CHRYSTAL'S POV
"So your saying na kami lang ni Zion ang magpeperform?! No way!!" Reklamo ko. Kasi sabi nina Ice at Sally na kami nalang daw. "Bakit hindi ka peperform Ice?"
"Wala akong gana... Kayo nalang."
"Anong walang gana?"
"You.Both.Perform.Without.Us." Sabi niya at sinamaan ako ng tingin. Lukitin ko kaya mga mata niya eh >.< Pasalamat siya nagshi-ship ako sa kanila ni Sally.
"Sally-ah!" Sabi ko.
"Kaya niyo yan ni Chrystal. Kaya niyo ni Zion diba?" She smiled at me.
"I wanna share the stage with you!" Reklamo ko.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Magkataon din ulit, I'll share a stage with you." Ginulo niya ang buhok ko na parang aso at tsaka inangat ang kamay ko at hinigh-five ito.
Tinignan ko si Ice. "Eh bakit wala kang gana?"
"Wala lang..." Kumunot ang ulo ko at tinaasan ko siya ng kilay. "Anong walang gana? May gana ka ngang alagaan si Sally!" I shouted. Nanlaki naman ang mga mata niya.
"Because his brother asked me to." Sabi niya at sumandal ulit sa pader.
"Hays... Fine. Basta kapag manalo kami mamaya ni Zion, we'll give the trophy to you, Sally." Nginitian ko siya. Sally smiled back and mouthed good luck.
Lumabas na agad kami ni Zion at pumunta na ng school para makapag last practice.
----
While walking, naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko.
Ate Ayumi calling....
"Oh? Yes ate?"
["Kamusta na ang kapatid ni Vinci? Is she okay na?"]
"Well okay na din siya ate. Kailangan niya lang magpahinga dun for a week."
["Diba kasama mo siya sa pagperform?"]
"She needs complete rest. At tsaka kami nalang ni Zion mamaya ang magpeperform kasi ayaw din ni Ice, yung partner ni Sally."
["So... Kayo naman ulit magkasama ni Zion sa stage huh?"] She said in a teasing voice.
"Well yes Ate. Sige na, magpa-practice pa kami ni Zion."
["Sige. Just look for me in the audience mamaya okay? I'll be cheering on you."]
"Okay ate!"
"Sino iyun?" Tanong ni Zion.
"Malamang ate ko. Tara na nga." Sabi ko at hinila na siya papasok ng building.
-------
We practiced and practices and practiced hanggang sa may umistorbo samin. "Excuse me." Kumatok siya sa pintuan at pumasok.
"Yes?"
"Kasali ba kayo sa Final's Talent competition?"
Tumango kaming dalawa ni Zion. "Yes. Bakit?" She smiled and gave us a number.
"Heto. Your performance number mamaya. Please be ready in time for the competition. Nga pala, You know me right? I'm Janice. The student council president." Ay oo nga pala, siya nga ang council president. Hindi ko siya na recognize kasi naging brown yung buhok niya.
"Salamat." Sabi ko. Umalis na agad siya. Hinarap ko si Zion at tsaka binigyan ng malaking ngiti. "Looks like we need to win this."
------*6:20pm*------
Students from different schools are arriving na. Crowded na ang buong field. Ang narerecognize ko lang na mga school uniforms ay ang Sabertooth Academy at Lincoln University. Yung iba, hindi ko na marerecognize. Nandito kami ngayon ni Zion sa rooftop ng building, nagpapahinga at kumakain ng cup of noodles. Kitang kita dito ang buong field.
"Chrystal." Tawag sakin ni Zion.
"Yep?"
"Good luck to us." Sabi niya at nginitian ako.
"Yeah." Nagulat kami nang bumukas ang pintuan ng rooftop. "Ate!"
"Hii!!! Ako ang makeup artist niyo for today." Sabi niya. Me and Zion are wearing black and white leader jackets, skinny jeans at tsaka black ankle booths. Dahil hindi ako mahilig sa makeup, Well actually wala talaga akong interest sa makeup, I just agreed.
Sinabihan ko lang si Ate na konting makeup lang ilagay niya sa mukha ko. Hindi ko gustong mag mukhang panda bear o raccoon XD Linagyan niya lang ako ng eyeliner, light eyeshadow, at light blush. Si Zion naman, inayos ni Ate ang bangs niya at tsaka linagyan siya ng eyeliner.
He looked more badass than before, OHMAGAHD.
"Good luck sa inyo!" Sabi ni Ate at pumalakpak.
"Thanks ate! Good luck to us nga." I said. Bumaba na agad kami ng building at pumunta na sa backstage.
Habang nasa backstage kami, may bumangga sakin na babae at sinamaan niya ako ng tingin. "Oh... Diba ikaw ang isa sa mga kasama ng brat na iyun?" I remember her. Siya si Valerie.
"Excuse me." Dadaan na sana ako pero hinarangan niya pa din ako. Ano ang gusto nang langhiyang retokada na 'to?
"Oh don't walk back at me. Pagsabihan mo ang kaibigan mong tumulak kay Franchesca na papatayin siya namin. Okay?" She patted my shoulder.
"As if mapapatay mo siya." I said. Hinarap niya naman agad ako.
"Do you think we can't? At tsaka may lakas ka pang sumabat sakin ah? Hindi ka ba natatakot sakin?" Pfft....
"Bakit naman ako matatakot sayo? Multo ka ba? Si Annabelle ka ba? Hindi naman diba? Tao ka lang. We're both the same. We're both human. Kaya mabuti pang pabayaan mo na ang kaibigan ko." I said and patted her shoulder in return. Hinila ko na din si Zion na busy sa pag-uusap kay Nathan sa labas.
Hinila ko siya sa kung saan may mga upuan at may maliit na tv kung saan pinapanood ang mga performers.
"Good evening!! Welcome everyone to the final's talent competition!" Sigaw ni Janice, ang student council president.
"The show is about to start in just 15 minutes. Let's welcome the first year high school students to perform their introduction number."
Nagkatinginan kami ni Zion at tsaka nginitian ang isa't isa. Nawawala din ang kaba ko when I see his cute dimples! >////<
Osya... Okay focus ka muna, Chrystal ah.
Pagtapos ng intro number ng mga first years ay tinawag na ang first performer. Ika number 14 kami magpe-perform.
The first one to perform are students from I don't know what school pero apat silang babae. Sinayaw nila yung Touch My Body ng Sistar. Sinilip ko si Zion na bigla na lang tumayo at tsaka sumayaw din. Abnormal kasi eh, hinayaan ko lang.
Pero ang touchy lang ng sayaw, eek. At tsaka ang innapropriate pa ng mga sinusuot nila. Short shorts tapos parang crop top na mukhang bra? Eek, cringe si aqoe. Pagkatapos nilang mag perform, ay tinawag na ang 2nd to perform and so on. Tahimik lang kami ni Zion na nanonood sa mga performers. Ramdam ko yung pagkahawak ni Zion sa balikat ko. Tinignan ko siya. "Huwag kang kabahan okay?" Tinanguan ko lang siya.
"We're sharing a stage together. At nasa tabi mo lang ako." Sabi niya at tsaka tinapik ang balikat ko. Eeekkkk! Huwag mo muna akong kiligin! Baka mawawala ang focus ko!
Nung tinawag na kami, I breathed out. "Tayo na." Napalunok ako ng laway ng masabi niya iyun.
"Uh... I mean... Tayo na ang mag peperform." Sh-t, binigyan ko pa ng malisya ang sinabi niya >.< Kinapitan niya ang kamay ko at tsaka hinila na ako sa stage. Nang makaakyat na kami sa stage, bumungad samin ang malakas na sigawan ng mga kaklase ko at iba pang mga studyante sa Music & Arts Major. Nakita ko din sina Kuya Vinci, Ate Ayumi, sina Andrew at Cass, sina Nathan, Jasper at Trevor. "Go Chrystal!!!" Malakas na sigaw ni Cass.
This has been my dream. My dream is to perform in a big stage with a big crowd with someone. We will share the spotlight together, and breathe the same air. At hindi ko inexpect na ang someone na iyun, ay si Zion. Isang makulit, cheerful, magaling sumayaw, cute, at bubby na kaibigan. He's... my crush <3
Nung nag start na yung music, I glanced at Zion at nakangiti lang siya sakin.
[Playing:BTS-Blood Sweat & Tears]
Nan pitta nunmul
Nan majjimak chumul tta
Gajyeoga ga
Nan pitta nunmul
Nan chagaeun sumeul da
Gajyeoga ga
Nan pitta nunmul
I feel hyped whenever I'm dancing. Habang sumasayaw ako, pumapasok sa utak ko si Sally. We're going to win this for her. Para 'to sa kanya ang pagpanalo namin.
[Playing:BTS-I NEED U]
But you're my everything
(You're my)
Everything (You're my)
Everything (You're my)
Jebal jom kkeojyeo huh
Mianhae (I hate you)
Saranghae (I hate you)
Yongseohae...
I need u girl
Wae honja saranghago
Honjaseoman ibyeolhae
I need u girl
Wae dachil geol almyeonseo
Jakku nigga piryohae
I need u girl
Neon areumdawo
I need u girl
Neomu chagawo
I need u girl (I need u girl)
I need u girl (I need u girl)
[Playing:BTS-Fire]
*Electric sounds*
Bultaoreune...
Fire4x
Ni meosdaero sareo
Eochapi ni kkeoya
Asseuji jom maro
Jyeodo gwaenchanha
Everybody say lalalalala
(La la la la la)
Say lalalalala (lalalalala)
Soneul dureo
Sorijilleo burn it up up up
Bulteoreune...
*electric sounds*
Ssak da bultaewora
Bow wow wow
*electric sounds*
Ssak da bultaewora
Bow wow wow
(Fire)Geup manheun
Jayeo yeogiro
(Fire)Maenjumeogeul
All night long
(Fire)Jingunhaneun
balgeoreumeuro
(Fire)ttwieobwa
Michyeobeoreo da
OW!
*electric sounds*
Napatalon ako ng konti sa gulat nang may lumabas na mga apoy sa paligid. Pakshet, nakakagulat nun ah pero pinatuloy ko lang ang pagsayaw.
We ended the song with a bow. Tuyo sigaw at hiyaw ang ginagawa ng mga kaklase ko. Hehek! I feel so relieved! Kahit puno na ng pawis ang mukha at katawan ko, I know all this sweat is worth it :)
Nung bumaba na kami ng stage, nagulat nalang ako ng ihila ako ni Zion palabas ng backstage. "We did great!" Sabi ko at akmang i-high five na siya nang bigla niya akong hinila sa kanya at yinakap. Naramdaman ko yung tibok ng puso niya. Omaigad! Kill me lord now na!!!!!
"We did great." Sabi niya.
Kumalas ako sa pagyayakap sa kanya. "Chansing ka din, gago ka.But yes, we did great. Huwag mo nga akong yakapin."
"Haha sorry. I just hugged you because I like you---" Napatigil naman siya sa pagtatawa ng marealize niya kung ano ang sinabi niya.
"Ano ulit yung sinabi mo?"
"Sabi ko na ang galing mo sumayaw!" Sabi niya. Ayun ba talaga ang sinabi niya?
"Talaga?"
"Aish, sabi ko gusto kita."
"Haha ah ayan pala--ANO?!" Nganga. O______O
"Oo gusto kita Chrystal. Nung una pa lang, gusto na kita. Tinago ko lang dahil hindi ko gustong masira ang friendship natin. But I guess, kailangan ko talagang ipalabas ang nararamdaman ko. Ngayon lang ako naglakas ng loob para sabihin sayo ito. Okay lang kung kaibigan lang ang turing mo sakin. Okay pa din ako dun. Basta gusto ko lang sabihin sayo na gusto kita, Chrystal."
"........."
"Oy Chrystal."
"............."
"Chrystalllll... Hellooooo."
"............"
Pinitik niya kaagad yung noo ko kaya natauhan ako. "Aray!" Sabi ko at pinalo ang balikat niya.
"Bakit natulala ka?"
"Nagpo-process pa sa utak ko ang mga sinabi mo. Gago, seryoso ka?" Tinignan niya ako ng may seryosong mukha. Seryoso nga siya.
"Chrystal, Gusto ko lang isabi sayo kung ano talaga ang nararamdaman ko. If you reject me, we can still be friends." Nginitian niya lang ako at tsaka tinalikuran na niya ako. Bwisit, ang bastos neto.
"Oy! After ng pagpe-perform natin, tatalikuran mo lang ako?! Bastos mo din ah! Hindi mo lang alam pero crush kita, gago kang abno!" Sigaw ko sa kanya dahilan para mapatingin siya sakin at nakangiti siya.
"So? Gusto mo din ako?"
"Crush lang! Crush lang kita!" Kinurot niya agad ang dalawang pisngi ko. "Tara na sa backstage." Sabi niya at hinila na ako papasok sa backstage. Abnormal din 'to eh.
SALLY'S POV
Okay kaya yung performance nina Chrystal at Zion? I know they did well. Sinilip ko si Ice na mahimbing na natutulog sa sofa. Binato ko nga ng unan para magising. Kanina pa siya tulog eh. Nagulat ako nang mahulog siya sa sofa pagkatapos ko siyang batuan ng unan. Siguro nagulat, haha. Napatingin lang siya sakin na may mukhang nasaan-na-ba-ako-buhay-pa-ba-ako look.
Pinigilan ko lang ang tawa ko dahil baka maasar 'tong gangster na 'to. Inayos niya ang upo niya sa sofa at tinignan niya ako. "May kailangan ka ba?" Tanong niya at ginulo ang buhok niya.
"Pwede ka naman umuwi ah. Bakit nandito ka pa? Pwede mo naman ako dito. Kaya ko naman ang sarili ko." I said.
"Ayaw kong umuwi." Sabi niya.
"Eh bakit ayaw mo? Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo at mga kapatid mo." Tinignan niya ulit ako.
"My parents are in Seoul. Ang ate ko ay nasa Germany. Tinawagan ko na ang yaya namin na alagaan ang younger sister ko." Wala talaga akong daan dito, tss.
"Ah basta umuwi ka na lang para makapagpahinga ka." Sabi ko sa kanya. Linagay niya sa kama ko ang unan na binato ko sa kanya.
"Hindi na." Sabi niya.
"Bakit naman?"
"Ayaw ko...."
"Bakit ayaw mo?"
"Why so many f*ckin questions? Ayaw ko. Yun lang. No more questions."
"Pero---" Sinamaan niya ako ng tingin kaya tumahimik nalang ako at nanonood nalang ng tv.
Na bored ako sa paulit-ulit na episodes ng Sailor Moon. Nakakasawa na, pfft. Mabuti pang manuod nalang ako ng k-drama sa phone ko. Habang nanonood ako, I heard him snore. Sinilip ko siya at ayun, tulog na naman. Bakit mahilig matulog ang isang 'to? Mamatay nalang kaya siya para makatulog siya ng matagal? De joke, ang sama ko naman.
Chi-neck ko yung maliit na wall clock. Malapit nang mag 7pm. Binato ko naman ulit ang unan at nagising na siya.
"What?" Naiinis na tanong niya.
"Malapit nang mag 7 oh. Umuwi ka nga. Tawagan mo nalang si Kuya." Sabi ko sa kanya at inabot ko ang cellphone ko sa kanya.
"I told you, I'm not leaving. Sandali, bibili lang ako ng pagkain sa labas. Stay here." Sabi niya at umalis na. Tigas ng ulo talaga iyun.
Busy ako sa panonood ng k-drama sa phone ko nang may biglang pumasok na lalakeng nurse. Umayos naman agad ako ng upo.
"Good evening Miss Gonzales. Gusto ko lang sanang i-check ang vitals mo at tsaka bigyan ng injection."
"Sige po." Hanggang ngayon natatakot pa din ako everytime magpapa-injection ako. Since malaki na ako, I need to face my fears.
Habang nagchi-check ng vitals ko, walang tigil siyang tumitingin sakin. I have a bad feeling about this. Nang mahawakan niya ang braso ko, bigla siyang nagsalita. "Ang lambot ng braso mo, Miss Gonzales." He creepily smiled. Pweeh!
"Err--thanks?"
Nang injectionan niya na ako, napangiwi ako ng konti dahil masakit siya. After he did that, linagyan niya na ng bandage ang braso ko. "S-Salamat?" I said.
Nagulat nalang ako ng isirado niya ang pinto. What the hell is he going to do? "Ahm... Hindi ka po ba lalabas?" Tanong ko sa kanya kahit kinakabahan na ako.
"I'm not going anywhere Miss." Humahakbang na siya papalapit sakin. He's smiling at me, a creepy smile. Tumitibok ng mabilis ang puso ko.
Sumigaw agad ako. "AHHHHH!!!! TULONG!!"
Nginisian niya ako. "Walang tutulong sayo dahil walang tao sa labas."
Malapit na talaga siya sakin. Mama ko!!! T____T
Nagulat nalang ako nang sumalampak siya sa pader. "What do you think your doing, ASSHOLE?!" Medyo nawala yung kaba ko nang dumating si Ice.
Liningon siya ng nurse na lalake pero sinuntok siya ulit ni Ice. Agad si Ice tumawag ng security guard sa phone niya.
"YOU ASSHOLE! NURSE KA BA TALAGA?!" He shouted. Yinayakap ko lang ang unan habang umiiyak.
Nung dumating na ang security guard, pinalabas agad nila yung lalakeng manyak na nurse na iyun. Hindi ko na napigilan na umiyak. Kasi natakot ako ng sobra...
Napalingon si Ice at lumapit siya sakin. "Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?" Alalang tanong niya. Agad ko siyang hinila at yinakap ng mahigpit. Kailangan ko kayakap. I was so scared.
"I-ice *sniffs* alam mo kung *sniffs* hindi ka dumating, baka namatay na *sniffs* ako sa takot." Sabi ko habang umiiyak.
Naramdaman ko yung kamay niya sa likod ko at tinatapik ito. "Shhh, tahan na." Hindi ko talaga maiwasan na umiyak sa isang delikadong sitwasyon.
"Ice.... Huwag mo kong iwan. Natatakot ako." Tinignan niya ako.
"Did I ever say that I would leave you? Gusto mo lang naman na umalis ako."
"Please... Don't leave me alone." Mahinang sabi ko.
"I won't leave you. Hindi kita iiwan dito mag-isa."
Hindi niya daw ako iiwan.
Why are you like this Ice?
Bakit umiiba ka palagi kapag kaharap kita?
Why are you... like this?
*************
Nag enjoy ba kayo? Kinilig ako ng bonggang bongga while writing this chapter.
#IceSallyShippers 💖
#ZionChrystalShippers 💛
~Song Sang Ki💫