Chapter 6

43.7K 921 17
                                    

Dedicated to borxalicious23







Nagulat pa siya nang biglang bumukas ang pinto nang office niya. Napatuwid siya nang upo nang pumasok si Jomie na namumutla.

"Shit! Ginulat mo naman ako.
W-What happened?" She ask in an instant.

"No--tssk...let me ask you that. Can you please tell me what's happening?!" Nakataas pa ang kilay na tanong ni Jomie sa kanya. "Bakit kilala ka nang gwapong hombreng iyon? At bakit mo ba siya pinagtatagoan?"
May pagdududang tanong nito sa kanya.

Hindi agad siya nakasagot at walang naiisip na idadahilan.
"Ay! B-Basta! Wag ka na lang magtanong mahabang kwento.!"
pag-iiwas niya sa tanong nito at tumayo sa kinauupuan at tinungo ang nakasarang pinto.
Binuksan niya iyon at maingat na sumilip sa dalawang lalaking nakaupo malapit sa stage.

Mabuti nalang ay tago sa Bar counter ang office niya kaya malaya niyang nasisilip ang nangyayari sa labas nang walang nakakapansin.

"I have all the time para makinig madam. Paki explain nga?!" Biglang tanong ni Jomie sa likuran niya na nagpalukso sa kanya sa labis na gulat.

"Shit!!!!!!!!!!!!! Wag ka ngang nang-gugulat bakla. Sabunotan kita jan eh!" Sabi niya dito at hinimas-himas pa ang dinadagang dibdib. Inaatake siya nang nerbyos dahil sa presensya nang lalaking iyon. Sa dinami-rami nang Club na pwedeng puntahan nito 'bat dito pa talaga siya nagpunta? At magkakilala pa sila ni Paul na regular customer nila?! Talaga bang tinutukso siya nang pagkakataon.?!

Nakita niya ito sa coffee shop nang huli silang magkasama nang kaibigang si Dayana at ngayon naman ay dito sa club. Coincidence lang ba ang lahat.?!

Mabuti nalang at nakita niya ang pagpasok nito sa entrance nang club sa CCTV monitoring niya. Tsini-check kasi niya kung maayos bang gumagana ang mga CCTV na nakapaligid sa buong club. Muntik pa niyang mahalikan ang mga monitors dahil kung hindi siya sumilip dito ay baka humarap na siya sa mga guest at nakita siya nang lalaking pinagtatagoan niya.

Agad nanlamig ang katawan niya nang makita itong pumasok nang club. Nakasunod ito sa regular customer at member nang club na si Paul Wesley. Agad niyang sinabihan si Jomie na ito ang humarap sa mga guest at sabihing on leave siya kapag may naghanap sa kanya.

Pero hindi niya sinabi dito ang dahilan. Ilang beses din naman kasi nitong ginagawa iyon na ito ang nakikipagharap sa mga guest lalo na kapag may makukulit na DOM o foreigner na pinagtatagoan niya dahil siya ang nagugustohan.

Napakurap ang mga mata niya nang pumitik pa sa harapan niya ang mga daliri ni Jomie at hindi ito makapaniwalang nakatitig sa kanya.

"Earth to madam! Kinain ka na ba nang alien?! Hello? Anjan ka pa?! Iwinagayway pa nito ang mga kamay sa harapan niya.

"Ano ba bakla.! Chaka nito." Naiinis niyang sabi dito at tinalikuran ito. Bumalik na siya sa kinauupuan niya kanina at malalim na napabuntong hininga nang makaupo.

"Anong nangyayari sayo madam ang lalim 'nun ah?" Pagtukoy nito sa buntong-hininga niya. "Nagiging magugulatin ka, natutulala ka, at ang dali mong ma high blood?" Maarte pang tanong nito sa kanya at tinitigan siya na para bang tinubuan siya nang dalawang ulo.

"Sige na magsalita ka na madam? Sino ba ang napakagwapo na  hombreng yon? Teka!! May utang ka sa lalaking yon? May kasalanan ka ba 'dun? Or----" Namilog pa ang mga mata nito at sadyang ibinitin ang sasabihin.

"Anong 'OR' bakla?!" Sikmat niya dito.

"--or ni RAPE mo siya kaya hinahanap ka niya.! Tama! Baka ni rape mo yong tao kaya hinahanap ka!" Nanlalaki ang mata nitong nakatingin sa kanya.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now