The Philosopher Stones (Book...

By SheIsLexa

57.3K 2.9K 2.2K

Hindi man alam ng dalagang si Jennica Mae Perez kung bakit siya pinalipat ng mga magulang sa Woodsen Academy... More

Preface
Prologue
The Transferee
Siomai
The PS Bunkhouse
Codes
Tennis Ball
Please
Best Guy
Star of the Night
Fighting Angel
Zombies
Stage 2
Undercover
The Lessons
Profiles (I)
Profiles (II)
The Riddle
Underestimation
Paired
Oxygen
Programmed
Confession
Portrait
6th Generation
Never Will
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Credits
Special Chapter: Dahlia
Special Chapter: Reymond
Special Chapter: Blacke
Special Chapter: Wyte
Special Chapter: Graye
An Excerpt from PS Book 2

Chapter 51

646 31 15
By SheIsLexa

MABILIS na kumambyo pakaliwa si Dahlia nang paputukan siya ng baril,  talagang malalagot siya kay Priestess Stone kapag nagasgasan niya ang kotse nito. Dumaan na siya sa training pero ngayon lang niya na-realize na ibang-iba talaga kapag sa totoong buhay na. Mabilis ang kabog ng dibdib niya at parang nasa extreme level ang kanyang adrenaline rush.

Iwas pa rin siya ng iwas pero ang problema ay pati ang nasa unahang van ay pinapaputukan na siya. Then she came up with a decision.

Inapakan niya ang break at kinuha ang multi-tool kit na puno ng mga kutsilyo. Binuksan niya ang isa sa mga iyon at hiniwa ang daliri. Nagmamadali ang kanyang mga kilos dahil kita niya sa kanyang peripheral vision na may mga kalbong papalapit sa kanya. Gamit ang kanyang dugo ay isinulat niya ang mga letrang P at S sa windshield ng kotse.

"Taas kamay! Labas!" 

Dahil tinted ang  mga salamin ng kotse ay hindi kita ng mga lalaking kalbo ang kanyang ginawa. Dahan-dahan naman niyang binuksan ang pinto at lumabas. Nakataas ang kanyang kamay at isa-isang binigyan ng masamang tingin ang pito hanggang sampung kalalakihan na nakapalibot sa kanya.

"Oy chiks!"

"Salad o init pa!"

Nagtawanan ang mga lalaki at ibinaba ang mga nakatutok na baril. Doon nakahanap ng tyempo si Dahlia at sinugod ang pinakamalapit na lalaking kalbo. Binigyan niya ito ng isang Choking Technique ng Judo. She compressed the neck vein at binitawan lamang niya ito nang makita niyang putlang-putla na ang mga labi nito. Mas mataas sa kanya ang lalaki pero nakayanan niya itong sakalin.

Tumba ang lalaki at parang kahit anong habol niya ng kanyang hininga ay hindi niya talaga ito mahahabol.

Tiningnan ni Dahlia ang mga natitira pang lalaki at saka siya napasulyap sa van kung saan nandoon sina Reymond.

Sumugod ang isang lalaki na pasimpleng nakatanggap ng flying kick mula sa dalaga.

Tila natakot naman ang mga nalalabing lalaki, umatras sila at tila ba nakalimutan na may dala pala silang armas.

Nang makita ni Dahlia ang reaksyon ng mga ito ay agad niyang tinakbo ang van pero sa kasamaang palad ay pinaputukan siya at sapul ang kanyang kanang balikat, "Unh!" tanging daing niya bago matumba. Pero bumangon ulit siya at hinarap ang bumaril sa kanya. Kaya pa naman niyang tumayo at sumugod pero pinaputukan ulit siya nito sa mga paa kaya hindi na talaga siya nakabangon.

"Baril lang pala katapat eh! Kala mo kung sino?! Dalhin na iyan! Pati ang mga ugok na ito." utos ng leader sabay sinipa ang dalawang kasamahang natumba.

Nanghihinang isinakay si Dahlia sa van at pakiramdam niya ay mas lalo siyang nanghina nang makita ang naka-blind fold na si Reymond at Rannieka. Magkayakap at inaalo ng binata ang dalaga. Ang mas nagpapahirap sa kalooban niya ay itinabi siya sa mga ito, Bwisit na mga kidnapper ito! Masyadong insensitive!, hinaing niya sa isipan.

"Pakawalan niyo kami! Mga walang hiya kayo!" pilit na nagpapasag si Reymond habang pilit na pinapatahan ang kanyang nobya.

"Tumahimik ka letse!" nagsimula na namang umandar ang van.

Natigilan si Dahlia, kung tutuusin ay kaya ni Reymond makawala mula sa pagkakatali nito, Nakalimutan niya rin ba ang fighting skills niya?, hindi niya mapigilang magtanong. Hindi na lamang siya tumingin sa dalawa at sinabing, "Bigyan niyo ako ng blindfold!" sa ngayon ay unti-unti ng bumabalik ang kanyang lakas at alam niyang unti-unti na ring naghihilom ang kanyang sugat. Sanhi ito ng counter chemicals na  inilagay sa kanyang katawan. Pero wala siyang balak na manlaban, baka kasi madamay pa ang kanyang bestfriend at mukhang hindi naman siya kayang tulungan ni Reymond.

Nagkatinginan ang mga kidnappers.

Pati ang dalawang hostage na sina Reymond at Rannieka ay napaisip kung sino ang nagsalita.

"Bobo ba kayo o boplaks?! Malamang dapat na i-blind fold niyo rin ako!" singhal ni Dahlia sa mga ito. And the moment that she was blindfolded she started to shed tears, What a usefeul blindfold., her last remarks saka nagpatuloy sa pag-iyak.

***

"SINO ka ba talaga?!"

"Tanga ka ba?! Bakit ko naman sasabihin sa iyo?!" 

Sinampal ng lalaking kalbo ang dalaga. Manlalaban sana ito pero agad niyang sinenyasan ang isang kasamahan na ngayon ay may nakatutok na baril sa ulo ng dalawang hostage nila, "Sige, manlaban ka at sabog ang utak ng dalawang iyan."

Sa isip ni Dahlia ay ilang ulit na niyang pinatay ang lalaking kalbo. Nakatali lang naman ang dalawa niyang kamay sa chain na bakal. She spit on his face, "Kalbo!" nagawa pa talaga niyang mang-asar sa kabila ng sinapit. Kahit anong klase pananakit sa kanya ay hindi siya nag-aalalang susuko agad ang kanyang katawan, bumabalik at bumabalik din kasi ang lakas niya, iyon nga lang ay binablack mail siya ng kalbong nasa harapan kaya hindi niya ito masaktan-saktan.

Sinampal ng lalaki ang dalaga sa kabilang pisngi saka sinuntok sa kabilang pisngi, "Kalbo pala ha?!" 

Hindi mapakali si Reymond sa ginagawang pananakit ng mga lalaki sa babae. Gusto niya itong tulungan pero hindi niya alam kung paano.

Iniluwa ni Jennica ang nasipsip na dugo mula sa kanyang pumutok na labi. Nginitian niya ang sumuntok sa kanya at sinabing, "Sige pa!" sinuntok nga siya nito sa tiyan na siyang dahilan upang mapasuka siya ng dugo. Kung sana lang kaya niyang lumaban. Kung sana lang hindi nanghihina ang loob niya ngayon eh di sana matagal nang nakahiga ang mga hinayupak na mga lalaking bumubugbog sa kanya.

Pero wala siyang lakas ng loob na lumaban habang nakikita ang pagyakap ni Reymond sa kanyang matalik na kabigan. Pinoprotektahan nito ang kanyang kaibigan at hindi siya . . . hindi siya.

Si Rannieka naman ay takang-taka nang makita si Jennica pero, sigurado siyang hindi ito si Jennica. Patay na ang kanyang matalik na kaibigan. Somehow, naikwento naman sa kanya ng mga Perez ang tungkol sa pagkakaroon ni Jennica ng kambal. Pero ang ipinagtataka niya ay kung paanong nandito ito, "Reymond mga kalaban sila ni papa."

Tumango lang ang binata sa sinabi ng kasintahan. Kanina pa niya gustong suntukin ang bumubugbog sa babaeng hindi niya kilala, pero nakakapit sa kanya si Rannieka at umiiyak. Hindi niya ito kayang iwan baka ito naman ang saktan ng mga lalaki. Ang nakakapagtaka nga lang ay hindi pa rin natutumba ang dalaga at parang hindi nababawasan ang lakas nito, "Lumaban ka!" tanging sigaw niya rito. Hindi niya rin maintindihan ang mga mata. Kung bakit patuloy ito sa pagluha gayong wala naman dapat siyang pakialam sa babae.

Nang marinig ni Dahlia ang sigaw ng binata ay ngumiti siya ng mapakla. Tama nga ito, kailangan niyang lumaban pero para kanino? Para sa sarili niya? Para kay Reymond? Para kay Rannieka?

"Sabi ni boss dalhin na raw ang dalawang iyan sa isang bodega." sabi ng lalaking kalbo sabay turo sa magkayakap at nakagapos na sina Reymond at Rannieka.

"Eh paano na itong si miss ganda?"

"Pagsawaan niyo. Bahala kayo." sagot ng kalbo.

Sa hindi malamang dahilan ay namutla si Reymond at bumitaw sa pagkakayakap kay Rannieka. Tumayo siya at kahit nakagapos ang kanyang mga kamay ay sumugod siya sa mga lalaking barumbado.

"Honey! No!"

"R-reymond . . . "

Pinagsisipa ni Reymond ang mga lalaki pero may humampas sa ulo iya. Hindi siya agad natumba at sinipa ang lalaking nanakit sa kanya. May humampas ulit sa kanya at hindi na nakayanan ng kanyang katawan.

Kitang-kita ni Dahlia ang pagluhod ni Reymond sa kanyang tapat kasabay ang pag-agos ng dugo nito sa mukha.

 "Dalhin na iyan." utos ulit ng kalbo.

Sumunod naman ang mga nasasakupan nito. Kinuha nila ang iyak ng iyak na si Rannieka at ang nahihimbing na si Reymond at inilabas  ang mga ito mula sa abandonadong building.

Sobrang nagdilim ang paningin ni Dahlia habang nakatingin sa apat na kalbong naiwan. Sinaktan ng mga ito ang kanyang mahal. Nanginginig siya at tila ba nag-iinit ang kanyang pakiramdam, parang pamilyar siya sa init na ito. Parang ito iyong init na bumalot sa kanya nang binulabog niya noon ang PS HQ.

Nakadaop ang palad ng mga lalaki at ngumisi ng napakademonyo, tiningnan nila ang dalaga na para bang isang ulam sa piyesta.

"Kung mahal niyo ang buhay niyo, lalayuan niyo ako." malamig na saad ni Dahlia habang nakayuko.

Patuloy pa rin sa paglapit ang mga lalaki na mukhang sabik na sabik.

Unti-unting itinaas ni Dahlia ang kanyang dalawang kamay na ngayon ay hindi na nakatali, "Binalaan ko na kayo."

***

Tulalang dumating sa PS HQ si Josephine, iniisip niya pa rin ang plano at kondisyon ni Rannieka, ni hindi nga niya namalayan na niyuyugyog ni Nigel ang kanyang balikat, kung hindi pa siya nito hinalikan sa mag labi ay hindi siya babalik sa riyalidad.

"Josephine, are you ok?"

"Nigel . . . l-let's break up." 

"Pardon?"

"Nigel." napatingin si Josephine sa kararating na Code Priestess na si Daisy, mas mabuti na ring marinig nito ang lahat, saka ibinalik ang tingin kay Nigel, "Naalala mo ba iyong ginawa sa inyo ni Rannieka nang hiwalayan mo siya? Muntik na niya kayong lasunin noon. Kung nagtagumpay siya malamang wala ng PS 7th Generation ngayon."

"Ano na naman ba ang plano niya ngayon?" hindi mapigilang tanong ni Daisy mula sa likuran dahilan para mabaling sa kanya ang atensyon ng dalawa.

"Papatayin niya si Reymond." 

Sabay na nagkatinginan sina Nigel at Daisy.

"Sa isang kondisyon, ipapaubaya ko sa kanya si Nigel." she's close to tears pero hindi niya pa rin pinapakawalan ang luha.

Ngumiti ng malungkot si Nigel hanggang sa tumawa ng pilit, "Haha! I guess it's settled then?" tinapik niya ang balikat ng kanyang prinsesa, "I'll do this for our friends at para na rin sa ikatatahimik ng loob mo." 

Such a heartbreaking scene., sa isip ni Daisy habang tiningnan ang papalayong si Nigel. Tiningnan niya muli si Josephine na ngayon ay umiiyak na, "Nasaan si Dahlia?"

"Nasa bahay ng mga Joveta. E-excuse me Code Priestess, pupunta lang ako sa Unit ko." 

"It will be alright Josephine. Ok?" walang ibang nagawa si Daisy kundi tapikin ang balikat ng dalaga. Nang tuluyan na itong makaalis ay naisipan niyang tumungo sa parking lot pero bago pa man siya makahakbang ay biglang nagring ang phone niya, "Hello?"

"Dear." 

"Tita Elizabeth? Bakit po?"

"I tracked my car key at nakita kong nasa isang abandonadong building ito." 

Nagtaka si Daisy sa pinagsasasabi ng ginang, "Ano pong kinalaman ko diyan?"

"Binigay ko kay Dahlia ang car key ng sasakyan ko. May tracker ang car key pati ang sasakyan ko at wala sila sa iisang lugar. Pina-check ko na ang sasakyan and Dahlia left an SOS message." 

Nabitawan ni Daisy ang kanyang cellphone.

Buti nalang ang dumating agad si Martin para saluhin iyon. Nakita niya kung gaano kaputla ang nobya, "Baby? You ok?" 

Sa halip na sumagot ay umibis ng takbo si Daisy, she must act. Malakas ang kutob niya na nasa panganib ang kambal. She pressed her earpiece and commanded, "Code E. Code E. Code E." sabay pa niyang narinig ang mga response ng mga nasasakupan na kung hindi mura ay bulyaw.

---

If you liked this part, please do Vote.

If you have something to say, please do Comment. 

If you can't do both, please do Share.

Love lots mga bebe, SheIsLexa. :*

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 236 46
Vasquez Series #2 Iesu grew up in a family of high-achievers and was constantly surrounded by pressure to succeed. However, he never let this pressur...
3.1K 229 39
Venice Natalie Cristobal is a normal girl living her silent life. The only thing that excites her living is when she writes and thinks deeply. She ne...
776K 37.8K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
86.6K 2K 68
❝ Damn, finding a man who loves you more than himself is hard nowadays. ❞ Isa? Dalawa? Maraming beses na naging sawi ang puso ng isang Athena Minerva...