Prologue

100K 1.3K 43
                                    

Dedicated to yanzkyo

Prologue



"Lumayas ka na dito sa bahay kong babae ka! At huwag ka nang magpapakita sa
amin!" Panangis na sabi nang kanyang ina na si Lydia habang pinagtatapon sa labas ang kanyang hindi karamihang mga kasuotan. Nang-gagalaiti ito sa galit habang walang awang nakatingin sa kanya.

"Ma! Wag 'nyo pong gawin ito sa akin. Wala po akong mapupuntahan. Paano na ho ako. Makinig naman po kayo sa akin oh." Pagmamakaawa ko sa aking ina habang pinagpupulot ang mga itinapon nitong damit sa labas nang hindi nila kalakihang bahay nila sa Batanggas.

Pinagtitinginan na din sila nang mga chismosa at usyosera nilang kapitbahay at naririnig niya ang pang lalait at panghuhusga nang mga ito sa kanya. Pero hindi niya pinansin ang mga iyon. Nagpatuloy lang siya sa pagpulot nang mga naitapong gamit niya.

"Wala akong pakialam kung saan ka pupupunta at huwag mo akong matawag-tawag na mama dahil wala akong anak na mamamatay tao!" Umiiyak nang bulyaw nito sa kanya. Kitang-kita niya ang pagtaas-baba nang dibdib nito kaya bigla siyang natakot na baka atakihin na naman ito sa puso.

Humakbang siya paatras dito para matigil na ito sa pagsigaw. Ang kapatid naman niyang si Poldo ay nilapitan ito at pinatahan habang nakatingin sa kanya nang may galit at nanunumbat. Kung malapit lang siguro siya sa kinatatayoan nito ay baka sinaktan na siya nito sa labis na galit na nakikita niya sa mga mata nito. At walang dudang magagawa nga nito ang bagay na iyon dahil ilang beses na din naman siyang nakatikim nang galit nito. Pinagbubuhatan siya nang kamay nang naktatandang kapatid na lalaki.

"Umalis ka na dito Jeanna! At wag ka nang bumalik! 'Wag mo na kaming idamay sa mga kalokohang pinagagawa mo! Wag mo na kaming ipahiya pa!!" Bulyaw naman nang kapatid niyang si Phil na nilapitan din ang kanilang ina. Ito ang masasabi niyang kakampi sa bahay na iyon dahil paborito siyang kapatid nito pero iba na ngayon. Kahit ito ay galit na galit sa kanya. Hindi niya inakala na pati ito ay maniniwala sa pinagkakalat nang bruhang asawa nang kuya Poldo niya.

"Ma bakit ba ayaw ninyong makinig sa akin? Bakit ba mas naniniwala pa kayo sa iba kaysa sa sarili ninyong anak?" Di na niya napigilan ang luhang namalisbis sa kanyang mga mata. Para na siyang sasabog sa sobrang sakit na nararamdaman. Ipinagtataboyan na siya nang ina nang hindi man lang pinakikinggan. Nakinig ito sa mga maling balitang ipinagkakalalat patungkol sa kanya. At ang mas masakit pa ay hinusgahan agad siya nito nang hindi man lang nakikinig sa kanya. Mas pinaniniwalaan nito ang iba kaysa sa kanya na sariling anak nito. Parang bang pinilipit ang dibdib niya sa sakit sa kaalamang iyon.

"Simula nang ipinanganak kita ay puro na lang kamalasan ang inabot ko sa buhay!" Mahina pero mariin nitong sabi sa kanya.
"Iniwan ako nang lalaking mahal ko nang dahil sayo! Puro nalang sakit sa ulo at kahihiyan ang inabot ko dahil sa mga pinagagawa mo! At ngayon naman ay ito pang malalaman ko?! Ang kapal nang mukha mong hayop ka! May mukha ka pang ihaharap sa amin matapos ang ginawa mo?!" Mahabang litaniya nito. Lumapit ito sa kanya, sunabunutan at pinagsasasampal siya nang malakas.

Masakit na nang mukha at katawan niya sa ginawa nito pero hinayaan lang niya ito at tahimik na umiiyak at tinanggap ang pananakit nito sa kanya. Hindi maipaliwanag na sakit ang pumuno sa puso niya. May naramdan siyang sumigid na sakit sa may puson niya pero ipinagwalang bahala niya iyon. Masakit ang puso niya ngayon na para bang ito ang tumanggap sa lahat nang pambubugbog na ginawa nang ina.

Mas masakit pa ang mga sinabi nito kesa sa pambubugbog nito sa kanya. Nakatingin lang ang mga kapatid niya at hindi man lang siya tinulungan. Kung sana
nawala nalang talaga siya nang tuluyan ay sana hindi niya nararamdaman ang kaibayong sakit na pumuno sa buong katauhan niya. Sana tapos na ngayon ang paghihirap niya.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now