CHOSEN ONES (Revised Version)...

By MildeJourney

17.8K 678 10

An eighteen-year-old girl received the excruciating experience that she never imagined with her family. Jade... More

DISCLAIMER
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Part 2 of Chapter 21 : HISTORY OF NGS
Chapter 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Part 2 of Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Part 2 of Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Last Chapter: The Downfall
Epilogue

CHAPTER 26

226 10 0
By MildeJourney

7AM nang magsimula ang araw para sa section namin. Wala pa si Ru. Kahit anino man lang niya ay hindi ko pa nakikita.

Nasa library ulit kami ngayon para sa bagong psychometric assessments na nasa loob ng pitong papel. Ibang level na ng mga questions pero hindi ko pa rin sinagutan nang maayos kaya natapos ko ulit nang maaga. Kinuha ko agad ang cellphone ko para i-track ang lokasyon ng grupo nila Jay. Nang makita na magkakalapit pa rin sila ay saka ko na hinintay ang oras para sa susunod na ganap sa klase namin.

9AM hanggang 12PM ang lecture namin sa Ideology class na pinangungunahan ni Mr. Pirada. Introduksyon lang ng iba't ibang uri ng ideolohiya ang inikutan namin bago dumating ang oras para sa aming pananghalian. Isang oras lang ang binigay sa'min para sa susunod na klase kay Mr. Flores. 

Amoy na amoy ang alimuom mula sa basang lupa sa labas. Kasisimula lang ng ulan. Parang malungkot lang ang kalangitan pero hindi gano'n kalakas ang pagbuhos ng ulan. Bumaba na sila upang lumabas sa gusaling ito. Bahagyang lumingon pa ako sa loob habang iniisip kung magluluto na lang ba ako o sasama na rin sa kanila.

"Let's go!" Aya ni Ramirez na may hawak na bukas na payong. Inabot niya naman sa'kin ang isang sarado pa na transparent na payong na kinuha ko rin naman. Sumabay na rin ako sa kanila patungo sa cafeteria.

"Uy, sa'n ka pupunta?" Tanong niya nang akma na akong pipila sa station kung saan ang pila para sa mga ulam. Nang lingunin ko siya, do'n ko lang napansin na nakapwesto na 'yung iba sa mahabang lamesa sa pinakaharap. "We don't need to line up with them na. Pupuntahan tayo ng staff." Pagpapaalam niya sa'kin saka ako napatango at sinundan na siya papunta sa mga kasamahan namin. Ang mesa at mga upuan lang namin ang natatanging kulay itim. 

I even wandered my eyes dahil ngayon lang ako nagawi ritong muli. Masyadong halata 'yung division nang dahil sa kakaibang uniporme namin mula sa kanila. Pansin ko pa ang mga nakaw nilang tingin sa'min na hindi ko mabasa kung ano ang ibig-sabihin. 

"C-CR ka? Sama ako!" Rinig kong sambit ni Krizelle Gerilla.

"Ako rin, sama!" Sabat ng pinsan niya.

"Ikaw ba? MagC-CR ka?" Tanong sa'kin ni Ramirez na nasa tapat ko ngunit umiling lang ako. Kaya naman naiwan ako rito kasama ang mga kaklase kong lalaki. 

I have never felt comfortable kahapon pa, and I assume na nagsimula ito no'ng magkahiwalay kami ni Ru. Dumagdag pa 'yung case nila Jay at ngayon ay 'yung sitwasyon naman na 'to. Hindi ko alam kung gusto ba ng ibang mga estudyante na patayin kami sa mga tingin nila o ayaw nila kaming pakainin gamit ang mga nakakayamot na mata nila. If they're angry because of the class, then they must go rant it to the upper heads. Aba, biktima lang din kami.

"Pa'no mo nagagawang maging inosenteng estudyante dito habang kriminal ka sa labas?" Mahinang tanong ni Warren na parang pinaparating na ang kapal naman ng mukha mong takasan ang batas. Nakaupo siya sa kaliwang tabi ko at nasa dulo din kami kaya siguro malakas ang loob na itanong ito sa'kin. Hindi ko na lang sana siya papansinin dahil ayaw kong magsayang ng enerhiya sa existence niya ngunit kumana pa siyang muli. Nananadya atang kamutin ang konsensya ko.

"Tinakbuhan mo lang naman ang batas."

"Alam mo? Kayang-kaya naming kunin ka rito para sa dagdag na incentives. Salamat sa patong-patong mong kaso, at sa pagpapahaba ng panahon sa pagtatago----"

"E ba't 'di mo pa gawin?" Mahina ko ring tugon. Ang dami pa kasing kinakana e alam ko naman na ang pinupunto niya. Pareho kaming nakaharap at hindi nakatingin sa isa't isa habang nag-uusap. "I'm not that stupid---"

"Sabi ng t*ngang hindi ako namukhaan---"

"Malay ko ba na mas pinapangit mo ang sarili mo. Mukha bang kaya kong sauluhin ang pagmumukha ng mga pangit?"

"Pati mukha mo hindi mo saulo? Grabe? Ga'no ka ka-bobo?" Hindi agad siya sumagot. "I know that you won't capture me right now. Well, you must not. Alam kong alam n'yo na pwede n'yo pa 'kong gamitin." Saka ko siya nilingon. "Pero, pa'no kung hindi ako magpapagamit?" He smirked.

"We're not too desperate to get you---kriminal ka lang. Hindi kami luluhod sa harap mo para makuha ka." His stern eyes were too profound that I could hardly dodged from. "Ikaw ang luluhod sa'min para magamit ka." Dumating na ang staff na nagtanong kung ano ang mga order namin. Ilang minuto lang din matapos 'yun ay dumating na rin ang mga kaklase naming babae saka rin nila ipinahayag ang order nila.

Hindi na humaba pa ang usapan namin ni Warren pero labis kong ikinabahala ang sinabi niya. Isa lang sa'min ang magiging tama. At sa 'di malamang dahilan, pakiramdam ko siya 'yung tama.

"May nasabi ba si Ma'am kung ano next sub natin?" Mark asked. "Hmm...alam ko...wala? Parang 'la naman." Sagot sa kanya ni Yves.

"Sino na kaya magiging first place ngayon?" 

"Of course si Smile. Tinatanong pa ba 'yan?" Sagot ni Krizelle Gerilla sa kaibigan niyang si Villamozor. "Like, ano kayang feeling maging sobrang brainy tulad ni sis Smile? I'm jealous." Villamozor said while pouting.

I decided not to keep up with their conversation until our meal arrived. Kumain na kami habang abala rin sila sa kung ano-anong mapagkkwentuhan. Tahimik dito sa dulo kaya payapa kong nalulunok ang mga nginunguya ko. 

"I thought, Ru would be here na today? Why wala pa rin siya?" It's obviously Villamozor, the one who's asking. "I mean if it's a family occasion, ba't na'ndito kang bata ka?"

"Malay ko! Ba't 'di siya tanungin mo?!"

"O ba't ka nagagalit? I'm just asking lang naman, duh? And I can't ask him, tho! He ain't here kaya! Can't you see?!" Obviously, she's teasing Ramirez. "Nyenyenyenye..." The bickering continues na hindi ko na napakinggan nang dahil sa matapang na amoy na dala ng hangin. Nakumpirma kong hindi sa ilusyon nang mapansin na hindi lang ako ang napatigil sa amoy na 'yun.

"Jacob, ngayon na ba 'yung execution?" Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Yves nang itanong sa kanya ito ni Morales bago niya kinuha ang cellphone niya sa kanyang bulsa. "Sh*+!" Mura niya bago nagmamadaling tumakbo palabas nang cafeteria kahit hindi pa niya nalulunok ang pagkain na nginunguya niya pa lamang.

"Execution? As in EOJ?" Tanong ko kay Ramirez na parang nagulat pa ito sa pagtatanong ko. Tumango ito bago ako nagtanong muli. "Ano namang kinalaman ng bulaklak?"

"Tradition siya. T'wing bago ganapin ang pagparusa sa kanila bubuhusan ang katawan nila ng pabango na gawa sa Rosemary. Bukod sa remembrance, 'yung fragrance ng flower daw ay madala nila sa kabilang buhay; instead na dugo ng kasalanan 'yung maamoy ng diyos sa kanila." I don't think that we have that kind of tradition in the Philippines. It's probably created by this government or it's from the Temietal Union. 

Pasimple kong binaba ang kubyertos na gamit ko bago inubos ang inumin kong tubig habang kinakapa na ng kanang kamay ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng suot kong palda. Mga ilang minuto lang ang hinintay ko para magpaalam na magbabanyo muna. Sinabihan ko na rin si Ramirez na babalik na ako agad sa building namin pagkatapos kong magbanyo.

Wala na akong sinayang na oras nang makapasok na ako sa isa sa mga cubicle dito sa banyo saka agad na tinrack ang location nila Jay. Nilagay ko na rin sa tenga ko ang sarili kong earpiece na katulad lang din ng binigay ko sa kanila. Nasa loob ng case ng cellphone ko lang 'to nilagay para sa kung ano ang posibleng mangyari.

Mabilis na nilisan ko na rin ang lugar na 'yun upang sundan ang lokasyon kung nasaan sila Jay. 

Hindi ko alam kung sino ang aabutan ko. Hindi ko nga rin alam kung ano ang maaabutan ko.

Lahat ba sila kasama sa execution? Alam ba 'to ni Ru?

Kasama ba si Ru?

As that thought passed by, the spirit of reluctance ran away from my senses. Adrenaline rush have surpassed my anxiousness that I almost forgot about my weakness. Ang natatanging bagay lang ang nasa isip ko, hindi sila pwedeng mawala sa'kin. Lalo na, kung ang mga hayop na 'to ang papatay sa kanila. 

I won't let that happen.

Mas tumatapang ang amoy ng Rosemary sa gawi papunta sa ospital kung nasaan sila Jay. Tulad ko ay marami ring tumatakbo patungo roon at nang marating ang pinakapalabas na inaabangan nila ay hinanap na ng paningin ko ang pigura nila Yulee. 

Nasa tapat kami ng ospital habang nakaharap sa'min ang sampung mga higaan kung saan nakatali't nakahilata ang mga estudyante. Nasa gilid nila ang ilang mga nakaputing tao; nakabihis pang doktor at pang nars. Laboratory coats at scrubs.

I even squinted my eyes to look for each of their faces. Nasa gitna sila Yulee at Steve. Lahat ng mga nakahiga sa kama ay nakaputing long sleves at pants. Basa sila marahil sa pabango na binuhos sa kanila. 

THIRD PERSON's

Point of View

"Buti naman tumila na 'yung ulan." Nagdiwang pa ang puso ni Charice nang makita ang pagtigil ng masamang panahon mula sa labas. Tumayo na rin ang iba niyang mga kaklase at sinilip din ang lagay ng panahon.

"And, where's your friend?" Tanong ni Hazaell kay Darlly nang mapagpasyahan ng grupo na babalik na sana nang sabay-sabay sa kanilang building. "Nauna na raw e."

"Ayaw n'yong manood sa execution?" Sabat ni Charice Gerilla na kababalik lang mula sa banyo. "Magt-time na e. Saka may susunod pa naman na execution. Ang weird nga e kasi 'di ba every 15th day ng month ginaganap 'yun? Next week pa kaya 15." They agreed from Mark's reply. Tinuloy pa rin nila ang kanilang pag-uusap habang pabalik na sa tinitirhan nila.

"Oo nga 'no? Baka urgent?"

"Or baka may killer or what sa kanila, gano'n? I mean, 'di naman impossible 'di ba?" Dugtong ni Hazaell sa sinabi ni Krizelle.

"Pwede." Bumuntong hininga pa si Smile bago tinuloy ang sasabihin nito. "Alalahanin na lang natin 'yung next class. Feeling ko kay Mr. Flores ulit tayo ngayon. Game kaya ulit?"

"Utang na loob, ayoko na ng mga gano'n. Jusko." Umiiling-iling pa na sambit ni Krizelle kaya napatawa na lang ang ilan nang sa sinabi niya.

---

Kahit ang kalangitan ay ramdam ang pagdadalamhati ng mga puso ng ilan sa mga oras na ito. Galit. Lungkot. Panghihinayang. Awa. Hindi man tukoy ang sariling damdamin at hindi man halata kung ano ang tama't mali, ang malinaw ay may mawawala sa mga oras na ito. 

Makikita sa mga mata ng ilan na sanay na silang makapanood sa mga ganitong pangyayari. Marami ang nakikisimpatya at kakaunti lang ang naaaliw. Siyempre, alam nila na kapwa tao rin nila ang papatayin. 

Mahigit-kumulang isang daang mga estudyante na ang mga nanonood at nadaragdagan pa ng mga tumatakbo patungo rito. Parang espesyal na okasyon na pinakahihintay ng lahat dahil isang beses lang sa isang buwan ito nagaganap. 

"'Di ba tropa ni Ru 'yung dalawang 'yun? Ba't kaya sila nasama?" Tanong ng isang babaeng estudyante sa kaibigan niya. Wala kasing kahit anong salita ang iniiwan ng mga awtoridad bago o pagkatapos maganap ang execution. Kaya hindi malinaw kung ano ba ang nagawang kasalanan ng mga batang 'to. 

"Baka inuunti-unti sila dahil do'n sa pambubully nila. Alam mo na---kaya lang naman sila hindi nalalagay sa listahan, dahil kay Ru. Buti nga sa kanila."

"Sabagay, baka nga. 'Di na rin sila maingay lately e 'no?"

"Baka sinuspend din."

"Sayang lang. Mababawasan na mga magagandang away na mapapanood natin." Mahina pa silang natawa. Nasa likod lang nila si Jade na tila nabingi na sa kakahanap kila Jay. Wala nga naman na siyang panahon na kailangang sayangin sa mga oras na ito. Ang natatanging bagay lang na nasa isip niya ay 'yung paganahin ang mga earpiece para maactivate ang nasa loob ng mga ito.

Tinuloy na niya ang paghahawi sa mga tao hanggang sa matunton ang pwesto kung saan nakatayo ang mga tao na kanina niya pang hinahanap. 

"I thought you have a plan." Hinihingal pa siya nang mahina niya itong sinabi kay Jay na nasa harap niya. Hindi siya nilingon nito at nanatiling nasa harap ang tuon ng pansin kahit na nagsitinginan sa kanya sila Oliver na katabi lang ni Jay. 

"I had. But, I know that you know that it ain't possible." Lumingon si Oliver kay Jade na blangko lang ang ekspresyon ng mukha. "Kinausap namin si Jacob kanina." At kinuwento pa niya ang naging takbo ng pag-uusap nila. Sinubukan nilang gamitin ang pangalan ni Dr. Mantis. Pero kahit na pinadala nila sa gobyerno ang alam nila tungkol sa lugar kung nasaan ang anak ng doktor ay hindi pa rin nahinto ang pagpataw ng parusa sa kanila.

"Woah, if they were persuaded? Talagang ibibigay n'yo 'ko?" She made a grimace. "Crumbs. Just the crumbs. We're planning to lead them to your Dad's underground laboratory instead. 'Yung sa Creation House. Ipapakita lang sana namin na may alam tayo." Jay said when he finally gave Jade a look. "Pero wala." 

"So, we're going to watch them die?" She asked with her most serious tone, her right eyebrow arched high. Silence is the only response that was heard.

"You sounded like we wanted it to happen." 

"Yes. At least you're aware where I'm getting at." Matigas na tugon ni Jade at humakbang pa papalapit kay Jay. "If you're not liking this event---" saka niya binulong sa tenga nito ang utos na sasagip sa kanila. 

"Niko at Kevin, kayo na ang bahala kila Yulee." Mahinang utos ni Jay sa dalawa nang matapos niyang sabihin ang plano nila ni Jade. Sobra ang kanilang pagmamadali nang simulan na ng mga awtoridad na painumin ng lason ang isa sa mga parurusahan. 

Lahat sila Jay ay sabay-sabay na tumingin kay Jade upang hintayin ang senyas hudyat ng pagsisimula ng kanilang gagawing aksyon. Nakatingin lang si Jade sa harap habang pinakikiramdaman ang paligid.

However, as she's in the halfway of counting with his fingers, someone grabbed her right shoulder causing Jade to face this man. And it happened that her counting reached the last number, therefore she immediately cupped his face; particularly to cover his ears. Finally, their eyes met. Their gazes were glued to each other but Jade somehow felt relieve despite the situation they're in.

The almost microscopic gadgets were activated when Jade gave them the sign. Sabay-sabay nilang pinindot ng dalawang beses ang kanilang mga earpiece kaya lumabas din mula ro'n ang device na kapag naactivate ay naglalabas ng tunog na sobrang tining. High-intensity ultrasonic sound. 

Dahil hindi uubra ang kamay bilang pantakip sa tenga ni Ru ay tinanggal ni Jade ang earpiece sa kanang tenga niya saka nilagay ito sa kaliwang tenga ni Ru bago niya kinuha ang kamay ng binata upang matakpan ang sariling kabilang tenga. 

Nang dahil sa nakabibinging tunog ay nagsitakbuhan na ang lahat ng mga nanonood. Inaasahan na lang ni Jade na magawa nila ang kanilang plano ngunit nang lingunin nila ni Ru sila Yulee at ang iba pa nilang mga kagrupo ay halos mandilim ang paningin ng dalaga.

Parang nananadya pa ang kalangitan nang biglang kumulog at kumidlat sabay ang malakas na pagbagsak ng ulan. Nalilinis na rin ang katawan ng mga estudyanteng binaril kaya duguan. At ang salarin ay malayong nakikipagtitigan kay Jade. Kahit pa mahigit pitong metro ang distansyang namamagitan sa kanila. 

Nasa labas ng pinto ng ospital itong nakatayo habang nakaposisyon pa rin ang baril na hawak niya. Kung malinaw pa sana ang paningin ngayon ng dalaga ay magiging pamilyar ang taong 'to. Ngunit ngayon ay kilala niya pa lang ito sa pagiging doktor nang dahil sa lab coat na suot. 

Ru finally saw an emotion glimmer in her face. Sadly, it's a negative one. Was it disappointment? Displeasure? Hopelessness? Or was it anger?

His eyes went down to her left hand that was shaking excessively. Then, he thoughtlessly grasp it and intertwined them, yet Jade caught her. Ru did realized that he made a wrong move but Jade's eyes told it's not. 

For once, she looks vulnerable at his sight. Her eyes flashed out a weak and unguarded expression. It made her a real person. 

Pati ang katawan niya ay humina kaya madali lang siyang nadala ni Ru sa van na pagawi ng Chosen Ones building. None of them were able to talk about what just happened. Binitawan na rin ni Ru ang kamay ni Jade na parang wala rin namang pakialam sa kung ano ang nangyayari sa kasalukuyang oras.

"Ba't ngayon ka lang dumating?" Mahinang tanong ng dalaga na bahagyang nakapagpagulat kay Ru. 


----

Photo Credits: Keti (Link: https://in.pinterest.com/pin/424745808590475532/)


Continue Reading

You'll Also Like

14.2K 453 37
Luck is a luxury that Trandi can't have. All her life misery and tragedy was her companion. That was the destiny have declared. Trandi must live her...
2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
195K 8.4K 98
An encounter of two people, stumble upon into a new strange world. A world where magic exist. An encounter that will changed their life.
47.1K 1.4K 17
Zabrina, a normal teenage girl who loves reading books and novels where she reach to the point that she never sleep at night just to read the last ch...