Loving His Highness - Victor...

By AnneThatWrites

138K 4.7K 651

I am bleeding but you cannot see the blood in my wound. I am in pain but you cannot see me agonizing. Sh... More

Introduction
Trailer
Prologue
Chapter 1 - A ball
Chapter 2 - His Royal Highness' servant
Chapter 3 - An order from a Royal
Chapter 4 - Shock and Confusion
Chapter 5- The Assasination
Chapter 6 - Order of the King
Chapter 8 - An Engagement
Chapter 9 - A total Different Persona
Chapter 10 - Bewildered
Chapter 11 - All hail for the new queen
Chapter 12 - Can we be friends?
Chapter 13 - Escape
Chapter 14 - War or Love?
Chapter 15 - Revelation
Chapter 16 - The Prince's Request
Chapter 17 - The tragedy that befall
Chapter 18 - Unwell
Chapter 19 - Concubine
Chapter 20 - Breathless
Chapter 21 - Are you abandoning me?
Chapter 22 - Is this some kind of joke?
Chapter 23 - A twist of fate
Chapter 24 - A Bargain
Chapter 25 - The Birth of The Second Queen
Chapter 26 - The Broken Engagement
Chapter 27 - Who Will Die?
Owtor's Note
Chapter 28 - Gone Mad
Chapter 29 - Breakdown
Chapter 30 - A Dream
Chapter 31 - Victor?
Chapter 32 - Cruel King
Chapter 33 - Silent Scream
Chapter 34 - Lamentation for the Dead
Chapter 35- Birth and Death
Chapter 36 - King Guisseppe Bartholomeo Santi Dimitri
Chapter 36- Kingless Kingdom
Chapter 37- King Ivan Victor Zeus Dimitri the fourth
Chapter 38 - What took you so long?
Chapter 39- The Great Duke of Hell Astaroth
Chapter 40 - The Letter
Chapter 41 - The Meeting
Chapter 42 - Coup d-'etat
Chapter 43 - Summoning
Chapter 44 - Demons
Chapter 45 -Let's End This
Chapter 46 - Heart's Desire
Epilogue
Owtor's Nowt
Uhm...Pa help 😅

Chapter 7 - Protection from the King

2.5K 114 5
By AnneThatWrites



Palipat-lipat ang paningin ko sa kanilang dalawa.


"Ba-bakit po, Kamahalan?"


"Sa nangyaring pag-atake sa inyu noong nagdaang gabi ay nangangahulugan na hindi ligtas ang Prinsepe at ikaw."


"H-hindi naman po siguro po ako madadamay dahil wala naman po akong kaaway. Sa tingin ko."


Tiningnan ako ng matiim ng hari. "Sa tingin mo. Pero hindi mo ba naisip na maaari ring mapahamak ang prinsepe kung pati ikaw ay madadamay sa atake? Magiging hadlang ka lang sakaling gustong lumaban ng Prinsepe."


Yumuko ako sa sinabi niya na iyon. Oo. Tama ang sinabi niya.


"Hayaan mong siya ang magdesisyon." Ani ng prinsepe.


"Manahimik ka dahil wala kang alam!" Malakas na boses ng hari.


Parang nababakat ko na may mas malalim pa na dahilan kaya hindi nalang ako kumibo pa.


"Ano ba ang hindi ko alam?" ganting singhal nito sa hari.


"Magbigay galang ka sa hari!" matigas na utos nito na nakapagtahimik kay Prinsepe Victor.


"You can go, Martinni. Don't bother listening." Utos ng prinsepe sa akin.


"Pe-pero..."


Tiningnan ako ng masama ni Prinsepe Victor.


"Victor, leave us for a moment." Utos ng hari.


Pinaglipat-lipat ng prinsepe ang paningin sa punong taga payo at sa hari saka marahas na nagbuntong hininga at umalis.


Sinenyasan din ng hari ang punong taga payo na lumayo sa amin.


Ilang minuto na ring nakaalis ang Mahal na prinsepe ay hindi pa rin nagsasalita ang hari.


"B-bakit po kailangan na dito po ako sa Palasyo?" panimulang tanong ko dito.


"Para sa kaligtasan mo." Seryosong saad nito.


"Ganun po ba kasama ang nangyaring pag-atake para magdesisyon kayo ng ganyan?"


Hindi niya ako sinagot sa halip nagpatuloy lamang siya sa sinabi.


"Bukas na bukas din ay ipakukuha ko sa kawal ang mga kagamitan mo sa inyo upang dito na ka na muna pansamantala sa palasyo."


"Hindi ho ba parang nakapagtataka naman po kung agaran?"


"Ako ang masusunod. At isa pa, hindi ka na magiging isang tagapagsilbi dito sa palasyo kung hindi isang bisita."


Sa sinabi niya na iyon ay parang lumuwa ang mata ko sa gulat.


"Po? Bakit po?"


"Kinukwestiyon mo ba ang mga desisyon ko?"


Lumingo-lingo ako kahit na gusto kung tumango.


"Hindi po sa ganon, kamahalan." Ayoko nang subukang muli na kontrahin siya dahil alam ko kung anong klaseng tao ang hari. Ang huling nangyari na kinontra ko sya ay hindi maganda ang kinalabasan.


"Iyon lang. Makakauwi ka na at ipaalam mo ito agad sa iyong mga magulang. Bukas na bukas din ay ako mismo ang susundo sa iyo."


"Hindi nap o kailangan. Ako nalang po ang..."


"My words are absolute." Saad nito na hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na sumagot dahil agad na itong tumalikod at naglakad pabalik sa loob ng palasyo.


Nanatili pa rin akong nagtataka sa lahat ng mga nangyari. Bakit nangyayari ang ganito? Hindi naman ganun ka grabe ang nangyari sa pag-atake.


Pagkauwi ko ay agad kong kinausap si papa sa sinabi sa akin ng hari.


"Sigurado ka ba diyan?" takang tanong ni papa.


Tumango ako. Napansin ko namang parang lumiwanag ang mukha ng papa ko na hindi ko maintindihan kung bakit.


"At bukas nga po pala siya mismo ang pupunta dito upang sunduin ako."


"Hindi ka ba nagbibiro, ha, Martini?" Anang sabi ni Mama Merlissa na halatang masaya sa balita. Pero bakit ganun? Hindi ako masaya sa isiping sa palasyo na ako titira? Paano nalang ang sasabihin ng mga kasamahan kong tagapagsilbi rin doon? Ano na ang iisipin nila? Si Mang Romeo? Baka isipin nila na nilalandi ko ang hari.


"Magandang balita iyan. Para sa kaligtasan niya." Saad ni papa.


"Bakit? Ligtas naman dito ah?" natatawa kong sabi dito.


Tiningnan lang ako ni Papa ng tingin ng isang magaan ang pakiramdam. Yung tingin niya na parang walang masamang mangyayari.



------------



Madaling araw pa lamang ay narinig ko na ang mga yabag ng kabayo kaya nagising ako kaya agad akong bumangon at bumaba. Nakita kong kausap ng Hari ang aking papa na nakahiga sa higaan nito sa baba. Ang aga naman ng kamahalan. Nang napansin niya ako ay napalingon siya sa akin. Agad naman akong nagbigay galang sa pamamagitan ng pagyuko.


"Magandang araw po, Kamahalan."


Tumango lamang siya at may sinabing muli kay papa na hindi ko marinig. Ikinibit balikat ko nalang iyon.


Nang makita kong tumayo na ang hari at naglakad palabas ay agad na akong sumunod. Agad itong sumakay sa kanyang kabayo. Maglalakad lang ako habnag nakasunod sa hari ngunit tinawag niya ako.


"Dito ka." Sabay turo sa kabayong kasalukuyang sinasakyan niya.


"Po?"


"Sakay."


Gustohin ko mang tanggihan ay parang hindi ko magawa kaya walang imik ko nalang sinunod ang gusto niya.


Nakakaasiwa habang patungo na kami sa palasyo dahil sa nakasakay ako sa harapan niya kaya para na niya akong nayayakap. Siya naman ay parang normal lang sa kanya ang ganito. Hindi ko lang maiwasang maasiwa dahil siya ang hari.


Bahagya pa niyang pinatakbo ang kabayo kaya hindi maiiwasan na minsan ay madidikit ang dibdib niya sa likod ko. Ang init ng dibdib niya sa tuwing nadidikit sa likod ko.


Ganito din ba kainit ang katawan ng prinsepe?


Ano bang iniisip ko? Bakit biglang pumasok sa isip ko ang prinsepe? Iwinakli ko iyon sa isipan. Mga walang kabuluhan ang pumapasok sa utak ko.


Saktong siyang pagliwanag ng kapaligiran ay narating namin ang palasyo at sakto ring siyang paglabas ni Prinsepe Victor sakay sa kanyang kabayo habang may nakakabit na espada sa likod. Marahil upang mag ensayo sa kakahuyan.


Kitang-kita ko ang tingin na ipinukol niya sa amin. Sa akin. Hindi ko alam kong ano ang nararamdaman ko. Bakit sa pagkakataong ito ayaw kong makita niya na ganito ako kadikit sa hari?


Gusto kong ipaliwanag sa kanya na dito lang ako sumakay dahil inutos ng hari.


Teka, ano naman ako kay Prinsepe Victor?


Bakit kailangan kong magpaliwanag? Wala namang masama sa ginagawa ko. Isa pa, bakit naman sya magagalit?


Pero kahit na, gusto kong magpaliwanag sa kanya.


Ang pagtibok ng puso ko ay nagsisimula na namang bumibilis. Hindi ko maintindihan kong ano itong nararamdaman ko. Hindi ko alam.


Tiningnan ko si Prinsepe Victor ngunit agad na niyang binawi ang paningin at nagpatuloy sa pupuntahan sakay ng kanyang kabayo.


Hindi na pinansin ng hari ang ipinakitang ganoon ni Prinsepe Victor.


Pagkapasok namin sa loob ay agad akong bumaba at sinalubong ng mga tagapagsilbi upang dalhin sa kanilang silid na gagamitin.


Takang tiningnan naman ako ni Crisilda na naroon rin. Gusto niya yatang magtanong pero mas pinili na muna niyang utosan ang mga tagapagsilbi na dalhin ang mga kagamitan kung dala papunta sa silid na gagamitin ko.


"Magpahinga ka muna sa iyong bagong silid." Ang huling saad ng hari bago pumasok na sa loob.


Agad akong iginiya ni Crisilda patungo sa ikatlong palapag ng palasyo at katapat sa ibaba niyon ay ang silid ng Prinsepe habang ang silid naman ng hari ay nasa parehang palpag ng silid ko.


Pagkakita ko sa malambot na kama pagkapasok ko sa loob ay agad akong nakaramdam ng antok.


Oo nga pala. Hindi nga pala ako nakatulog ng maayos kagabi. Isa pa, madaling araw pa lang ang nagising na ako. Kaya agad na akong naglakad at humiga sa kama. Iba talaga ang higaan dito sa palasyo. Ang lambot, at amoy mayaman. Ilang saglit lang mula ng pagkakahiga ay dinalaw na ako ng antok hanggang sa nakatulog na.


Hindi ko alam kung gaano ako katagal na tulog at nagising nalang ako sa katok na nagmumula sa pinto.


Sino kaya iyon?


Bago ako tumayo ay napatingin muna ako sa bintana. Hapon na pala. Saka agad na akong tumayo at pinagbuksan ang pinto.


"Ah, Mahal na Prinsepe!" Agad yuko ko pagkakita ko sa kanya. Bagaman hindi ko siya tinitingnan alam kong nakatingin siya sa akin. Ang tibok ng puso ko ay unti-unting bumibilis na naman.


"So you really followed the king's order, eh?"




To be continued...


--------------------


A/N: 

So you see, na late ako sa work. Nahuli kasi ng mga traffic enforcer. Wala kasing side mirror at bura-bura pa yung tambutso nang motor XD kakaloka XD ikatatlong beses na. Muntik nang ma impound. XD Kung hindi lang gwapo yung enforcer baka pinaharurot na ng takbo, eh gwapo at ang lakas ng sex appeal nung humuli <3 ( hihi one reason kaya laging nagpapahuli :3 ) 

kaka turn off lang kasi nanghingi ng 200 pesos para hindi nalang ticketan :/ hindi pa rin talaga mawawala ang mga kurakot. 

Syempre, di akin yung motor kaya nagbayad nalang ako. Baka pagalitan pako ng may-ari. Bkaa isipin pa nun pinagkaluno ko ang motor nya. 


ANYWAYS, TGIF :D

Continue Reading

You'll Also Like

4K 167 54
Troublesome waves always came from the ocean. There lies the deeper secrets, a witch that fools poor unfortunate souls. But the witch came out from t...
10.7K 812 86
There is something about love that made people who experienced it crazy and mad. I don't know that. I only know that love is a very special thing tha...
Inside LVIS ✔ By Endless

Mystery / Thriller

5.8K 231 38
The school that all the students dream of. Mala subdivision ang laki, kumpleto sa mga pasilidad at mataas na kalidad ng edukasiyon. Tanging may ginto...
2.3K 232 43
[FINISHED] - COMPLETED The Book 2 of Coldwell Academy Nang buhay si Jaime ay lubos ang saya ng pamilya niya maging si Venus. She's happy because her...