HOT OBSESSION (COMPLETED)

Door myloveAshh

1.9M 41.1K 2.5K

R-18| Mature Content Inside| Not suited for readers below 18| Read at your own expense| I took her innocence... Meer

❤❤ Author's Note❤❤
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8 (SPG strictly not suited for readers below 18)
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40 (Ending)
Special Chapter(SPG)

Chapter 38

36K 911 161
Door myloveAshh

Dedicated to aizaescalante10





Kinakabahan na siya habang nakatayo sa labas nang kwartong inuukupa nang babaeng nakausap niya kanina.

Iniisip kung tama ba na nagpunta siya doon.

Nang komprontahin niya ito kaninang umaga ay malakas pa ang loob niya na puntahan ito para kausapin at alamin ang totoo. Pero habang nag-tatrabaho kanina ay iniisip niya kung kailangan pa ba niyang makipagkita dito at pakinggan ito. Paano kung magsinungaling lang ito sa kanya. Baka sa halip na maayos ay lumala lang ang sitwasyon nila ni Arthur.

Malakas siyang napabuntong-hininga at akmang tatalikod nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang dalawang babaeng kasama noon ni Arthur.

Nakabihis ang isa at halatang aalis at napatingin ang mga ito sa gawi niya at tumango lang kaya nag-alangan siyang batiin ang mga ito.

Nanlalamig ang kanyang kamay habang nakatayo doon at nakatingin habang hinalikan nang babaeng nakaayos ang isa pa sa harap niya bago nagpaalam.

"Pasensya ka na. Ganoon lang talaga si Sussie." Nakangiti pang sabi nang kausap niya kanina. "Halika pasok ka." Anyaya nito.

Nagdadalawang isip parin siya kung kakausapin ito pero nadaig ang pag-aalangan niya sa kagustohang malaman kung ano ang sasabihin nito.

Nang makapasok ay iminuwestra nito ang sofa kaya agad siyang naupo doon dahil tila parang kandilang nauupos ang kanyang mga tuhod.

Dumiretso naman ito sa mini Ref at naglabas nang maiinom at chocolate cake. Gusto sana niyang iiwas ang tingin sa pagkain ay tila napako doon ang kanyang tingin at naglalaway ang kanyang mga bagang. "Not now baby! Not now!"

"Masarap ito. Gawa nang fiancée ko. Tikman mo." Anito at inilapit pa sa kanya.

Nahihiya man ay kumuha na rin siya nang isang slice nang ilapag nito sa harapan niya ang nakakatakam na pagkain. Hindi talaga niya napigil ang sarili. Tila sinasabi nang batang Nasa sinapipunan niya na tikman ang pagkaing nasa harapan niya.

Napapikit pa siya nang matunaw sa bibig niya ang mga chocolateng nakapalibot sa ibabaw niyon. Naging sunod-sunod tuloy ang subo niya.

Nang mapatingin siya sa babaeng poised na poised na nakaupo sa sofa ay bigla siyang tinubuan nang hiya at mahinang ibinaba ang tinidor.

"Sige lang kain ka lang. Masarap talaga magbake nang cake ang fiancée ko." May himig na tawa at pagmamalaki pang sabi nito sa kanya.

Inabot na niya ang juice at uminom bago umiling dito. Kung sino man ang tinutukoy na fiancée nito ay tiyak niyang hindi si Arthur iyon. Kahit nga pagluluto nang sunny-side-up ay hindi nito kayang gawin---- gumawa pa kaya nang masarap na cake.

"Pasensya na nasarapan lang ako sa cake." Pormal na sabi niya dito at pilit na iwinawaksi ang hiyang nararamdaman.

"Anyway ano bang pag-uusapan natin.?" Pormal na tanong niya dito nang maalala ang pakay niya sa pagpunta doon.

"Ako nga pala si Carla. Ex-girlfriend ako ni Arthur--" anitong pinaikot pa ang mga mata bago nagsalita ulit. "At iyong babae kanina ay si Sussie my 'fiancée'.!"

Inilahad nito ang kamay sa harapan niya pero dahil sa pagkagulat ay hindi agad niya iyon tinanggap. Iwinagay-way pa nito ang isang kamay sa harapan niya kaya biglang natauhan siya.

Sino bang mag-aakalang ang magandang babaeng kaharap niya ngayon ay may fiancée na babae din. Hindi lang basta babae-- magandang-maganda din ang babaeng tinutukoy nitong Sussie. Ni walang mag-aakala na may kakaiba sa mga ito liban nalang din kung makikita nang mga ito ang mga babaeng ito na naghahalikan.

Pero kahit saksi siya sa paglulumpungan nang mga ito ay hindi sumagi sa isip niya na magnobya pala ang mga ito kaya talagang nagulat siya.

Ni hindi man lang din sumagi at imposibleng maisip niya na ang tinutukoy nitong fiancée ay ang babaeng kasama nito kahit pa nakikita niya ang paglalapaan nang mga ito sa harapan niya. Buong pag-aakala niya ay lalaki ang fiancée na tinutukoy nito.

"Your reaction is an understatement Jeanna." Anitong halatang aliw na aliw sa kanya.
"Anyway .. Tama ka nang iniisip. Isa akong lesbian." Pagkumpirma pa nito sa hinala niya.

"Kung ganoon ay bakit nakita kitang kahalikan nang asawa ko---- at kasama mo pa ang 'fiancée' mo?!" Tanong niya dito may kalakip na galit sa boses.

Tila pinagkakatuwaan nang mga ito si Arthur. At ang gagong asawa niya ay wala man lang kaalam-alam.

"I know what your thinking Jeanna but sorry to dissapoint you. Hindi ko kailanman niloko at lolokohin si Arthur. We've been good friends for a long time now at ang totoo ay -----

"Kung gayon ay ano ang ibig sabihin noong mga nakita ko sa opisina nang asawa ko?!" Putol niya sa sinasabi nito. Pigil pigil niya ang sariling huwag itong sabunutan at pinanatili ang katinuan sa isipan.

"Pinapaselos ka nang asawa mo!" Tila balewalang sabi nito.

Siya naman ang hindi nakapagsalita. Nakatitig lang siya sa mukha ni Carla at inaarok kung nagsasabi ba ito nang totoo. Pero kahit anong hanap niya nang bakas sa pagsisinungaling sa mukha nito ay wala siyang nakita ni kahit katiting man lang na indikasyong hindi ito nagsasabi nang totoo.

Hindi makapaniwalang napa-iling-iling siya. Hindi mahanap ang kasagutan sa isipan kung bakit nagawa iyon ni Arthur sa kanya. Maayos naman ang pagsasama nila bakit nauwi sa ganoon--- sa pagpapaselos at pagpapasakit nito sa kanya.

"Nagtataka ka ba kung bakit ginawa iyon ni Arthur sa iyo?!" May panunumbat sa tuno nitong tanong sa kanya.

Mahina lang siyang nailing at tila walang buhay na natawa. Kahit anong isip niya ay hindi niya mawari ang dahilan kung bakit nagawa iyon ni Arthur sa kanya.

"Nang araw na iyon ay nakita ka namin na nakikipaghalikan sa ibang lalaki Jeanna. Masayang-masaya pa si Arthur habang pinag-uusapan ka namin pero agad nawala iyon nang makita ka niyang may kahalikang ibang lalaki. Totoong mahal ka nang asawa mo at nakita ko iyon sa mga mata ni Arthur pero dahil sa ginawa mo ay sinaktan mo siya!" Panunumbat pa nito.

Malakas siyang napasinghap sa sinabi nito. Inaalala sa bahagi nang isipan ang isang pangyayaring ni hindi niya naisip na naging dahilan nang hindi nila pagkakaunawaan ni Arthur. Ni hindi niya alam na nakita siya nito at hindi man lang sinabi ni Arthur sa kanya ang bagay na iyon.

Di sana ay naipaliwanag na niya dito nang maayos. At na sana Hindi na humantong sa ganito ang lahat.

Maraming sana ang nag-uunahan sa isipan niya.

"Ex-boyfriend ko si Jordan!---- aniyang ilang sandaling hindi nakapagsalita.

"I know!" Tipid namang sabi nito.

"Wala na kaming kaugnayan. At ang halik na iyon ang tumapos sa lahat nang kalituhan namin ni Jordan. Mahal ko si Arthur. Mahal na mahal.ko ang asawa ko." Aniyang hindi napigil ang mga luhang dumaloy sa kanyang mga mata.

"Tell that to Arthur." May ngiti nang sabi nito sa kanya pero hindi pa rin nababawasan ang bigat na dinadala.

Paano niyang sasabihin iyon kay Arthur na pinalayas na siya nito sa buhay nito. At siya naman si gaga ay hindi man lang ipinaglaban ang pagmamahal sa asawa. Ni hindi nga niya iyon nasabi kay Arthur.

Binulag niya ang sarili sa matinding selos na wala naman palang dahilan. Paano pa niya maayos ngayon ang lahat at saan siya magsisimula.

Tila mas bumigat pa ang kanyang pakiramdam sa mga naiisip.

Naramdaman naman niyang lumapit si Carla sa kanya at hinagod ang likuran niya. Ngayon ay naramdaman niyang may bago na siyang kaibigan. Sa katauhan nito.

"Mag-usap kayo nang asawa mo Jeanna. Iyon lang ang tanging paraan para maayos ninyo ang lahat. Marami nang pinagdaanan si Arthur. He deserves to be happy." Mahinang sabi nito sa kanya.

Tama ito. Kailangan lang nilang mag-usap ni Arthur. Kung maipapaliwanag niya dito nang maayos ang tungkol sa kanila ni Jordan ay maiintindihan siya nito. Kailangan lang nilang mag-usap.

Nang maisip iyon ay tumayo na siya. Kailangan na niyang makausap si Arthur. Walang dahilan para ipagpaliban pa iyon. Nakasalalay na sa kanya ang kaligayahan nilang dalawa.

"S-Salamat Carla. Itatama ko ang lahat. Ngayon din ay uuwi na ako at kakausapin ko si Arthur." Aniya ditong may sigla na sa boses.

"Ipagpaliban mo muna ang pag-alis ngayon Jeanna. Gabi na man kaya bukas ka na bumyahe. Isa pa hindi mo daratnan si Arthur sa bahay ninyo. Tumawag siya kanina na pupunta siyang US."

Literal na napanganga siya sa sinabi nito. Iniwan na ba siya ni Arthur?! Tila mauubusan siya nang hininga sa naiisip na iniwan siya ni Arthur. Paano pa niya ito makakausap.

"Bakit siya umalis?! Ganoon nalang ba talaga ang galit niya sa akin at lumayo pa 'siya'!" Naisatinig niya.

"No Jeanna you silly.! May mahalagang meeting lang si Arthur sa US kaya baka bukas o sa makalawa ay uuwi na rin iyon. Huwag ka nang masyadong mag-isip. Alam ko maayos pa ninyo ni Arthur ang problema ninyong ito." Pagpapakalma naman nito sa kanya nang makitang napaiyak na naman siya.

Hinaplos pa niyang ang pipis pang puson at pinakalma ang sarili. Naniniwala siya kay Carla kaya hindi kailangan maglupasay pa siya sa pag-iyak. Hinhintayin niya ang pagbabalik ni Arthur. Even if takes forever!

Buo na ang kanyang loob sa mga niisip. Tumayo na siya at tumingin kay Carla.

"Babalik na ako sa cottage. Hihintayin ko ang pagbabalik ni Arthur at aayosin ko lahat nang ito." Aniya dito.

"Salamat Jeanna. Ang please make him happy. He deserves it. At sana imbitahan na ninyo ako sa kasal ninyo--- sa simbahan na this time." Sabi pa nito.

Nagning-ning naman ang mga mata niya sa sinabi nito. Naiisip palang niya na ikakasal sila ni Arthur sa simbahan ay para na siyang nakalutang.

"Ako na mismo ang mag-iimbita sa iyo." Masaya ng sabi niya dito.

Natuwa naman ito at niyakap siya. Nagpasalamat siya sa pag-uusap nilang iyon dahil naliwanagan siya.

Inihatid pa siya nito pababa hanggang sa lobby nang hotel.

Nang makarating siya sa cottage na inuukupa niya ay magaan na ang pakiramdam niya. Para pa siyang hilong talilong na nakangiti sa kawalan. Nawala ang lahat nang sakit,pagod,at bigat na kanyang dinadala.

Nang masulyapan ang shoulder bag sa ibabaw nang rattan table ay tinungo niya iyon at hinanap ang cellphone. Nang-buhayin niya iyon ay nag-uunahan pa ang mga messags na dumarating doon.

Nang tingnan niya ay halos lahat ay galing sa daddy niya at Auntie Nita niya. Nag-aalala ang mga ito sa biglang pagkawala niya.

Akmang tatawag na siya sa daddy niya nang tumunog ulit ang message alert tone nang hawak niyang cellphone.

Malakas na kumabog ang kanyang dibdib nang makitang galing kay Arthur ang text na iyon.

Agad niyang binuksan ang mensahe at binasa iyon.

"Mag-usap tayo Jeanna. Please!"

Nangingiting dinala niya sa dibdib ang cellphone niya. Diyata't gusto na ring makipag-usap ni Arthur sa kanya.

Ngiting-ngiti pa siya nang biglang tumunog at nagvibrate iyon. Buti nalang ay hindi niya nabitawan sa pagkagulat.

Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay agad siyang napaiyak na tumatawa. Si Arthur lang naman ang tumatawag sa kanya. Nababaliw na yata siya.

Pinahid na muna niya ang mga luhang naglandas sa mukha niya at inayos ang boses bago sinagot ang tawag nito.

"Hello sweetheart?! Nasaan ka Jeanna? God! I miss you so much." Narinig niyang sabi ni Arthur sa kabilang linya.

Napaiyak na naman siya sa sinabi nito. Bakit niya naiisip na pakawalan ang lalaking pinakamamahal niya. Hindi---- Hindi niya kanyang mawala si Arthur sa kanya.

"Sweetheart? Why are you crying? God baby please forgive me. Patawarin mo ako sa mga nasabi ko sa iyo. I don't meant those words sweetheart. Nasaktan lang ako nang makita ko kayo ni Jordan. I'm sorry dear...nakausap ko na si Jordan at sinabi niya lahat sa akin. Na wala na kayo talaga at na mahal mo ako. Diba sweetheart? Mahal mo ako diba?"

Tila mabibiyak ang kanyang puso sa mga sinabi nito. Pero dahil iyon sa katuwaan. Nag-uumapaw ang saya sa kanyang dibdib. Mahal din siya ni Arthur at ganoon din siya dito. Nagmamahalan sila nang asawa niya. Anong saya niya.

"Arthur-- mahal na mahal kita. Sana mapatawad mo rin ako. Hindi ko kayang mawala ka. Hindi ko kayang mabuhay nang wala ka. Please,come back to me." Aniyang umiiyak habang sinasabi iyon.

"You don't have to say sorry sweetheart. Its all my fault. At ni hindi ko sinabi sa iyo ang nararamdaman ko. Akala ko ay sapat na ang mga naiparamdam ko sa iyo. I love you so much sweetheart. Baka nung una pa kitang nakita noon sa bar ay nagkagusto na ako sa iyo. Binihag mo ang puso ko at hindi mo na ako pinatahimik simula noon Jeanna. I thought it was just obsession but its not sweetheart. Because I really fell in love with you. So deeply inlove with you."

Wala na siyang ibang nagawa kundi ang umiyak sa tuwa. Punong-puno ang dibdib niya nang kasiyahan.

"Sweetheart?" Ani Arthur sa kabilang linya.

"I want to see you Arthur. Gusto ko iparamdam sa iyo ang pagmamahal ko." Aniya dito.

"Bukas pa ang flight ko pauwi nang Pilipinas sweetheart. Magkakasama na tayo muli. And this time hindi na kita paiiyakin." Anitong sumisinghot-singhot din sa kabilang linya.

Alam niyang umiiyak din ang asawa niya. Pero dahil iyon sa kasiyahan.

"Hihintayin ko ang pag-uwi ko Arthur. Hihintayin kita. I love you Arthur. Mahal na mahal kita." Sabi niya dito.

"Yes sweetheart please. Wait for me to come home. I love you. More than anything in this world. Kayo nang anak natin." Madamdaming sabi naman nito.

Ramdam na ramdam niya ang pag-ibig sa sinabi nito. At alam niyang matutuwa din si Arthur sa sasabihin niya na nasundan na nila si Sean Andrei. Pero pagdating na nito niya sasabihin para masorpresa ito.

Pinutol na niya ang tawag at dinama ang malakas na kabog nang dibdib. Masayang-masaya siya. She never thought she could be this happy dahil sa mga pinagdaanan nila. Pero dahil kay Arthur ay hindi naging imposible iyon.

May ngiti sa labing tinungo na niya ang kama para matulog. Bukas ay mag-iiba na ang buhay niya. Puno na iyon nang pag-ibig at wala na siyang mahihiling pa.










A/N: Good morning! (For me kakagising lang eh)
Anyway sorry sa super delayed UD. Kahapon ko pa sana epu-publish to kaya lang ay nakatulog ako (sa workplace) hahaha.. Pagkauwi ay tinamad na ako kaya sorry talaga.
Anyway nagpapasalamat ako sa sumusubaybay sa pag-iibigan ni Arthur at Jeanna. Suaunod na po kay Emmanuel and Zoe.
Thank you nang marami sa lahat.




#WaitForMeToComeHome
#malapitnaEnding

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

1.4M 21.6K 33
[A Luscious Trilogy I] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below. Ales...
321K 5.4K 48
The Simon's series 3 #3 in General Fiction "Let's break-up" she voiced out Matalim siya netong tinitigan. Napakadilim ng ibinabadya netong emosyon...
24.3K 337 21
"It feels so right wanting you. It feels so right loving you. It feels so right that I forget it's all wrong. All of these"
349K 7.2K 71
[SPG! R18] [ 2020• Pirena Book Award Winner] Ako si Althea, anak mahirap. Kinakailangan namin ng pera para sa pampapagamot ng aking papa. Sa kabutiha...