Protecting the Campus Royalti...

By Baepreshyy

7.5M 202K 41.4K

"Far from being Ordinary Girls" ang papasok sa isang sikat na paaralan kung saan nandoon ang mga kalalakihang... More

PTCR
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69

CHAPTER 29

77.2K 2.5K 304
By Baepreshyy

•°•

Naeyumie's POV

--------

Nakasunod ako kina Klenth. At syempre hindi ako nagpahalata na sinusundan ko talaga sila. Baka mabuking ako, mahirap na.

Mag-aalasais na ng gabi at hindi ko alam kung saan papunta 'tong dalawang 'to. O baka naman pupunta sila sa Hotel? Ang bata bata pa ha, ang lalandi! Pero parang hindi naman siguro sila pupunta roon.

Napabuntong-hininga ako at mas binilisan ang pagmamaneho. Naka uniform pa ako at wala pang bihis.
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa isang restaurant. Sa isang mamahaling restaurant sila tumungo. I parked the motorbike far from them. 

Pinarada ni Klenth ang sasakyan niya at bumaba para pagbuksan si Ellisandra ng pintuan. Ay. Ang gentleman naman pala pero sa piling tao lang.

Ngumiti si Ellisandra kay Klenth pagkababa niya at inaalalayan pa rin siya ni Klenth hanggang sa makapasok sila ng restaurant. Ako naman ay nandito sa harap ng restaurant, sa may puno, nilalamok.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha roon ang leather jacket saka sinuot. Medyo mahaba ang jacket na 'to at parang isa na ring coat. Kinuha ko rin ang shades doon. Tinanggal ko muna ang helmet at inayos ang buhok bago sinuot na ang shades. Naglagay ako ng mapulang lipstick at tinali ang buhok ko.

Pagkatapos ng maikling make over ay pinarada ko ang motor sa may parking lot, malayo pa rin sa sasakyan ni Klenth. Napatingin pa sa 'kin 'yong guard pero hindi niya naman siguro makikita na nakita ko siyang nakatingin sa akin dahil naka shades ako. Para siyang nakakita ng artista base sa nakikita ko sa mukha niya. Hayy.

Pumasok na ako sa restaurant. Pagkapasok ko ay napatingin na 'yong iba sa akin habang ang iba naman ay nagpapatuloy lang sa pagkain at chikahan.

Breasts out and chin up. Confident akong naglalakad kung saan may bakanteng upuan. Hindi naman gaano ka puno ang mga tao rito at hindi na rin masama iyon. Mabuti na lang.

Pasimple kong hinanap kung saan sila Klenth umupo. Dapat malapit lang ako sa kanila. Baka kung may malaswa silang gagawin. Joke! Hindi naman. Baka may kung anong gawin sa kaniya si Ellisandra. At kung may malaswa man silang gagawin, pake ko ba?!

Agad kong namataan ang isang lalaki na tumatawa sa harap ng babaeng nililigawan niya. Ang guwapo sana. Pero aanhin ang kaguwapuhan kung pangit naman makitungo sa iba diba?

Pasimple akong naglakad papunta sa tabi ng table nila kasi may bakante roon. Medyo malayo pero parang malapit na. De sofa ang restaurant na 'to kaya I feel comfortable.

Pag-upo ko sa katabing table nila ay rinig ko ang tawanan nilang dalawa. Narinig ko rin ang tawa ni Klenth for the first time! I sighed and rolled my eyes.

Nilapitan na ako ng waiter kaya sinabi ko na ang gusto kong kainin. Alangan namang tutunganga lang ako rito habang pamasid-masid sa kanila!

"One vegetable salad, vanilla milkshake and a glass of lemon juice please..." Nakangiti ring tugon ko. Tumango ang waiter. Aalis na sana siya nang magsalita ulit ako. "And can you please add water?" Maarteng tugon ko.

"Your order will be served in 10 minute, Ma'am," sabi nito. I nodded.

Napabuntong-hininga ako at inayos ang pagkakapwesto ng salamin ko. Hindi ko pa kasi siya tinatanggal eh. Mabuti na rin na ganito. Kunyari ako si Senyorita na naka shades at may mapulang labi tapos makinis na mukha. I'm so gorgeous talaga.

"Klenth, I heard you bullied a newbie named Naeyumie." 

Natigilan ako at nag fold arms na lang habang nakikinig.

Sige, pag-usapan niyo pa ako!

"Siya kasi ang nauna eh," rinig ko naman sagot ni Klenth.

I rolled my eyes. Ang gagong 'to. Ako ba talaga ang nanguna?!

"But it is still wrong, Klenth."

"Past is past, Elli. Hindi na nga kami nagpapansinan eh..."

Hindi talaga! At sino naman nagsabi sa kaniya na nagpapansinan kami? Duh. Talking to him is the last thing I want to do in my life. Nanggigil na talaga ako ngayon.

"So nagpapansinan kayo noon?"

"What? No. That's not what I mean. Ang sinasabi ko ay hindi na namin pinapaki alaman ang isa't-isa. I don't care about her and what she does."

At wala rin akong pake alam sa 'yo! Kung wala lang sanang misyon edi hinayaan na kita rito.

"And I don't like her. I hate her."

Duh. Blablablablablah.

I don't like you too, alright? So the feeling's mutual and it'll stay that way until we're over in this freaking mission.

"Gumaganti ba sjya sa pangbubully mo?" Tanong ni Elli maya-maya.

Ang saya ha, pinag uusapan talaga nila akong dalawa. At si Ellisandra pa ang nag-uumpisa ng topic. Maybe she knows me? And she's trying to get some information. But that's far possible.

Matagal na hindi ko narinig na sumagot si Klenth. Bakit kaya hindi siya sumagot? Nakatingin lang ako kunyari sa isang baso na walang laman sa harap ko.

Gumaganti ba ako sa kaniya? Sa pagkaalala ako ay ewan. Hindi ko alam kung gumanti ba ako sa pangbubully niya. Malay ko ba sa ugok na 'yan.

"W-Wala," rinig kong sambit ni Klenth.

Narinig ko naman ang buntong- hininga ni Elli.

"Just stay away from her okay?"

"Bakit? Sasagutin mo na ba ako? Magiging akin ka na ba?"

Nanlaki ang mga mata ko at muntik nang matawa ng malakas. Hindi bagay! Pinigilan ko ang sarili ko sa pagtawa. I covered my mouth using my palm and calmed myself down.

Matagal na hindi nakasagot si Ellisandra. Paano sila magkakaroon ng happy ending eh traydor 'yang si Elli? Isa siyang international criminal na matagal nang hinahanap nina Madame Hexxa at Sir Will. Klenth might be her next target!

"Ah... k-kaunting kaunting tiis nalang, Klenth..." Malumanay na sambit ni Elli.

Kaunting kaunting tiis nalang din, Ellisandra, mahuhuli ka na.

Hindi ko na sila narinig pa. May dumating kasi na waiter sa table nila at sinerve na ang kanilang pagkain. At heto ako, gutom na rito.

Napatingin nalang ako sa paligid habang hinihintay ang order ko. Andaming kumakain dito at mga puro mayayaman din. Mga puro sosyal. Ako lang siguro ang nag-iisa rito. Lahat ata ng kumakain dito ay may kasama. Mga magkasintahan, mga mag barkada at mag pamilya.

Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na rin sa wakas ang order ko. Klenth and Ellisandra are already eating silently.

"Thank you..." Sambit ko sa waiter.

"You're welcome, Ma'am. Enjoy the food."

Kinuha ko ang tinidor at sinimulan nang kainin ang salad.

"Klenth, nakakailang girlfriend ka na ba?" Narinig ko ulit na nagsalita si Ellisandra.

Pasimple at pagilid akong sumulyap sa kanilang dalawa.

"Wala pa akong naging girlfriend. Ikaw pa lang ang magiging. Ikaw lang kasi ang laman ng puso ko araw gabi. Para ka ring puso ko, pag wala ka mamamatay talaga ako. "

What the fuck was that.

Naubo ko bigla ang kinaing salad! Napaubo ubo ako ng malala nang marinig si Klenth. Inabot ko ang tubig sa lamesa. Sobrang init ng mukha ko at ramdam ko ang hiya pero natatawa talaga ako sa sinabi ni Klenth!

Pinigilan kong tumawa kaya napaubo ulit ako. May lalapit sana na waiter pero sinenyasan ko na okay lang ako. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay pagkatapos makainom ng tubig.

I cannot! I can't imagine Klenth saying those. Ang cheesy, punyeta.

Nakatingin pa silang dalawa sa 'kin dahil may mga maliliit na ubo pa akong humahabol. Paano ba naman kasi, parang may na stuck up na gulay sa lalamunan ko!

Pati ang ibang customers ay napapatingin sa 'kin. Gosh. Pahiya ako, gurl!

"Miss, are you okay?"

Tumayo si Elli at nilapitan ako. Tumango naman ako at nag thumbs up. Bumalik siya sa kinauupuan niya. Akala mo naman kung sinong mabait kung makatanong. Ang dumi na nga ng kamay nyan eh!

Kinuha ko ulit ang tubig ko at dali daling nilagok 'yon. Ano ba 'to! I calmed myself down.

Pakiramdam ko ang nangangati ang buong katawan ko pagkatapos umubo. Grr. Napakamot ako sa leeg at uminom nalang ng milkshake. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng salad kahit na medyo kinakabahan na dahil napansin na ako nina Klenth at Ellisandra.

"Miss?" Napatingin ako kay Ellisandra na nagsalita uliy. "Are you okay now?" Tanong niya.

I just nodded and continued eating. Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na nakatingin si Klenth. Parang hindi na siya tingin. Kanina pa 'yan, ah. Parang titig na eh! My gosh. Sana hindi niya ako makilala.

Hindi ko na alam kung anong oras na ba. Masyado akong nasarapan sa salad nila. Ano kaya ang mga ingredients nito? Pero ang totoo, kunyari winili ko muna ang sarili sa pagkalkal ng salad dahil ramdam ko pa rin ang tingin ni Klenth. Pahamak talaga!

Napabuntong hininga ako at uminom ng tubig ulit. Mukhang mas mabubusog pa yata ako sa tubig, ah.

Napakamot ako sa leeg ko pati sa batok at sa braso. Pakiramdam ko, nangangati buong katawan ko. Nakaligo naman ako kanina at malinis pa rin hangang ngayon. May sumpa ba 'yang pagiging cheesy ni Klenth?

Hindi lang nagtagal ay medyo nahihirapan na ako sa paghinga. Ano ba 'tong nangyayari sa akin. Umubo lang ako dahil natawa ako kay Klenth tapos nangangati na 'yong katawan ko. Pinaypayan ko ang sarili.

Uminom ulit ako ng tubig hanggang maubos na 'yon. Pero leche talaga! Ang kati kati na talaga katawan ko. Napakamot ulit sa leeg ko pati na rin sa mga braso. I swallowed hard. What's happening to me?

Kinabahan na ako. I stood up but before I can go to the bathroom to check myself, nagsalita si Ellisandra. Napansin niya ulit ako.

"Miss? Are you really sure that you're okay? Ang pula mo eh," aniya at tumayo.

Nilapitan niya ako na para bang may gustong malaman.

"Ang pula pula mo! Para ka ring nahihirapang huminga—are you okay!?" She looked worried and concerned.

I just nodded at maglalakad na sana ako nan napatayo si Klenth at titig na titig sa akin. It seems like he's surveying me. My gosh. Sana hindi niya ako makilala. Ang bilis na ng paghinga ko at nanunuyo ang lalamunan.

I opened my lips partly. I feel a bit dizzy. Mas lalo pang lumapit sa akin si Klenth. May ibang waiter na rin na palapit na. Nakatuko ang isang kamay ko sa lamesa. Ang iilang customers at nakatingin na rin sa kung ano ang ganap.

"Naeyumie!?"

It got worse. May sumalo sa akin nang matumba. Bago pa ako makapagsalita ay dumilim na ang pamingin ko sa sobrang hirap sa paghinga.

Continue Reading

You'll Also Like

25M 626K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
Paper Memories By Muraw

General Fiction

3.1K 819 114
A Filipino- English Novel Note: Chapters are split into three parts Genre: General Fiction. Psychological. Fantasy. Content Warning: Bullying. Harass...
1.1M 22.1K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
177K 574 5
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoo o hindi. Maybe I like you, but that's not enough trusting you, Rielle. You're too mysterious. Hindi ko ala...