Chapter 9

56.3K 1K 68
                                    

Dedicated to AdobongChicken





Palabas na siya nang hotel kaya nakahinga na siya nang maluwang. Mabilis ang kilos niyang tinungo ang exit para makauwi na.

Wala na siyang pakialam kahit nararamdaman niyang nanlalagkit ang gitnang bahagi nang katawan niya dahil wala siyang anumang suot dahil itinago ni Arthur ang panloob niya.

Mabilis siyang nagpaalam sa kaibigan niyang si Dayana at Haven. Sinabi niya na may nangyari sa club kaya kailangan niyang makaalis agad. Dahilan lang niya iyon para hindi siya abotan ni Arthur doon.

Wala na siyang ibang maisip na idahilan kaya iyon nalang ang sinabi niya sa mga ito para payagan na siyang makauwi. Ayaw pa kasi sana ni Dayana na umuwi siya pero nang sabihin niyang may aasikasohin siya sa club ay naintindihan din naman nito agad.

Ayaw niyang magsinungaling sa mga ito pero ayaw niyang manatili doon at magkunwari na parang walang nangyari. Hindi niya kayang harapin si Arthur sa ganoong lagay niya. Masyadong mahina ang pakiramdam niya nang mga oras na iyon at ang lalaking iyon ang may kagagawan.

Sumisikip pa din ang dibdib niya at nararamdan pa niya ang panlalamig nang katawan niya sa sinabi ni Arthur. Paulit-ulit niyang naririnig sa isipan ang mga sinabi nito sa restroom.

Nang maalala ang lalaking iniwan niya ay malakas siyang napabuntong hininga.

Dapat ay hindi siya nagpapapekto sa sinabi nito. Dapat ay wala siyang pakialam kung ano ang tingin nito sa kanya dahil hindi naman ito importante sa kanya. Hindi siya nito kilala at isa lang ito sa mga taong makikitid ang utak na nanghuhusga sa kanya.

Oo nga at ama ito nang anak niya pero hanggang doon lang iyon. Parte lang ito nang nakaraan niya at dapat ay hanggang doon lang iyon.

Wala itong karapatan na bastosin siya nang ganoon. Nabuhay ulit ang galit niya sa dibdib habang naiisip ito.

Pinagsisisihan niyang bumigay siya dito. Binigyan lang niya ito nang dahilan para bastosin siya nang ganoon at pag-isipan siya nang masama.

Hindi niya ito masisisi dahil nga binayaran siya nito noon nang malaking halaga kapalit nang katawan niya. At nalaman pa nitong sa club siya nagtatrabaho. Inaakala nitong isa siya sa mga babaeng nagbibigay nang aliw.

Kaya pala pumunta ito sa club at hinanap siya. Gusto nitong gamitin ulit ang katawan niya para sa panandaliang kaligayahan.

Ewan kung ikatutuwa ba niya na hindi siya nito nakalimutan o kasusuklaman niya ito sa panghuhusga sa kanya. But maybe the latter.

Sana ay hindi nalang niya ito nakita ulit. Kung iniisip pa niya noon na ipakilala ang anak niya dito kapag nagkita sila ulit ngayon ay hindi na.

Hindi na mahalagang malaman nito na may anak ito sa kanya. Baka itanggi lang naman nito na anak nito si Sean Andrei. Ayaw niyang masaktan ang bata kaya buburahin na niya ang planong pagpapakita dito sa anak niya.
Hindi na importante iyon. mabubuhay naman sila kahit wala ito.

Nang makarating sa exit nang hotel ay inabot lang nang valet ang susi nang kotse niya at bumaba na siya sa hagdan.

Muntik na siyang matapilok at nanigas nalang nang makita si Arthur na nakasandig sa isang itim na Jaguar. Nakatingin ito sa kanya at para bang sadya siyang hinihintay.

Gusto niyang tumalilis nang takbo para iwasan ito pero hindi man lang niya magawang ihakbang ang mga paa. Tila napako iyon at hindi na  niya maigalaw.

Walang mababakas na emosyon sa mga mata nito kaya hindi niya alam kung galit ba ito o hindi.
Nakatitig lang din ito sa kanya.

Pinilit niya ang sariling gumalaw at nagtagumpay naman siya nang makahakbang ulit siya pababa.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon