Secret Admirer: Hide and seek

By SoHowDidYouFindMe

47.7K 897 145

"Ayaw mo ba nun? Hanggang kamatayan, magkasama tayo.." More

Prologue
NOTICE
SA1
SA2
SA3
SA4
SA5
SA6
SA7
SA8
SA9
SA10
SA11
SA12
SA13
SA14
SA15
SA16
SA17
Extra: Cris Villareal
SA18
SA19
SA21
SA22
SA23 - Final
Special Chapter 1
Special Chapter 2

SA20

1K 25 7
By SoHowDidYouFindMe

Warning: Puro flashbacks po ito.

Selene's POV

"Gusto kong mag apply bilang P.A ni raven." Sabi ko sa kanya matapos ko syang harangin nung makita ko sya sa building kung san talent si raven. Tinaasan nya ko ng kilay bilang sagot.

"I already hired one." Sabi nito at nilagpasan ako. Kinuyom ko ang kamao ko at hinarap sya.

"Kung ako sayo kukunin mo ko bilang P.A nya." Tumigil sya sa paglakad at humarap sakin na nakakunot ang noo. Ngumisi ako at humakbang palapit sa kanya. "I know what you did to Cris and Shanelle, Mike." Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko. "Pag di mo ko tinanggap sasabihin ko sa kanya ang totoo."

"Sino ka ba? At anong alam mo?"

"Don't try me, mike. So ano, kukunin mo ba ko o hindi?" He glared at me. I smiled at him.

"Be here tomorrow at exactly 7 am." Pagkasabi nun ay umalis na sya. Nawala naman ang ngiti sa mga labi ko.

Magkakasama na ulit tayo Raven. Pangako, gagawin ko ang lahat para maalala mo ulit ako.

*

3 months later

Nagulat kami ng dumating si raven sa set na may kasamang babae at kaholding hands pa. Kaya nya pala kami pinauna.

Narinig kong pinakilala nya ito bilang girlfriend nya. Nahawakan ko ng mahigpit ang damit na hawak ko. Kinalimutan mo na talaga ko raven. Ang sama sama mo.

"Looks like he really forgot about you." Nang uuyam na sambit ni mike na tumabi sakin. Tiningnan ko sya ng masama pero nginisian nya lang ako. "Pano ba yan, may bago na sya? Kalimutan mo nalang kasi sya, kagaya ng ginawa nya sayo."

Ako naman ang napangisi. "Wag mo kong gaguhin mike. Alam kong parehas lang tayo ng nararamdaman." Sumeryoso ang mukha nito at iniwas ang tingin sakin. "Ang galing mo din ano? Hanggang ngayon wala padin syang ideya kung sino ka talaga." Tinitigan nya ko ng masama. Magsasalita pa sana sya ngunit dumating na si raven. Awtomatikong umamo ang mukha ko at napayuko ako.

"Pengeng kape selene, Salamat." Sambit nya sakin. Tumango ako at nakayukong umalis. Pinigilan ko ang sarili ko na mapairap at banggain ang bago nyang girlfriend. Nilingon ko si mike na kausap padin ni raven at nginisian ito.

*

"Pano mo nalaman na ako ang pumatay sa kanila?" Kaswal na tanong sakin ni mike. Kaming dalawa lang noon sa dressing room, kasalukuyan kong inaayos ang mga damit ni raven habang sya ay nakaupo lang sa mesa at pinapanood ako.

"Diary." Sagot ko. Napulot ko kasi ang diary nya sa tapat ng pintuan ni raven nung minsang dinalaw ko sya. Di ko alam kung paano yun napunta dun, baka nalaglag nya lang pero wala na kong pakialam dun. Kasalanan nya kung bakit ko nalaman ang lahat.

"Ano nang balak mo?" Ako naman ang nagtanong sa kanya. Tumingin ako sa kanya nung di sya sumagot at nakita kong nakangisi lang sya sakin.

*

Nagulat ako ng makita ko syang nakabihis pambabae, nakaputing dress ito at mahaba ang wig na suot nito. Nagmukha din syang tunay na babae dahil sa make up nya. May itsura naman kasi sya at sa totoo lang ay mukha syang babae.

"So ikaw pala yung tumatambay sa labas ng bahay kada gabi." Ngumisi lang sya at nilagpasan na ko. Sumunod ako sa kanya. "San ka pupunta?"

"Sumama ka nalang." Di na ko nagsalita pagkatapos nun. Sabay kaming umalis ng condo nya.

*

"So this is your plan." Mahina kong sambit habang inililibot ko ang tingin ko sa condo unit na tinutuluyan ng bagong girlfriend ni raven. Kasalukuyan akong nakaupo sa side table at sya naman sa kama habang may pinaglalaruang cellphone. "Tanong ko lang, bakit mas pinili mong maging... ganyan?" Tumingin sya sakin. "May itsura ka naman."

"Wala kang pakialam." Sagot nya ta inirapan ako. "Patayin mo na yung , paparating na sila." Para wala nang gulo ay tumalima na ko at agad na pinatay ang ilaw pagkatapos ay sumandal ako sa pader para abangan ang pagpasok nito mamaya. Di ko alam kung paanong napasama ako sa plano nya na to, ang alam ko lang, gusto kong maalala ako ni raven at hindi mangyayari yung kung may nakaharang na monique sa daan ko.

Di rin naman nagtagal ay dumating na ito. Nakuyom ko nalang ang kamao ko habang pinapakinggan ang pag uusap nila. Binuksan na nito ang pinto pero di rin sya agad pumasok dahil nagpaalam pa ito ulit kay raven. Sige lang, sulitin mo lang dahil yan na ang huli.

Sa wakas ay pumasok na ito at binuksan ang ilaw. Nanlaki ang mga mata nito nang makita sa mike pero di nya ko pinansin. Humakbang ito palapit kaya tumingin sakin si mike hudyat na gawin ko na ang plano. Tumango ako at agad syang siniko sa batok na nakapagpatulog dito. Tumayo naman si mike at kinaladkad ito papunya sa kama saka walang hirap na binuhat ito.

"Ano nang susunod?" Tanong ko. Pumunta ito sa kusina at pagbalik ay may dala nang kutsilyo. Tumabi ito kay monique saka ito walang awang sinugatan sa katawan. Napalunok nalang ako nang makita syang duguan na. Nang matapos yun ay tumayo na ito at tumingin sakin. "Now, we'll just wait for her to wake up."

"Are you really going to kill her?"

"Why, chickening out?" Balik tanong nya sa mapang asar na tono.

"Of course not."

Tumawa ito bilang sagot. "Talaga lang ha. Baka naman magtatakbo ka mamaya pag nakita mo yung gagawin ko? O baka ikaw pa ang magsumbong sakin sa mga pulis."

"Try me." Sagot ko at nginisian sya.

*

"Gising na si sleeping beauty." Nang uuyam na sambit ni mike nang makitang naalimpungatan na si monique. Nakasandal kami sa pader sa harap lang ng kama.

Hirap na hirap na bumangon ito saka nanlalaki ang mga mata na pinagmasdan ang katawan na puno nang sugat. Tumili ito pagkatapos.

"Ano nang gagawin natin? Baka marinig tayo sa labas." Natatarantang tanong ko pero nginisian nya lang ako.

"Soundproof wall to." Pagkasabi nya nun ay lumapit na sya kay monique.

"Sino.. selene?" Sambit nya na sakin nakatingin. "Sino ka? Anong kailangan mo sakin?!" This time ay kay mike na sya nakatingin.

Imbes na sumagot ay tinulak nito pahiga si monique saka pinagsasaksak. Nang makuntento ay lumayo din sya kay monique at tumayo lang sa tabi nito.

"Bakit di mo pa sya tuluyan?" Tanong ko nang makitang gumapang pababa si monique.

"Masyado ka namang atat. Pahirapan mo muna." Sagot nya habang nakatingin kay monique na ngayon ay nasa lapag na at mabagal na gumagapang palapit sakin. Malapit lang kasi ako sa may pintuan. "It's your turn now." Sambit nya sakin.

Natitigan ko naman sya na hirap na hirap. Kaya ko bang gawin ang ginawa nya? Kaya ko ba syang patayin? Ganito na ba ko kadesperada na mapansin ulit ni raven?

"Tsk. Masyado kang mabait." Lumapit sya kay monique na malapit na sa pinto saka sinabunutan ito at tuluyang sinaksak sa leeg. "Sa panahin ngayon inaabuso na lahat ng mabait.", "pasalamat ka at marami kang alam kaya hindi kita pwedeng patayin, dahil kung nagkataon, mas malala pa ang nangyari sayo kesa sa kanya."

"Anong... gagawin mo?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ko sa kanya nang makita ko ang ginagawa nya.

"Bibigyan ko nang regalo si raven." Halos masuka ako nang ipakita nya sakin ang ulo ni monique, nakadilat pa ito at bahagya pang nakanganga. Dahil siguro sa reaksyon ko kaya tumawa ito.

Tumayo ito at pumunta sa lagayam ng mga sapatos at parang may kinuha dun. Di rin nagtagal ay muli itong tumayo, may hawak na itong kahon at wala na ang ulo ni monique.

"Ihahatid natin to sa kanya, samahan mo ko."

"Pero pano... to?" Tanong ko habang nakatingin sa paligid. Pumalatak ito saka inabot sakin ang hawak na kahon at dahan dahang itinulak ang katawan ni monique papunta sa cabinet nito at basta nalang sinalaksak dun.

"Yan, okay na. Let's go." Nginitian nya ko na parang walang nangyari saka nagpauna sa paglabas ng condo. Napatitig naman ako sa kahon. Ramdam ko at kita ko ang panginginig ng mga kamay ko habang nakatitig dito.

'Patawarin mo ko monique. Di naman sana mangyayari to kung lumayo ka lang kay raven agad.'bulong ko sa sarili ko saka lumabas na din para sumunod kay mike.

-

To be continued.

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 382K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
892K 19.9K 78
Former Title: My Ex-Boyfriend's Obsession
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
263K 4.8K 38
A story of a desperate and dominant man.