Chapter 2

61.3K 1K 44
                                    

Dedicated to yanzkyo






It's been a long day
without you my friend
And I tell you all about it when I see you again,
We've come a long way
from where we began
Oh,I tell you all about it when I see you again....
When I see you again.......



Napatigil siya sa pagkanta nang makarinig nang katok sa kanyang kwarto. Hininaan din niya ang volume nang tugtog sa cellphone nang pinapanuod niyang cover nang "Against the Current Band" sa bagong favorite niyang kanta ang See You Again. Itinigil na muna niya ang pag-aayos nang mga gamit na dadalhin at tinungo ang pinto para pagbuksan ang sino mang kumakatok sa labas.

Nakita niya si Loraine ang assistant niya na nakangiti sa kanya sa labas nang kwarto niya na siya palang kumakatok. Nginitian din niya ito at hinintay kung ano ang sasabihin nito.

"Miss Jeanna handa na po ang hapunan, nandyan na din ang daddy mo naghihintay na siya sa kumedor." Wika nito nang niluwangan niya ang bukas nang pinto sa kwarto niya.

"Hindi pa ako tapos sa paghahanda nang mga gamit ko Loraine. Mauna ka na sa baba tataposin ko lang ito saglit."Sabi niya dito at binalikan na ang mga inihahandang gamit para ipasok sa may kalakihang Prada bag niya.

"Tutulungan na lang kita miss Jeanna." Anito at lumapit sa kama niya matapos isara ang pinto at ipinasok sa naroong isang bag ang ibang custome nang mga girls niya.

"Salamat Loraine. Natagalan ako kasi nilagyan ko pa nang mga beads ang isusuot nang mga girls. I'm sure magugustohan nila ang mga bagong tahi kong custome para sa kanila." Natutuwang pagkukwento niya sa assistant.

"I'm sure magugustohan nila ang tabas miss Jeanna. Sexy pero hindi masyadong revealing." Sabi pa nito at idinaiti sa katawan ang isang damit na gawa niya.

"Uo naman. Ayoko namang sumasayaw sila na labas na ang kaluluwa." Mahina pa siyang tumawa sa sinabi. "Ayoko nang mabastos sila nang harap-harapan. Mga professional naman ang mga girls natin eh." Sabi niya dito.

Minsan na kasing nagkagulo sa McQueen's Club na pinamamahalaan niya nang may isang customer na nanghipo nang maselang parte nang isa sa mga dancer niya. Nasampal ang customer  na iyon at naghamok pa sa loob nang club kaya ipinatapon niya iyon sa mga bouncer niya sa labas nang bar.
Ipina Ban na rin niya ito doon at hindi na pwedeng makabalik pa.

Kahit nagtatrabaho ang mga babae niya sa bikini club ay mahigpit niyang ipinatutupad ang rules at isa na doon ay ang bawal na pangbabastos at panghaharas sa mga girls niya. Sumasayaw ito sa entablado pero dapat magpareserve o e-VIP nang mga costumers ang sinomang magustohang babae hindi yong basta nalang hinihipoan katulad nang sa ibang bar.

Isang exclusive at social na club ang McQueen's. Puro mayayaman lang na member ang pweding pumasok. Mahigpit ang siguridad doon para sa mga customers at sa mga babae niya.

"Kaya nga gustong-gusto nang mga girls na ikaw ang humawak sa kanila miss Jeanna eh. Si sir Jon kasi.." Tukoy nito sa daddy niya pero hindi na nadugtungan ang pagsasalita kaya nag-angat siya nang tingin at tiningnan ito.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang