The Philosopher Stones (Book...

By SheIsLexa

57.3K 2.9K 2.2K

Hindi man alam ng dalagang si Jennica Mae Perez kung bakit siya pinalipat ng mga magulang sa Woodsen Academy... More

Preface
Prologue
The Transferee
Siomai
The PS Bunkhouse
Codes
Tennis Ball
Please
Best Guy
Star of the Night
Fighting Angel
Zombies
Stage 2
Undercover
The Lessons
Profiles (I)
Profiles (II)
The Riddle
Underestimation
Paired
Oxygen
Programmed
Confession
Portrait
6th Generation
Never Will
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Credits
Special Chapter: Dahlia
Special Chapter: Reymond
Special Chapter: Blacke
Special Chapter: Wyte
Special Chapter: Graye
An Excerpt from PS Book 2

Chapter 49

625 30 18
By SheIsLexa

HALOS mapatalon sa kinauupuan si Daisy nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at iniluwa nito ang hinihingal na sina Code Gentle at Comedy, "May nangyari ba?"

"We have a situation—Edward ikaw na magsabi." sambit ni Nigel.

"Eh kasi." ngumingiti si Edward, ngumingiti ng pilit, "Huwag kang magagalit!" 

Tumayo si Daisy mula sa kanyang pagkakaupo at nilapitan ang mga natatarantang agents, "Ano ba talagang nangyari?"

"Huwag ka nga kasing magalit!"

"Hindi naman ako galit ah?" 

"Magagalit ka rin mamaya, tiwala lang." bulong ni Edward.

"Edward!" saway ni Nigel sa kaibigan.

"Boys." nagsisimula ng umitim ang aura ni Daisy. Isa kasi sa pinakaayaw niya ay ang pinaghihintay siya, marami pa kasi siyang kakausaping kliyente at inaantala lamang ito ng dalawa.

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na ibinuka ang bibig, "Nakatakas si Reymond!" 

Saglit na natulala si Daisy. Hindi maproseso ng utak niya ang sinabi ng dalawa, hindi matanggap ng loob niya ang nangyayari, hindi niya lubos maisip ang kasalukuyang sitwasyon, "Pardon?" inilapit pa niya ang tenga sa dalawa.

"Nakatakas si . . . Reymond?" duet pa rin ng dalawa at humakbang ng palayo sa dalaga.

Humakbang din paatras ang dalaga at kinuha ang dart pin na nasa mesa. Kumuha siya ng tatlo at hinarap ulit ang mga lalaki.

Nanlaki ang mga mata ng dalawa at dahan-dahang lumingon sa kanilang likuran kung saan nakasabit ang dart board.

"Alam niyo hindi maproseso ng utak ko kung paanong nakatakas ang walang naalala." itinira niya ang isa na dumaan sa gilid ng tenga ni Edward, sapul niya ang triple ring, "Hindi matanggap ng kaloob-looban ko kung paanong hindi niyo siya nahabol." itinira niya ulit ang pangalawang pin, dumaan ito sa pisngi ni Nigel at sapul ang outer bulls eye. "At lalong-lalo na, hindi ko lubos maisip na wala kayong ginagawa sa sitwasyong ito." itinira niya ang huling dart pin na dumaan sa ibabaw ng ulo ni Edward, sapul niya ang inner bulls eye.

Putlang-putla ang dalawa pero unang nakabawi si Edward at humakbang palapit kay Daisy, "P-priestess sinundan namin siya at hindi mo magugustuhan kung saan siya napadpad."

"O-oo nga." nanginginig na saad ni Nigel ngunit mas lalo rin siyang bumilib sa kanilang pinuno. May isa itong hindi maipaliwanag na katangian kung saan naiintimidate sila at napapasunod na lamang na parang aso, "Nasa bahay siya ng taong ayaw sa atin." 

Napataas ang kilay ni Daisy, "Nasa bahay ng ex mo?" 

Napa-iwas ng tingin si Nigel.

"Ipatawag ang lahat ng Codes sa Conference Unit. Kailangan din nilang malaman ang nangyari kay Code Ideal."

"Kasali ba si Dest—"

"Hindi. May ginagawa siya ngayon kaya huwag na muna natin siyang guluhin."

***

DAHAN-DAHANG pumasok si Rannieka sa kwarto ng tinutuluyan ng binatang si Reymond. May dala siyang tray na may lamang makakain at gamot. Inilapag niya ito sa tokador at napatingin sa natutulog na binata, Ideal Stone, ang kauna-unahang crush ko sa PS.

Umupo na lamang siya sa tabi nito at mas lalong tinitigan ang binata, "Ang gwapo mo pa rin kaya lang, may kinalaman ka sa pagkamatay ng kaibigan ko." bulong niya rito. Once upon a time, ako ang number two fan niyo pero nakaraan na iyon.

Tatayo na sana siya kaya lang narinig niyang umungol ang binata, "Unnhh . . . h-hangin . . . "

"Reymond? Reymond gising—" for the second time around, hinila na naman siya nito at hinalikan. Hindi niya maiwasang mamula ng sobra at mariing pinikit ang kanyang mga mata.

Nang binuka ng binata ang kanyang mga mata ay pinakawalan na rin niya ang labi ng babae, "I'm sorry." tanging sambit niya sa dalaga.

"A-ayos ka lang ba?" 

Napangiti si Reymond nang makitang pulang-pula ang mukha ng babae, nagagandahan siya rito at para bang nakita na niya ito rati, sa bagay wala naman siyang naalala kaya malamang hindi talaga niya malalaman kung saan sila nagkita noon, "Oo. Pasensya sa panggugulo ha? Pero kasi wala akong maalala. Iisang bagay lang ang sigurado ako at iyon ay ang pangalan ko ay Reymond at tinawag mo akong Reymond kaya I assumed—"

"Na kilala kita?"

"Oo."

"K-kaya pala hindi mo ako makilala?" 

"Bakit sino ka ba?"

"Rannieka Joveta." nag-aalangan pa si Rannieka na dugtungan ang kanyang sinasabi pero napagdesisyunan na niyang ipagpatuloy ang kanyang naisip na plano. Huminga muna siya ng malalim at sinabing, "Ang girlfriend mo, honey." para mas maging kapani-paniwala ay sinunggaban niyo ito ng halik at inilagay ang mga kamay sa batok ng binata.

Reymond just responded to the kiss, he wrapped his arms around her waist at mas lalong hinila palapit sa kanya ang dalaga. It was slow at first hanggang sa lumalim at hindi nila namalayang nakahiga na pala sila sa kama. Nang akma na niyang bubuksan ang butones ng suot ng dalaga ay natigilan siya, "H-honey are we really, you know, doing this stuff?" 

Ngumiti lamang si Rannieka at mula sa pagkakapatong sa kanya ng binata ay pinahiga niya ito sa tabi niya. Umunan siya sa dibdib nito at yumakap ng mahigpit, "No. Palagi ring ganito, pinipigilan mo ako. Tumitigil tayo." pagsisinungaling niya. Alam niyang umaandar na naman ang pagiging ideal man nito. Nasa genes na nga yata ito ng binata. 

"Honey ano bang nangyari? Paanong—"

"Bukas sasabihin ko lahat sa iyo." pahayag ni Rannieka, hindi pa kasi siya nakakahanap ng palusot, "Let's just cuddle." mas lalo siyang sumiksik dito at amoy niya ang bango nito. Malamang kinikilig siya pero iisang bagay pa rin ang nasa isip niya, Para sa iyo itong gagawin ko bessie . . . para sa iyo.

***

"OASIS calm down." saad ni Daisy sa kanyang Code Genius.

Lumapit si Oasis sa dalaga, "How am I supposed to calm the fucking down?!" 

"Huwag ka ngang OA Oasis, ligtas naman si Reymond doon." 

Napalingon si Code Genius sa nagsalita, si Nigel Santos, "Ligtas? You're kidding, right?" 

Si Cabaron, na minsan lang makialam sa mga usapan na hindi naman siya concern ay tumayo at tinapik sa balikat si Oasis, "We need a rescue operation." napatingin sa kanya ang lahat. Tiningnan din niya naman ang lahat at muling nagsalita, "Si Rannieka Joveta, ang noo'y number two fan ng PS. Number two kasi marami na raw siyang kaagaw sa number one, that's why she chose to be our number two fan."

"At nang dahil sa isang Code na 'hindi kuno kayang manakit ng babae', she became our hater. Our only hater." pagpapatuloy ni Oasis habang nakatitig kay Nigel.

Lumapit si Martin kay Nigel at umiiling na tiningnan sina Oasis at Cabaron, "Come on guys, walang personalan."

"Nakatatak sa isipan niya na may kinalaman si Reymond sa pagkamatay ni Jennica." monotonous na pahayag ni Christian saka hinigop ang kape, "At updated tayo sa kayang gawin ng pamilya niya. Nasa pulitika sila and we all know how politics works."

"Ano naman ang gagawin ng isang fan-girl-turned-hater sa isang trained agent?" tanong ni Moniceller kay Christian. Hindi niya kasi ma-gets ang kinakatakutan nina Oasis, Cabaron, at Christian.

Napahilot ng sentido si Daisy at tumayo, "Baka nakakalimutan niyo kung anong ginawa niya isang araw matapos ng break-up nila ni Nigel?" 

Nagkatinginan ang lahat at sa huli ay nakatitig lamang sila kay Nigel na tahimik lamang. Alam na kasi ni Nigel ang ibig sabihin ng mga kaibigan. Gusto nilang pakiusapan niya ang dalaga na huwag saktan si Reymond. Hindi niya alam kung magagawa niya ba ang bagay na iyon, duwag na kung duwag ngunit hindi niya kayang harapin si Rannieka, "Pag-iisipan ko." 

"How about Dahlia?"

"Adrian hayaan muna natin siyang makapagconcentrate sa training niya. Hindi magandang bigyan natin siya ng stress." pahayag ni Code Priestess sa kanyang Code Silent.

"And if she finds out?"

"Saka na natin problemahin."

***

Ipinahid ni Rannieka ang icing ng cake sa mukha ng binata.

"Rannieka, ikaw . . . " sinugod ng kiliti ni Reymond ang dalaga, " . . . akala mo!"

"Kyaahh! Reymond! Hahaha! Itigil—hahaha! Ayoko—hahaha! Ayoko na! Hahaha!" 

Gumugulong na silang dalawa sa sahig, mabuti na lang at may carpet ito. Itinigil ni Reymond ang pakikipagkilitian sa dalaga nang mapansin na ang panget na ng position nila, nasa ibabaw niya ang babae at magkatapat ang kanilang mga mukha. Ngumiti lamang siya nang mapansin niyang nakatingin sa kanyang mga labi ang babae, "Go on. I won't mind."

As they're kissing, may nagfaflash na namang mga imahe sa utak ni Reymond, ang maganda nga lang ngayon ay natutunan na niya itong isantabi, parang nagkaroon ang utak niya ng sariling ON and OFF switch. He turned the images OFF and continued kissing the girl he loves.

"I love you honey."

"I love you too honey." ngumiti si Reymond at hinalikan ang noo ng dalaga. Iniisip niya kung paanong may bagong mukhang nagfaflash sa isip niya. Ito ay mukha ng babaeng hiningan niya ng gamot noong araw na hindi na niya maalala ang lahat.

Nitong mga nakaraang araw kasi ay may nakikita siyang mga imahe, mga pangyayari siya actually pero walang tunog, walang dialogue kumbaga. Puro scenes na hindi niya naman maintindihan at wala siyang kilala.

Tumayo na silang dalawa at panay ang kanilang tawa nang biglang may nag-doorbell. Bilang malapit na rin lang sila sa pinto ay sila na ang nagbukas.

"Lence, Hannah . . . " sambit ni Rannieka nang makita ang dalawa. Nagulat na lamang siya nang biglang sugurin ni Lence ang binatang si Reymond. "Lence!"

"Gago!" panay ang suntok ni Lence sa mukha ni Reymond. Hindi naman ito lumalaban kaya mas pabor sa kanya, "Ang kapal ng mukha mo!"

"Lence ano ba!" pilit na pumapagitna si Rannieka pero tinutulak lang siya palayo ni Lence. Lumingon siya kay Hannah na mukhang kalmado lang, naka-shades pa ito at may suot na scarf, "Hannah?! Hindi mo ba siya pipigilan?"

"Eh iyong kalandian mo? Hindi mo pipigilan?" ganting tanong ni Hannah sa babae. Kating-kati na siyang kalmutin ito sa mukha kaya lang kakamanicure niya lang at nagpa-nail art pa siya.

"A-ano?!"

"Ipinaubaya ko siya sa iyo tapos ito lang?! Ito lang ang mangyayari?! Una, ninakaw mo ang buhay niya tapos ngayon para kang tangang hindi makaalala at papatayin mo na naman siya ng unti-unti!" nang mapagod ay tumalikod na si Lence at hinila paalis si Hannah.

"Reymond bakit hindi ka lumaban?" tanong ni Rannieka sa binata habang inaalalayan ito papuntang couch.

"B-baka kasi . . . " napahawak si Reymond sa kanyang pumutok na labi, " . . . may malaking atraso talaga ako sa kanya at kailangan kong pagbayaran iyon." nang maiupo na siya ni Rannieka sa couch ay napaisip siya, Anong kasalanan ko sa kanya? At anong patay? May pinatay na ba ako?

***

"LENCE." nakita ni Hannah ang binata na nakasandal ang noo sa isang pader ng mabahong eskinita. Kaninang umaga lang niya nalaman ang nangyari and for God's sake kararating lang niya galing Indian Ocean. Pagod pa siya pero dahil siya ang nilapitan ng binata para puntahan si Reymond ay hindi na talaga siya nagdalawang-isip pang samahan ito, "Lence." tawag niyang muli rito.

Nilingon ng binata ang dalaga nang may marinig siyang tumumba, "Hannah!" dali-dali niya itong binuhat.

"Lence huwag ka ng malungkot." nanghihina pa ring saad Hannah. Hinawakan niya ang mga pisngi ng binata. Tinitigan niya ang mga mata nitong puno ng pag-aalala para sa babaeng si Jennica. Patuloy lang niyang hinahaplos ang pisngi nito kahit masakit para sa kanya ang nakikita.

"Hannah." saad ni Lence habang naglalakad buhat-buhat pa rin ang dalaga, "Alam mo ba iyong pakiramdam na nagsakripisyo ka na at lahat pero ikaw pa rin ang lugi?" ngumiti ng mapakla ang binata sa sinabi.

Hindi na lamang umimik si Hannah at ipinikit na lamang ang mga mata, Mali ka Lence. Sabi sa akin ng papa ko, ang nagsasakripisyo ay siyang wagi sa huli. Kaya hindi ako magsasawang magsakripisyo para sa iyo Lence. Dahil alalm ko, magwawagi rin ako.

***

Nakatitig lamang si Dahlia sa puting folder na nakapatong sa ibabaw ng mesa niya. Inilapag ito ni Elizabeth Patriar na ngayon ay panay ang iwas ng tingin sa kanya.

"What's this tita?"

"Just open it."

Binuksan nga ni Dahlia ang folder at nagulat pa siya nang makita ang mukha ng isa sa kanyang pinakamatalik na kaibigang si Rannieka Joveta, "P-prospect po ba siya?" nag-aalala niyang tanong dito.

Tumango lamang si Elizabeth.

Inilipat ni Dahlia sa susunod na pahina ang hawak na dokumento at hindi siya makapaniwala nang makita kung kaninong maskara ang nasa tabi ng pangalan nito, "I-i need proof." ayaw niyang maniwala agad. Minsan na silang pinaglaruan ng PS 6th Generation kaya ngayon ay nagiging skeptical na siya. "At kailan pa ito?"

"Matagal na." 

Gustong-gustong manghina ni Dahlia pero hindi pwede. Kailangan niyang malaman ang totoong nangyari. Alam niyang tutulo na naman ang luha niya kaya huminga siya ng malalim. Ayaw niyang magmukhang weakling ngayong kailangan niyang malaman ang lahat.

Dali-daling inabot ni Elizabeth sa dalaga ang kanyang car key, "Hindi kami ang may pakana nito Dahlia."

Hindi na lamang sumagot pa ang dalaga at nilagpasan ang ginang. Nakita niya sa pintuan na nakaabang ang isa pa niyang bestfriend na si Josephine, "Alam mo rin ba?"

"Jen—" natigilan siya sa pagsasalita nang makatanggap ng isang malutong na sampal mula sa kaibigan.

"I'm Dahlia." tanging saad ni Dahlia matapos niyang sampalin ang hindi mapagkakatiwalaang kaibigan.

---

If you liked this part, please do Vote.

If you have something to say, please do Comment. 

If you can't do both, please do Share.

Love lots mga bebe, SheIsLexa. :*

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 229 39
Venice Natalie Cristobal is a normal girl living her silent life. The only thing that excites her living is when she writes and thinks deeply. She ne...
206K 3.8K 21
Dice and Madisson
1.3M 59.9K 45
Disclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself getting manipulated in her own game resu...
605K 21.8K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...