Maid for you (COMPLETE)

بواسطة helene_mendoza

1.2M 33.4K 1.5K

Dahil sa pag-ako ng responsibilidad, naging single mother si Sallie sa murang edad. Ang mundo niya ay umiiko... المزيد

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
A/N

CHAPTER TWELVE

29.3K 877 28
بواسطة helene_mendoza

Armel's POV

            I am pacing to and fro while listening to the never-ending monologue of my father. I really wanted to end the call, but I am sure that if I do that, my dad would just pester me with unending calls.  I smiled faintly to a man I saw entering the restroom and I gave him a way so he can pass thru.

            "Aren't you going to drop this?  I told you, I had to go.  I had to attend to my business," sinikap kong maging malumanay kahit napipikon na ako kay daddy.

            "But Estelle was waiting for you since last night.  Tapos kaninang umaga naghihintay pa rin sa iyo.  Nakakahiya naman doon sa tao.  Saka ano ba ang mga negosyong inuubusan mo ng oras?  Sabi mo sa akin may mga tao kang umaasikaso noon at magpo-focus ka na sa hotel.  You have to take care of your hotel, Carmelo." Dad sounded so serious right now, but I knew there were some other reasons why my dad was acting like this.

            "Why are you like that?  Did something happen?" Ngayon ay nag-aalala na ako sa kanya.

            I didn't hear any response from him just a loud sound of exasperated breath.

            "Estelle's dad is really killing me, Armel.  Kinukulit niya ako to set you up with his daughter.  I told him since the beginning and many times na wala naman akong magagawa sa bagay na iyan.  You are not a child anymore para madiktahan ko pa," sagot ni daddy sa akin.

            Napabuga ako ng hangin sa narinig ko.  Sinasabi ko na nga ba.  Alam kong kaya nai-stress ng ganito si dad at kaya niya ako kinukulit ay dahil gusto ng daddy ni Estelle na magkatuluyan kami ng anak niya para mas lalong tumibay ang partnership ni dad at ng company nila Estelle.

            "Dad, please don't mind them para hindi ka na ma–stress.  Sinabi ko na sa iyo noon pa huwag ka ng makipag–partner sa kanila.  Sasakit lang ang ulo mo and hindi mo kailangan ng partner for the hotel in Boracay," naiiling na sagot ko tapos ay natawa na ako.  "Besides, you are ruining my date."

            Narinig kong bahagyang naubo si daddy.  Parang nagulat sa narinig na sagot ko.

            "Date?  You are having a date right now?  Are you sure?  With who?  Who is she? Do I know here?" Sunod-sunod na tanong ni dad.  I can sense the excitement on his voice.

Natawa na ako kasi alam kong nawala na ang inis na nararamdaman ng tatay ko.  Alam kong pagdating sa ganitong bagay ay nai-excite siya dahil gusto talaga niyang mag-asawa na ako.

"You don't know her, dad.  She is a nice woman.  A perfect one.  She is pretty, she is a good mother, she is-"

"Carmelo, she's married?  Are you hitting on a married woman?  Are you that desperate?  I told you I want you to get married, but I didn't say that you can just get any woman." Dad's tone was so serious kaya lalo akong natawa.

"No.  No, dad.  She is not married, okay?  She has a kid, but she is not married.  That's okay with you right?" Paniniguro ko sa kanya. Open minded si daddy at alam kong maiintindihan niya kung nagmahal ako sa babaeng may anak na.

Ramdam kong bahagyang kumalma si daddy.

"Yeah.  It's fine with me as long as you like her, and she is worth it.  But is it okay with you?"

"Even if he was married twice and she has ten kids, I still want her.  This is a first time, dad.  I've never been so eager to be with a woman like this.  It was love at first sight.  I wanted to marry her would you believe that?" Hindi ko na napigil na mapangiti at napakagat-labi pa ako sa naisip ko.  Alam kong nakakabigla pero sa totoo lang, iyon ang nararamdaman ko.  I wanted to be with Rosey for the rest of my life.

"Oh, son.  You are really in love.  It's the same feeling that I felt when I first saw your mom."

"So, can we end this conversation?  She is waiting for so long right now.  And I am still trying to get her kids' attention."

"Alright.  When I can meet her?"

            "I'll let you meet her some other time.  I will end this call and I'll see you in your office later.  Okay?"

            "Alright.  Goodluck with your date." Natatawang sagot ni dad at pinatayan na ako ng telepono.

            Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko habang pabalik ako sa loob ng restaurant.  Kilala ko naman si daddy.  Alam kong kapag nalaman niyang mayroon akong kinahuhumalingang babae ay nabubuhayan ito ng loob na makakapag-asawa ako at hindi tatandang mag-isa.  At alam kong mas lalo siyang masaya ngayon kasi first time kong nasabi sa kanya na mayroon akong babae na gusto kong pakasalan. 

            Totoo naman kasi na sa dami ng babaeng naka-steady ko, sa dami ng babae na dumaan sa buhay ko, never kong naramdaman ang feelings na nararamdaman ko para kay Rosey.  Literal na parang pinana ni kupido ang puso ko.  I wanted to be with her kahit para siyang laging pinapaso na kasama ako.  I know she was just thinking about the welfare of her kid.  Kahit sino naman siguro mag-iingat din kung naloko na ng minsan.  Pero hindi ko gagawin sa kanya ang ginawa ng tatay ng anak niya.  I won't leave her.  I'll stay with her whatever happens.

            Pero agad ding nawala ang ngiti sa labi ko ng pagpasok ko sa restaurant ay walang taong nakaupo sa harap ng mesa na inookupa namin.  Wala si Rosey at ang anak niya.  Ang tanging nandoon ay ang waiter na nagliligpit ng iniwan naming pagkain.

            "W–wait.  Wait.  Stop it.  Where are they?" Agad kong sinaway ang waiter na naglilinis ng mesa.  Rosey's food has not been touched a bit.  Tanging pagkain lang ni Enzo ang naubos doon. 

            "Sino po, Sir?" Tanong ng waiter sa akin.

            "The woman and kid that was sitting here, where are they?  And I didn't pay for our food yet.  We are not yet finished eating," nag–uumpisa ng umakyat sa ulo ko ang inis ko.

            "Ah, 'yung mag–nanay, Sir?  Umalis na po.  Binayaran na po 'nung babae 'yung bill." Sagot niya sa akin at itinuro ang naiwang resibo sa mesa.  I looked for it and she paid the two thousand seven hundred peso bill of our food. 

            "Fuck." Mabilis akong lumabas at sinubukan ko silang habulin sa labas ng restaurant.  Palinga-linga ako sa pagbabakasakaling makita ko silang mag-ina pero kahit anino nila ay hindi ko makita.

            What the hell was wrong with that woman?  Bakit lagi na lang niya akong tinatakasan?

            "Shit!" Malakas na mura ko ng makasakay ako sa sasakyan ko.  "Fuck!  Fuck! Fuck it!" Pakiramdam ko ay sasabog na talaga ako sa sobrang galit.  Ano ba ang palabas ng babaeng iyon?  Malapit ng maubos ang pasensiya ko sa kanya.

            Napabuga ako ng hangin at sumandal sa driver seat ng kotse ko.  Inis kong dinukot ang telepono ko sa bulsa at hinanap ko sa net ang pangalan ng eskuwelahan na pinapasukan ng anak ni Rosey.  Hinanap ko ang telephone number at sinubukan kong tawagan ang eskuwelahan.  Nagpanggap akong tatay ni Enzo para makuha ko ang mga detalye nila pero sa malas, ayaw kong i-entertain ng school.  Hindi daw sila basta-basta nagre-release ng mga personal details ng kanilang mga estudyante.

"Shit!" Napasigaw na ako at inihagis ko sa dashboard ang telepono ko.

Think.  Think, Carmelo.  Where would I find that woman?  Pilit kong kinalma ang sarili ko para makapag-isip ako ng maayos.  Kinuha ko ulit ang telepono ko at idinayal ko ang number ng hotel.

            "Mr. Mercado, Carmelo here.  Do you have a staff named Yasmin?  I don't know her surname just Yasmin.  Yas something like that.  If you do have, please send her to my office.  I am on my way now."

            "Yasmin?  Wait, Sir." Saglit na wala akong narinig mula kay Mr. Mercado.  Nang bumalik siya ay nakakarinig ako ng parang mga papel na iniisa-isa.

            "We have a staff named Yasmin Basa.  She is under housekeeping and she is staying with the company for almost two years.  Why, Sir?  Something happened?  I can fire her immediately." Seryosong sagot ni Mr. Mercado.

            "No.  Don't say anything to her.  Just send her to my office.  I'll be there in fifteen minutes."

            "Alright, Sir.  I'll send her immediately once you arrived."

            Hindi na ako sumagot at pinatayan ko lang siya ng telepono.  Pahagis kong ibinalik sa dashboard ang telepono at seryosong itinuon ang pansin sa kalsada.  Halos paliparin ko ang sasakyan ko para mabilis kong marating ang hotel.  Panay ang busina ko sa mababagal na sasakyan na nasa harapan ko.

            I know I will find you, Rosey.  And the next time we meet, I will not let go.  I will not let you go.

            Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang nakatitig sa kalsada.  Ang dami-daming senaryo, ang dami-daming possibilities ang nasa isip ko kung bakit parang bula na laging naglalaho si Rosey.  Pero iisa lang ang gusto kong mangyari.  I wanted to be with her, and I wanted her to be mine kahit na sino pa siya.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
2.3K 563 29
CHASING SERIES|1 Amaris Kylie Miller, maganda at matalino ngunit hindi ito naging sapat para mahalin siya ng tapat ni Inspector Hanz. She found out...
488K 9.1K 42
We entered HELL UNIVERSITY kahit anong sabihin nila nakapasok kami sa hell univ oo mahirap makalabas sa hell univ it's hard to forget what happened i...
356K 1K 5
SANMIEGO SERIES #2 Update soon