Chapter 36

32.4K 816 123
                                    

Dedicated todr_son





Naalimpungatan siya nang maramdamang may yumuyug-yog sa balikat niya. Nang imulat niya ang mga mata ay sumalubong sa paningin niya ang nakakunot-noong tingin ni nanay Nina.

Nalito pa siya kung bakit ito naroroon nang gumiit sa ala-ala niya ang mga nangyari.

"Arthur! Abay gumising ka nga! Ba't ka ba dyan natutulog sa sahig! At bakit ka ba naglalasing ha. Maabutan ka ni Andrei dito na ganyan ang hitsura mo ha. Ano nalang ang sasabihin nag anak mo! Maaga pa naman nagigising ang batang iyon buti naunahan ko at ako ang nakakita sa iyo!" Pabulyaw nitong sabi sa kanya pero tinulungan na rin siyang makatayo.

Nang ilibot niya ang paningin ay naaninag na niya ang liwanag sa nakabukas nang kurtina sa sala. Nakasalampak siya sa carpeted na sahig malapit sa mini bar nang sala habang nagkalat sa paligid ang mga wala nang lamang botelya nang alak. 

Doon na pala siya makatulog dahil sa kalasingan. Naalala pa niyang pinilit niya ang sariling tunguhin ang elevator para makapunta sa kwarto niya. Pero parang hindi siya nagtagumpay at bumagsak na siya sa kalasingan.

Dali-dali niyang inayos ang sarili para makatayo nang maalala ang mga nangyari kagabi. Nang halikan niya ang asawa ay ibayong sakit ang pumuno sa dibdib niya nang umiyak ito. Halatang napipilitan lang itong tugunin ang halik niya at iyon ang nakakasakit. Wala na doon ang nararamdaman niya noong kagustohan din nitong pagsaluhan nila ang masarap na halik. Nang hindi makatiis ay kinalas niya ito at nagkasagutan sila nang asawa niya dahilan para umalis ito. Ipunagtabuyan niya ito palayo bago pa niya marinig dito ang mga salitang ayaw niyang marinig.

Agad ay rumihestro ang sakit sa kanyang dibdib nang maalala ang pag-iyak nito. Pero mapait din siyang napangiti dahil baka ikatuwa pa nito ang kalayaang ibinigay niya dito. Malaya na ito na makasama si Jordan. Ang lalaking totoong mahal nito.

Ang tanga-tanga lang niya. Umasa pa siya nang makitang umiiyak ito nang sabihin niyang umalis na ito kagabi pero labis na pighati ang kanyang naramdaman nang paglabas niya nang bathroom ay wala na ito doon.

Wala na ang bag nito at pati na ang mga mahahalagang gamit nito. Nang buksan niya ang mga closet ay nabuhayan siya nang pag-asa nang makitang naroon pa ang mga damit nang asawa niya. His heart hoped again na hindi siya iniwan nito. Agad siyang lumabas nang silid at hinanap ito sa lahat nang guestrooms at ibat-ibang bahagi nang bahay para lang madismaya ulit nang hindi ito makita. Nang tanungin niya ang gwardya ay napag-alaman niyang lumabas na ito nang gate Pero walang dalang sasakyan.

Doon na siya sumuko at natagpuan ang sariling nilulunod nang alak ang sarili. Gusto niyang mamanhid at makatulog nalang sa kalasingan para hindi na maisip ang pag-alis nang asawa niya. Ang pag-iwan nito sa kanya at ang pag-pili nito kay Jordan kaysa kanilang mag-ama ay nakakabaliw para sa kanya. 

"Ano bang nangyayari sa inyong mag-asawa ha. Umuwi dito kagabi ang asawa mong wala sa sarili at heto ka ngayon naglalasing. Teka puntahan ko nga si Jeanna para makapag-usap kayo------" naputol ang pag-iisip niya nang marinig itong magsalita.

Hinawakan niya ito sa braso at pinigilan sa pagsaka para sana puntahan ang asawa niya dahil wala naman ito doon. Wala na itong makikitang Jeanna doon dahil tuluyan na siyang iniwan nang asawa niya.

"Umalis na si Jeanna.!" Kuyom ang kamaong sabi niya dito. Nagtagis ang bagang niya para pigilang manginig ang mga labi niya sa pagsasalita. Ramdam ang sakit sa buong katawan niya na para bang nawawalan na siya nang lakas.

Halata namang nagulat ito sa sinabi niya at biglang nalito. Dumaan pa ang ilang sandali nang katahimikan bago magawang makapagsalita nang matandang kawaksi.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now