Chapter 14

47.4K 1K 59
                                    

Dedicated to DanicaAncheta




Nagising siya nang tumunog ang cellphone niya. Hinagilap niya iyon sa ibabaw nang bedside table pero nang hindi makapa ay nagmulat na siya nang mata.

Napatigil din ang pag-iingay niyon kaya pumikit nalang siya ulit. Kinapa nang kamay niya ang malambot na katawan nang katabi pero bigla siyang napamulat ulit nang walang makapa sa tabi.

Napabalikwas siya nang bangon nang makitang bakante na ang kinahihigaan ni Jeanna. Ang naiwan nalang doon ay ang magulong bedsheet tanda nang hinigaan nito at ang mabangong amoy nito na kumapit na yata sa kama at katawan niya.

"Jeanna?" Tawag niya pero walang sumasagot.

Tumayo na siya at walang pakialam na hubot-hubad siya na tinungo ang Cr pero wala din doon ang dalaga. Binuksan niya kahit ang walk in closet ay hindi pa rin niya ito nakita. Lumabas din siya sa teresa nang kwarto niya ay wala din siyang nakita doon.

Napu-frustrate na bumalik nalang siya sa loob nang kwarto at napaupo sa malambot na kama.

Kung kailan talaga makakakita nang pagkakataon ang babaeng iyon ay tatakasan agad siya. Malakas na napabuntong hininga siya sa naiisip at nagtungo sa banyo para maligo habang naiisip pa rin ang dalaga.

Kung pwede lang sana niya itong e-tali sa kama niya para manatili ito ay gagawin niya.

Kahit buong gabi niya itong inangkin ay kulang pa din iyon para sa kanya. Para itong isang droga na mas lalo lang nagpapalulong sa kanya. Ni hindi niya maisip ang sariling umaangkin nang ibang babae maliban lang dito.

Nawalan na siya nang gana sa ibang babae at ito nalang ang hinanap-hanap niya. Naiisip pa lang niya ito ay tinitigasan na siya. At hindi maganda iyon para sa kanya. Kailangang magsawa na siya dito tulad nang ibang babaeng kinakama niya. Isa o dalawang beses lang na pagninig niya sa ibang mga babae ay nawawalan na siya nang gana.

Pero iba si Jeanna sa lahat nang mga iyon. Imbes na mawala ang pagkagusto niya sa katawan nito  ay mas lalo lang siyang naa-addict sa sarap na dulot nang pakikipagniig dito. Para itong isang alak na habang tumatagal ay lalong sumasarap.

Pagkatapos maligo ay inabot lang niya ang tuwalya sa sa naroong hanging cabinet at nagpupunas nang katawan habang papalabas nang banyo.

Nang tingnan niya ang oras sa orasang nakasabit sa ding-ding ay nakita niyang mag-aalas nueve na pala nang umaga.
Nagsuot muna siya nang T-shirt bago lumabas nang kwarto niya.

Sa anong kadahilanan ay tinamad siyang pumunta sa office. Wala naman siyang masyadong gagawin doon kaya napagpasyahan niyang sa hapon nalang magpunta.

Naglalakad na siya pababa at tumigil sa second floor para kumuha nang alak sa naroong mini bar bago nagpatuloy sa pagbaba at didiretso na sana sa library nang maamoy niya ang kakaibang aroma nang pagkain na ngayon lang niya naamoy.

Para ba iyong nabubulok na isda na ginisa sa may sibuyas at kamatis kaya imbes na pumasok sa library ay tinungo niya ang kumedor. Baka kung ano na naman ang nilulutong bulok na pagkain ni Nanay Nina kaya may nangangamoy sa kusina.

Pero nang makarating sa kusina niya ay napatigil siya at muntik nang malaglag ang panga niya nang makita kung sino ang kumakanta habang nagluluto sa harapan nang nakasindi na stove.

Napatigil siya sa pagpasok at tiningnang mabuti ang bulto ni Jeanna habang mahinang kumekembot at masayang naghahalo nang kung ano sa kawali.

Suot pa rin nito ang maikling shorts pero isang mahabang polo na ang nakapatung doon na nakilala niyang polo niya. "She looks so damn hot on my polo." Naisingit niya sa isipan.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now