Chapter 23

41.4K 960 56
                                    

Dedicated to shanshandiente



Mag-aalas dos na nang umaga ay hindi pa rin siya makatulog. Matapos pagmasdan ang asawa ay lumabas na siya nang silid nila. Bumabagabag pa rin sa isipan niya ang mga naganap at kung ano ang gagawin niya para maayos ang lahat.

Kung paano niya susuyuin ang asawa at kung sino kaya ang lalaking kasama nito. Nakita niya ang pag-iyak nito sa dibdib nang lalaking iyon na labis na naghahatid nang kaba sa kanyang dibdib. Para bang naninikip ang dibdib niya habang nakatingin sa mga ito lalo na at nakapulupot ang braso nang lalaking iyon sa katawan nang asawa niya. Gusto niyang sugurin ang lalaking iyon at ilayo ang asawa niya dito. "She's my wife for crying out loud." At kung ano ba ang dahilan nang pag-iyak nito? Dahil ba nakita siya nito sa hindi magandang tagpo kasama si Gigi?

"Fvck! Wag kang assuming Art.! And why would in hell na iiyakan ka nang asawa mo?!" Saway naman nang kabilang bahagi nang kanyang isipan.

Ipinilig nalang niya ang ulo at tinungo ang bar at kumuha nang whisky. Nagsalin siya sa baso at dinala iyon sa library.

Dinala na niya ang ibang papeles na kailangang pagtuunan nang pansin dahil hindi na niya iyon natapos sa opisina kanina dahil binabagabag siya nang tagpong nakita sa pagitan ni Jeanna at nang lalaking iyon.

Maaga din siyang umuwi sa pag-aakalang nandoon na ang asawa. Kahit hindi nito sabihin ay alam niyang hindi nito nagustohan ang naabotang tagpo sa pagitan nila ni Gigi. Pinagsisisihan niyang hinayaan pa niya ang huli na makalapit sa kanya. Pero huli na dahil nangyari na lahat nang iyon. All he have to is to make it up for her dahil ayaw niyang nagkakaganoon ang asawa lalo at wala naman talaga siyang ginagawa.

Something inside him stirred while thinking of his lovely wife. Wala mang pagmamahal na namamagitan sa kasal nila ay gusto parin niyang maging maayos ang pagsasama nila dahil ayaw niyang mapareha iyon sa pagsasama nang mga magulang niya para man lang sa anak nila.

Ayaw niyang maapektohan ang anak nila katulad niya kaya gagawin niya lahat para maging maayos silang dalawa ni Jeanna. Kahit pa nga ang pagpapakumbaba ay gagawin niya.

Pakiramdam niya ay hindi naman mahirap ang gagawin niya lalo at para naman iyon kay Jeanna at sa anak nila. Bigla na namang bumalik sa balintataw niya ang eksenang nakayakap at umiiyak ang asawa sa dibdib nang lalaking iyon. "Fvck him! Ako lang dapat ang yumayakap sa asawa ko! Wala nang iba." Nagngangalit niyang himotok sa isipan. Kung sino man ang lalaking iyon ay wala itong karapatan para hawakan ang asawa niya. Hell! He'd kick off anyone's ass na gustong mapalapit sa asawa niya. He needs to know kung sino ang lalaking iyon at kung bakit ganoon nalang kalapit ang asawa niya dito at nagawa pa nitong sumama dito at gabi na nang umuwi.

Kitang-kita niya ang paghimpil nang sasakyan sa labas nang mansion niya kanina. Dumaan pa ang ilang saglit bago lumabas doon si Jeanna.

Iba na ang tumatakbo sa isipan niya kanina habang naiisip na matagal itong nanatili sa loob nang sasakyan bago lumabas. Paano kung may iba nang ginagawa ang mga ito na hindi naman kita dahil tinted ang sasakyan na naghatid dito at madilim pa.

"Fvck!!Hindi naman siguro gagawin ni Jeanna ang bagay na iyon." Marami siyang hindi alam tungkol dito pero ang puso niya ay umaasang hindi nito magagawa ang magtaksil sa kanya.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now