Chapter 4

45.7K 960 24
                                    

Dedicated to HaliehsEamOdlaumor









"Saan ka ba nanggaling? 'Bat ba ang tagal mo?" Sabi ni Dayana nang makaupo siya sa upuan niya kanina.

"Nag-Cr nga ako bes." Sabi pa niya dito at iniwas ang tingin. Baka mabasa pa nito sa mukha niya na nagdadahilan lang siya dito. Madali pa naman nitong mahalata kung may hindi siya sinasabi dito.

Nagpunta siya sa Cr pero hindi para magbawas kundi para magtago. Natatakot siya na kapag lumingon ang lalaking iyon ay makikilala siya nito at ayaw niyang mangyari iyon. Baka hindi na din siya makilala nito pero ayaw niyang magbakasakali.

"Grabe ka naman bes. Halos kalahating oras ka din 'dun ah. Dragon ba yong inilabas mo?." Natatawang tanong pa nito sa kanya habang hinimas-himas ang malaking umbok sa tiyan.

"Hindi bes. Buwaya yong inilabas ko. Grabe ang hirap nang pinagdaanan ko." Pagsakay nalang niya sa biro nito.

"Ha-ha-ha ganun ba bes. Mukha ngang nahirapan ka. Namumutla ka pa eh." Natatawang sabi nito.

Tinawanan lang niya ang sinabi nito. Napanganga pa siya nang makita ang lamesa nila. "Grabe ka bes. Inubos mo lahat nang pagkain?" Hindi makapaniwalang tanong niya dito. "Ikaw yata ang may dragon 'jan sa tiyan mo eh." Sabi niya dito at namamangha pang nakatingin sa walang lamang mga plato.

Ang natitira nalang ay ang Iced Cappuccino niya. Malamang na matira iyon dahil bawal sa buntis ang lumaklak nang kape. Pero grabe tong kaibigan niya. Pwede nang pang apat ka tao ang in order niyang cakes and sweets at dalawang bowl din nang halo-halo. Hindi niya lubos maisip kung paano nito naubos ang mga pagkain iyon. Pagdating talaga sa pagkain ay hayok ito. Talo pa nito ang taong ilang taon nang hindi kumain.

"Akala ko kasi ay hindi ka na babalik eh. Kaya inubos ko na sayang naman kasi eh. Ang dami kayang taong hindi kumakain ngayon tapos magsasayang tayo nang pagkain." Nakangisi pang pagdadahilan nito. Napadighay pa ito nang malakas na ikinalingon nang katabi nilang kumakain din. "Ops! Sorry.!" Nakangiti pa nitong sabi.

"Defensive ka masyado bes eh. If I know gumana na naman yang pagkamanyak mo sa pagkain." Pang-aasar pa niya dito.

Hindi niya mapigilang mapatawa mang biglang malukot amg mukha nito sa sinabi niya.

"Hala. Manyak talaga bes. Nakakasakit dadamin ka na ha.!" Kunwaring pagtatampo pa nito sa sinabi niya.

"Ay ang drama mong buntis ka. May pagka-bipolar ka din noh. Tayo na nga babalik pa ako sa club. Balik nalang tayo dito sa susunod. Libre kita." Pagyayaya niya ritong umalis na.

"Bes.....e-take out mo naman ako nang Carrot cheesecake at 'yong Blueberry Tart din. Favorite yon ni Shein ko." Tukoy nito sa anak nitong babae na magtatatlong taong gulang pa lang. Inaanak din niya ang bata at matagal-tagal na din niya itong hindi nakita dahil dinala ito nang mga magulang ni Haven sa Baguio.

"Asus.... Ang sabihin mo gutom ka pa bes. Hindi naman kumakain ang inaanak ko nang mga matatamis ako pang niloko mo. Tayo ka na nga jan. Ilang slice ba gusto mo?" Natatawang hinila na niya ito papunta sa counter.

"Yes!!!! Kaya love's kita nang sobra eh.. Gosh!! Naglalaway na ako." Excited pa itong pumalakpak at tinitigan ang mga cakes na nakadisplay.

Natawa nalang siya nang mag-order ito nang napakaraming pagkain. Ewan lang niya kung paano nito uubusin ang pagkaing inorder nito. Binayaran nalang niya lahat at tinulungan na itong bitbitin ang mga pagkain palabas nang coffee shop. Mababaw lang ang kaligayahan nang kaibigan niyang ito. Basta may pagkain ay masaya na ito.

Nang makalabas ay sakto namang tumunog ang cellphone nito na agad namang sinagot nang kaibigan. Nagpatiuna na siya sa paglalakad papunta sa kotse niya nang dali-dali itong sumunod.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now