CHOSEN ONES (Revised Version)...

By MildeJourney

17.8K 678 10

An eighteen-year-old girl received the excruciating experience that she never imagined with her family. Jade... More

DISCLAIMER
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Part 2 of Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Part 2 of Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Last Chapter: The Downfall
Epilogue

Part 2 of Chapter 21 : HISTORY OF NGS

266 10 0
By MildeJourney

"Unbiased?" I asked.

"Apparently, yes." He replied after he scrunched his nose. 

Kasalukuyan kaming nakaupo sa damo dahil inookupa ng mga kaklase namin ang dalawang bench dito sa labas. Malayo naman kami sa kanila kaya malaya niyang mailalahad ang hinihingi kong malaman.

Agad akong napalingon sa kanya nang maramdaman ang marahas niyang paglingon sa'kin na tila may naalala. "Gusto mo ba talagang malaman?" Inip akong tumango at inirapan pa siya. "Baka bigla mong ibigay 'yung blueprint sa kanila kapag napakinggan mo na e----"

"Sabihin mo na!" Inip kong utos na parang nagulat pa siya sa bigla kong pagsigaw. 

"Ba't 'di ka nagmana sa tatay mo?---eto na! Sisimulan na!" Litanya niya at muli ko siyang inirapan bago binalik ang tingin sa harap. Hindi naman masakit sa pwet ang damong inuupuan namin that I can comfortably stretch out my legs.

"Tatlong sundalo at isang governor ang bumuo ng plano. Isa sa mga sundalong 'yun si Dad. Nabuo ang rebolusyon dahil sa magkasunod na pag-upo ng magkapatid na Magpahe bilang presidente. Alam mo 'yung dystopia? Parang gano'n 'yung ganap no'ng 1995-2007. Naayos lang dahil sa bagong presidente. Kaya nabaon sa utang ang Pilipinas."

"I forgot the president's name but he became someone's puppet. Maraming nabago sa konstitusyon. Maraming yumaman pero tumaas ang criminal rate. Filipinos were extremely tired of these misfortunes, at 'di naman natin sila masisisi, kaya 'yun tuluyang nasilang ang rebolusyon. Nung mag coup d'etat, para makuha nila Dad ang kauna-unahang naging NGS, parang naging selebrasyon na rin...pero, everyone knows that it's impossible, I mean, that easy?----alam mo ba kung pa'no naging posible?---I mean, alam natin na it's really impossible na mahati ang bansa." 

"Binayaran nila Dad 'yung presidenteng 'yun. Pero, hindi rin sa kanila galing 'yung pera. No'ng una, alagad lang din sila...pero ngayon, magkakampi na sila."

"Temietal Union. Ang pinakamayamang bansa sa West. Sila ang parang umampon sa kanila. Ang nakakaalam lang nito ay 'yung mga wights. Kaya mabilis na naitayo ang mga gusali rito dahil sa tulong nila. 'Yung architectures at gadgets? Galing din sa kanila. 'Yung pumapangalawa sa Harvard University? Do'n nag-aral sila Dr. Mantis, tungkol sa microchips."

"Magkaibigan sila Dad, Dr. Mantis, at Dr. Morales."

"Isa rin si Dr. Mantis sa mga gumagawa ng weapons para sa security system. He has a vital role in this society...sobrang malaking kawalan." He said while smirking. So, he knew his death.

"Hanggang ngayon, tuta na nila Dad ang mga umuupo sa pamahalaan ng UGS. Maraming sektor ang napaangat at maraming problema ang nasolusyunan nang dahil sa separation. Kaya ang isyung hiwalayan ay problema lang ng mga bukas ang mga mata at gustong magsalita." Sandali akong napatitig sa kawalan habang pilit na nilulugar ang sarili ko sa pag-iisip ng partidong ito. 

"Marami nang napatay ang tauhan ng NGS. Magkaroon lang ng zero criminality rate. Pinapatay lahat ng nagkakasala. Kaya imbes na kulungan ang ipatayo, malawak na sementeryo ang 'andito."

"Binubulag nila ang mga mahihirap na tao para ayain na kumapit sa kanila at mas marami ang masakal nila. Ang bayad sa libreng kaginhawaan ay 'yung buhay mo at ng pamilya mo mismo. Kinukuha nila ang mga batang lalaki at pinagkakakitaan sa kahit anong paraan."

"Ang ibang tao naman ay pinagtatrabaho sa iba't ibang panig ng mundo kung saan nakatayo ang iba't ibang ilegal na business ng NGS. Pinasok na rin ang Dark Web. Naging kakampi na rin natin ngayon ang ibang mga bansa na kaibigan ng Temietal Union. Kaya habang tumatagal, mas yumayaman at mas nagiging makapangyarihan ang NGS."

Hearing their side is somehow understandable. They just want more to life than being manipulated by capitalism. They just all wanted to live. But now, it became a sin. Because, they are heading to become awfully greedy. 

They are just victims as well.

They just want to survive. We all want it. We all want to survive from this messed up thing called life. 

So...kasalanan ba nila na naging makasalanan sila?

"These are too much, Dr. Mantis' said. Narinig ko lang sa pag-uusap nila Dad sa bahay no'n. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila, pero nang marinig ko ang sinabi niya na ayaw na niya ay nalaman ko na 'yung gusto niyang ipahiwatig. Kinuwento niya sa'min nila Yulee ang totoong pinagmulan ng NGS. Kaya no'ng tumalikod siya sa sistema, kasama niya kami." I literally felt chills went down to my spine as he said it wholeheartedly.

Kasalanan din bang ituro namin ang mga kasalanan nila?

"Bakit ka sumama? You have a pretty decent life, you're not suffering from destitution and would never cry for a grain of rice. You're living well, then why?" I asked. This time, I made sure that I'm watching over his face. To judge his eyes. They are calm as they landed on my sight.

"The posterity. I want to save them." Determinadong sagot niya na ikinangisi ko. "Akala ko matalino ka. So gusto mong maging superhero? Diyos ka ba?---eh kahit nga Siya hindi maligtas ang posteridad. Matagal nang panalo ang demonyo, ang kailangan mo lang iligtas ngayon, sarili mo, hindi ang ibang tao. Makikita mo ba 'yung pagpalakpak nila o maririnig mo ba mga papuri nila kung patay ka na?" He calmly shrugs his shoulders before he folds his legs.

"Hindi ako Diyos pero matagal na Niyang niligtas ang mga tao, matagal na Siyang panalo. Mukha lang talo dahil tayo 'yung natatalo. Akala ko rin matalino ka. Pero mukhang hindi mo makuha 'yung kailangan nating gawin ngayon; 'yung gustong ipagawa sa'tin ng tatay mo. Wala pa sa puso mo." Sagot niya saka pinitik ang noo ko. "Kaya bulag ka pa ngayon." 

He uttered simple words but I could hardly comprehend each of them. Am I lacking something other than sympathy?

"LUNCH NA! KAIN NA!!!!!" Sigaw na halos tili ng blonde na Gerilla. Halos lahat kami napatigil at napatingin sa kanya nang dahil sa ginawa niya. Ngunit nang makaramdam ata ng hiya ay yumuko ito at tumakbo papasok sa gusali. Ang ilan ay bahagya pang natawa sa ginawa niya. Tumayo na rin kami ni Ru upang sundan sila sa pagpasok sa loob at patungong dining table.

"Anyway, I just couldn't believe that you're that Jade na kinukwento niya sa'kin. You look different----dreadfully---F-FUDGE!---Bitawan mo nga ako!!!" Sigaw niya nang kurutin ko ang braso niya gamit ang kuko ko. Napatingin tuloy sa'min ang mga kaklase namin kaya painosente na lang ako na umupo sa harap ng dining table. Pinandilatan ko pa ng tingin si Ru nang magtangkang humiwalay ng upuan kaya nauwi rin siya sa tabi ko.

Payapa namang natapos ang tanghali pati ang maghapon. Sumabay na rin ako sa kanila para sa hapunan. Dumating na rin ang oras ng aming pahinga kaya naligo na ako bago napagdesisyunan na humiga sa kama. Bukas na namin sisimulan nila Ru ang blueprint. Hindi pa nga ako sigurado kung may magagawa ako kasi kung sakaling biochips 'yun ay dehado kami.

Napagdesisyunan ko nang matulog at nagising ng alas nwebe ng umaga. Mabuti na lang ay nagising ako. Nalimutan ko na 10am ang simula ng araw namin nila Ru sa lab. Naligo na ako at nag-ayos saka deretsong nagtungo sa kusina. Tahimik ang paligid at mukhang tulog pa ang iba o nagsipunta na sa labas ng gusaling ito. Naabutan ko lang si Ate Gina na nagluluto at si Luis Warren na nanonood habang nakaupo sa bar stool. 

"Oh, hija! Gising ka na pala!---Teka at iinitin ko lang 'yung agahan mo---" Bati niya nang mapansin ang pagbukas ko ng refrigirator na malapit sa kanya. Tuluyan ko nang nakuha ang pitchel ng tubig saka pinatong sa bar table. Napalingon pa ako kay Warren nang tignan ako nito ngunit binalik niya lang ang tingin niya sa harap. "Magkakilala na ba kayo ni Luis, One?" Umiling ako nang lingunin si Ate Gina habang nagsasalin ako ng tubig sa baso bago uminom.

"Jade na lang po itawag n'yo sa'kin." Sambit ko bago ibinaba ang baso at pitchel sa mesa saka umupo na rin sa bakanteng bar stool sa kaliwa ni Warren. Sakto naman ang paglapag ni Ate Gina ng isang plato sa bar table na laman ay tapsilog at atchara; dalawang platito na ang isa ay laman ay hiniwang hinog na mangga't saging at ang isa ay leche flan.

Wow. Each of their appearances is pleasing. Indeed appetizing. Malayong-malayo sa mga mapuputlang pagkain sa cafeteria. Ngayon lang ulit ako nakakita ng gan'tong agahan. The very last time was when Nanay Rosita cooked for me, 2 years ago. 'Yung tipong tingin pa lang, lasang masustansya na. 

Napangisi na lang ako bago napailing. Nagsimula na akong kumain habang hinahayaan ang sarili na purihin ang lasa ng kinakain ko. Alam ko na wala sa mukha ko na masaya ako pero ramdam ko na nagdidiwang ang tiyan ko. Dapat pala nag-agahan ako kahapon. Ang pinakapaborito ko kasing parte ng pagkain ay umaga at midnight snacks. Parang dumadaan lang kasi sa dila 'yung pananghalian at hapunan. Maraming iniisip para sa maghapon kaya hindi ako appreciative sa mga gano'ng oras.

"The food is nice, but don't tell me, you like Ate Gina?---romantically---" I asked this guy beside me as I caught him staring at Ate Gina. It's weird. And creepy. Naalala ko tuloy 'yung kamanyakan niya no'ng una kaming magkita. Hindi naman imposible na may kakaiba siyang pagtingin sa matanda. Nanlaki ang mga mata nito at nakakunot ang noo nang tapunan ako ng tingin.

"T*ng* ka ba? Where the hell did you get that?---and we barely knew each other for you to ask such question. Baliw ka ba?" Iritado niyang sagot ngunit napangisi na lang ako bago umiling. "I'm not. Kung hindi, don't stare at her like that. It's indecent. You looked like a pervert----"

"HEY!----I never did something like that---"

"You did. Bakit ka ba sumisigaw? I'm just stating what's not proper---"

"But I NEVER did anything improper---" 

"Then...why the hell were you staring at her?" I asked then he paused bago lumingon kay Ate Gina kaya lumingon din ako. Nakatingin na si Ate Gina sa'min habang nagpipigil ng tawa ngunit bigla na lang din niya ito pinakawalan. Ah, she heard us.

"Jade, anak, 'wag kang mag-alala. Magkakilala kami ni Luis. Parang anak ko na 'yan at gan'yan lang 'yan dahil ngayon lang ulit kami nagkaroon ng oras na magkita." Sambit ni Ate Gina ngunit hindi nabago ang ekspresyon ng mukha ko. 

May kilala si Warren dito sa NGS? At bakit sinabi ni Ate Gina na magkakilala sila, hindi kaya nasabi ni Warren sa kanya na magkakilala kami at ako si Tech Geek?

Or is it because, Warren failed to recognize my face?

"Gano'n po ba? Kaano-ano n'yo po ba siya?" Tanong ko bago kainin ang leche flan. Nang sandaling lingunin ko ito ay nakatingin siya kay Warren na para silang nag-uusap gamit ang utak.

"K-kapatid ako ng l--nanay niya...tita niya ako." Sagot niya saka ako tumango at uminom ng tubig. Obviously, a lie. Magandang bagay na rin na hindi ako nakilala ni Warren. Hindi ko pa oras para makulong. 

His relative or not, they're pretty close, huh? They're fond of each other that they have to search for a time to spend it together. I'm amazed. Kalilimutan ko na lang 'yung mga ninakaw ng hayop na 'to. Iisipin ko na lang na hindi talaga kami nagkakilala sa UGS.

Dinala ko na ang mga pinagkainan ko sa sink saka napagpasyahan na magpasalamat kay Ate Gina. "Oh--naubos mo 'yung atchara?" Gulat niyang tanong at tumango naman ako. "Paborito ko po 'yung atchara. Lalo na po 'yung sobrang fermented." Sagot ko pa at napangiti siya. "Talaga ba?---ayaw ng mga kaklase mo e akala ko ayaw ng mga bata ngayon dahil iba na panlasa nila. Nagaalangan pa ako na ilagay sa plato mo, mabuti na lang at nilagay ko!---gusto mo bang hainan kita lagi ng gan'to sa plato mo?" 

"Kahit sa agahan na lang po. Mas nalalasahan ko po sa umaga." At matrabaho ang paggawa ng atchara. "Saka...kahit isang garapon na lang po ang gawin n'yo kada linggo." 

"Pa'no mo nalaman na gawa ko?!" Gulat niyang tanong pero parang kumikinang ang mata. Kamukha ng reaksyon ni Nanay Rosita kapag natitikman ko ang orihinal na recipe ng mga luto niya. "Iba po kasi 'yung lasa kapag gawa ng...nanay?" Sagot ko bago napangisi sa walang kwentang sagot ngunit lumiwanag ang mukha niya na parang natuwa sa sinabi ko. 

"Mas masarap, ano?" Nagagalak niyang sambit kaya pilit na lang akong ngumiti upang suklian ang mga ngiti niya. "Mauuna na po ako, may pupuntahan lang po ako. Salamat po sa pagkain." Paalam ko saka na tumuloy sa paglabas ng gusali at saka tinahak ang daan palabas. Hindi ko na rin pinansin ang presensiya ng ilang mga kaklase ko na nasa hardin nang madaanan sila.

Nang marating ang aking destinasyon ay malaya na rin akong nakapasok sa lab dahil nasa labas lang rin si Yulee na parang sadya na hintayin ako. Hindi siya nagbubukas ng usapan na ipinagsawalang bahala ko na. Marahil nasabi na ni Ru ang relasyon namin ni Dad sa kanya kaya gan'yan siya katahimik.

Nang marating na namin ang loob ay bumungad sa'min ang anim na mga lalaking nakatayo sa harap ng lamesa na sabay-sabay pang napatingin sa direksyon namin. Naglakad na rin kami papunta sa kanila ngunit habang papalapit kami ay ramdam ko ang mapangusisa nilang mga tingin. Si Ru ay abala sa laptop na gamit niya. Ngayon lang ba sila nakakita ng tao? Hindi naman siguro ako mukhang homo sapiens 'di ba?

"Ano ba? May gusto ba kayong sabihin?---medyo nakakairita na." Sambit ko bago iniscan uli ang QR code na nasa blueprint saka nilibot ang laman ng file. 

"Ikaw talaga 'yung Jade na kinukwento ni Dr. Mantis?----" Tanong ng kung sino ngunit pinutol ko na agad. "Hay...simulan na natin muna 'to." Inip kong tugon bago nagtungo kay Ru.

"May nasimulan na ba kayo dito?" Tanong ko sa kanya at bahagya itong umiling habang hindi pa rin nawawala ang tingin sa screen ng laptop. "Maraming kulang na tools para sa scanner..." Sagot niya. "And, we have no idea how to do this microchip. We tried comparing it from the other kinds of chips, 'yung alam lang namin, pero malayo sila. So, we decided na pag-aralan muna." Halos nanlumo ako nang malaman ito. Kung mamalasin nga naman.

Minsang sumagi sa isip ko na parang imposible na hindi nakagawa si Dad ng original copy ng chip. At kung nakagawa siya, malamang ay tinago niya o sinira niya. Pero ang malaking tanong na bumabalik sa'kin ay 'yung reasonable na dahilan kung bakit niya hindi isinuko ito sa gobyerno. Ang microchip ay RFID (radio-frequency identification) implants at kahit saang anggulo ko tignan ay hindi naman ito harmful sa tao. Nagagamit na nga ang implants sa ibang bansa dahil electronic identification ito. Nakikita ko na nagawa lang naman 'to para sa convenience ng mga tao. Pero kung tinatago ni Dad ay malamang, hindi ito ordinaryong microchip.

Could it be destructive?

"One---I mean, Jade...'di ba may lab si Dr. Mantis sa labas? May idea ka ba kung saan 'yun nakatayo?" Tanong ng 'di ko kilalang lalaki. Nakasalamin siya at parang nerd na ewan. Basta mukha siyang pinanganak para sauluhin 'yung elements sa periodic table.

"Well she said before na alam niya---oo nga? Onga'no? What if you guys go there tapos hanapin 'yung tools?" Sabat ni Ru na sa wakas ay tumingin na sa'kin. "Pre, 'di pwede. Mas mahigpit na security system sa campus ngayon. 'Di kami makakalabas." Pag-apela naman ni Steve at napatango naman ang iba.

"Kaya niyang i-hack 'yung system." Dahilan naman ni Ru. "We can escape if we have a secret exit or what, except the main entrance gate. Kung lahat tayo lalabas, mahirap makalusot sa mga nagbabantay." Sagot ko. "PLUS, the vehicle. Ano'ng gagamitin natin? 'Di ko kayo kayang iangkas sa motor ko." 

"Pa'no kung isa na lang sumama sa'yo?" Suhestyon ng nakasalamin. Pwede naman na ako lang mag-isa. Pero kung si Ru ang sasama, okay lang din. Pwede rin itong nerd. Baka may makita pa sila sa lab na kailangan namin para rito sa ginagawa namin.

"I think, Nicholas must go--ah no, ayaw mo nga pala kay Jade." Napalingon ako sa Nicholas na tinutukoy ng nerd. Malaking tao na bigotilyo at may balbas. Sobrang contradicting. At, ang blunt nitong batang nerd na 'to. "...ikaw Kevin? Kayo nila Ru gumawa ng scanner e." Simpleng ngumiti lang si Kevin at saka mahinang tumango bago lumingon sa'kin. Mukha naman siyang masunuring bata. Pwede na.

"Jay, assign someone din sa paghahanap ng tagong lagusan palabas." Utos ni Ru. So, the nerd's name is Jay. Sa nakikita ko, parang siya 'yung dominant type. Akala ko si Ru 'yung leader nila. 'Di ako makapaniwala na ang tingin ko sa kanilang lahat no'n ay hooligans. Si Ru naman kasi mukhang kumakain ng buhay na tao. Ngayong pinapanood sila gamit ang bagong perspektibo ay mukha silang mga edukadong mga lalaki.

"Kayo na lang Yulee ang bahala nila Steve. Maghanap na kayo ngayon---Jade, you hack the security cameras kung sa'n sila papunta. They'll be in contact via call." Utos ni Jay. Tumango na lang ako. "While they are in search for an exit, the research team will proceed to their jobs. Ako na rin ang maglilista ng mga iuuwi nila Kevin dito." 

Halos lahat kaming natira rito ngayon ay nasa kanya-kanyang computer cubicle. Abala ako sa paghahack habang ang iba ay nag-aaral patungkol sa chips.

Nang oras na upang mananghalian ay hinatiran na lang kami ni Jay ng lunchboxes na binili lang daw sa cafeteria. Walang patay na segundo hanggang pumatak na ang alas dose.  

"Ru, ikaw na lang ang sumama kay Jade. Binabalisawsaw si Kevin---"

"Hindi naman malala sakit niya---"

"But we don't have any spare time to waste, AT mas lamang rin 'yung knowledge mo sa chips na 'to---"

"Jay, hindi ako safe sa labas!"

"No one will figure out that, Ru, 'di naman kayo gagala---"

"Kahit na! Pre, kapag nahuli ako, huli rin si Jade! Pwede pa kayong madamay---"

"Dude, what's going on?" I whispered at Steve who's beside me. He leans as he responded. "Kapag nahuli si Ru na nasa labas ng school, lagot siya sa papa niya. No'ng grade 9 siya, hinayaan nung tatay niya na malagay 'yung pangalan niya sa execution ng juveniles dahil lumabas siya sa school. No'ng oras na mangyayari na 'yung execution, nasa ospital na sila para patayin, do'n lang tinanggal 'yung pangalan niya..." Napatango na lang ako sa sinabi niya at hindi na rin nagulat sa ugali ng tatay ni Ru. Hindi na nakapagtataka na kahit sa anak niya ay hindi siya makatao. At least, consistent siya.

"RU! If you're still this scaredy-cat, tapos nagpaplano kang kitilin ang kasamaan nila, sa tingin mo ba magagawa mo 'yun?---HINDI. You're the most sturdy pillar among us kaya hanggang ngayon nangangarap pa rin tayo, kasi sinabi mo noon na posible. And you made us think that IT IS." This Jay, is a real man. Hands down.

Kalmado ang itsura nilang dalawa sa pag-uusap at ang matitikas na tinig na ang dynamiko lang ay paglakas at paghina, normal na pag-uusap ng dalawang parehong edukadong tao. Argumento man pero halatang hindi sila mauuwi sa away.

"Sige, sige, ako na bahala." Sagot ni Ru saka ito lumingon sa'kin pero kinindatan ko lang siya para asarin. Inirapan naman ako ng hayop bago muling binalingan ng tingin si Jay. Nakabalik na ang lahat dito sa lab at nasa may mesa na ulit kami nagtipon. Katabi ko na si Ru habang inaabangan na namin ang cue ni Jay.

"Here." Abot ni Jay sa'min ni Ru ng itim na flashdrive. "2:45 ang departure. Escorts are Yulee and Steve. Lookouts; sa norte si Niko(Nicholas), south si Kevin, ako sa west, at si Oliver sa east. 3 o'clock to 3:45, ang estimated arrival sa destination. By 7 o'clock, Ru, i-message mo kami tungkol sa lagay n'yo at kung pauwi na kayo. Before 9, dapat nakabalik na kayo rito." Pahayag niya sa kanya-kanyang mga trabaho. Tumango naman kami saka ko isinukbit ang bag ko habang sila ay nagpalit na rin ng damit. Nag-itim ang iba at puti naman ang natira. Narinig kong inutos ni Jay para raw agaw pansin sa paningin ng mga tao. 

Hindi ko na rin kinailangan na magpalit dahil nakaitim ako na oversized sweatshirt at itim na shorts na above the knee ang ikli. Mabuti na lang 'di ko tinuloy na magtsinelas at sinunod ang sarili na suotin ang beige kong high cut sneakers. Ang problema, wala akong sobrang helmet para sa batang isasakay ko. Kung may pakwan sana, 'yun na lang ibalot sa ulo niya. 'Di naman kami maaaksidente kaya bahala na.

"Pa'no nga pala kayo makakapunta do'n? Sa'n kayo sasakay?" Tanong ni Steve sa'kin pero si Jay ang sumagot. 'Di ko rin naman balak sagutin dahil nasabi ko na kanina pa. "Motor daw. Sabi niya." Turo pa sa'kin ni Jay at sabay naman na nanlaki ang mga mata ni Steve. Nagulat din ang ibang mga nakarinig sa'min. Hindi ba sila nakinig sa'kin kanina at nagulat pa sila?

"T*ng-***, Ru! Patay ka!" Mura ni Steve.

-------

Author's Note:

Finals na namin kaya pasensya nang sobra sa slow updates! But, I'm trying my best naman na makapag-revise everyday! Thank you for understanding! Enjoy reading!

Continue Reading

You'll Also Like

14.2K 453 37
Luck is a luxury that Trandi can't have. All her life misery and tragedy was her companion. That was the destiny have declared. Trandi must live her...
18.8K 887 60
Sa panahon ng Dynastiya ng Xiang noong ikatlong siglo sa Tsina, ay sino ang magaakala na ang isang ordinaryong babae lamang na si Fei ay papasok sa p...
81.4K 4.3K 106
As a famous daughter of retired Yakuza, Astred wanted nothing more than to be with her family and spend time she had with her loving family. Being fa...
169K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...