idinikit niya yung kamay ko sa dibdib niya. "Please."

Hindi ako makasagot. Naguguluhan ako. Kanina lang hinahalikan niya ako at sinasabing mahal ako tapos ngayon sinasabi niyang kalimutan ko nalang siya.

Niyakap niya ako nang mahigpit bago halikan yung noo ko. "I'm sorry for everything. I love you so much. I forever will," May tumawag kay Edward. "Sir, she's asking for you."

"Goodbye." Hinalikan niya uli yung noo ko bago siya sumama dun sa isang lalaki at tuluyang mawala sa paningin ko. Bago tuluyang mawala sa buhay ko.

--------------------

Sorry! ☹️

One chapter left! Thank you.

Comment & Vote!

All the love,

kiel

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 478K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...