The Fourth Order Series

By LKsolacola

72.5K 3.2K 313

[NOTE: I'm working on the English translation of The Fourth Order Series on Royal Road. :)] Simula pagkabata... More

First Promise
Second Promise
Third Promise
Fourth Promise
Fifth Promise
Sixth Promise
Seventh Promise
Ninth Promise
Tenth Promise
Eleventh Promise
Twelfth Promise
Thirteenth Promise
Fourteenth Promise
Fifteenth Promise
Sixteenth Promise
Seventeenth Promise
Eighteenth Promise
Nineteenth Promise
Twentieth Promise
Twenty-first Promise
Twenty-second Promise
Twenty-third Promise
Twenty-fourth Promise
Twenty-fifth Promise
Twenty-sixth Promise
Twenty-seventh Promise
Twenty-eighth Promise
A Fourth Order Novel Series FAQ
BOOK 2: TAKE MY SOUL
1ST SACRIFICE
2ND SACRIFICE
3RD SACRIFICE
4TH SACRIFICE
5TH SACRIFICE
6TH SACRIFICE
7TH SACRIFICE
8TH SACRIFICE
9TH SACRIFICE
10TH SACRIFICE
11TH SACRIFICE
12TH SACRIFICE
13TH SACRIFICE
14TH SACRIFICE
15TH SACRIFICE
16TH SACRIFICE
17TH SACRIFICE
18TH SACRIFICE
19TH SACRIFICE
20TH SACRIFICE
21ST SACRIFICE
22ND SACRIFICE
23RD SACRIFICE
24TH SACRIFICE
25TH SACRIFICE
26TH SACRIFICE
27TH SACRIFICE
28TH SACRIFICE
29TH SACRIFICE
30TH SACRIFICE
31ST SACRIFICE
FINAL SACRIFICE

Eighth Promise

1.7K 75 0
By LKsolacola

NAKATITIG si Misoo sa repleksiyon niya sa salamin habang nakaupo sa harap ng vanity mirror sa kanyang kuwarto.Lutang na lutang ang kulay-pula niyang buhok dahil sa maputla niyang balat. Dahil sa feline eyeliner naman niya, lalong nagmukhang light ang liquid brown niyang mga mata. Salamat sa matte lippie niya, pulang-pula naman ang mga labi niya.

Para sa kanyang outfit, nag-settle siya sa simpleng itim na leather jacket sa ibabaw ng little black dress na suot. Naka-ankle boots din siya. Dahil sa porma niya, hindi na mukhang out of place ang black fingerless glove sa kanyang kanang kamay na hindi niya hinuhubad kapag nasa public place siya.

Mukha siyang gothic girl ngayon dahil iyon ang gabing pupunta sila ng mga kaibigan niya sa UnderGround. At oo, ilang oras na lang at sixteenth birthday na niya.

Wala siyang maramdaman na excitement. Wala kasi sa bansa ang kanyang mga magulang para i-celebrate ang birthday niya kasama siya. Kahit na makakasama niya ang mga kaibigan, hindi pa rin gumagaan ang pakiramdam niya dahil sa isang bagay na nalaman.

Napaglaruan ng kung sino ang isip niya.

Halos wala siyang matinong alaala tungkol kay Nigel Dolores at kung paano sila naging couple. Wala siyang espesyal na damdamin para kay Nigel at sa tingin niya, hindi ito ang tipo ng lalaki na magugustuhan niya. Pero sa kung anong dahilan, nakaramdam siya ng espesyal na damdamin dito nang hindi niya nalalaman.

Gusto sana niyang sabihin sa mommy at daddy niya ang nangyari sa kanya pero naisip niya na baka mangyari lang uli ang nangyari sa kanila limang taon na ang nakalipas.

Five years ago, eleven years old siya at sa New York sila nakatira. Isang hapon, habang naglalakad siya pauwi pagkatapos na bumaba ng school bus ay may dalawang anino na hugis-lalaki at nakasuot pa ng itim na suit—oo, itim ang mukha at katawan ng mga ito pero detalyado naman ang suot na damit—ang sumalubong sa kanya pag-uwi niya sa bahay. Natakot siya kaya sinubukan niyang tumakbo pero ginamitan siya ng hipnotismo hanggang sa hindi na siya nakakilos. Hindi niya kontrolado ang kanyang katawan pero hawak pa rin niya ang diwa.

The next thing she knew, biglang nagbagong-anyo ang mga lalaking anino na naka-suit. Nag-anyong malalaking aso ang mga ito na itim na itim ang balahibo, pula ang matatalim na mata, mahahaba ang pangil at tumutulo ang laway na mukhang gawa sa asido dahil natunaw ang marmol na sahig sa bawat pagpatak niyon.

Tinangka siyang kainin ng mga halimaw pero sa huling segundo ay may narinig siyang boses ng batang lalaki sa isipan, "Fight, my moon. Fight."

Napahiga siya sa sahig nang dambahin siya ng isa sa dalawang halimaw at akmang sasakmalin siya. Pero nasangga niya ang bibig ng malahalimaw na aso gamit ang isang braso. Ang isang kamay naman niya ay ipinansakal niya sa makapal at matigas na leeg ng halimaw.

Masakit ang pagbaon ng matatalas na pangil ng halimaw sa kanyang braso pero hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong umiyak dahil ang nasa isip na lang niya noon ay kailangan niyang lumaban at mabuhay.

Hindi niya alam kung paano pero nakaramdam siya ng matinding init sa kanang kamay niya na sumasakal sa halimaw. Binitiwan nito ang braso niya at umungol na parang nasasaktan. Noon lang niya napansin na umuusok ang kamay niyang nakahawak sa leeg ng halimaw. Nasusunog niya ang halimaw pero nakakaramdam din siya ng pagkalapnos ng balat sa palad niya na epektibong kumitil sa buhay ng nilalang na nagtangkang manakmal sa kanya.

Pero pagkatapos niyon, naramdaman niyang siya naman ang hinihigop ng sariling kapangyarihan. Mabilis siyang nanghina. Bago mawalan ng malay ay narinig pa niya ang pagtawag sa kanya ng mga magulang na kauuwi lang sa bahay.

Tinitigan ni Misoo ang naka-frame na family picture nila na nakapatong sa ibabaw ng vanity mirror. Kasama niya ang mommy at daddy niya roon habang nakakulong siya sa mahigpit na yakap ng mga magulang. Kuha iyon noong isang taon kung kailan ipinagdiwang nila ang fifteenth birthday niya kaya may icing ng cake sa mga pisngi niya.

"Mom, Dad, nangako ako na hindi ko na aalamin kung ano ba talaga ako kahit alam kong may mahalagang memories ako na nawawala. Pero bakit gano'n? Why do strange things started coming my way again?"

Nang magising siya pagkatapos ng pag-atake sa kanya ay magulo ang bahay nila na parang may nangyari doon na labanan. Sa kabutihang-palad, wala naman siyang nakitang pinsala sa kanyang mga magulang na niyakap agad siya nang magising siya.

Nakakapagtaka pero wala siyang naramdamang panic sa kabila ng takot na naramdaman noong inaatake siya ng mga halimaw. Nang tanungin siya ng mommy niya kung okay lang siya, naaalala pa niya ang isinagot na mukhang dumurog sa puso ng kanyang mga magulang: "I'm okay, Mom. I don't know why but I've always felt like Death is breathing at the back of my neck. Like I'm not supposed to live. You know what's scarier? I'm fine with it."

Iyon yata ang unang pagkakataon sa buhay niya na nakita niyang umiyak ang mommy at daddy niya habang paulit-ulit na ipinapangako na hindi papayag ang mga ito na may mangyaring masama sa kanya.

Nang gabing iyon, tinabihan siya ng kanyang mga magulang sa pagtulog kahit sinabi niyang hindi na siya natatakot. Nagtaka siguro ang daddy niya sa pagiging kalmado niya kaya tinanong siya kung wala raw ba siyang itatanong tungkol sa nangyari sa kanya. Simple lang ang isinagot niya: I know all the answers to my questions, Dad. They're all in my head. It's just that I don't remember them and I don't want to."

Pagkatapos ng insidenteng iyon ay umalis sila ng New York at nanirahan na sa Pilipinas. Wala na uling mga halimaw na nagtangkang lumapit sa kanya at pakiramdam niya ay may mga nagbabantay sa kanya. Pero kung kailan naman ligtas na siya, saka naman madalas umalis ang kanyang mga magulang para asikasuhin daw ang mga negosyo nila.

The irony of life, yes.

Alam ni Misoo na dapat naging curious siya sa nangyari sa kanya ngayon. Kung bakit may nagmanipula sa isip niya para isipin niyang in love siya kay Nigel at kung anong klase ng mga tao sina Syndrome at Aries.

Pero gaya ng sinabi niya sa daddy niya five years ago, alam niya ang sagot sa sariling mga katanungan. Malakas ang pakiramdam niya na alam niya ang mga nangyayari sa kanya. Pamilyar ang lahat ng iyon sa sistema niya. Ang problema lang, wala siyang maalala na para bang may pumipigil sa kanya na alamin ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao.

Sa totoo lang, ayaw na niyang malaman pa. Masaya na siya sa normal niyang buhay. Ang mahalaga lang sa kanya ay manatiling buo at masaya ang kanyang pamilya.

Tumingin siya sa naka-glove niyang kamay na nasunog dahil sa pag-atake sa kanya ng mga halimaw noong bata pa siya. Please stop haunting me. I want to keep my life normal. I don't need to know what I am as long as I have my mom and dad.

May narinig siyang boses ng batang lalaki na tumatawa nang mahina sa isip niya.

Gah, so much for being normal!

Napabuga si Misoo ng hangin. Lumipad sa bintana ang ipinaglalaban niya. Okay, fine. Alam niyang walang normal sa buhay niya, lalo na siya. Sinong ordinaryong tao naman kasi ang katulad niya na may nakatirang batang lalaki sa isipan?

I'm probably the only one who does.

"I hate you," sumbat niya sa batang lalaki sa isipan, matalim ang tingin sa sariling repleksiyon sa salamin. "Bakit hinayaan mo ang ibang tao na i-manipulate ang isip ko? I thought you were there to protect my mind?"

"I'm sorry, my moon," sagot ng batang lalaki. Hindi kahihimigan ng apology ang malamig at playful nitong boses. "The enemies are strong this time. I didn't want them to find out about me because they would have busted me out of your head if they did. I'm that weak against them. Plus, I knew you were going to snap out of it eventually."

"Sino ba ang mga taong 'yon? Why did they manipulate my mind?"

Hindi na uli nagsalita ang batang lalaki sa isip niya. He had probably shut her down. He always did that whenever he didn't want to answer her questions.

Bumuga uli ng hangin si Misoo. Hindi niya siguro dapat isisi sa batang lalaki ang nangyari sa kanya. Siya itong hindi nag-ingat. Saka hindi rin siya sigurado kung gusto nga ba niyang marinig ang sagot sa huling tanong. Kapag kasi may natuklasan siya tungkol sa nakaraan niya, paniguradong hindi na niya makikita ang mundo gaya ng kung paano niya ito nakikita ngayon at iyon ang kinatatakutan niya.

Minsan, iniisip niya na nababaliw na siya dahil sa boses ng batang lalaki na madalas niyang naririnig sa isipan. Madalas ay naririnig niya ito kapag nasa panganib ang kanyang buhay. Ang bata ang nagsasabi sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin para mabuhay. Pero paminsan-minsan ay naririnig din niya ang paslit na pinagtatawanan at sinesermunan siya tuwing may ginagawa siyang kapalpakan na para bang nakikita siya nito saan man siya naroon.

Gaya ngayon.

Alam niyang dapat siyang matakot pero hindi iyon ang nararamdaman niya. Malakas ang pakiramdam niya na malaking bahagi ng buhay niya at ng mga alaalang hindi niya matandaan ang batang lalaki. Kaya hinayaan lang niya ito na 'tumira' sa isip niya.

Sumara lang siguro ang koneksiyon nila ng batang lalaki sa isip niya nang may kung sinong nagmanipula sa kanyang isip. Gusto na niyang kalimutan ang nangyari. Ang mahalaga naman sa kanya ay bumalik na uli siya sa pinaka-'normal' niyang buhay.

"Misoo?"

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang marinig ang marahang pagkatok sa pinto ng kanyang kuwarto. Boses iyon ng yaya niya.

"Yes, Yaya Weng?"

"Nandito na ang mga kaibigan mo."

Nag-retouch muna siya ng makeup bago lumabas ng kuwarto. Pinagalitan siya ng yaya niya dahil masyado raw maiksi at masikip ang suot niyang damit. Pero tinawanan lang niya ang pag-aalala nito at sinabing normal lang ang ganoong outfit sa lugar na pupuntahan niya. Hindi na nakipagtalo ang butihing matanda dahil alam na nito kung gaano katigas ang kanyang ulo.

Napangiti siya nang salubungin siya ni Elnora na gaya niya ay all-black din ang suot—black leather jacket, black tank top, black leather pants, black boots. Ganoon din si Wynn—black long-sleeved shirt, denim skinny jeans, black sneakers.

"We look like children of the moon," natatawang biro niya.

Nanatiling nakasimangot si Elnora. Mababakas sa mukha nito ang pag-aalala. "Misoo, delikado ang UnderGround. Sabihin mo lang kung gusto mo nang umuwi. Itatakas ka namin."

"Kami na ang bahalang magpaliwanag kina Daye at Jana," seryosong dagdag ni Wynn. "Just one word from you and we'll get you out of there in an instant."

Ngumiti lang si Misoo pero aaminin niyang parang may nabuhol na kung anong sa sikmura niya dahil sa mga 'pananakot' nina Elnora at Wynn. Hindi na tuloy siya sigurado kung tama ba ang naging desisyon na sa UnderGround mag-celebrate ng birthday. Pero mabilis din niyang sinaway ang sarili.

It's my birthday. This is supposed to be my lucky day, right?

Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...