Trapped In (COMPLETED)

Oleh AmareFermosa

285K 6.2K 222

WARNING: R18/SPG Chloe married her friend for personal reason. At katulad ni Chloe ay may sarili ring dahilan... Lebih Banyak

Trapped In
Author's Note (Please read)
Prologue
Chapter 1: Toxic Manila
Chapter 2: Reunion
Chapter 3: Deadline
Chapter 4: Solution
Chapter 5: So It Begins...
Chapter 6: Mrs. Argonza
Chapter 8: My Husband
Chapter 9: Beach Wedding
Chapter 10: Tipsy Night
Chapter 11: Aftermath
Chapter 12: In-laws
Chapter 13: He's Busy
Chapter 14: I Miss You
Chapter 15: Consummate
Chapter 16: Sweet Gestures
Chapter 17: His Dungeon
Chapter 18: Every Woman's Man
Chapter 19: Cold As Ice
Chapter 20: Space...Literally
Chapter 21: Just Right
Chapter 22: His
Chapter 23: Trapped
Chapter 24: Better Be Late
Chapter 25: Night Sky
Chapter 26: I Love You
Chapter 27: In Danger
Chapter 28: On My Knees
Chapter 29: Bommie
Chapter 30: Escape
Chapter 31: His Side
Chapter 32: Gone
Chapter 33: Madly
Chapter 34: Made Love
Chapter 35: Actions & Words
Chapter 36: No Matter What
Chapter 37: Blood
Chapter 38: I Don't Care
Chapter 39: Right Way
Chapter 40: Real
Epilogue

Chapter 7: One Room

5.9K 118 1
Oleh AmareFermosa

Ilang minuto na lang at malapit ng mag 2:25 ng hapon nang marating namin ni Dina ang lugar kung saan kami ikakasal ni Andrew. Isa itong bulwagan na hindi naman gaano kalaki at mayroon lamang isang mesa na nasa harap.

When we entered the room, I immediately scanned the place to look for Andrew. Nakita ko na kasama at kausap niya si Patrick at Leo na nakatayo sa may kanang bahagi ng silid hindi nalalayo sa mesa sa harap. When our eyes met, he gave me a smile. Kahit nag-uunahan na ang mga kabayo sa dibdib ko sa kakatakbo ay nagawa ko pa ring sagutin ang ngiti niya ng ngiti, hindi ko nga lang sigurado kung hindi ba ito nagmukhang peke.

"Hi." Bati nito nang makalapit kami ni Dina sa kinatatayuan nila.

"Hello." Tipid kong sagot.

Nakita ko na agad kumapit si Dina sa asawang si Leo at naghalikan ito bilang pagbati sa isa't-isa. Mabuti na lang at hindi kagaya ng halikan nila no'ng una kong kita sa kanila ang kanilang ginawa.

"You look nervous." Pansin nito sa akin na may kasama pang mahinang tawa.

"Because I really am." Nakairap kong sagot.

"Don't be. Everything is going well according to the plan. So fake a smile and make our witnesses believe that we're really head over heels with each other." Sabi nito at pagkatapos ay hinapit ang aking bewang at binigyan ng isang halik ang aking noo na siyang kinagulat ko nang husto.

"Anong ginagawa mo?" Mahina ko siyang binulungan kasabay ng panlalaki ng aking mata.

Kahit asiwa ay hinayaan ko na manatili ang kamay niya sa gilid ng bewang ko at baka magtaka ang mga kaibigan niya kung nagkataon na hinawi ko ang kamay niya.

"Cooperate, Chloe. Act sweet for Pete's sake. I'm trying my best here." Ibinulong niya kasabay ng pagyakap niya sa akin.

Dahil sa sinabi niya ay naging alerto ang mata ko sa paligid. From my peripheral view, I saw his friends looking at us while genuine smiles plastered on their faces except for Patrick that has a very funny expression I can't name.

Kumilos nang kusa ang dalawa kong braso at natagpuan ko na lang ang sarili na sinagot na ang yakap niya. Naging mas mahigpit ang yakap niya nang maramdamang sinagot ko ang kanyang yakap.

We were on our own personal bubbles when suddenly Patrick spoke.

"Enough of that, guys. Be considerate of me, don't you see? I'm the only single here and you lovebirds kept on doing sweet nothings. I might puke in here, you know." Nakabusangot nitong saad na nagpatawa sa aming apat.

"You're such a bitter of a playboy." Tudyo ni Dina.

"I'm serious. I'm having a goosebumps since I saw you eating lips with each other, Dina." Saad ni Patrick na nagpairap kay Dina.

Dahil sa tinakbo ng pag-uusap ng magkaibigan ay nabawas-bawasan ang kabang naramdaman ko mula pa kanina. Mabuti na lang din at hindi na nagtangka pang magsalita ni Andrew ng mga matatamis na salita para ipakita sa mga kaibigan niya na malambing kami sa isa't-isa.

At exactly 3pm, an old man in a suit arrived, and the civil wedding ceremony started.

Naging mabilis naman ang tanungan at wala na masyadong maraming paliguy-ligoy since isang civil wedding lang naman ang nangyari. Matapos kaming tanungin at sumagot ng I do, nagsuot ng singsing, pumirma kasama na rin ang pagpirma ng mga witness ay umabot din kami sa dulo ng kasal na siyang hindi ko gaanong napaghandaan.

"And now, you may kiss your bride." Nakangiting sabi ng nagkasal sa amin habang nakatingin kay Andrew na tila inuutusan itong maghalikan na kami sa harap nilang lahat.

Pumihit siya ng katawan para makaharap ako at ihinarap din ako sa kanya. I was almost out of breath when he slowly closing the gap between our faces.

"This will not going to be an ordinary peck, Chloe. Get ready for a real one." Mahina nitong bulong bago dahan-dahang yumuko habang hawak ang aking magkabilang pisngi.

Dahan-dahan din akong pumikit at hinintay na dumapo ang kanyang labi sa aking labi.


__________



Matapos ang kasal ay diretso kami sa isang restaurant para kumain. Mabilis lang din ang nangyaring simpleng reception na hindi naman mukhang reception kasi nga kumain lang naman kami sa isang restaurant.

Hindi kasi kami pwedeng magtagal ni Andrew dahil alas osto ng gabi ang oras ng flight namin pabalik ng Manila. Afterall, we're not the usual married couple who needed a honeymoon after the wedding. May mga trabaho kaming dapat asikasuhin kaya hindi kami pwedeng magtagal sa pag-uwi.

Almost half of nineteen hours and forty minutes flight back to Manila was a total torture for me. Dahil tahimik ang loob ng eroplano at ang karamihan kung hindi man lahat ay tulog at isama mo pa ang katabi kong mahimbing na rin ang tulog kaya hindi ko maiwasan ang mag-isip.

Ang nangyaring halikan sa pagitan namin ni Andrew sa kasal ay siyang unang halik ko. Oo at nagka-boyfriend ako isang beses pero tumagal lang naman ng tatlong linggo 'yon at hindi umabot sa puntong naghalikan kami.

The kiss as what Andrew said was not just a simple peck. I don't know what to call that one. Hindi ko naman alam ang pinagka-iba ng mga halik sa bawat isa. But if I have to name it, I would name it as a passionate one.

Nanginig ang tuhod ko nang halos lamunin ni Andrew ang labi ko sa harap ng ibang tao. Naramdaman ko rin ang dila niya na pumasok talaga mismo sa loob ng bibig ko. I don't know how to kiss because that was my first but I tried to answer back his kisses. Hindi dahil 'yon ang kailangan pero dahil 'yon ang sinasabi ng utak at labi ko. I gave in and it ashamed me.

Medyo matagal bago natapos ang halik na halos lagutan na ako ng hininga. Buti na lang at naawat kami dahil na rin sa tukso ng mga kaibigan niya. My knees were literally turned jelly, if that's possible. Good thing Andrew was able to hold me and keep me on the ground. Kung hindi lang siguro siya nakaalalay ay baka tuluyan na akong napaluhod sa panghihina.

Nang lulan na kami ng puting sasakyan na pinahiram sa amin ni Leo papuntang restaurant ay tinanong ko siya tungkol do'n. Hindi ko makakalimutan ang preskong sagot niya habang nanggagalaiti ako sa inis.

"I had to kiss you that way, Chloe. Don't be mad, it's all an act. Otherwise, they won't believe that I'm really into you. I'm famous for being a good-kisser. So I had to kiss you real good." Sagot pa nito na tila wala lang at binalik agad ang tingin sa harap.

I calmed and stopped myself from screaming out of frustration. Ayaw ko namang isipin niya na sobra akong apektado at baka asarin niya pa ako. Hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko kung bakit masyado kong iniisip ang halik na 'yon, pero siguro nga gano'n ang epekto pag ang pangarap mong first kiss ay hindi nangyari naaayon sa gusto mo.

I tried to erase all of the passing memories in my head about the kiss. Mangangalahati na ng byahe nang tuluyan akong gupuin ng antok. Hindi rin naman maganda na pagurin ko ang sarili sa pag-iisip tungkol do'n habang si Andrew ay walang-pake at mahimbing pang natutulog.

Mag-aalas kwatro ng hapon nang lumapag ang sinasakyan naming eroplano sa NAIA.

"Let's wait here." Pigil sa akin ni Andrew nang pipila na rin sana ako para makakuha ng taxing masasakyan.

"Bakit? Sinong hihintayin natin?" Nagtataka kong tanong.

"May susundo sa atin. I asked Kaizer to fetch us." Sagot niya na ikinaba ko.

"Ah okay. So nasabi mo na ang tungkol sa pagpapakasal natin. Kumusta naman 'yong kwento mo? Ayos ba? Wala ka bang nakalimutan na detalye ng love story na ginawa natin?" Tanong ko.

"He knew about our agreement." Maikli niyang sagot pero ang laki ng epekto sa akin nang marinig ko.

"What?!" Hinarap ko siya na nanlalaki ang mata at nakita niya marahil na gusto ko siyang saktan ng sandaling 'yon kaya ay umatras siya bago nagsalitang muli.

"Relax, Chloe. Kaizer knew about my problem and he knew that I was looking for someone to marry to get my inheritance. Our friend is not stupid to know our real score if he finds out we're suddenly married. Kaya sinabi ko na sa kanya, alam niya ang totoo nating relasyon. And he also knew that you're the one who offered it to me." Aniya.

I deeply sighed. I know that by now Andi knew about this. Alam ko naman na hindi nagtataguan ng sekreto ang dalawang mag-asawa. She will surely get mad at me. I have a plan on telling her first before we announced it to our friends but I think I'm late.

Marahil nga ay mabuti na rin 'yon dahil kahit sabihin namin ni Andrew na mahal namin ang isa't-isa ay paniguradong maghihinala siya at magkaka-idea kung bakit ako biglaang nagpakasal.

Hindi nagtagal ay dumating din si Kaizer habang may ekspresyon sa mukha na 'di ko mapangalanan. Napayuko ako nang makalapit siya at hindi magawang salubungin ang kanyang titig. Nahihiya ako, alam niya kasi na ako ang lumapit kay Andrew.

"Hey, bro!" Salubong bati ni Andrew kay Kaizer.

Simpleng tango naman ang ginawa nito bago nilipat ang tingin sa gawi ko.

"How are you, Chloe?" Tanong niya sa akin.

Noon pa man ay intimidated na ako kay Kaizer pero sinampung tupi yata ang intimidation na naramdaman ko ng sandaling 'yon. Para naman kasing hindi marunong ngumiti ang isang 'to. Medyo nahahawa na nga niya itong si Andrew na dati namang palangiti at palabiro. Siguro nga gano'n pag nagkaka-edad na.

Simula nang maging sila ng bestfriend kong si Andi ay nahawa na rin ng pagka-over protective si Kaizer kaya hindi ko maiwasan na kabahan dahil turing niya sa akin ay parang kapatid na dapat bantayan.

"Okay naman." Tipid kong sagot.

Napansin yata ni Andrew na kinakabahan ako kaya bigla niyang hinawakan ang namamawis kong kamay at pinisil iyon. Nakita ko na napababa ang paningin ni Kaizer sa pinagsalikop naming kamay.

"Don't scare her, Kaizer." Saad ni Andrew na nagpa-angat ng ulo ng aming kaibigan.

"I'm not scaring her, Andrew. But you might be, stop holding her hands. You don't need to act because I know the truth." Dahil sa sinabi ni Kaizer ay mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Andrew.

"Whoa! You're too serious, pare. Baka naman suntukin mo ako kung hinalikan ko si Chloe ngayon." Saad ni Andrew na ikinainit ng aking pisngi.

Si Kaizer pa lang ang kaharap namin pero ilang na ilang na ako, paano na lang kaya kung ang buong barkada na ang kaharap namin? In front of Kaizer and Andi, we don't need to act but in front of all of our friends is a different story.

"I won't punch you, asshole, but my wife might be. Andi is very mad to the both of you." Pailing-iling na saad ni Kaizer.

I can imagine Andi's face in an instant. And it scares me as hell. She's scarier than my own mother.

Tumawa naman nang hilaw si Andrew sa sinabi ni Kaizer. Kahit siya kasi ay alam kung paano magalit ang bestfriend ko. Black eye sa kaliwang mata ang natamo nito ng minsang pinilit niya si Kaizer na pumunta ng bar dahil lang sa wala siyang ka-fling ng mga panahong 'yon at bored. Nag-mukha silang panda brothers no'n na siyang naging katuwaan ng buong barkada.

Nang tumalikod at naglakad na si Kaizer pabalik ng sasakyan ay agad din na sumunod kami ni Andrew na siyang may dala ng lahat ng maleta namin. Hindi kasi gaano karami ang bitbit naming dalawa dahil dalawang araw lang ang nilagi namin sa New York.

Habang nasa byahe ay panay lang ang usap ng dalawa tungkol sa negosyo at dahil hindi ako interesado sa topic nila ay humilig na lang ako sa bintana at pinagmasadan ang bawat dinadaanan ng sasakyan.

Umabot ng dalawang oras ang byahe patungo sa condo ni Andrew dahil sa sobrang bagal ng traffic.

"Thank you, pare." Ani Andrew habang pababa na ng kotse at tumango lang si Kaizer bilang tugon.

"Salamat, Kaizer. Say hi to Andi for me." Tipid kong sabi.

"Call her or meet her. The two of you need to talk." He said and I simply nodded.

Agad niyang pinasibad ang sasakyan papalayo sa kinatatayuan namin matapos magka-paalaman.

Bago kami lumipad papuntang New York ay naiayos ko na ang mga gamit ko sa condo ni Andrew. Hindi naman gaano karami ang dinala kong damit dahil pwede naman akong kumuha sa bahay pag kailangan ko. Mas niramihan ko lang ang dinalang damit para sa trabaho.

"Sa'n nakalagay ang bakanteng unan at kumot mo?" Tanong ko sa kanya habang umiinom siya ng tubig galing sa kanyang mini ref.

"Nasa cabinet sa kwarto. Just look for it, it was in the right side. And about the pillow, I have four of it; you can have the two." Sagot niya.

Pumunta na ako sa kwarto niya at kumuha ng kumot pati na rin ng bath towel at balak kong mag-shower muna bago magpahinga. Last kong kinuha ang dalawang unan sa kanyang malaking kama at hindi na pinalitan ng punda dahil amoy pa lang ng unan ay alam kong bago pa itong palit.

Naglalapag na ako ng kumot at unan sa sofa nang magsalita bigla si Andrew na nasa likod ko na pala.

"What are you doing?" Salubong ang kilay nitong tanong.

"Naghahanda ng matutulugan. Magsa-shower muna ako bago matulog. Uuna na rin ako matulog kasi 'di ako gaanong kumportable sa pagtulog sa eroplano kanina." Sagot ko.

"And who says na dyan ka matutulog?" Tanong niya na ikinakunot ko na rin ng noo.

"At bakit? Saan mo ako patutulugin eh isang kwarto lang ang mayro'n sa condo mo? Don't tell me na pati 'tong sofa ipagdadamot mo pa? Anong gusto mo, dito sa sahig ako matulog?" Sunud-sunod kong tanong.

"That's not what I mean." Wala na ang salubong ng kilay niyang sabi. "You don't need to sleep here outside. You can sleep in my room, in my bed."

Nagdiwang naman ang kalooban ko sa narinig. Hindi ko inakalang gentleman si Andrew kahit paano.

"So you mean, I stay and sleep in your room and you will sleep here in the sofa instead?" Nakangiti kong paninigurado.

"Anong I sleep here? Walang matutulog sa sofa. Both of us will sleep in my room. Don't worry, I have no plan of taking advantage of you if that's what you are thinking. We're just married in the paper but our realtionship remains friends. We both agreed on our 3rd rule, Chloe." Sagot niya.

Ang kaninang pagdidiwang ng kalooban ko ay biglang naglaho na parang bula.

"Sige na, pumasok ka na do'n." Utos niya at tuluyan nang tumalikod.

Shit! We're going to sleep in one room?




*****

Medyo malungkot ako ngayon dahil nami-miss ko ang dating Taylor Swift. I really miss her old music :'(
But nevertheless, I will still support her and will remain a loyal Swiftie no matter what.

Pero kakalungkot talaga pakinggan ang mga bagong kanta ng mga idol ko ngayon, pati ang The Script nawala ang dating style at deep ng lyrics. 'Yong single nilang Rain pa lang naman ang narinig ko pero sana hindi gano'n lahat nilang kanta sa bago nilang album :(

Sorry at napa-share pa ako dito sa author's note ko (andrama ko ba?)
But anyway highway, sana ay magustuhan niyo ang update na ito at maraming salamat sa pagbabasa :)

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

117K 2K 44
You are the princess of your clan. You are looked up to by everyone. Nasa iyo na ang lahat. Fame, wealth, beauty, body... everyone loves you. Pero...
585K 13.3K 40
RATED SPG Naranasan ni Matilda Aragon ang isang gabi na puno ng passion sa mga kamay ng mapanganib na lalaki na si Trust Benedicto. But their white-h...
526K 8.2K 27
'All I need is your sperm cell but it turns out what I really want is your Love? ' Date started : October 25, 2016 Date finished: June 6, 2017 ( Cre...
1.1M 24.9K 48
Side Story of My Playboy Boss Jake and Carla Cover by: PANANABELS