Protecting the Campus Royalti...

By Baepreshyy

7.5M 202K 41.5K

"Far from being Ordinary Girls" ang papasok sa isang sikat na paaralan kung saan nandoon ang mga kalalakihang... More

PTCR
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69

CHAPTER 32

83.1K 2.7K 260
By Baepreshyy

★★★

Zell's POV

-------

Nakikinig lang ako sa music sa aking earphones na nakasaksak sa tainga ko habang nakatingin sa relo kong bigay ni Axiesse. Hindi siya ordinaryo. It's not new to me to see this kind of stuff though.

Nakita ko na papunta na sa kinaroroonan ko ang letter 'W' na stands for Wayne. Si Wayne. Tapos ang M (Marx) at Z (Zae) naman ay magkasama pero papalapit naman sila. Ang 'K' naman ay medyo malayo pa pero papunta na rin dito.

Napabuntong hininga ako at ibinaba ang wrist ko kung saan naroroon ang relo.

Sobrang boring talaga kapag walang music. Buti nalang dala ko 'yong earphones at cellphone ko. Nakapag soundtrip pa ako habang hinihintay matapos ang 1 hour break namin.

Hindi nagtagal ay tinanggal ko ang earphones ko at nilagay sa bulsa. Umayos ako ng pagkaka-upo at tumingin sa mga kaibigan ko. Si Sasha ay nasa harap ko. Natutulog siguro 'to dahil walang kibo. Antukin talaga 'yan pero napaka madaldal kapag nagising na. Si Axiesse naman ay nasa stage pa rin tinitignan 'yong mga gawa naming project habang kumakain ng shawarma. Lakas niya talagang kumain eh. Si Yumie naman, wala siya rito. Hindi ko alam kung saan.

Nasa gano'n akong sitwasyon nang may biglang umupo sa tabi ko. Napatingin ako bigla sa kaniya at nakitang si Wayne 'yon.

"H-Hi." Nautal pa siya. Gusto kong matawa sa isip. Bakit naman mukhang medyo kinabahan ang isang 'to sa akin? I can sense it.

Ningitian ko lang siya ng matipid at hindi na nagsalita pa. Bumaling ulit ako sa harap at umupo ng maayos. Magsa-soundtrip nalang ulit ako habang may oras pa.

Pero hindi ko pa man nalalagay ang mga earphones sa tainga ko ay bigla kong naalala 'yong gabing hinatid niya ako. Parang may gusto siyang sabihin sa akin pero pinipigilan lang ang sarili... and I'm lying if I say that I didn't find him hot after seeing him swallowing hard and closing his eyes.

"How's your friend? Naeyumie?" Tanong niya.

Napatingin ulit ako sa kaniya, medyo hindi pa alam kung ano ang sasabihin. Parang tinakasan ako ng mga salita bigla.

"Uhm... She's... Okay naman na siya."

He just nodded. Medyo kumunot ang noo ko. Maybe he's just concerned... dahil kaibigan niya 'yong nagpadugo sa ilong ni Yumie kanina pero baka... may gusto ito kay Naeyumie? Is he interested?

"At wala siya rito. Hindi ko alam kung saan pumunta..." Dagdag ko.

Tumango ulit siya. Binaling ko ang tingin sa harap dahil wala na akong masabi pa. I got my earphones and pretended that I'm untangling it.

"How about you?"

Napatingin ulit ako sa kaniya nang magsalita siya.

"I'm fine," sagot ko. I think it would be rude if I don't ask him back? Napalunok ako. "Ikaw?"

Nagtiim labi siya at tiningnan ako ng mabuti sa mga mata.

"I'm fine..." He smiled a little.

Tumango-tango nalang ako at hindi na nagsalita pa. Wala na talaga akong masabi at baka mawalan lang ako ng hangin. I can smell his perfume and it's suffocating me, lalo na na nasa tabi ko siya. Ang bango niya.

Hindi ko na rin narinig na nagsalita si Wayne dahil dumating na sila Zae at Marx.

"Wayne, come," sabi ni Marx. Parang aso tuloy si Wayne dahil sa sinabi niya.

Tumayo si Wayne at lumapit sa mga kaibigan niya. Umupo silang tatlo sa dulo at may kung anong pinag-uusapan. Seryosong usapan. Hindi ko alam kung ano at wala akong planong alamin.

Parang kung mag-usap sila ay leader na leader yung mga datingan. Matapos silang mag-usap ay saktong bumukas ang pintuan at iniluwal Klenth kasama si... Yumie?

Napatingin talaga ako sa kanilang dalawa dahil magkasabay talaga sila sa paglalakad! Hindi sila nagbangayan o ano. Himala, ah? Anong nangyari?

Bumalik na rin ang mga kaklase namin pati na si Ma'am V. Nag-umpisa na kami sa pag-eensayo. Next week na daw ipapalabas ang role play namin kaya todo practice kami.

Hindi na rin kami nag-usap usap ng mga kaibigan ko dahil sobrang busy. Hindi na rin naikwento ni Yumie kung anong nangyari at bakit hindi sila nagbangayan ni Klenth. Nagkasabay pa! Mukhang bati na ang dalawa.

Matapos ang practice namin ay pinauwi na kami. Nauna na kaming lumabas ni Yumie. Si Axiesse at Sasha naman ay nasa loob pa ng campus dahil nando'n pa ang mga campus royalties. Tapos heto kami ni Yumie, inaabangan silang lumabas.

Nakasandal ako sa motor ko habang tinitignan ang aking relo.

Papalabas na ang mga campus royalties. Si Yumie naman ay nasa gilid ko. Panay ang selfie.

"Zell! Selfie tayo!" sabi niya at dali daling dumikit sa  'kin. Clinick niya camera. Hilaw akong ngumiti.

"Ano ba 'yan, Zell! Ngumiti ka naman!" Aniya matapos kumuha ng litrato namin. Nakatingin lang siya sa cellphone niya tapos ngumiti. "Pero okay lang kahit mag fierce ka pa dyan. Ugh ang ganda ganda mo pa rin!"

Nagkibit balikat lang ako.

"Pero mas maganda pa rin ako!" sabi niya sabay ngiti ng pagkalawak lawak sa 'kin.

Tinanguan ko lang siya.

"Charot lang! Maganda tayo pareho. Alam mo, Zell, para kang pipi. Kanina pa kita kinakausap tapos hindi ka naman nagsasalita. Nagmumuka na akong tanga dito!"

"Ayan na pala sila," sabi ko nang namataan ang mga campus royalties papalapit dito sa parking lot.

Nasa likod naman nila si Axiesse at Sasha na pasimpleng sumusunod. Si Sasha ay kunwaring may tinitignan sa phone niya. Si Axiesse naman... well kumakain na naman ng shawarma. I wonder kung ilang shawarma na ang nakain niya ngayong araw.

Sumakay ako sa motor ko at isinuot ang helmet pero hindi ko pa 'yon pinapaandar.

"Gotta go," rinig kong sabi ni Zae bago pumasok sa kanyang sasakyan.

Si Marx naman ay kumaway lang sa kaibigan habang nakatalikod.

"Geh!" ani Klenth at pumasok na rin sa kanyang car. Napatingin pa siya aa banda namin. Ang sasakyan naman ni Wayne ay nasa tabi ng motor ko.

"See you!" sabi ni Wayne at naglakad papalapit sa 'kin—sa sasakyan niya pala. Ano ba 'yan, Zell! Gosh!

"Una na ako. Bye," sumunod na rin si Axiesse.

"Bumili ka nalang kaya ng kotse mo Axiesse! Ako ang nahihirapan sa sitwasyon mo eh!" Sambit ni Sasha habang nakatingin kay Axiesse na ngayon ay pumapara pa rin ng taxi.

Nauna nang umalis ang sasakyan ni Zae. Kasunod no'n ay si Marx at Klenth. Nahuli naman si Wayne.

"Uwi na rin ako..." Ani yumie at pumara rin ng taxi.

Si Sasha naman ay sumakay rin sa kaniyang motor.

Nang makalapit na si wayne ay ngumiti siya sa 'kin. Tumingin ako sa likuran ko pero walang tao! So it means, ako talaga ang ningitian niya?

Sumakay na agad si Wayne sa kaniyang sasakyan at agad na umalis. Tumingin ako sa relo ko at nakita ko ang letter 'W' sa map na lumalayo sa kinaroroonan ko.

Pagkaalis nilang apat ay sabay sabay na kaming umalis. Si Axiesse ay sumakay na sa napara niyang taxi. Gano'n rin si Yumie. Kami naman ni Sasha ay pinaharurot na ang kaniya-kaniyang motor.

Pagdating sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Chinarge ang phone at ang relo ko. It was a tiring day pero naisip ko pa rin ang kaonting pag-uusap namin ni Wayne kanina. He's just... so nice. I can sense it.

Napatingin ako sa phone ko nang biglang tumunog 'yon. I saw Axiesse's message.

From: Axiesse

They got home safe. Punta kayo dito bukas. May ibibigay lang ako. Bring your laptops.

Agad naman akong nag reply.

To: Axiesse
Copy.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Umaga na pala. Bumangon nalang ako sa kama at pumasok na ng banyo para maligo.

Today is Saturday kaya walang pasok. Kahit na gusto kong matulog nalang dahil pagod na pagod ang katawan ko kahapon sa practice ay mas pinili ko pa ring kumilos.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako sa kuwarto. Nadatnan ko ang mga tumayong magulang ko—kumakain at abala sa pag-uusap tungkol na naman sa business nila.

"Alis na ako..." Tipid kong wika.

Hindi ko sila narinig na sumagot sa 'kin kaya sa halip na hintayin silang sumagot, lumabas na ako ng bahay dala dala ang maliit kong bag kung saan naroroon ang laptop ko. It's always like that.

Ang lanta ng buhay ko kung walang Axiesse, Sasha, Naeyumie, at misyon. Sila lang talaga ang nagpapasigla sa lahat sa akin.

Sumakay na ako sa motor at pinaharurot 'yon hanggang sa makarating ako sa apartment ni Axiesse.

Bumaba na ako sa motor at pinatay ang makina. Hinubad ko na ang aking helmet saka kumatok sa pintuan ng apartment ni Axiesse.

Binuksan ni Axiesse ang pintuan pero bago pa ako makapasok, narinig ko ang isa pang motor sa likod ko. Napatingin ako roon at nakita si Sasha na nag parking pa.

"Morning," tipid na bati ko sa kanilang dalawa at nauna nang pumasok.

Dumiretso ako sa sala. Nandito na rin si Yumie. Nanonood ng TV habang ang dalawang paa ay nakapatong sa maliit na mesa rito sa sala.

"Good mornah!" bati sa 'kin ni Yumie nang makaupo ako sa couch.

"Morning."

"Ay andito na pala si Yumie! Okay, Axiesse eto na ang laptop ko oh!" ani Sasha at binigay ang laptop niya kay Axiesse.

Nilabas ko ang laptop ko sa aking bag at biningay din 'yon kay Axiesse.

"Maghintay muna kayo dyan-"

Napatigil sa pagsasalita si Axiesse nang marinig na may tumunog na relo. Napatingin siya kay Sasha. Napatingin din tuloy ako.

"Sa iyo ba 'yon?" si Axiesse.

"Hindi ah! Baka kay Yumie!" sagot ni Sasha.

"Hindi rin sa 'kin. Baka sa relo mo yon, Ax," gatong naman ni Yumie.

"Hindi tumutunog 'yon. Nagva-vibrate lang 'yon..."

Napatingin silang lahat sa 'kin ng ikinataka ko naman. I raised my eyebrows.

"Ano?" I asked, clueless.

"Ang relo mo! Baka 'yang relo mo ang tumutunog!" sigaw sa 'kin ni Sasha.

Ang babaeng 'to! Malapit lang kami sa isa't isa, maninigaw pa. Kinunutan ko siya ng noo at muntik pa siyang mahampas. Sobrang lakas ba naman?!

Awtomatiko akong napatingin sa relo ko. Kumunot pa lalo ang noo ko habang pinagmamasdan do'n ang letter 'W' na gumagalaw, nagta-travel.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na umalis si Wayne sa kanilang bahay at pupunta siya ngayon sa hindi ko alam na lugar.

"Go," sabi ni Axiesse.

Tumango nalang ako bilang tugon at dali daling lumabas ng kaniyang apartment. Pinaandar ko agad ang motor ko at pinaharurot. I sighed heavily.

Nakita ko sa relo ko na huminto yung letter 'W' sa map. Sinundan ko siya hanggang sa makarating ako sa mall. Mall na naman. May ka date? Bakit sa dami ng lugar, sa mall pa na maraming tao?

Agad akong pumasok sa mall at hinanap siya. I am really a stalker! But for professional purpose only.

Tumingin ako sa relo ko. Halos gumuho ang mundo ko nang makita na paikot ikot siya sa loob ng mall. Minsan ay hihinto yung 'W' tapos maglalakad ulit tapos hihinto tapos babalik ulit kung saan siya nanggaling. Ang likot!

Hindi ko rin alam kung nasaang floor sya kaya paniguradong mahihirapan ako nito! Ang likot mo, Wayne, h'wag mo naman sana akong masyadong pahirapan.

Nasa ground floor ko. Nandito na ako sa kinarorooan ng letter 'W' pero wala siya rito. Hay! Baka nasa second floor.

Sumakay ako ng elevator papunta sa second floor. Tumingin ako sa wrist watch at nakitang papalayo na naman siya sa location ko.

Seriously? Kung saan saan pumupunta. Hindi ko tuloy malaman kung nasaang floor siya. Ano bang ginagawa niya? Hindi niya ba alam na delikado 'to sa mga taong kagaya niya?

"My gosh, Mister Laurent," I murmured.

Nandito na ako sa second floor at sa mismong kinaroroonan ng letter 'W' sa map dito sa relo ko pero wala rin siya rito. Baka nandoon na naman sa third floor. Para akong pinaglalaruan.

Kahit na pagod na pagod na ako sa paglalakad papuntang third floor ay kinaya ko pa rin. Ginugutom na rin ako. Naalala ko na hindi pala ako nakapag breakfast. Ayan kasi, Zell.

Binilisan ko ang paglalakad nang makaabot ako sa third floor. Tumingin ulit ako sa relo ko at nakita kong naroroon pa rin si Wayne sa pwesto niya sa mini map. Where the hell is he?

Nang makalapit ako kung nasaan siya ay parang nakapagpahinga ako dahil nakita ko siyang nakatayo sa may cashier at nagbabayad. Puwede naman sigurong i-utos niya na lang 'yan diba? At wala pa siyang kasamang bodyguard! Well, maybe there are but undercovered.

Lumapit ako sa kaniya kahit na pinagpapantasyahan na siya ng mga sales lady do'n at ng cashier.

"Hoy," sabi ko nang nasa likod niya na ako.

Napatingin siya sa 'kin at nanlaki ang mga mata niya. Halatang nagulat na nasa harap niya ako.

"Z-Zell?" aniya at kinuha na muna ang binili niya at humarap ulit sa 'kin.

Mag-isip ka ng paraan, Zell! Mag-isip ka ng paraan para sumama nalang siya sa 'yo at hindi ka na mag mukhang stalker!

Tumunog ang tyan ko dahil sa gutom kaya naka-isip agad ako ng paraan. Medyo nakakahiya 'yon pero inalala ko nalang ang misyon. My gosh.

"Pwede mo ba akong samahan?" sabi ko, kinapalan ang mukha.

Medyo nahiya talaga ako pagkasabi ko no'n. Eh sino ba naman ako? Classmate niya lang ako tapos Third Prince siya ng school namin. Ang taas taas ng antas ng pamumuhay niya tapos may isa siyang kaklase na umaya sa kaniya na kumain sa labas. Gosh. Pag nalaman 'to ng mga babaeng nagkakagusto kay Wayne ay pag-iinitan ako ng mga 'yon at gawan ng chismis. Gano'n talaga kapag naiinggit eh.

Hindi ko alam kung papayag ba si Wayne. Baka tanggihan niya lang ako o ano.

"Saan?" tanong niya.

"Samahan mo akong kumain. Nahihiya kasi akong kumain sa labas na ako lang mag-isa. Buti nga nakita kita," palusot ko.

Sana pumayag nalang siya. Mukhang mabait naman 'to eh. At dobleng kakahiyan pa kapag marinig ng sales lady na tinanggihan ako!

"Sure." Umaliwalas ang mukha niya at ngumiti.

"Thank you." I smiled.

"No problem. Anything for you."

"Ha?"

May sinabi siya kaso hindi ko narinig lahat!

Gulat siyang napatingin sa 'kin. Oh, bakit nagulat na naman ang isang 'to?

"W-Wala! Wala 'yon," aniya at napabuntong hininga.

May sinabi siya eh. Ayaw lang ulitin.

Nagulat ako nang may biglang bumangga sa 'kin. Isang babae na mukhang nagmamadali, muntik na akong matumba pero may kamay na gumapang sa baywang ko para alalayan ako.

Hindi naman ako matutumba pero hawak na ako ni Wayne ngayon. He stared seriously at the back of the girl who bumped me.

Naramdaman ko na humigpit ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko. I can feel my fast heartbeat.

Nagkatinginan kami. Sobrang init na ng pisngi ko. Binitawan niya ako kaya lumayo ako kaagad dahil sobrang lapit namin. What the hell was that?

Pinaypayan ko ang sarili ko kasi pakiramdam ko ang init init dito sa loob ng mall kahit may aircon naman! At hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin ang kamay niya sa baywang ko kahit wala na 'yon doon!

Tumikhim siya at dinilaan ang pang-ibabang labi. I can see his red ears.

"Let's go?" Aniya.

Tumango lang ako at nag-umpisa nang maglakad kasama siya. Panindigan mo itong desisyon mo, Stawnzell!

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 94.1K 192
👑 Wattys 2017 'The Breakthroughs' Winner 👑 Wattpad's "Talk of the Town" (July 15, 2021) Highest Rank:: Rank #7 in Teen Fiction (December 16, 2017)...
5.7M 18.4K 5
Heartless, ruthless, and merciless-four legendary gangster princesses bound by their thirst for revenge. They are the four Fujiwara sisters. Despite...
655K 20.8K 30
[[THE QUEENS SERIES II: The Puerile Queen]] Puerile (adj.) : silly or childish especially in a way that shows a lack of seriousness. Queen (n.) : a...
6.8K 116 28
A compilation of Banat Lines for You