Chapter 30

36.4K 789 31
                                    

Dedicated to.   anncypaderan





"Hello Adrian. I need your service now. Pumunta ka sa club ni Jeanna at alamin mo kung sino ang lalaking kausap niya kanina. Naroon pa siguro ang lalaking iyon na kausap niya. Gusto kong alamin mo ang lahat nang tungkol sa kanya." Dire-diretso at maawtoridad na sabi niya sa kausap sa telepono.

Agad naman itong sumang-ayon kaya agad na niyang pinatay ang tawag bago pumasok sa kwarto nilang mag-asawa.

Si Adrian ay isang kilala at magaling na detective kaya malalaman at malalaman din niya kung sino ang lalaking kausap ni Jeanna kanina sa club.

Nang makapasok siya sa silid nila ay kasalukuyan naman inilapag ni Jeanna ang cellphone nito sa bedside table. Tila balisa ito nang maabotan niya kaya nagtaka siya at napatingin sa cellphone nito.

"Okay ka lang? Sinong kausap mo?" Tanong niya sa asawa at matamang tinitigan ito nang may pagtataka.

"Ah-- w-wala Arthur. May i-ibinilin lang ako kay Loraine sa club. May naiwan akong
g-gamit." Nag-iiwas tingin na sabi nito sa kanya.

Nilapitan niya ito at niyakap mula sa likuran. Sininghot pa niya ang mabangong buhok nito at hinigpitan pang lalo ang mga braso niya sa katawan nito.

"Kung may problema man sweetheart sabihin mo agad sa akin ha. Nandito lang ako para suportahan at tulungan ka sa lahat nang bagay. Mag-asawa tayo kaya gusto ko nagsasabihan tayo nang mga problema. Okay lang ba?" Mahinahong sabi niya dito at pinaghahalikan ito.

"N-Naiintindihan ko Arthur." Sabi nito kapagkuwan.

Ihihiga na sana niya ito nang bigla itong bumalikwas.

"Arthur nanlalagkit ako. Maliligo muna ako." Sabi nito sa kanya at tumulis ang nguso na nakapagpangiti sa kanya.

May pilyong ngiti na gumuhit sa mga labi niya at tumayo. Siya na ang nagtanggal nang mga kasuotan nang asawa niya.

"Arthur maliligo pa ako." Saway nito sa kanya.

"I know sweetheart. Paliligoan kita.!" Sabi niya at pinangko ang asawa papunta sa bathroom.

Pero imbes na sa ilalim nang shower niya ito ibaba ay idiniretso niya ang asawa sa bath tub. Agad tinimpla niya ang tubig doon at nilagyan ng lavender scent ang tubig.

"Arthur anong ginagawa mo." Ask Jeanna her voice almost shaking. Napangiti naman siya sa epekto ng mga ginagawa niya sa asawa.

Alam niyang gustong-gusto naman nito ang mga pinagagawa niya kaya mas lalo siyang ginanahan sa paliligo dito.

Inabot niya ang may katamtang init nang tubig at ibinuhos iyon sa mga balikat ni Jeanna at hinaplos ito doon. Malakas itong siminghap sa ginawa niya kaya tuloy-tuloy lang siya sa ginagawa.

Hinagod niya ang dalawang umbok sa dibdib nito at marahan iyong minamasahe. Nilaro niya ang ituktok niyon at pinipisil nang marahan na nakapagpaungol kay Jeanna.

Bumukas ang mga mata nito at sinalubong siya nang nagbabagang tingin na puno nang pagnanasa. Tila mas lalo itong gumanda sa kanyang paningin at naglalaway na siyang tikman ang mga busal nitong labi na tila naghihintay na kanyang angkinin.

Ikiniskis lang niya ang dulo nang ilong sa labi nito at nilanghap ang kaiga-igayang amoy sa bibig nito. Amoy ng pinaghalong strawberry at mint ang bibig nito.

"Arthur." Nanginginig ang boses nitong tawag sa kanya. Her eyes never leaving his kaya kitang kita niya ang matinding pagnanasa sa mga mata nito.

"Hmmm sweetheart. You smelled so sweet and I want to taste you..all of you.." Mapang-akit niyang bulong dito.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon