CHOSEN ONES (Revised Version)...

By MildeJourney

17.8K 678 10

An eighteen-year-old girl received the excruciating experience that she never imagined with her family. Jade... More

DISCLAIMER
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Part 2 of Chapter 21 : HISTORY OF NGS
Chapter 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Part 2 of Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Part 2 of Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Last Chapter: The Downfall
Epilogue

CHAPTER 25

231 11 0
By MildeJourney

"We don't know, any minute from now, they can attack us----" A sudden knock interrupted our conversation before this someone barged in to the room. "Jay, kinuha ng EOJ squad sila Yulee at Steve." Saad ni Oliver na kitang kita sa mukha ang takot at pag-aalala. I was unable to respond dahil parang joke lang dahil sakto pa ang sagot ni Jay sa'kin. But, he remained calm as though he already saw this coming. 

So, the snakes probably saw these two na gumagawa ng butas sa pader. At maaaring nakita rin kaming dalawa ni Ru na lumabas doon kaya may nakaabang na sa paghahanap kay Ru doon sa labas.

Malamang na ang susunod naman nilang hahanapin ay 'yung kasama nila. Kung hindi sana kami pumasok sa kwarto nila Jay ay baka nakita na rin ako ng EOJ squad na kilala sa pagiging tuta rin. And if we're caught, lahat kami ay masasama sa list ng execution. Mapupunta nga sa wala ang plano namin.

"Bumalik na kayo sa room n'yo---"

"Pa'no sila, pre? Pa'no kung kasama sila sa execution? Iiwan na lang natin sila do'n?" Protesta ni Oliver. "Pa'no tayo? Tayo 'yung isusunod nila!"

"Lower your voice. You know how the system works. Wala nang makakapagbura sa listhan na 'yon." Kalmadong sagot ni Jay kahit na nakakuyom na ang parehong kamay ni Oliver. "For now, bumalik muna kayo sa kwarto n'yo. Mag-iisip ako ng plano. Ako na pupunta sa inyo."

I almost admire Oliver when he nodded. Despite of his fear, he still trusted Jay.

"Hindi nila tayo mahahanap." Pangungumbinsi pa niya. Pinabalik na ako ni Jay kasama ang mga bilin na itago ang mukha at magpalit agad ng damit. At ang pinakaimportante ay 'yung hanapin ang ahas dito.

Pumatak na ang eksaktong oras para sa susunod na ganap para sa maghapon. Nasa library kami ngayon ng gusaling ito at kasalukuyang nakapila sa harap ni Mrs. Falla.

"How's your lunch? Dapat nagpakabusog kayo nang bongga dahil marami kayong gagawin ngayon. Pero 'di naman sobrang exhausting kumpara sa mga mabibigat na activities sa susunod na mga araw." Panimula ng guro at gano'n pa rin ang lebel ng sigla niya. Parang mas excited pa siya sa'min. "After this activity ay iaannounce ko na ang rankings n'yo. Ang pinakaunang gagawin natin ay ang book selection." Tinuro pa nito ang mga book shelves sa likod niya.

"Bibigyan ko kayo ng isang oras para mamili ng mga libro diyan; either tapos n'yo nang basahin o kaya 'yung gusto n'yong basahin. Walang limitation sa bilang kaya kahit 'yang dalawang metrong haba ng mesa ang punuin n'yo ay okay lang." And we've done it as we're told. Nang lumipas ang isang oras ay nagtipon ulit kami sa harap niya para sa susunod na instruksyon.

"20 minutes for the game selection. Bibilugan n'yo lang dito kung ano 'yung mga games na prefer n'yo. Again, walang limitation. Kahit ilang games ang piliin sa kada item." Litanya niya habang pinamimigay sa'min ang dalawang sheet ng papel. Pagkatapos ay pinapunta na kami sa mga lamesa namin kung saan namin nilagay 'yung mga librong napili namin.

Once again, I bluffed the assessments. Kinuha ko lang ang mga libro na nadadaanan ko sa bawat category at randomly na nagbibilog ng mga options sa papel. Masyadong malaki ang makukuha nilang impormasyon sa'min mula sa mga asssessment na 'to. At delekado 'yun.

May mga hidden cameras din dito na nakakalat at may pumasok pa na sampung mga nakaputing tao. May mga hawak silang gadget na tablet habang sinusuri ang mga libro sa kanya-kanya naming mesa. Nagtama pa ang tingin namin ng babae kaya binalik ko na lang ang tingin ko sa papel na hawak ko.

"Kapag tapos na kayo, ibigay n'yo 'yung mga papel sa taong nasa tabi n'yo para mabigay nila 'yung susunod n'yong sasagutan." Gaya ng utos ni Mrs. Falla ay inabot ko na ang mga papel sa babaeng nakaputi at inabot naman nito ang hawak niyang tablet. "Sasagutan n'yo lang kung ano ang mga talents, skills, and abilities n'yo. Tapusin n'yo sa loob ng 30 minutes before your 10-minute break." Agad na akong nagsagot at inabot na rin sa babaeng nakatayo sa gilid ko. Hindi niya naman ako pinapanood habang nagsasagot dahil abala siya sa pagbabasa ng mga papel ko.

Nang matapos na ang lahat ay lumabas na rin ang mga nakaputing 'yun at pinagpahinga na muna kami. Ang iba ay pumunta sa banyo, nagpunta sa kusina, at tatlo lang kaming naiwan dito sa loob kasama si Mrs. Falla. Humihinga lang ako habang nakasandal sa inuupuan ko at sabay ang pagtingala sa ceiling. Si Jacob Yves ang isa naming kasama. 

Sandali ko pa itong sinulyapan saka inisip kung ang ginamit din ba na tuta ng NGS ay katulad din niya. O kaya, isa bang option 'yung takutin siya upang burahin ang pangalan nila Yulee sa list ng EOJ? 

Kung sakaling may plano si Jay para sa kanila, gusto kong malaman kung ano 'yun. Dahil sa tingin ko, parang imposibleng malabanan ang kalaban namin ngayon. Wala kaming measures na binuo kung sakaling mangyari ang gan'to. 

Well, our power isn't enough. But, Dad's gadgets are. 

Nagsisipasukan na rin ang iba at nang makumpleto kami ay pinangunahan kami ng lakad ni Mrs. Falla patungo sa malawak na puting kwarto. "Woah!" Manghang usal ng ilan. Nakakapanibago sa mata dahil puro victorian style ang nakikita namin sa labas at ito lang ang natatanging malinis sa paningin.

Tinaas ni Mrs. Falla ang kamay niya hawak ang puting bagay saka niya ito pinindot. Parang remote. "WOW! Hologram ba 'to?" Tanong ng isang Gerilla habang pabalik-balik niyang pinadadaan ang daliri sa poste na katabi niya.

"Yep! Ang cool, 'di ba? Si Dr. Mantis ang gumawa nito. Pero ang gagawin natin ngayon ay gagamit tayo ng Virtual Reality gadgets para makapasok sa VR world. Kapag nakapasok na tayo, hindi na magiging hologram itong nasa kwarto." Pagkasabing-pagkasabi niya nito ay pinasok na ng sampung taong mga nakaputi ang mga gadgets at sinuot na ito sa'min. Tama nga ang sinabi niya.

Ang una naming pinasok ay normal na kwarto lang pero nag-iba ito at napunta kami sa combat arena kung saan nasa harap na namin ang iba't ibang uri ng weapons.

"Hi! I'm your professor for the Aegis Class, my name is Eros Flores, call me Mr. Flores. And as for today, ang gagawin natin ay i-divide kayo base sa uri n'yo as a fighter." May narinig pa akong napamura nang biglang lumitaw ang isang lalaking guro sa gitna ng podium kung saan naka lutang ang mga weapons. Matikas ang pangangatawan at naka armor pa. Siguro ay nasa edad 30s pa lang siya.

"Pipilli kayo ng weapon kung sa'n komportable ang kamay n'yo. We'll be playing a scavenger hunting; nakikita n'yo na ba 'yung five items sa list diyan sa kanan?" Napatango ako nang makita ang pag pop-up ng list. "Yes, sir!" Sagot ng ilan.

"Don't worry, if you ever felt uncomfortable sa una n'yong weapon ay pwede kayong magpalit. At the upper right side, 'yung knife na icon diyan ay i-select n'yo lang at lalabas na ang mga weapons or tools na maaari n'yong mahanap. One hour lang ang time allotment pero okay lang na hindi n'yo maaccomplish 'yung task---pero siyempre mas okay 'yung magawa n'yo, 'di ba?"

------

"The front-liners are the close combat fighters. In this group are: Luis, Cedrick, and Jade. Pwede pa kayong mamili kung gusto n'yong maging swordsman. Ang sunod na group ay ang magicians: Smile and Charice. Si Smile pwede rin sa group ng scientists kasama si Mark. Ang long-range fighters ay sila Hazaell, Krizelle, Jacob, at Darlly. Sila rin 'yung pwedeng area defense fighters; actually fit din dito si Luis, Cedrick, at Jade dahil maganda ang hawak nila sa weapons nila kanina." Mr. Flores concluded before he lead us to log out from VR world. Tinanggal na rin sa'min ang equipment at saka namin muling binalingan ng tingin si Mr. Flores na nasa harap lang namin. Kapapasok lang ni Mrs. Falla sa kwarto.

"Remember those roles at ang groupings for our next class. Recorded ang performance n'yo na ise-send via email n'yo para maanalyze n'yo kung fit ba kayo sa designation. See you tomorrow! Thank you." Pagpaalam niya at nagpaalam na rin ang iba bago ito lumabas sa kwarto. This time ay kay Mrs. Falla na kami nakatuon ng tingin. Hawak na niya ang tablet na sa palagay ko ay laman ng rankings namin.

"Nag enjoy ba kayo?" Tanong niya at sumagot naman sila ng sigaw dahilan kung bakit napangisi ito. "Sige para makapagpahinga na kayo, iaannounce ko na ang rankings n'yo. Kung sakaling mababa ang place n'yo, 'wag kayong mag-alala dahil magbabago ito based sa performance n'yo kada tapos ng 24 hours. But the thing is, this will be posted around the campus. Kahit sa portal makikita. Kaya malalaman ng lahat ang places n'yo. Kailangan kasi nila 'tong makita para sa gaganapin na nomination para sa official na ranking n'yo. You'll eventually know naman ang purpose nito kapag inutusan na kaming i-disclose sa inyo ang plano." And it's obviously giving us responsibilities to work for.

"1ST Smile Morales,

2ND Mark Rio Tuazon,

3RD Charice Gerilla,

4TH Darlly Ramirez,

5TH Cedrick King,

6TH Luis Warren,

7TH Hazaell Villamozor,

8TH Krizelle Gerilla,

9TH Jacob Yves,

10TH Jade Driven." Dahil nasa gilid ko lang si Cedrick ay napalingon ako sa kanya nang mabilis itong lumingon sa'kin. Nakakunot ang noo niya na parang sinasabi sa'kin na bumobo ka ata? Hindi ko naman siya masisisi dahil consistent na honor student ako. Nasa genes e.

Hindi na sana ako magrereact pero nang makita na nakatingin din ang iba sa'kin na parang jinajudge ang pagkatao ko ay bumuntong hininga na lang ako. "I'm expecting her to be in the first place, lol." I heard someone whispered na parang hindi meant na manghinayang. 'Di ko na lang nilingon dahil may kanya-kanya tayong buhay.

"Bukas ang sunod na ranking, and bukas n'yo pa ulit malalaman ang schedule for the entire day. Sa ngayon ay magpahinga muna kayo, mag dinner, sulitin ang natitirang oras dahil magiging short breaks na lang ang mabibigay sa inyo sa susunod na mga araw." Nang i-dismiss na kami ay kinuha ko na ang cellphone ko na nasa bulsa ko upang i-check sana ang location nila Jay.

I didn't mean to disrespect them in this way but since we are Dad's troupe ay siyempre kailangan ko rin silang protektahan. I mean, this is the least thing that I can do. GPS trackers were installed sa earpiece na binigay ko sa kanila. Pero those are not weapons but defenses. 

"Jade! 'Wag ka nang bumaba sa caf para magdinner, sabay na tayong lahat. Pinadala na namin sa staff 'yung dinner natin." Nang iangat ko ang tingin ay si Ramirez ito kasama ang isang Gerilla na hindi bestfriend ni Villamozor. Pinagitnaan nila akong dalawa habang naglalakad kami sa corridor patungo sa hagdanan. Tumango na lang ako sabay bulsa ng cellphone ko at masiglang ngumiti lang ito sa'kin.

"May chicken ba kayong pinakuha?" Tanong ni Gerilla at tumango naman ang kausap. "Tatlong roasted chicken." Napailing na lang ako nang makita ang paglunok ni Gerilla sa sarili niyang laway. "OMGOMGOMGOMG!" She shrieked then hurriedly leave na parang nagteleport sa sobrang bilis. Ang weird talaga. Sure ako na hindi siya 'yung ahas dito. Sure ako.

"Weird." Bulong ni Ramirez na ikinangisi ko. Akala ko ako lang 'yung nakakaramdam no'n. Pero, mas okay ako sa kanya kaysa sa pinsan niya. Mas kaya ko pang tiisin 'tong batang 'to.

"HEY! What are you doing?! Ang messy na ng mga chicken!---WERE YOU COLLECTING THEIR LEGS?!" Sigaw ni Villamozor ang bumungad sa'min nang makababa kami sa dining table. Kumpleto na kaming lahat, ang iba ay nakaupo na at marami pa naman ding nakatayo. Lahat ay nakatingin lang kay Gerilla na nakaupo sa gitna ng dining table habang puno na ang plato niya ng mga hita ng manok. Medyo malabo rin na maging si Villamozor ang ahas.

"Charice, hindi lang ikaw 'yung kakain. Ten tayong maghahati diyan e, may iba pa namang putahe diyan." Pangangaral ni Morales na katabi niya lang. Si Krizelle Gerilla naman na pinsan niya ay mariing nakapikit na parang hiyang hiya para sa kamag-anak niya. Inaya na rin ako ni Ramirez na umupo sa bandang dulo kung saan nakapwesto ang mga bakanteng upuan. Pumwesto na rin sa kaliwa ko si Warren dahil ito na lang din ang natatanging bakante. Pero umalis din siya agad nang magtama ang tingin namin. 

Baka nga tama si Ru na mukha akong luya.

"Kaya nga e---marami pa naman diyang ulam kaya do'n na lang kayo kumuha." Gusto kong matawa nang marinig ang dahilan ni Charice Gerilla na rason kung bakit nawalan ng pag-asa ang mga taong kumakausap sa kanya at napatikom na lang ang bibig. Malakas na bumuntong hininga si Morales saka sinimulan nang sumubo ng pagkain na nasa plato niya.

Nagsimula nang kumuha ang iba ng kani-kanilang pagkain kaya naman ay akto na sana akong kukuha nang hainan na ako ng kanin ni Ramirez. "Dagdagan ko pa ba?" Umiling lang ako. "What do you want? Para iabot ko na lang." Ngiti niyang tanong ngunit umiling na lang ako ulit. "Ako na." Saka ako tumayo at kumuha ng kaldereta at pinakbet. Nang sandaling makaupo na ako ay naabutan ko na si Warren na nakabalik na at kasalukuyang kumakain. Nang minsang magtama uli ang aming tingin ay tinulak niya papunta sa gilid ng plato ko ang isang garapon ng atchara.

"Pinapabigay ni Ate Gina. May tatlo pang garapon sa ref, ubusin mo raw 'yun." Sabi niya habang nakatuon na ang tingin sa sarili niyang plato. Tumango na lang ako bago binuksan ang garapon at saka kumuha ng isang kutsarang porsyon. Tahimik na kumakain ang lahat hanggang binasag na ito ni Yves.

"Anong weapon ginamit mo kanina?" Tanong sa kung sino man ang kausap niya. "Ako?---una kong pinili 'yung KA-BAR knife, lumilipat lang ako sa shotgun kapag malayo 'yung elf. Ba't mo natanong?" Si Cedrick pala ang kausap niya. "Oh...kaya ka napunta sa close-combat. Nagshotgun lang ako hanggang dulo e, nabawasan pa ako ng dalawang buhay. Nakagat ako sa leeg ng tatlong elf! Sobrang kadiri sa pakiramdam." 

"Ako din, nakagat sa paa." Bulong sa'kin ni Ramirez sabay ang mahinang tawa niya. "Why? Shotgun din ginamit mo?" Narinig pala ni Villamozor ang sinabi ni Ramirez na tumango lang. "Girl, SAME. Like, sobrang scary kaya kapag knife o kaya sword 'yung gamitin. Kadiri 'yung rainbow na dugo nila, YUCK GROSS. Buti na lang talaga I've noticed na may granade."  

"May mga chemicals naman do'n ah, mas madali 'yun gamitin." Singit ni Morales. "Ayun din gamit mo?" Kahit abala pa sa paglamon si Charice Gerilla ay nakapagtanong pa ito. "Yep. Obviously, kaya tayo napunta sa iisang grupo with Mark since potions at chemicals ang ginamit natin." Sagot ni Morales. Kung hindi ako nagkakamali ng pag-alala, si Morales ay anak ng isang doktor. Kaya siguro siya maalam sa mga kemikal. 

Wala namang suspicious sa kanya pero may chance din na siya ang spy dito. 

Well, actually hindi naman exempted ang ibang mga babae. Malamang ay front act lang ang mga pinapakita nila para maconceal ang identity nila bilang mata ng gobyerno. Kahit 'tong katabi ko, pwedeng nagpapanggap na gustong makipagkaibigan pero mangangagat na lang bigla sa oras na hindi ko inaasahan.

Si Ru at ang secret agent lang talaga ang mapagkakatiwalaan dito.

"I prefer long-range, parang mas mahaba buhay namin kapag gano'n." Pati si Krizelle Gerilla ay pumasok na rin sa usapan. Tinuloy ko na lang ang pagkain ko habang pinakikinggan ang mga usapan nila. Tama naman siya dahil kami ang nasa front-line, malamang ay kami ang manganganib ang buhay. "Ano gamit mo?" Tanong ni Yves. "Crossbow!" She boasted and I heard the audience's amazement. 

"Nag-aral ng archery 'yan e." Dagdag pa ng pinsan niya. Mangha pa rin ang mga nakikinig. "Sobrang easy lang ng archery, guys. Really a piece of cake, kayang kaya n'yong aralin." Krizelle Gerilla said. Uminom na ako ng tubig nang matapos na ako sa aking kinakain bago sila tinapunan ng tingin. "Nasa close combat group din si Luis, 'di ba?---nag sword ka ba?" Tanong ni Yves at tumango lang ang katabi ko, wala nang ibang sinagot.

"Ikaw, Jade? Ano'ng gamit mo?" Tanong ni Morales kaya naman sa'kin na napunta ang atensyon ng lahat. "Nag sword ka rin?" Dagdag ni Ramirez ngunit umiling lang ako. Nagdalawang isip pa ako kung sasagot ba ako ng totoo bago sumagot. "I killed my first life with a knife then I let them eat that body bago ko tinali 'yung net na nasa ilalim nila. Then I dragged the net towards the beach; the salt water itself dissolved their bodies." None of them responded for about a minute as they let me ended my sentence. What's with the reaction? Don't tell me, they didn't read the story description?

"What did you just do? Pa'no mo nalaman na tubig dagat 'yung makakapagpatay sa kanila?" Tanong ni Ramirez ngunit napakunot na lang ang noo ko. Hindi talaga nila binasa. "It's in the story description before the game started. But it's not directed. Sinabi lang na remember: the elves hate saltwater." Buti naman at si Luis na ang nagpaliwanag. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil hindi nga naman nabigyan ng emphasis 'yung parteng 'yun. "Woah, so alam mo rin? Akala ko sword gamit mo sa kanila?" Yves asked. 

"I did. Just to kill wild boars para ipakain sa kanila sa tabi ng dagat." So, kami lang palang dalawa ang nakakaalam no'n. "I didn't think about na bigyan ng pagkain 'yung mga elves. Like, akala ko tayo lang gusto nilang kainin gano'n." Villamozor's realization. Well actually, sa mga gano'ng game ang unang titignan dapat 'yung appearance ng enemies. Usually kapag may mga fangs or sharp teeth ay carnivores. Obvious naman siguro.

"Ang wild lang na nagsuicide ka." Ramirez is close to sympathizing na akala mo naman ay sa totoong buhay ko ginawa. "That's pretty brilliant para mas mahaba ang oras niya sa paghahanap ng scavengers kumpara sa oras ng pagpatay niya sa mga elves. That's really awesome." Morales praised as she gave two thumbs up towards me. 

"Then...why you're placed 10th?" Rinig kong bulong sa sarili ni Ramirez habang nakatingin pa sa'kin. 

May dumating na isang babae na tiga linis daw ng bahay, kaya umalis na rin kami sa lamesa habang karamihan sa kanila ay napagpasyahang tumambay muna sa lounge at sa garden habang ang iba ay umakyat na rin sa kwarto. Naligo ako agad bago nagtungo sa'king mga gamit upang kunin ang mga natirang nanodrones.

Wala pa si Morales kaya sinusulit ko na ang pagkakataon habang mag-isa lang sa kwarto. 

Para sa natitirang mga oras ngayong gabi, ang tanging magagawa ko lang ay 'yung bantayan sila Jay, kasabay ang pag-aabang sa pagdating ni Ru. 

Para sa'king mental peace.

Pinakawalan ko na agad ang mga drone at kinalat sa dormitoryo nila Jay. Nakatutok lang ako sa laptop ko habang pinapanood lang ang nangyayari sa hallways kung saan ako huminto. Kasabay no'n ang pagttrack ko sa kanila through GPS. 

Tulad ng binilin ko kay Jay ay sinunod naman niya na i-distribute ang mga earpiece sa kanila. Nakikita ko na kasi ang location nila na mabuti at magkakalapit lang sila ng lugar. Nakabalik na sila Steve at Yulee. Sana ibalik talaga nila si Ru bukas.

"Hindi ka pa matutulog?" Tanong ni Morales na kalalabas lang sa banyo habang may tuwalya pa sa ulo nito. Mukhang katatapos niya lang maligo. 'Di ko man lang naramdaman na nakapasok na siya sa kwarto. "I'm still watching." Dahilan ko na lang at mabuti may suot akong headphones kahit na wala akong pinakikinggan. 

"Movie? Anong movie 'yan?"

"Fifty Shades Of Grey." Sagot ko para 'di na siya ulit magtanong. Hindi agad siya nakapagsalita at lumikha na lang ng maliit na bilog ang bibig niya bago tumango-tango. "Pretty wild." She awkwardly laughed. "Okay lang ba na patayin ko na 'yung ilaw?"Tanong niya saka ako tumango. 

Nang pumatak ang ala una ay napagdesisyunan kong bumaba na sa garden para hindi mahimok ng antok sa pagtulog. Bitbit ko na rin ang gadgets na gamit ko sa pagbabantay. Mabuti na rin siguro na na'ndito ako sa labas para na rin hintayin si Ru.

Ramdam ko na nga ang pagdalaw ng pagod sa mga mata ko pati na rin 'yung ngawit ng leeg ko kaya sinandal ko muna ang ulo ko sa sandalan ng bench saka tumingala sabay ang mariin na pagpikit. 

Sobrang daming dumaan sa isip ko na alalahanin; ang lagay nila Nanay sa France, ang misyon ng NGS, kung magagawa ba namin ang plano ni Dad, at marami pang iba. Ang natatanging tumambay ay 'yung taong bumubuntot sa'min. Kaya kailangan na talagang dumating ni Ru dahil mas madaling hanapin 'yung taong 'yun kapag may masusundan na siyang specific na tao.

Ah, he must come back. I might do something if he won't be here tomorrow.

Bumalik na ako sa pagbabantay hanggang sa bumigat na ang aking paghinga. Hindi ko na namalayan ang oras lalo na nang mawalan na ako ng malay. Nagising na lang ako sa pagtapat ng sinag ng araw sa mukha ko. 

Ang una ko pang ginawa nang mabuksan ang mata ko ay 'yung tignan ang cellphone ko. 5AM na. Magkakalapit pa rin sila ng pwesto ayon sa tracker. 'Di ko na mabuksan 'yung laptop dahil siguro ay lowbatt kaya sinara ko na lang bago tinanggal ang headphones na nakababad magdamag sa tenga ko. Tinali ko na rin ang wire bago pinatong sa laptop saka na ako tumayo at nag unat.

Nakabalik na kaya si Ru?

"You slept here?" Muntikan na akong mapamura nang biglang sumulpot ang isang tinig mula sa kanan ko. At nang lingunin ko ito ay natagpuan ko siyang nakaupo sa kabilang bench habang may bitbit na kahon ng gatas na iniinom niya. "Or..." Tumayo ito saka naglakad patungo sa tapat ko.

"You're doing a surveillance?" I laughed from his deduction. Muntikan ko nang malimutan na hindi pa nga pala niya ako namumukhaan. Then, I realized na wala nang kaso kung malaman niya kung sino ako. Hindi naman ako ang top priority ng team nila rito sa loob. At, hindi nila ako makukuha. Mas marami akong alas kaysa sa kanila.

"And you? Kauuwi mo lang ba galing sa labas?" He smirked while staring at me. The perv agent finally recognized his foe.

------------- 

Photo Credits (Link): https://www.shutterstock.com/video/clip-1016868652-futuristic-bright-white-big-sci-fi-corridor-room

Continue Reading

You'll Also Like

121K 6.6K 50
Si Valerie Costales ay may simpleng buhay. Kumbaga sa isang palabas ay hindi siya ang tipong magiging bida, hindi din second lead at lalong hindi pan...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
127K 6.4K 51
Andrea Castillo is an orphan who loves to cuss. Everyday is a cussing day for her and she loves it whenever she see how people's faces contorted upon...
37.3K 2.8K 31
Maila Oliveros is a smart and independent lady. She wanted to become an author just like her father but when Maila's father went missing, all of her...