CHOSEN ONES (Revised Version)...

By MildeJourney

17.8K 678 10

An eighteen-year-old girl received the excruciating experience that she never imagined with her family. Jade... More

DISCLAIMER
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Part 2 of Chapter 21 : HISTORY OF NGS
Chapter 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Part 2 of Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Part 2 of Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Last Chapter: The Downfall
Epilogue

Chapter 21

251 15 0
By MildeJourney

JADE MELLONTIKOS MANTIS'
Point of View

I feel so indifferent as I remember glancing his enthusiastic eyes and beaming smile. I was too fed up by anger but I know that I did well. Cutting our ties isn't depressing. But, it's a waste. As I thought, he remained the same. Still a loyal servant of his father.

Now, I started to suspect his motives sa pananatili niya rito. Maaaring may sinabi siyang kasinungalingan sa'kin. Basta ngayon, hindi ko na siya pakikinggan.

Hindi ko lubos akalain na hindi man lang niya naisip 'yung epekto ng ginawa niya sa pamilya ko samantalang sinabi ko naman sa kanya ang dahilan kung bakit hindi isinasapubliko ang pagkamatay nila Dad. 

Ano pa ba ang aasahan ko? E likas na makasarili ang mga tao?

Nang maituro sa'kin ni Ate Gina ang kwarto na gagamitin ko ay tinahak ko na ang corridor nang mag-isa. Pumasok na rin ako sa kwarto at mukhang may isa akong karoommate. Hinagaan ko na lang 'yung kama kung saan nakapatong ang bag ko. Utang na loob, sana hindi si Hazaell o Ramirez ang kasama ko rito. 

Umupo ako upang minsang libutin ang paningin sa paligid. Tulad ng arkitektura ay victorian din ang interior ng silid. Dalawang magkatapat na single beds. Hindi kasing lawak ng kwarto namin sa dorm pero sakto na sa dalawang tao. Babaeng babae ang vibe na binibigay ng kwarto mula sa ornaments, furnitures, carpet, curtains, bed covers, kumot, at unan. Saka ko napansin na na'ndito na pala ang maleta ko at ilang mga gamit na naiwan ko sa dorm. Pinasok ko na ang mga gamit ko sa bakanteng puting closet bago muling humilata.

Hindi ko pa namalayan na nakaidlip pala ako. 

"Kung gutom ka, pwede kang magluto sa baba." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, mukhang siya ang karoommate ko. Mabuti na lang ibang tao. Hindi ko na ito nasagot at tinignan ang oras sa aking cellphone. 11:45pm na pala. 

Umupo na ako sa kama saka pinatay ang ilaw ng lamp shade na nasa tabi ko bago lumabas sa kwarto namin. Natulog na rin 'yung karoommate ko. 

Bumaba na rin ako papunta sa kusina. Ang tagal ko na nga palang hindi nakakapagluto para sa sarili ko. 

Nang makatungtong ako sa aking destinasyon ay agad akong napaatras nang makarinig ng paghulog ng kawali sa sahig pati ang pagsigaw ng lalaking ito. Pareho pa kaming nanlaki ang mata nang magtama ang tingin naming dalawa.

He looks embarrassed as he took away his gaze from me at kinuha ang nahulog na pan saka nilagay sa sink. Nang lapitan ko ito at sinilip ang sahig ay omelette ata ang niluluto niya. Probably, he's trying to flip it na mukhang dumulas sa kamay niya kaya nabitawan at nahulog. 

"Aano ka dito?" Tanong niya ngunit napangisi na ako nang makita kung ga'no kakalat ang paligid ng sink at electric stove. 

"Dinner?" Tanong ko bago nagtungo sa ref. Hindi siya sumagot pero tinuloy ko na lang ang aking ginagawa. Dahil gabi na rin at oras ng pagtulog ay minabuti kong maghanap ng mga tamang ingredients; hipon ang kumuha sa'king pansin. "Allergic ka ba sa hipon?---sa'n ka allergic?" Paglilinaw ko. Hindi agad siya nakasagot ng ilang segundo, mukhang nag-aalangan.

"Hindi ako maselan---bakit? Magluluto ka ba?" Tanong niya. Hindi ko na lang siya sinagot saka nilabas na ang mga nakuha kong ingredients, ngunit hindi ko naman maipatong sa gilid ng sink dahil sa mga kalat na ginawa ni Ru. "Tanggalin mo nga 'yan." Utos ko at himala naman na hindi siya nagreklamo at pinunasan na rin ito kaya nailapag ko na ang mg nakuha ko. Hindi naman sobrang frozen ang mga hipon kaya habang binababad ko sa tubig ay hinugasan ko na ang lemon at garlic saka sinimulang hiwain.

Isinalang ko na rin ang wheat breads sa toaster.

His stare and the awkward silence are dangerously affecting my mind that made me so annoyed kaya inutusan ko siyang umupo sa harap ng bar table. Pero, nanonood pa rin siya. Nakaharap rin kasi itong sink at stove sa bar table. Napabuntong hininga na lang ako saka sinimulang tanggalan ng ulo at balat ang mga hipon.

Naramdaman ko pa ang pagdaan ni Ru sa likod ko ngunit literal na napatigil sa pag function ang utak ko pati ang katawan ko nang maramdaman ang katawan niya sa likod ko. Saka ko pinanood ang pagdaan ng kamay niya sa bewang ko at ang magaan na pagtali niya ng apron sa likod ko. "You look pro, kaso unhygenic." Bulong niya kaya napangisi ako. "At least marunong magluto." Sagot ko saka tinuloy ang ginagawa ko. Ang ungrateful naman nito. Lagyan ko kaya ng isang kutsarang MSG ang pagkain niya.

Mukhang nakabalik na siya sa bar stool dahil nararamdaman ko na naman ang panonood niya. Tila nanonood ng live cooking show. 

Sa inaasahan ay sa loob ng 17 na minutos ay natapos ko na ang Garlic Shrimp in Lemon butter sauce. Pinatong ko na ito at ang plato na may apat na toasted wheat breads sa bar table bago naghiwa ng saging at binuhusan ng strawberry yogurt sa isang bowl. Kumuha na ako ng dalawang tinidor saka inabot sa kanya ang isa.

"Woah." He utter while reacting that he's so amazed. Pero nang makita niya na nakatingin ako sa kanya ay mabilis na naglaho ang reaksyon nito at napalunok pa. "Wala naman sigurong lason 'to---" kinain ko na ang isang shrimp at kumagat na rin sa isang tinapay bago nilingon ang ungrateful na lalaking 'to. 'Wag naman sana niyang harap-harapan na ipamukha sa'kin na mukha akong kriminal o mamamatay tao. 

Mukha naman siyang kumbinsido kaya sumubo na rin siya. Hindi siya agad nagreact nang simulang nguyain kaya inaabangan ko pa ang ekspresyon ng mukha niya. Pero nang makita ko na nanlaki ang mga mata niya ay napangisi na lang ako. Mukhang hindi pa rin kinakalawang ang abilidad na pinamana sa'kin ni Nanay Rosita.

"Sa'n ka natutong magluto?" Tanong niya ngunit tinuloy ko lang ang pagkain ko.

"Ikaw, gan'tong oras ka lagi kumakain?" Pag-iiba ko ng usapan habang nginunguya ang hipon sa bibig ko. Nakatingin lang siya sa plato namin saka tumango-tango. Ang mga pagkain naman na hinain ko ay mabilis matunaw sa tiyan dahil 'di maganda na mabibigat na pagkain ang kinakain bago matulog.

Iniwan ko na sa kanya ang mga hipon at kumuha na ako ng dalawang dessert spoons. Pinatong ko ang isa malapit kay Ru saka ko naman ginamit ang isa para kainin 'yung yogurt. Maganda rin ang saging bago matulog. 

Walang nagsasalita sa'min habang kumakain kaya hindi ko na rin siya nililingon. Marami pa rin akong gustong itanong sa kanya pero he's not willing to cooperate, so why insist? Kung may plano na silang gawin sa blueprint, e 'di sila na ang bahala. Kung estudyante sila ni Dad, malamang may kakayahan silang gawin 'yun. Mas kaya nila kumpara sa'kin.

Pero, alam na kaya nila na patay na si Dad?

Ilang minuto ang lumipas nang putulin ni Ru ang katahimikan gamit ang mahinang pag-ubo nito. Napalingon naman ako sa kanya at hindi ko inaasahan na nakatingin na pala siya sa'kin.

"Sa'n ka pumunta? Why did you left that night and how did you penetrated the system?" Bumalik na ang seryosong mga tingin ni Ru nang itanong niya ito. "Kung hindi mo alam..." Panimula kong sagot. "Then, why did you made those excuses?" Balik ko namang tanong saka ngumisi. "Gusto mo ba akong pabalikin?"

"Oo." He replied. "Your sudden disappearance was the time I made realizations...and in order to confirm my conclusion----the answer is for you to be back...to come back."

Uminom muna ako ng tubig saka pinatong ang siko ko sa mesa saka taimtim siyang tinitigan sa mata. He's an open book. How can I unsee his overflowing emotions written on his eyes? 

"So...you knew?" Pagkumpirma ko. Nang tumango ito ay napangisi na lamang ako sa katalinuhan ni Dad. Malamang, matalino ang estudyante niya tulad niya. Matalino nga si Ru.

Dad planned all of these. 

Designed and not pure coincidences. 

"You're his Jade." Mahinang sambit niya saka ako tumango. He's cautious to mention my relation to Dr. Mantis. 

Sa mga oras na 'to, alam nming pareho kung ano ang gustong ipagawa sa'min ni Dad. He chose us.

And if Dad trusted us to fight against this heinous government, then I'm willing to coordinate with his students. Naniniwala siya na ang mas marami, mas malakas. 

"So...sasabihin mo na ba sa'kin ang plano n'yo?" Tanong ko bago tinulak ang bowl ng yogurt papunta sa kanya. Nagsimula na rin siyang kumain nito.

"Wala pa---pero gagawa tayo. Sa sabado." Mas mahinang bulong niya bago inubos ang laman ng bowl. Kanina pa siya sumasagot ng pabulong pero ngayon ko lang naalala na na'ndito nga pala sa klaseng ito si Yves. At ang posibilidad na hindi lang siya ang tuta ng gobyerno na napasok dito sa loob.

Kinaumagahan, hindi na ako nakasabay sa pagkain nila ng agahan dahil nilibot ko pa ang ikatlong palapag kung saan nakalocate ang mga silid-aralan sa gusaling ito. Hindi ko pa nakikita 'yung Mrs. Falla. 

Dahil 8am ang unang klase namin ay nagtungo na ako sa silid kung saan ang science lab. Nang makapasok ako ay akala ko ako pa lang ang bisita ng silid ngunit naabutan kong nakaupo't nakatalikod mula sa'kin ang kaklase kong lalaki. Namili na rin ako ng pwesto kaya sa likod at dulo ng silid na ito ang napili kong pumwesto.

Hindi ko na sana aabalahing kilalanin ang lalaking ito pero nang sandaling lumingon ito sa pwesto ko ay natigilan na lang ako. Nawala na sa isip ko na may ispiya nga pala ng UGS dito. 

Medyo bobo rin ang NGS 'no? Sana namili talaga sila ng mga estudyante na tapat silang paglilingkuran. Mukha bang isa 'tong secret agent na 'to sa mga magagamit nila?

Tulad ng napagkasunduan naming dalawa ay hindi kami nagpansinan na tila kahit kailan ay hindi pinagtagpo ang landas naming dalawa. Ilang minuto lang din naman ay nagsidatingan na ang mga kaklase namin.

Sa isang lamesa ay tatlo ang gagamit at apat naman dito sa dalawang mesa. Sa panghuli kami nakapwesto. Dahil hindi ko binalak na lingunin ang pagpasok nila sa pinto ay nalaman ko na lang na ang roommate ko ang katabi ko habang nasa harap naman niya si Cedrick na katabi lang si Ru. Nang magtama pa ang tingin namin ni Ru ay tinaasan ko lang siya ng dalawa kong kilay at gano'n din ang ginawa niya. Buti alam niya ang tamang pagbati.

Nagsimula na rin ang klase at pilit ko pang hinahanap ang pinagkaiba ng mga kurso namin sa section na ito mula sa mga ordinaryong klase. Nang matapos ang klase ay lumabas na rin kami ng silid dahil sa History naman ang sunod na klase. Dahil nauuna si Ru kumpara sa bagal ng lakad ko ay sinabayan ko ito upang sadyaing magtanong.

"There's nothing different here. Isn't it ridiculous?" Lumingon ito sa'kin saka nagkibit-balikat. Ngayon ko lang napansin ang suot niyang uniporme. Iba na kasi ang suot naming mga uniporme. Dati ay puting polo lang na may embroided na pangalan ang kanila, habang ngayon ay puting longsleeves polo na may beige vest at tie na sila. Puti ang pants pati ang kanilang sapatos. 

Mukha siyang model. Well, I admit that he's incredibly charismatic at the same time attractive. That pair is dreadfully dangerous. PLUS. He seems not fully aware to acknowledge it but he's naturally behaving like he's a higher being. So, it's really dangerous. He can harm people without realizing it. That's a sin. 

"Yeah, but these are only pre-requisites. Buti nga isang araw ka lang makakapasok sa lahat ng courses, e kami limang araw namin silang pinasukan---and that's because of me, ginger. Thank me." Sagot niya dahilan upang irapan ko siya. Iba talaga ugali ng lalaking 'to. Mukha ba akong luya?

Pumasok na kami sa klase at sinadya kong sundan si Ru dahil nararamdaman ko ang paglapit ni Cedrick sa'kin. Hindi ko pa kayang tignan ang lalaking 'to. Malinaw pa sa'kin ang nangyari kaya baka hindi ako makapagpigil kapag nangulit siya. 

Sa dulo at likod ng silid umupo si Ru kaya tumabi agad ako sa bakenteng upuan na nasa kanan niya. Nakakunot ang noo niya pero pinaningkitan ko lang siya ng tingin.

"Crush mo ba ako?" Tanong niya sabay ang tila nandidiri na reaksyon ng mukha niya habang nakatingin sa'kin ngunit tinuro ko lang ang gawi ni Cedrick upang sabihin na nilalayuan ko ang lalaking 'yun. "I thought you're friends?" Bulong niya sa aking tenga kaya marahas akong napaatras nang dahil sa gulat. Mabuti na lang at dalawa lang kami na na'ndito sa row kaya walang nakakita sa ginawa ng bwisit na 'to. 

"Yeah! And stop breathing on my ear! So disgusting." Balik kong bulong at saka siya sinamaan ng tingin ngunit ngumisi lang siya. 'Yan na naman 'yung pinakapangit na ngisi na nakita ko sa balat ng lupa. 

 "Good morning, CHOSEN ONES!!!---oh! Kumpleto na kayo!" Masiglang bati ng ginang na ito saka pumalakpak pa habang nakatingin sa'kin. Galaxies are in her almond eyes as she blissfully claps. Ang energetic niya kahit na hindi malapit ang edad niya sa'min. Tila nakakahawa rin ang kagalakan niya sa buhay nang mag-iba ang ihip ng hangin dito sa loob ng silid.

"Welcome, Jade, hija! Mabuti at magaling ka na! Sobrang nag-aalala kami sa'yo---teka, kilala mo na ba ang mga kaklase mo?" Tanong niya ngunit simple lang akong umiling. She clasps her hands excitedly as she visits her eyes on each of these students. "Okay! SIGE!---pakisimulan n'yo na sa unang row!" Pagsenyas niya at tumango ang tatlong babae na nasa pinakaunahan bago tumayo at humarap sa'kin.

"Hello! I'm Krizelle Gerilla, daughter of Senator Kriztoff Gerilla. I believe in miracles. Alam mo ba? I never excelled sa acads, pero I got here! TAPOS, I hate disgusting things." Pakilala ng babae na kapareho ko ng iksi ng buhok at mabuti na lang ay hindi pati kulay. Blonde naman pero wala siyang highlights. Mukhang natural din ang perm ng buhok niya. Mas maliit siya kumpara kay Ramirez.

"Hi, ate Jade!! Ako naman si Charice Mae Gerilla at anak ako ni Senator Charles Gerilla at magpinsan kami ni Krizelle dahil magkapatid ang magulang namin. Lagi kaming magkasama at ang identical daw namin kaya Gerilla sisters ang tawag nila sa'min." Masiglang pagpapakilala niya. Kayumanggi ang kulay ng balat at may natural black na buhok nitong hanggang balikat. Hindi rin na makakaila na may pagkakahawig nga silang dalawa ng isang Gerilla.

"Hi, again! Well, you already know my name but I think you haven't known that I'm the daughter of our President, kapatid ko 'yung katabi mo. Sana mas maging friends at close na tayo!" Malambing na pagpapakilala ni Miss Ramirez. Pero napalingon ako agad sa katabi ko nang marinig 'to. What the hell? "Why didn't you tell me?" Bulong kong tanong at ngumisi lang ang mokong. "It's not important---and you didn't asked." Napairap na lang ako nang mapagtanto ang sinagot niya bago muling tumingin sa harap. Ang pangalawang row naman na ang nakaharap sa'min ngayon.

"Hi, One! Ako si Jacob Yves. Sana maging magkaibigan na tayo." Blangko ko lamang itong tinignan. What a crap.

"Good Morning, Jade. I'm Mark Rio Tuazon son of Senator Marco Gil Tuazon. I'm one of the contributor at NGS' newspaper." Paalam niya. Nang-aasar pa nang banggitin ang pangalan ko. So, he's a journalist of this sh*++y country and not UGS'? Wow, he's good at playing. Mabuti na lang at wala akong pakialam sa pagkatao ng pesteng 'to.

"Hi, Jade." Maikli niyang bati. Hindi ko na rin tinagalan ang tingin ko sa kay Cedrick at nilipat na sa huling row na sunod na tumayo.

"Hi, sis! Well, I know you already know my name but pwede ko namang ulitin in a formal way; I'm Hazaell Villamozor, daughter of our Vice President. We can be friends, but I hope 'wag mo nang i-bash si TG." Pasimple akong napailing sa sinabi ng babaeng 'to. Akalain mo nga naman na halos lahat sila ay may kapit sa taas. Binase ba talaga ang pagpili sa results?

"Hi! Ako si Smile Morales, I don't know if natatandaan mo ako but we're classmates sa IT-V. Anyway, anak ako ni Doctor Morales. Since, we're roommates, sana we click, para we can be friends." Tumango na lang ako kahit hindi ko matandaan ang mukha niya. Dumako na ang tingin ko sa lalaking katabi niya bago napangisi. Good luck na lang sa'kin kung isusuko niya ako sa ahensya nila. Bahala na, jusko.

"I'm Luis Warren, son of the Mechanical Engineer of the NGS, Philips Warren." Of course, that's fake. He's a secret agent. 

"Ru Ramirez, son of our President." Sambit ni Ru na nakatayo na pala saka rin umupo. Ngayon ay nakatingin na silang lahat sa'kin at mukhang hinihintay din ang aking pagpapakilala kaya naman ay tumayo na rin ako.

"I'm Jade Driven. My dad is a psychopath." Sambit ko, depensa laban sa mga nagtatangkang pestehin ang katahimikan ng buhay ko. Binalik ko na ang tingin sa guro namin na tila nagulat sa sinabi ko. Ah, she's a softy, pretty innocent. I feel sorry, tho.

"A-ahm---" She blinked a couple of times. "Anyway! Again, WELCOME, JADE! I'm Mrs. Falla, your temporary instructor for this section but I'm also your History class professor! Nice meeting you, hija!" Masigla niyang bati bago sinimulan ang diskusyon ng klase. 

"Here." Abot sa'kin ng libro ni Ru nang mapansin na wala akong maunawaan sa sinasabi ni Mrs. Falla. Continuation ng pinag-aaralan nila kaya hindi ko masundan. Kinuha  ko na lang ang binigay ni Ru saka sinimulang libutin ang libro. Mabuti na lang at isang oras lang ang naging klase at apat na oras pa ang bakante bago ang natitirang mga klase. 

Hindi ko talaga gusto ang History class sa kahit anong hugis pa. Pero, kailangan kong malaman 'yung sa NGS lalo na halata namang hindi fortuitous o aksidenteng himala ang bumuo sa bansang 'to. 

"Kakain ka na ba?" Tanong ni Ru ngunit umiling lang ako bago kami lumabas sa silid. Habang naglalakad kami ay napatigil ako at mukhang naramdaman nitong kasama ko kaya napatigil din siya at nilingon ako. I boringly handed his book before speaking. "Ikwento mo na lang. Ang dami kong masasayang na oras sa 500 pages na 'yan." Sambit ko at mula sa naging reaksyon niya ay hindi niya ito gusto at tinulak ang libro pabalik sa kamay ko.

"At ano? Hindi ba masasayang ang laway ko?---"

"Your saliva is awfully gross, hindi masasayang 'yan---"

"You think, I would do that favor with that attitude of yours?" Napatigil ako sa sinabi niya. Siya naman kasi ang nagsimula. Kung sana pumayag agad siya e'di hindi na kami naglaitan.

I sighed before standing beside him saka nagsimula na kaming naglakad pababa ng hagdan. 

"Dali na kasi, Ru..." Mahina kong pamimilit pero this time ay naramdaman ko naman na siya ang naiwan kaya napalingon ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin. Hindi ko mabasa kung nandidiri ba siya o kung ano pero pinuntahan ko na lang siya at saka binangga ang balikat ko sa braso niya. Ngunit, tila nabaligtad ang aming sitwasyon nang bigla niyang hawakan ang magkabila kong pisngi pero napamura agad ako nang kurutin niya ito nang sobrang diin. 

"Never call my name using that manner." He strictly commanded before he released my cheeks at nauna pang bumaba. Akala ko ay iiwan na niya ako pero mabuti at tumigil siya sa baba kahit nakatalikod pa rin sa'kin. Tumakbo na lang ako patungo sa tabi niya saka tinignan siya. 

He's flushed. What the hell?

"May sakit ka ba?" Agad kong tanong nang mangamba na baka mahawaan ako. Ayoko pa naman sa lahat ng sakit ay 'yung sipunin, lagnatin, o ubuhin. Sinamaan niya lang ako ng tingin saka pumunta sa likod ko at tinulak ako papunta ng garden na nasa harap lang ng gusaling ito.

"You must shut your mouth as I tell the unbiased history of NGS."

To be continued...

----

Photo Credits: sherrysong (Link: https://www.pinterest.ph/pin/355221489358806479/)

Continue Reading

You'll Also Like

47K 1.4K 17
Zabrina, a normal teenage girl who loves reading books and novels where she reach to the point that she never sleep at night just to read the last ch...
127K 6.4K 51
Andrea Castillo is an orphan who loves to cuss. Everyday is a cussing day for her and she loves it whenever she see how people's faces contorted upon...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
244K 9.6K 60
(1/3) A nun was transmigrated as Princess Amelia Windsor. Never on her life she hoped and wishes to raise her children alone in the middle of a plac...