Trapped In (COMPLETED)

By AmareFermosa

285K 6.2K 222

WARNING: R18/SPG Chloe married her friend for personal reason. At katulad ni Chloe ay may sarili ring dahilan... More

Trapped In
Author's Note (Please read)
Prologue
Chapter 2: Reunion
Chapter 3: Deadline
Chapter 4: Solution
Chapter 5: So It Begins...
Chapter 6: Mrs. Argonza
Chapter 7: One Room
Chapter 8: My Husband
Chapter 9: Beach Wedding
Chapter 10: Tipsy Night
Chapter 11: Aftermath
Chapter 12: In-laws
Chapter 13: He's Busy
Chapter 14: I Miss You
Chapter 15: Consummate
Chapter 16: Sweet Gestures
Chapter 17: His Dungeon
Chapter 18: Every Woman's Man
Chapter 19: Cold As Ice
Chapter 20: Space...Literally
Chapter 21: Just Right
Chapter 22: His
Chapter 23: Trapped
Chapter 24: Better Be Late
Chapter 25: Night Sky
Chapter 26: I Love You
Chapter 27: In Danger
Chapter 28: On My Knees
Chapter 29: Bommie
Chapter 30: Escape
Chapter 31: His Side
Chapter 32: Gone
Chapter 33: Madly
Chapter 34: Made Love
Chapter 35: Actions & Words
Chapter 36: No Matter What
Chapter 37: Blood
Chapter 38: I Don't Care
Chapter 39: Right Way
Chapter 40: Real
Epilogue

Chapter 1: Toxic Manila

10.8K 171 5
By AmareFermosa

Maaliwalas at magandang panahon ang bumungad sa akin pagkababa na pagkababa ko sa eroplano. It's been two years since I last breathe the polluted air of Manila. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti, kahit pala napaka-polluted dito ay nakaka-miss pa rin.

"Welcome home, Chloe." Mahina kong bulong sa sarili.

Dahil lahat ng pamilya ko ay nasa America na ay walang sumundo sa akin. Medyo sanay na rin ako dahil simula nang magtrabaho ako pagka-graduate ay nag-paroo't parito ako from Manila to Ilo-ilo for almost two years bago ako nag-decide na mamalagi na talaga sa Ilo-ilo ay wala na talagang sumusundo sa akin at diretso na ako sa bahay.

At gaya lagi ng suliranin sa airport ng Pinas ay medyo matagal akong nag-abang ng masasakyan.

As I hopped inside the taxi my cellphone rang.

"Hello, my?" sagot ko.

I wondered why mom called. Kakatawag lang kasi niya kahapon sa akin at swerte na nga sa isang linggo na tatlong beses siya kung tumawag kaya nagtaka ako.

Dahil nanibago sa istura ng Manila ay nakatuon ang aking paningin sa labas ng bintana habang nasa tenga ko ang aking cellphone.

[Kumusta? Nakarating ka na ba ng Manila?] She asked.

"Yeah, nakarating na po ako." Sagot ko.

"Diretsuhin mo na, my, alam kong hindi tungkol d'yan ang tinawag mo." Dagdag kong sabi.

She doesn't call for that kind of matter. Laging may importante siyang sasabihin o di kaya'y balita sa kanila ang lagi naming pinag-uusapan pag tumatawag siya.

[I and your dad talked about this yesterday, Chloe. We agreed to sent you a ticket. Tutal at matagal na naman na proseso ang petition mo para pumunta rito at ikaw lang talaga ang may ayaw.] Mahaba niyang saad.

"But, mommy..."

Matagal na rin na naninirahan ang mga magulang ko sa America. Unang tumungo do'n si daddy tatlong buwan mula nang grumadweyt ako sa college six years ago at sumunod si mommy after six months. Dapat four years ago ay sumunod na ako but I chose to stay in the Philippines. Mas gusto ko naman dito kaysa mangibang bansa.

[No buts, Chloe. We let you stay in the Philippines kasi akala namin na diyan mo gustong magkapamilya. But you're already 28 and still single at kahit anak wala ka.] Lintanya ni mommy.

'Yon kasi ang kasunduan namin, I should be married when I turned 26 or else I'll follow them in the states. Medyo naurong nga lang ng two years kasi nakakalusot pa ako sa kanila. But this time is different, bibili na talaga sila ng ticket.

"My, ayaw ko ngang mag-asawa diba? I have no plan of getting married anytime soon. Pero ayaw ko rin diyan sa America, okay lang naman ako dito sa Pinas." Sagot ko.

[Diyosko naman, anak. Bakit ba ayaw mong mag-asawa? Hindi madaling mamuhay ng mag-isa hanggang pagtanda.] She said, concern was very evident in her voice.

"My, sakit sa ulo lang 'yan. Hindi mo pa ba napapanood ang No other woman, The legal wife, Secret affair, One more try, The mistress, My husband's lover, The unmarried wife at ang Ika-anim na utos? Wala ng faithful na lalaki ngayon. Wala ng katulad ni daddy. Kaya ako mas pipiliin ko ang magka-anak kaysa magka-asawa." Mahaba kong paliwanag ng side ko.

[Ewan ko sa'yong bata ka, mas negative ka pa sa temperatura dito sa America. Sige na, bababa ko na 'tong tawag pero 'wag mong isipin na lusot ka na. I'll tell your dad about your decision but I don't think na mababago pa ang desisyon niyang pasunurin ka rito.] Sabi niya bago pinatay nang tuluyan ang tawag.

I sighed deeply. Ang kanina na magandang mood ko pagkalapag ng eroplano ay biglang pumangit dahil sa tawag ni mommy. I really don't want to go. Kahit polluted at mahirap ang buhay sa Pilipinas, mas gusto ko pa rin dito. I have my life here.

Nakita ko pa na napatingin sa rear view mirror ang taxi driver at tila gusto pang matawa. Hindi rin naman siya chismoso.

Nakalumbaba kong binalik ang tingin sa bintana at binalewala na lang ang nakakasuyang mukha ng driver. Iniisip ko ang pwede ko pang idahilan o solusyon para lang hindi ako matuloy sa pag-alis.

Dahil alas diyes na ng umaga at hindi rush hour ng gano'ng oras ay mabilis naman akong nakarating sa bahay. Buti na lang talaga at hindi kasali sa plano ng mga magulang ko na ibenta ang bahay namin. Kahit naman kasi napili nilang mag-migrate ay pumupunta pa rin sila sa Pilipinas para magbakasyon. Sa katunayan ay dalawang beses na silang nagbakasyon dito sa loob ng halos anim na taon nila sa America.

Bitbit ang isang maliit na maleta ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Kahit walang nakatira rito ay malinis at maayos pa rin ang itsura sa loob, may caretaker kasi na nagmi-mentina rito isang beses isang linggo na ako ang napapasahod. Mabuti na lang at mabait ang katulong ng kapit-bahay namin na si Aling Hilda kaya napakiusapan ko. Madali lang din naman linisan ang bahay dahil wala namang nakatira para magulo ito.

I miss my home. Kahit nakasanayan ko na ang buhay ko sa Ilo-ilo ay iba pa rin talaga sa lugar na kinalakihan mo na. It's more familiar. It's more calming. It's more....homely.

Inakyat ko ang maletang dala ko diretso sa kwarto. Tuwang-tuwa naman akong lumundag sa kama ko at parang batang nagpagulung-gulong.

"I miss this." Usal ko.

Hindi kasi gaanong kalaki ang kama ko sa Ilo-ilo dahil maliit na apartment lang ang niri-rent ko since mag-isa lang naman ako at mostly nasa opisina ako kaysa nasa bahay.

Marahil ay dahil sa pagod dahil na rin nag-overtime ako para walang maiwan na maraming trabaho kahit naka-leave ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako nang tuluyan.


_________



I woke up around four in the afternoon. Dahil nakalimutan kong mag-on ng aircon ay medyo pinawis ako sa pagtulog kaya diretso ako sa banyo para maligo.

Pagkatapos maligo ay naisipan kong mag-grocery since one week din ang bakasyon ko rito kaya kakailanganin kong lagyan ng laman ang ref at kakain na rin ng dinner sa labas kasi wala nga akong makain sa bahay.

Naisipan ko na imbes mag-taxi ay gamitin ang kotse ko. Hindi ko kasi magawang ibenta ito dahil na rin sa may sentimental value ito para sa akin, kahit na ba hindi ko naman ito madadala ng Ilo-ilo. I was just lucky to have a very kind bestfriend. Nag-volunteer si Andi paandarin ang kotse ko three times a month para hindi masira, naiintindihan niya kasi kung bakit ayaw kong ibenta ito.

Pinasadaan ko ng hawak ang aking Mazda CX-3 bago tuluyang pumasok sa loob nito. Nakita ko na puno pa naman ang tangke ng gas at nang i-start ko na ay okay din ang tunog nito at halatang maganda ang kondisyon ng makina.

I can't stop cursing while I'm on my way to the mall. Masyadong mabagal ang traffic na hindi ko tuloy mapigilan ang mapamura sa inip. Alas singko na kasi ng hapon kaya rush hour talaga.

This is the only thing I don't miss here in Manila, the traffic. Umuubos kasi ito ng oras pati na ng gas. Imbes marami ka pang magawa sa isang araw ay mas malaki pa ang gugugulin mong panahon sa daan.

I quickly became impatient because I really don't experience this kind of heavy traffic in Ilo-ilo, I'm not used to it anymore. Oo at may mabagal na traffic rin naman ang Ilo-ilo since city din naman ito pero wala talagang tatalo rito sa Manila.

I spent one hour to finally arrived at the near mall. Kahit malapit lang naman ang mall na 'to sa bahay pero umabot pa talaga ako ng isang oras sa byahe. Grabehang traffic naman oo.

Dahil sa pagod na rin sa pag-aantay kung kailan pwedeng umabante ng andar eh inabot ako ng sobrang gutom kaya kumain muna ako sa isang fastfood bago mag-grocery. Sa fastfood na ako kumain dahil hindi na talaga makapag-antay ang bituka ko at tsaka mag-isa lang naman ako kaya okay lang.

Matapos kumain ay diresto ako sa supermarket, pumunta agad ako sa wet section at pumili ng mga karne at syempre pati ang paborito kong hotdog at bacon every breakfast, namili na rin ako ng pwedeng ipangsangkap sa pagluluto at bigas. Dahil medyo magtatagal nga ako sa Manila ay bumili na rin ako ng toiletries dahil puro damit lang talaga ang dinala ko pauwi rito.

Pagkatapos mamili ng mga pagkain at ibang kailangan sa bahay ay naisipan ko namang maghanap ng susuotin sa binyag bukas. May dala naman akong damit pero nandito na rin lamang ako sa mall ay bibili na ako ng bago.

Kakatapos ko lang isukat ang isang puting dress nang tumawag sa akin si Andi.

[Hello, Chloe, nasa Manila ka na ba?] Bungad nitong tanong nang sagutin ko ang tawag niya.

"Oo, kakarating ko lang kanina mga alas diyes ng umaga." Sagot ko at bumalik sa display ng damit para magtingin-tingin.

[Thank goodness! Akala ko ay missing in action ka naman ngayon.] Aniya.

"Ako pa ba? Syempre hindi ko palalagpasin ang binyag ng inaanak ko."

[Hoy babae, dalawang birthday na kaya ng una mong inaanak ang hindi mo napuntahan. Ang tagal mo ng hindi nagpapakita sa amin.] May himig na pagtatampo sa boses niya.

Bigla ko tuloy na-miss si baby Keylan, malamang malaki na ngayon ang inaanak ko dahil magti-three years old na ito ngayong taon.

"Sorry naman. I'm just really busy at work. Alam mo na, working girl ang bestfriend mo." Natatawa kong turan.

[Talagang work lang? How's your love life?] Maintrigang tanong nito kahit naman wala akong tinatago sa kanya pagdating sa personal kong buhay. Kahit kasi malayo kami sa isa't-isa we make sure na nag-uusap pa rin kami.

For two long years ay makikita ko na rin ang mga kaibigan ko. Ang alam ko lahat kami sa barkada ay ninang at ninong ni baby Aisha gaya ng kay Keylan at for sure dadalo ang lahat. Promise kasi namin 'yon sa bawat isa kaya nga kahit hindi ako maka-attend ng birthday party nila ay okay lang at 'wag lang ang binyag at kasal dahil paniguradong magtatampo sila.

"Alam mo naman na. Parang coke nga diba? Zero." Biro ko.

[Malay ko ba at baka kaya hindi ka umuuwi sa Manila dahil may boyfriend ka na palang tinatago do'n.]

"Kilabutan ka nga, Andi. Ano 'yon, may sabit o di kayo dirty old man para itago ko talaga? Wala talaga, bakit naman ako maglilihim sa'yo? At tsaka sino ba sa atin 'yong naglihim minsan? Ako ba?"

Narinig ko ang paghagalpak niya ng tawa sa sinabi ko.

[Ang serious ha. Hindi ka pa pala nakakapag-move on do'n?] Natatawa niyang tanong.

Kung noon ay natatahimik siya pag bini-bring up ko ang topic na 'yon pero ngayon ay hindi na. Masyadong masaya ang buhay may asawa ng kaibigan ko para alalahanin pa ang nakaraan. Oo at nakaka-inggit na may halos perpekto siyang pamilya at masungit pero mabait at mapagmahal na asawa. But I'm happy for her, I am genuinely happy that my friend is happy. Sa bait ni Andi, deserve niya ang lahat ng meron siya ngayon.

"Ikaw kasi dyan. Pinagdududahan mo ang honesty ko eh alam mo naman na open book ako sa'yo." Saad ko.

Napangiti ako ng sa wakas ay nakita ko rin ang gusto kong disenyo ng damit. Hinawakan ko muna ito at susukatin pagkatapos ng tawag.

[Sure 'yan ha. Sabihan mo agad ako kung may nagpapatibok na ng puso mo at ng makilatis. Alas dos bukas ang bin-] Naputol ang sasabihin niya dapat ng may biglang pumalahaw ng iyak sa kabilang linya.

[Sshh.. tulog na baby. Kausap ni mama si ninang Chloe mo.] Rinig kong pagtatahan ni Andi sa anak.

Inang-ina na talaga ang dating ng bestfriend ko. Parang kailan lang ng nasa high school pa kami at nagtutusok-tusok ng fish ball sa kanto malapit sa aming pinasasukan. Time flies really fast.

Mas lalong lumakas ang iyak ni Aisha kaya nagpaalam na si Andi sa akin. [Sige, Chloe, babye muna at umiiyak na itong bunso namin mukhang gutom, papadedein ko muna. Basta alas dos ang binyag, wag mong kalimutan.] Paalala niya.

"Copy! See you tomorrow, bye." Saad ko bago pinutol ang tawag.

Pagkatapos ng tawag ay agad akong nagtungo sa fitting room para isukat ang napiling damit. Nang magustuhan ko ang sukat nito sa katawan ko ay agad ko na itong binayaran sa counter.

I decided to go home after that since I already brought all the things I needed for my one week stay in Manila. And as usual, I need to face heavy traffic first.




*****

This is a stand-alone story but I suggest that you read LOVE DEAL first before reading this.

Understandable naman siya kahit di niyo basahin ang Love Deal pero mas nauna kasi ang time frame no'n compared dito sa Trapped In kaya makakabasa talaga kayo ng spoilers pag inuna niyo 'to. Completed na po ang LD kaya 'yon muna basahin niyo since on-going pa 'tong TI :)

THANKS FOR READING ❤❤❤

Continue Reading

You'll Also Like

75.5K 1.5K 34
This story is not suitable for young ages. Alam mo yung almost? Almost na ikakasal na kayo, almost na magkakapamilya na kayo? Pero sa isang kisapmat...
3.2K 73 7
Mature content MBBC#7 Linus Leone Mondragon and Saraid. Mababasa ang buong kwento nila sa Dreame/Yugto. Maraming Salamat. C.M. LOUDEN
1.1M 24.9K 48
Side Story of My Playboy Boss Jake and Carla Cover by: PANANABELS
585K 13.3K 40
RATED SPG Naranasan ni Matilda Aragon ang isang gabi na puno ng passion sa mga kamay ng mapanganib na lalaki na si Trust Benedicto. But their white-h...