The Philosopher Stones (Book...

SheIsLexa által

57.3K 2.9K 2.2K

Hindi man alam ng dalagang si Jennica Mae Perez kung bakit siya pinalipat ng mga magulang sa Woodsen Academy... Több

Preface
Prologue
The Transferee
Siomai
The PS Bunkhouse
Codes
Tennis Ball
Please
Best Guy
Star of the Night
Fighting Angel
Zombies
Stage 2
Undercover
The Lessons
Profiles (I)
Profiles (II)
The Riddle
Underestimation
Paired
Oxygen
Programmed
Confession
Portrait
6th Generation
Never Will
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Credits
Special Chapter: Dahlia
Special Chapter: Reymond
Special Chapter: Blacke
Special Chapter: Wyte
Special Chapter: Graye
An Excerpt from PS Book 2

Chapter 52

565 31 49
SheIsLexa által

NAGMAMADALING lumabas si Dahlia sa abandonadong building. Saka lang niya nalaman na gabi na pala at nasa gitna siya ng isang masukal na gubat. Nang mapalingon siya sa kanan ay kita niyang may daanan ito ng mga sasakyan, sa kaliwa naman ay parang may daanan ng para sa tao lamang, Saan ako pupunta?, tanong niya sa sarili.

Hahakbang na sana siya papunta sa kaliwa pero napatigil siya nang may napansin. Sa harapan, hindi masyadong kalayuan, ay may isa pang abandonadong building. Wala itong daanan na sadyang ginawa para sa mga tao kaya kung susuungin niya ito ay talagang mahihirapan siya. Maliban sa madilim ay posible pang may mga mababangis na hayop dito.

Pero malakas ang kutob ko na nandyan sila., sa isip niya dahilan para ihakbang niya ang kanyang mga paa papunta sa harapan. Tama nga siya, masukal ang daang tinatahak, maraming nakakatusok na mga bagay pero agad naman siyang napangiti nang mapansin ang mga bali-baling sanga, halatang pinutol ito para madaanan ng maayos.

Tama ako. Nandito nga sila., sinundan na lamang ni Dahlia ang mga bagong putol na sanga at damo. Nakarating nga siya sa gusali ng maayos, she checked her arms na sa pagkakaalam niya ay may sugat pero naghilom na ito. Naroon pa ang peklat pero wala na ang sugat. Ngumiti siya at tumingin ulit sa building.

"Boo."

"Ay siopao!" napaatras ang dalaga at napahawak sa kanyang dibdib. Bigla kasing lumitaw ang kalbo sa kanyang harapan. Napatikhim siya at sineryoso ang mukha, "Nasaan sila?"

"Nasaan ang mga kasamahan ko?" ganting tanong ng kalbo.

"Ayun, tulog." nagkibit-balikat ang dalaga at muling nagtanong, "Nasaan sila?" 

Bubunot na sana ng baril ang mama kaya lang mabilis siyang nilapitan ng dalaga at binigyan ng uppercut, halos lumipad siya ng ilang metro saka bumagsak. Napahawak siya sa kanyang baba na sobrang sakit. Kinapang muli ng kalbo ang kanyang baril pero hindi niya ito makapa-kapa.

"Ito bang hinahanap mo?" itinaas ni Dahlia ang baril then disarmed it. Tinanggal niya ang mga bala nito at itinapon sa malayo. Dahan-dahan niyang nilapitan ang lalaki na panay naman ang atras, "Huwag kang umatras kundi malalagot ka sa akin." utos niya rito. Tumigil nga ang kalbo, "Ngayon sabihin mo sa akin kung nasaan sila." 

"Hindi ko sasabihin—" 

Hindi na naituloy ng kalbo ang kanyang sasabihin dahil inatake na ni Dahlia ito. Gamit ang kanyang kanang kamao ay sinuntok niya sa tiyan ang lalaki, pero hindi niya muna ito binigyan ng pwersa. Ngumiti siya ng nakakaloko rito at sinabing, "Sa oras na sinuntok kita ulit at inikot ko ang kamao ko, patay ka."

"H-hindi mo kayang gawin iyon!" tapang-tapangang bulyaw ng lalaki. Sa totoo lang ay kaya pa naman niyang lumaban kaya lang natatakot siya sa dalaga. Putang ina na! Nasaan na ang mga sugat niya kanina?!, inisip niya na baka engkanto o kung anumang masamang espiritu ang babae.

"Ah talaga?" mas lalong ngumisi si Dahlia, "Eh ano sa tingin mo ang ginawa ko sa mga kasamahan mo?" 

Mapapanawan na yata ng ulirat ang kalbo dahil sa takot, "N-nasa i-ikatlong p-palapag—" 

Hindi na pinatuloy ni Dahlia sa pagsasalita ang lalaki at binigyan ito ng isang chop sa leeg. Nang makita niyang nawalan na ito ng malay ay dali-dali siyang pumasok sa gusali na himalang may ilaw. Umakyat siya sa hagdan hanggang sa may makita siyang isang kwarto, malakas ang kabog ng kanyang dibdib habang binubuksan ito.

R-rannieka., sambit ng dalaga sa isipan nang makita ang kaibigan. Nakatali ito at panay ang iyak.

"T-tulong . . . "

Dali-daling rumesponde si Dahlia at kinalagan ang pagkakatali sa kanyang matalik na kaibigan. "Rannieka tumakas ka na, ako ng bahala kay Reymond—" bago pa man matapos ni Dahlia ang kanyang sasabihin ay nakaramdam siya ng malamig na bagay sa kanyang ulo.

"Sabihin mo nga? Ikaw ba ang kambal ni Jennica?"

Hindi umimik si Dahlia. Tiningnan lang niya ang kaibigan na unti-unting umatras habang nakatutok pa rin sa kanyang bungo ang hawak nitong baril.

"Siguro nga ikaw ang kakambal niya. You should thank me for this." inilabas ni Rannieka ang detonator na nasa kanyang bulsa, "I'd be able to avenge your sister's death, aren't you happy?"

Umiling ang dalaga.

"Oh come on. Alam mo, napahamak siya dahil napalapit siya sa lalaking iyon. Kagaya na lang ng nangyari sa akin."

"A-anong ibig mong sabihin?" hindi makapaniwalang tanong ni Dahlia. May nangyari ba sa kanya na hindi ko nalalaman?

"Wala ka na roon. Ang importante ay ginagawa ko ito para sa kambal mo."

"Rannieka, hindi mo ba talaga ako nakikilala?"

Tumaas ang kilay ng babae, "What do you mean?"

Humakbang palapit si Dahlia pero agad siyang napatigil nang ikinasa ng kaibigan ang baril.

"Isang hakbang mo pa at papuputukan na kita."

"Hindi mo ako kayang saktan."

Napatiim-bagang si Rannieka, "Siguro nga, pero hindi ako mag-aalangang pasabugin ang katawan ng lalaking iyon kapag nagtangka ka pang lumapit ulit." lakas-loob niyang sabi.

Naihilamos ni Dahlia ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha, "Ano ba kasing problema mong babae ka?! Sa tingin mo ba matutuwa si Jennica sa gagawin mo?!"

Bahagyang napaiwas ng tingin si Rannieka. Hindi naman talaga ito ang gusto niya. Napailing siya at muling tiningnan ang kakambal ng kanyang kaibigan, "Wala kang karapatang kwestyunin ako. Kunin mo na lang ang cellphone na nasa gilid at tawagan ang PS. Sabihin mo na s-si Nigel ang kailangan ko kapalit ng buhay ni Reymond."

Nagsalubong ang kilay ni Dahlia, hindi niya lubos maisip na magiging ganito kadesperada ang kanyang kaibigan, "Paano na si Josephine?"

"You know her? I-i . . . ah basta! Wala kang karapatang mangialam! Maiintindihan ako ng mga bestfriends ko. Kung sana buhay lang si Jen maiintindihan niya ako."

Walang nagawa ang dalaga, kinuha na lamang niya ang cellphone at binuksan ang likuran. Tinanggal niya ang baterya at ang sim card.

"Anong ginagawa mo?" naging alerto si Rannieka sa kinikilos ng dalaga.

Hindi pinansin ng dalaga ang kaibigan. She flipped the sim card upside down bago ibinalik sa cellphone. Ibinalik niya rin ang battery at  nang matapos ay may tinipa siya sa keypad ng aparato.

"Ano nga sabi ang ginagawa mo?!"

Napapitlag bahagya si Dahlia nang mag-warning shot si Rannieka pero hindi pa rin siya nagpatinag. Lumabas na ang logo ng PS sa monitor, "Kinocontact ko sila, diba iyon ang utos mo?" itinapat niya sa kanyang tenga ang cellphone, "Hello?"

"Dahlia?!"

Boses ng kakambal niyang si Daisy ang sumalubong sa kanya, "Daisy, si Nigel ang hinihingi niyang kapalit." malungkot niyang balita sa mga ito.

Biglang natahimik ang kabilang linya.

"Papatayin niya sa Reymond sa oras na—"

"Papunta na kami Dahlia."

Boses ni Nigel ang sumagot sa dalaga. Halatang malungkot ito. Ibinaba na niya ang cellphone at muling tiningnan ang kaibigan.

"Anong sabi?"

"He's coming."

"Good."

"Rannieka ano bang nangyari sa iyo?"

"Ano bang pakialam mo?!"

"B-bessie stop this nonsense. Buhay ako. Ako ito bess—" humakbang si Dahlia dahilan para paputukan na naman siya ni Rannieka.

"H-hindi! Ikaw si—"

"Ako si Jennica. Ako ang bestfriend mo. Pareho pa nga nating ayaw ang history diba?"

"H-huwag kang lalapit! Hindi ako naniniwala sa iyo!"

"J for Jennica . . . R for Rannieka . . . J for Josephine . . . JRJ for—" napangiwi si Dahlia nang matamaan siya ng kaibigan. Hawak-hawak niya ang kanyang tiyan na ngayon ay panay ang pag-agos dugo. Masakit, oo, pero mas masakit para sa kanya ang makitang nagkakaganito ang kaibigan.

Napasinghap si Rannieka nang matamaan niya ang dalaga. Nanginig niyang binitawan ang baril at detonator, panay ang kanyang iyak habang nakatingin sa sugatang dalaga.

Parang naging slow motion ang lahat para kay Dahlia. Simula sa pagbitaw ni Rannieka sa detonator hanggang sa unti-unti itong nahuhulog, No. Please no . . . , tanging sambit niya sapagkat hindi siya makagalaw dahil sa sakit. Hanggang tingin na lamang niya ang nahuhulog na detonator. Kaya lang . . . eksaktong lumagapak sa semento ang buton ng detonator.

Isang malakas na pagsabog ang narinig nila kasunod ng kaunting pagyanig ng gusali.

"N-no . . . R-reymond  . . . " nakatulalang tawag ni Dahlia sa pangalan ng minamahal.

---

If you liked this part, please do Vote.

If you have something to say, please do Comment. 

If you can't do both, please do Share.

Love lots mga bebe, SheIsLexa. :*

Olvasás folytatása

You'll Also Like

797K 24K 21
(Painful Series #1) Do you know what is the worst feeling in this world? It is being unwanted by everyone. No one is caring.. No one is loving... You...
3.2K 230 39
Venice Natalie Cristobal is a normal girl living her silent life. The only thing that excites her living is when she writes and thinks deeply. She ne...
294K 8.6K 53
Nathalie Aries Pattinson also known as Fear of the Phantom Goddesses, has spent most of her life looking for her childhood friend who promised to com...
166K 3.9K 54
What will you do if you end up in someone else body?