Ate(Completed)

By MissJ_35

345K 12.5K 1.5K

Hindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bag... More

Prologue
Chapter1: Farewell
Chapter2: A fight
Chapter3: Ella
Chapter4: Her presence
Chapter5: Transferee
Chapter6: Love letter
Chapter7: Sweet revenge
Chapter8: Welcome Home
Chapter9: Tears
Chapter10: Questions
Chapter11: Serina
Chapter12: Ribbon clip
Chapter13: Nightmare
Chapter14: Birthday Gift
Chapter15: The twins
Chapter16: Note
Chapter17: Imprisoned
Chapter18: Save her
Chapter19: Secrets
Chapter20: Justice?
Chapter21: Investigation
Chapter22: Suspect
Chapter23: Monic
Chapter24:Pain
Chapter25: Ate Serina
Chapter26: Trigger
Chapter27: The Culprit
Chapter28: School Camp
Chapter29: The Promise
Chapter30: His answer
Chapter31: The Answer
Chapter32: Katapusan?
Chapter33: Lights on
Chapter34: Kaba
Chapter35: Hinala
Chapter36: Trap
Chapter37: Dugo
Chapter39: Truth
Chapter 40: Suzy's Help
Chapter41: Scribbles
Chapter42: Se-re-ni-ty.
Chapter43: Wrath
Chapter44: Dirty Truth.
Chapter45: Madness.
Final Chapter: Pangako.
Epilogue

Chapter38: Case

4.8K 144 130
By MissJ_35



Serenity's POV

Payapa na ang langit, wala na kahit kaunting ambon, pero makulimlim pa rin ang paligid. Para bang nagbabanta ulit ito sa panibagong bugso ng ulan.





Nakatulala lamang ako. Wala kahit isang salita na gustong lumabas sa bibig ko. Kahit gustong gusto ko ng sumigaw sa takot.




Hindi pala ako nananaginip.





Totoo pala lahat ng mga nakita ko.





Bakit kailangang humantong pa sa ganito? Hindi na makatao.



Nasa ground ako ng eskwelahan, kitang kita ko ang maliksing pagkilos ng mga doktor at pulis. Halos hindi na sila magkanda-uugaga sa pag aasikaso sa mga estudyante.











Lahat sila ay nag tutulungang mailagay sa mga ambulansya ang katawan nila. Napakadami....... Napakadami nilang bigla na lang nawala.





Rinig na rinig ko ang mga iyakan ng ibang natira. Napakalakas ng hagulhol nila. Ganoon din naman ang mga guro. Mga namimighati.





Walang emosyon ko lang silang pinapanood. Dala pa rin ako ng gulat. Ano ba ang dapat kong gawin?

Naka upo ako sa gawing labas ng isang ambulansya habang naka balabal sa akin ang isang twalya. Nagmumuni muni sa mga nangyayari.



Kung tama ang hinuha ko....



K-kagagawan ito ng A-Ate ko.......

Bakit ganoon? Pakiramdam ko, ang dumi ng mga palad ko. Ako ang nakokonsensya sa ginawang pagkakasala ng kapatid ko? Ganoon ba talaga iyon?







"WALANG HIYA KA!"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko na naging dahilan ng pagkasubsob ko sa lupa. Nawala ako sa balanse sa pagkakaupo sa lakas ng sampal na iyon. Halatang ang tindi ng galit niya. Bakit hindi ko man lang nahalata ang pagsampal niya? Sa harap ko mismo nagmula iyon.

Tumingala ako para makita kung sino ang may gawa noon. Hindi ko alam ang pangalan niya, pero alam kong kabatch ko siya.

"WALA KANG PUSO! PINATAY MO LAHAT NANG MGA IYAN! TAO KA PA BA?! MAY SA DEMONYO KA BA?! HULAAN KO, PATI SIGURO YUNG MGA KAIBIGAN MO, PINATAY MO RIN! G*GO KA! KALAHATI HALOS NG ESTUDYANTE DITO BINAWIAN MO NG BUHAY!"

Pinaghahampas niya ako habang sinasabi ang mga iyon, nawala ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi niya, n-nabiktima r-rin b-ba s-sila Suzy?

Huminto lang siya sa paghahampas sa akin ng hilahin siya palayo ng mga pulis, wala akong pake kahit maghapon niya akong saktan. Hindi na mahalaga sa akin iyon. Walang wala iyon sa sakit na mararamdaman ko oras na totoo nga ang sinabi niya, na pati sila Jake ay wala na........ H-hindi ko kaya.......


Lumandas ang mga luha ko dahil sa mga sinabi niya na tumatak sa akin. B-bakit p-pati sila? W-wala naman silang ginawang m-masama..... M-mga kaibigan k-ko sila.....

"Stand up...."

Hilam na hilam ako sa luha kaya hindi ko makita kung sino ang nahsalita sa harap ko. Hinawakan niya ang braso ko at tinayo ako sa pagkakasalampak sa lupa. Namanhid ang mga tuhod ko sa di ko malamang dahilan.

Inalalayan niya akong makaupo ulit sa may ambulansya. Umupo rin siya sa tabi ko.

"D-Detective Santos....."

S-siya pala......

"Ang pangit nang pagkikita natin ulit, Serenity."

Sabi niya na may tipid na ngiti sa labi. Inalahad niya sa akin ang isang panyo. Kinuha ko iyon at agad na pinunasan ang mga luha ko.

"S-salamat."

Nagpakawala siya ng hangin. Halata na nabibigatan na siya masyado sa kasong hinahawakan niya. Tumanda ang itsura niya, di tulad ng una ko siyang makita. Kung dati na parang bento anyos lang siya, ngayon ay parang trenta anyos na.

"Ayoko na ganyang tingin. Sinasabi mo na tumanda ako sa sobrang stress."

Iniwas ko ang tingin sa kanya at tinuon ang pansin sa paligid. Magaling talaga siyang Detective, kaya niyang mabasahin ang iniisip ng iba.

"Kalahati sa mga kaeskwela mo ay namatay. Asahan mo nang magsasara ang eskwelahang ito bukas na bukas."

Sabi niya. Tumango na lamang ako. Halata naman. Marami na masyado ang mga nangyari rito. Wala ng mukhang ihaharap pa ang eskwelahan.

"Nahanap na ang nag iisang murder weapon. Isang kitchen knife. Ang daming blood stains na naroon na malamang na tutugma sa dugo ng mga kaeskwela mo. Ang kaso nga lang, matalino ang murderer. Wala ni isang bakas ang naiwan sa ginawa niya. Lahat sila ay namatay na parang manok na ginilitan. Kaawa-awa..."

Mahabang pahayag sa akin ni Dective, umiiling iling pa ito, hinayang na hiniyang sa mga buhay na nasayang. Bakit kailangan pa niyang sabihan sa akin iyon? Suspect na naman ba ako? Wala akong kasalanan...... Hindi ako ang may kagagawan nito. Alam ko iyon sa sarili ko.


"Hindi kita inaakusahan, Serenity. Sinasabi ko lang sa iyo ito dahil sabi mo nga ay nagiimbestiga ka rin, hindi ba? At isa pa ay malamang na naguguluhan ka. Huwag kang mag aalala, parehas lang tayo."

Dugtong pa niya.
 

"A-Ang b-bilis ng mga p-pangyayari....."

Nasabi ko na lang. Parehas kaming naktitig sa mga bankay ng mga estudyante na inilalagay sa loob ng mga ambulansya. Nanlulumo ako sa mga nakikita ko.

"Massacre ito. Sa totoo lang ay ngayon lang ako nakahawak ng ganitong klase ng kaso. Napakalaki nito at dapat na rito lang nakatuon ang buong atensyon mo."

Tama nga. Dapat lang na nakatuon ang lahat ng atensyon sa kasong ito, dahil kahit maliit na clue lang ay maari ng makasagot sa lahat. Pinagpagan ko ang ilang lupang  kumapit sa akim, ngayon ko lang ito napansin.

"Napakabilis kumilos ng may gawa nito."

Nahinto ako sa ginagawa ko at tumingin muli sa kanya. Oo nga, napakabilis niyang kumilos.

"Ngayon lang tayo ulit nagkita Serenity, wala ka kasi noon nung naganap ang imbestigasyon sa kaso ni Lyka. Buti na lang at maayos na ang lagay mo. May gusto sana akong ibahagi sa iyo, nalaman ko ito noong mga nakarang linggo lang."



Kunot noo ko siyang tinignan. Ano naman ba ang ibig niyang sabihin? Dumiretso siya ng upo at seryoso akong tinignan.

"Tungkol sa case ni Serina Dizon, ng Ate mo."

Para akong natuklaw ng ahas sa sinabi niya. A-anong mayroon sa kaso ng Ate ko? May lead na kaya?

"A-Ano?"

Tanong ko.

"Dahil nga sa pagpipilit mong si Serina ang may gawa ng lahat, at dahil na rin sa mga kakaunting ibidensya na nagtuturo dito. Tinignan ko ang kaso nito. Kahit na imposibleng paniwalaan ang mga sinabi mo at ni Grace, pikit mata akong naniwala."

Sagot niya. Naguguluhan ako, nagpakamatay ang ate ko, anong mayroon doon?


"Sinaliksik ko iyon ng mabuti. Nalaman kong hindi lahat ng mga impormasyon ay ipinaabot sa inyo. Halatang may tinatakpan. Buti na lang at nahalungkat ko ulit iyon."

May iba pang impormasyon? Ano naman ba iyon? At sinong walanghiya ang nagtago sa amin noon?

"Ituloy niyo, Detective."

Pagpapatuloy ko dito. Sumagap muna siya ng hangin bago muling magsalita.


"May mga hand print sa pinto ng CR kung saan siya nagpakamatay. Maraming dugo ang kasama ng mga hand print na iyon. Malamang na sa Ate mo iyon......... Puno ng dugo ang door knob, parang pilit niyang binubuksan. Pati yung pinto. Pilit niyang sinisira dahil sa mga bakas na naiwan. Kung tutuusin, may struggle na naganap, kahinahinala lang. Wala naman di bang ibang sugat siya sa katawan? Tanging sa pulso lang niya."

Huminto ang oras ko dahil sa narinig ko, kung ganoon..............




"H-hind Suicide? K-kung hindi murder?!"

Bulalas ko. Bakit?! Bakit ganito na lang kagulo ang lahat?!

"Malaki ang porsyento na oo ang sagot sa tanong mo. Maaring ganito ang nangyari..... Nabasa ng mga gumawa noon sa kanya na magpapakamatay siya. Sadya nilang kinalat ang mga gamit nito para makita ang cutter. Dahil nga sa nangyari, naisip ni Serina na kitilin ang sariling buhay. Ngunit, nagdalawang isip siya. Nahiwa na niya ang pulso niya at balak na sanang humingi ng tulong. Pero. Nilock siya sa loob para mamatay at hindi na makasaklolo pa. Kaya may mga dugo niya sa pintuan."

Mahabang pahayag niya sa akin.

"Hindi...HINDI, HINDI, HINDI!!!!! "

Sumigaw ako sa galit na nararamdaman, kasabay noon ang mga luha ko.

Magbabayad sila......

PAGBABAYARAN NILA LAHAT ITO SA IMPYERNO!





Itutuloy......

Continue Reading

You'll Also Like

6.4M 270K 32
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
6.4M 350K 26
[PUBLISHED under LIB] #2. "If liking you is a crime then why don't you convict me, attorney?"
20.2M 453K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...