Trapped In (COMPLETED)

By AmareFermosa

285K 6.1K 222

WARNING: R18/SPG Chloe married her friend for personal reason. At katulad ni Chloe ay may sarili ring dahilan... More

Trapped In
Author's Note (Please read)
Prologue
Chapter 1: Toxic Manila
Chapter 2: Reunion
Chapter 3: Deadline
Chapter 4: Solution
Chapter 5: So It Begins...
Chapter 6: Mrs. Argonza
Chapter 7: One Room
Chapter 8: My Husband
Chapter 9: Beach Wedding
Chapter 10: Tipsy Night
Chapter 11: Aftermath
Chapter 13: He's Busy
Chapter 14: I Miss You
Chapter 15: Consummate
Chapter 16: Sweet Gestures
Chapter 17: His Dungeon
Chapter 18: Every Woman's Man
Chapter 19: Cold As Ice
Chapter 20: Space...Literally
Chapter 21: Just Right
Chapter 22: His
Chapter 23: Trapped
Chapter 24: Better Be Late
Chapter 25: Night Sky
Chapter 26: I Love You
Chapter 27: In Danger
Chapter 28: On My Knees
Chapter 29: Bommie
Chapter 30: Escape
Chapter 31: His Side
Chapter 32: Gone
Chapter 33: Madly
Chapter 34: Made Love
Chapter 35: Actions & Words
Chapter 36: No Matter What
Chapter 37: Blood
Chapter 38: I Don't Care
Chapter 39: Right Way
Chapter 40: Real
Epilogue

Chapter 12: In-laws

5.8K 131 2
By AmareFermosa

It's been two weeks ago since that night happened. I can't say that nothing changed between I and Andrew. Sa abot ng aking makakaya ay iniiwasan ko na pumirmi sa iisang lugar na nado'n siya. Hindi naman naging mahirap na gawin 'yon lalo pa't ramdam ko rin na umiiwas siya sa akin.

Sobrang late na siya kung umuwi magmula nang bumalik kami sa Manila mula Batangas. I'm not that sure if he's really busy with work or he's plainly avoiding me. But either way, I'm thankful for it.

My line of thoughts was cut off when my cellphone rang.

Hindi ko maiwasan na mangunot ang noo nang makita kung sino ang tumatawag. I have no idea why he's calling me. Sa condo nga ay halos 'di na kami nag-uusap, swerte ng matatawag kung makaka-sampung salita kami sa isang araw.

"Hello?" Sagot ko.

[Chloe?] He said huskily.

Why he sounds so sexy on the phone? Wait, what? No, no way. Nabubuang ka na, Chloe.

"A-ahmm.. Yes? Napatawag ka?" Kinakabahan kong tanong.

Kailan pa ako kinabahan dahil kay Andrew? This is insane!

[Chloe?] Ulit niya sa pagtawag sa aking pangalan.

I didn't give response since he already called my name twice. I've waited for him to start talking but almost half of a minute had passed, it didn't happen.

"Andrew? Are you still there?" Tanong ko at baka naman wala na siya sa kabilang linya.

Mga nasa limang segundo siguro ang nakalipas bago siya sumagot. [Yes.]

Dahil sa inis, ang kanina na kaba na naramdaman ko nang sagutin ang cellphone dahil sa pagtawag niya ay nawala na parang bula. Hindi naman uusad ang usapan namin kung hindi niya sasabihin ang pakay niya at lagi lang niyang tatawagin ang pangalan ko.

"Kung wala kang kailangan sa akin, ibababa ko na ang tawa-"

[Wait!] Mabilis niyang putol sa akin.

[I'll pick you up. We need to talk about something very important.] Mabilis niyang dagdag sa sinabi.

"Tungkol saan? Bakit hindi pwede dito na lang sa telepono?" Tanong ko.

I heard him sigh deeply. Kinabahan naman ako sa asta niya at ginapangan ng takot ang dibdib. I think something big is going to happen.

[My parents finally found out about our marriage. And they're inviting us for dinner.] His answer made all of my blood runs out from my body.

[Chloe? Hello, Chloe? Did you hear me?]

I heard him but my mind was wandering elsewhere. I don't know what to do. I don't know what will happen next. I don't know what to say in response for that. I don't know what to feel. I don't know what is what. Nakakabaliw, sobra!

[Chloe, narinig mo ba ang sinabi ko? Hello? Are you okay? Chloe? Ano-]

"I heard and I don't know what to do!!!" Hysterical kong saad nang makabawi ng pagkabigla.

"Anong gagawin ko? Ipapa-hunting ba ako ng pamilya mo? Ipapakulong dahil alam na nila na niloloko natin sila? Ano? Anong gagawin ko, natin? Paano ku--"

[Sshhh.. Calm down, Chloe. Everything will gonna be fine. That's why I'm going to fetch you later for us to talk about it.] Mahinahon niyang turan ngunit hindi nabawasan nito ang kaba na nararamdaman ko.

"How can I calm down? Hindi malabong mapansin nila na nagpapanggap lang tayo pag nagkataon."

Bakit nga ba hindi pumasok sa kokote ko ang posibilidad na makaharap ang mga magulang niya? Ang tanga ko talaga!

[Kaya nga pag-uusapan natin ang tungkol do'n ngayon. Mag-undertime ka na at papaalis na rin ako ng opisina. We're surely going to have a very long discussion; we need every time in the world to talk about the details. Lalo pa at bukas na ng gabi ang dinner.] Aniya na mas lalo kong ikinagimbal.


__________


"Bilisan mo na d'yan, Andrew!" Sigaw ko mula sa labas ng kwarto.

Pabalik-balik ang lakad ko sa harap ng pinto habang kagat ang kuko sa daliri. Kinakabahan talaga ako ng sobra. I know that we already planned everything about it but I can't stop myself from worrying. Sana lang talaga ma-survive namin ang dinner mamaya.

"Andrew!? Ba't ba ang tagal mo?" Ani ko habang kinakatok na ang pinto.

"An-"

"Shit!!" He cussed while palming his chin.

"H-he he, sorry." Ani ko habang naka-peace sign.

Imbes kasi na pinto ang matamaan ng kamao ko ay siya ang aking natamaan dahil sa bigla niyang pagbukas ng pinto.

"Can you stop fidgetting?" Asik niyang sabi.

"Sorry na nga diba? Ang suplado mo naman." Masungit kong saad at inirapan siya.

I was mumbling about how slow he moves and how late we could possibly be because of him while walking out from him. Mabuti pa at umupo na lang sa sala kaysa mainis sa kanya. Mas lalo lang nagiging pangit ang mood ko, kinakabahan na nga ako dadagdagan niya pa ng pagka-inis ko sa kanya.

Sabi ko naman sa kanya na agahan niya ang pag-uwi galing trabaho para maaga kami pero alas sais pa rin siya umalis sa opisina kaya ayan naghahabol kami ng oras. He kept on saying that it's okay if we're late for a few minutes and that it was only his parents we're going to meet. Madali sa kanya kasi magulang niya pero hindi okay sa akin. Naniniwala pa naman ako sa kasabihan na 'first impression lasts'.

"What did you say?" Habol niyang sigaw.

"Wala! Ang sabi ko sobrang bilis ng kilos mo." Sigaw ko pabalik na hindi man lang siya nilingon.

It was 7:20 in the evening nang makaalis kami ng condo. I didn't look at his direction and I didn't talk to him the whole ride. I'm still annoyed and I don't want to lash out at him so the best way to do was to ignore his presence.

He tried to start a conversation with me but then he stopped when he noticed that I have no plan of talking.

"Stop being so grouchy, Chloe. We need to act like a married couple and not a girlfriend-boyfriend having a lover's quarrel." Aniya nang pagbuksan ako ng pinto ng kotse.

"I'm not grouchy. You're the one who need to stop being so annoying." Inis kong saad at tinanggap ang nakalahad niyang kamay.

"I'm not annoying. You're just being so sensitive." Mahina niyang bulong habang nakahapit sa bewang ko.

"Whatever." I said as I rolled my eyes heavenwards.

Dahil marahil sa inis ko sa kanya ay natabunan ang kabang nararamdaman ko ngunit nagbalik ang pag-uunahan ng mga kabayo sa pagtakbo sa dibdib ko nang pinagbuksan kami ng pinto ng katulong nina Andrew.

"Magandang gabi, sir. Ito na ho ba ang asawa niyo? Ke-gandang bata naman ere." Bati ng mga nasa singkwenta anyos na ginang. Kung hindi niya lang tinawag na sir si Andrew ay hindi ko malalaman na katulong nila ito dahil hindi naman ito naka-uniporme.

"Nay Pasing, Andrew na nga lang ang itawag niyo sa akin. Magandang gabi rin ho at oo ito ang asawa ko si Chloe, Chloe siya naman si nay Pasing." Pakilala ni Andrew sa aming dalawa.

"Magandang gabi po, nay Pasing." Nahihiya kong bati. Baka sabihin niyang feeling close ako dahil nakiki-nay Pasing din ako. Hindi ko naman alam kung ano ang dapat itawag sa kanya at baka kung manang ang itawag ko ay magalit siya.

"Magandang gabi din, hija. Maganda talaga ang gabi ko ngayon dahil umuwi itong si Andrew at isinama ka. Ke ganda mo naman, hija, siguradong magagandang bata ang magiging apo nila sir Anton at ma'am Leona nito. Bagay na bagay kayo nitong asawa mo." Mahabang turan ng katulong.

Hindi ko naman maiwasan na mapamulahan ng pisngi sa sinabi niya. It felt so awkward to talk about how good we look together and grandchildren stuff when the truth is, this marriage is only for show.

"Si Nay Pasing talaga. Saan na po sila mama?" Naiiling na saad ni Andrew at mabilis na iniba ang usapan.

"Ay oo, pababa na ang mga magulang mo. Pumunta na kayo sa hapag-kainan at nando'n na ang kuya mo at asawa nito pati si Aaron." Sagot ni Nay Pasing.

"Salamat, nay." Nakangiting saad niya at nagpaalam na ang ginang para sabihan ang magulang ni Andrew na dumating na kami.

"Let's go?" Tanong niya

"Kinakabahan ako." Pag-amin ko.

"Don't worry. Nandito naman ako." Nakangiting niyang paniniguro sa akin at naramdaman ko ang mahina niyang pagpisil sa bewang ko.

Nawala ng parang bula ang inis ko sa kanya sa sinabi niyang 'yon. Sinuklian ko naman siya ng tipid na ngiti.

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa dining area ng kanilang malaking bahay. Doon ko lang din nagawang pagmasdan ang kabuohan nito na nagsusumigaw ng karangyaan. Their house has a very victorian vibes in it, from the interior to the furniture and even the lightings.

Naabutan namin ang dalawang kapatid ni Andrew na nasa hapag na at kasalukuyang nag-uusap. Stephen and Aaron welcomed me with a warm smile and belated best wishes.

Magaan din ang loob ko sa asawa ni Stephen na si Nelissa na agad kong nakakwentuhan.

I found out that Stephen is only two years older than Andrew. He and Nelissa are married for four years. May dalawa na silang anak na hindi nakasama at hiniram daw ng mga magulang ni Nelissa.

Si Aaron naman ay nakita ko na noon sa mga pictures at nakukwento rin ni Kaizer sa amin. Aaron is five years younger than Andrew and he's single and ready to mingle according to him.

Nasa gitna kami ng pagkukwentuhan ng dumating nang sabay ang mga magulang nila.

The dinner room instantly turned quiet. Andrew already informed me about their parent's do's and dont's during meal and being noisy is a big no-no. Kakaiba ang aura ng mga magulang nila ikumpara sa mga anak na halatang approachable.

Namawis ang kamay ko sa kaba nang magsimula si Andrew sa pagsasalita nang maupo na ang mga ito.

"Ma, pa, this is my wife, Chloe." Pakilala niya sa akin.

Nanginig ako sa takot nang maglipat na ng tingin ang magulang niya sa gawi ko. Maybe Andrew noticed that I was trembling so he held my hand and gave it a light squeeze.

"Magandang gabi po." Bati ko na sobrang ipinagpasalamat ko na hindi ako nautal.

"Magandang gabi, hija. Kumain na muna tayo." Maawtoridad na tugon ni Mr. Argonza at agad na inutusan ang katulong sa gilid na simulan ng ihain ang hapunan.

Sobrang tahimik ang naging hapunan ng lahat. May pagkakataon naman na nagsasalita ang papa nila pero tungkol lang sa negosyo ang pinag-uusapan at talagang hindi sumasagot ang bawat isa kina-Andrew hanggat may laman pa ang bibig nila. Halatang disiplinado ang mga ito.

I didn't eat well though. Kahit kasi hindi ako magtaas ng tingin ramdam ko na pinagmamasdan ako ng mama niya. I was uneasy the whole meal but the uneasiness I was feeling was tripled when the dinner was done.

"So, Chloe, how you've met my son?" Unang nagsalita ang mama niya pagkatapos kumain ng lahat ng dessert.

"I and Andrew are college friend, ma'am." Limitado kong sagot base na rin sa napag-kasunduan namin ni Andrew.

"Oh, college friend. So are you friend with Kaizer and Mike, too?" Tanong nito na mukhang nakuha ang interes sa sagot ko.

"Yes, ma'am." Tipid ko na namang sagot.

"Call me, tita or mama. You're my son's wife afterall." Nakangiti nitong turan pero ramdam ko sa paraan ng pagsabi niya na hindi niya ako gusto.

"Opo, t-tita." I chose to call her that way than calling her mama. Maghihiwalay din naman kami ng anak niya, mahirap na at baka masanay ako na tawagin ko siyang gano'n.

"That's good. Friendship is a strong foundation in a relationship. We were surprised when Stephen told us about Andrew's possible marriage because we never heard him having a serious relationship ever since. But we called Andrew and asked him, it turned out to be true. Luckily, my son found you, Chloe. Magsabi ka lang sa akin pag niloko ka nito. Kami na ang bahala sa kanya." Magiliw na sabi ng ni tito Anton.

Nando'n pa rin naman ang maawtoridad na aura niya at hindi naman nawawala ngunit ramdam ko na sinsero siya sa kanyang sinabi.

Sinegundahan ng mga kapatid ni Andrew ang sinabi ng kanilang ama at puro tudyo na ito sa pagka-babaero ng kapatid nila noon. Tanging mahinang tawa lang ang sagot ko, hindi ko siya mapagtanggol sa bagay na 'yon dahil alam ko naman na talagang totoo.

"Chloe, pwede mo ba akong samahan sa kusina?" Tanong ni tita.

Hindi ko nagustuhan ang ideya na mapag-isa kami dahil ramdam ko mula kanina na parang ayaw niya sa akin ngunit hindi ko naman pwedeng tanggihan siya dahil siguradong bad shot ako sa pamilya ni Andrew pag nagkataon.

"A-ah..Opo, sige po, tita." Kinakabahan kong sagot.

"Good! Andrew, hihiramin ko na muna ang asawa mo. I made your favorite dayap leche flan at kukunin muna namin." Ani tita at tumayo na sa pagkakaupo.

Agaran din akong tumayo nang makita siyang tumayo na.

"Just be yourself." Paalala ni Andrew at binigyan ng isang pisil ang kamay ko bago binitawan.

"Okay." Maikli kong sagot.

Ewan ko nga lang if effective ang 'just be yourself' na mantra na 'yan. Ayaw raw kasi ng mama niya ang mga plastic na tao kaya kailangan ko lang magpakatotoo para magustuhan nito pero parang ako naman yata ang pinaplastik ng mama niya.

Nasa gitna ako ng pagkuha ng platito at tinidor habang kinukuha niya ang gawang leche flan sa refrigerator nang nagulat ako sa bigla niyang pagsasalita.

"I don't like you for my son." Mataray niyang saad.

"H-ho?" Tangi kong nasabi dahil wala na akong maisip.

Ito pala ang plano niya kaya pinaalis niya ang dalawang katulong kanina dito sa kusina.

"Ramdam ko na ginagamit mo ang anak ko. I can see in your eyes that you're not in love with my son the way he loves you. If you're using my son for money, you better not try it. Ako ang makakalaban mo, oportunista." Bumalatay ang sakit sa dibdib ko sa sinabi niya.

Oo at ginagamit ko si Andrew at hindi ko siya mahal pero ginagamit din ako ng anak niya at lalong hindi rin ako mahal nito. Pero ang sabihin na pera lang ang habol ko at isa akong oportunista ang hindi ko matanggap.

"I don't need your son's money. Hindi po ako oportunista. Huwag niyo naman po sanang bigyan ng masamang kahulugan ang pagpapakasal ko sa anak niyo." Mahinahon ko pa ring saad kahit na gustung-gusto ko nang magsisigaw sa galit at inis.

Hindi ko pwedeng isabotahe ang kasunduan namin ni Andrew. Even if I felt so insulted, I need to endure it.
It's not going to be a lifetime anyway.

"I know an opportunist when I see one. Isang simpleng empleyada nakapangasawa ng may-ari ng kompanya? Hindi ka nababagay sa anak ko. You better be good at hiding your dark interior motive because when I see an opportunity, I'm going to remove you from my son's life." Puno ng pagbabantang turan niya bago tumalikod at naglakad paalis ng kusina.

At kahit na magmukha akong inaaping manugang sa isang teleserye ay dapat tiisin ko. Ngunit sisiguraduhin ko na kahit gano'n, hindi ko hahayaan na magmistula akong martyr na bida. I still need to speak up and stand for myself, too.

I'm not a damsel in distress kind of heroine.

"Hindi niyo po ako mapapaalis sa buhay ng anak niyo. Mahal ko siya at mahal niya ako. Walang mali sa mag-asawang nagmamahalan." Matapang kong sagot ngunit gamit pa rin ang mababang tuno ng pananalita.

I don't know where I took the courage to speak up. It was bizarre for me saying those words feeling I'm telling the truth and it was not a lie at all.




*****

Bayad na ako sa utang kong update for this weekend.
Belated happy singles' day pala sa lahat ng single na readers katulad ko 😘


HAPPY READING EVERYONE :)

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 69.1K 38
WARNING: For Mature Audiences only (18+) Naniwala si Zara sa kasabihang ang tunay na pag-ibig walang kinikilala, nang makil...
567K 9.5K 33
Jaime Vince Montevallo, a guy who has everything. but his past keep haunting him..isang bilyonaryong CEO at mahilig sa drag race.. Tabitha De Guzman ...
7.5K 390 24
Tinanggihan ni Nyleja Mendes ang pag-ibig ni Lorenzo Dominador at ginawa ang lahat upang tikisin ito. Ngunit naging makulit parin ito kaya doon niya...
63.4K 1.8K 32
#highestranking #5 #taglish "You are my home, Cassidy Montero." In search for revenge, Gunner Carson stumbled with an underground organization that s...