Chapter 34

30.1K 740 66
                                    

Dedicated toSheilaVillano










Masayang-masaya siya nang makabalik siya sa Steinberg Enterprise building. Pakanta-kanta pa siya habang naglalakad papasok sa entrance. Inihatid lang siya doon ni Jordan dahil may lalakarin pa ito. Hahanapin nito si Dana Isabella para maging masaya nadin ang mga ito. Nangingiti siya habang naiisip na sa wakas ay magiging masaya na din si Jordan matapos ang nangyari sa kanila.

Naguguluhan na nakatingin sa kanya ang mga empleyado papasok pero hindi lang niya pinansin ang mga iyon dahil pakiramdam niya ay nakalutaw siya sa mga ulap.

Ito na ang araw na pinakahihintay niya. Nagkalinawan na sila ni Jordan at ipagtatapat na niya ang nararamdaman kay Arthur.

Nang maisip ang asawa niya ay gumuhit ang pinakamatamis na ngiti sa labi niya. Wala na siyang ibang mahihiling pa sa mundo kundi ang makasama ito nang panghabang buhay.

Nang tumawag ito sa kanya kanina ay hindi niya sinabing si Jordan ang kasama niya. May pagkaseloso kasi ang asawa niya at baka masira lang ang plano niyang pagtatapat kung malalaman nitong si Jordan ang kasama niya. Ngayon nalang niya sasabihin dito ang pagkikita nila ni Jordan at ang pagkakalinawan nila. Alam niya maiintindihan siya nito.

Nang bumukas ang elevator ay pinindot na niya ang fiftieth floor kung saan naroon ang opisina ni Arthur.

Naiisip palang niya ang lahat nang mangyayari sa kanila sa pagtatapat niya ay kinikilig na siya. Nang bumukas ang elevator ay naglakad na siya palabas.

Agad ay sumalubong sa paningin niya ang bagong secretary ni Arthur na si Luna.

Sa lahat nang nakilala niyang secretary nang asawa niya ay si Luna ang pinakagusto niya. Magalang at medyo maypagka-old maid ito. Matalino ito na labis niyang hinangaan dito.

Nang mapatingin ito sa kanya ay biglang naging balisa ito. Hindi niya alam kung sa paningin lang niya iyon o naging balisa talaga ang dalaga. Ni hindi ito makatingin nang diretso sa kanya na labis na ipinagtaka niya.

"Hi Luna. Nandyan ba ang boss mo?" Aniyang may kalakip na ngiti sa mga labi.

"Ahh-- ahm.. H-Hi mam Jeanna.! Nasa l-loob po si sir Arthur!" Parang natatarantang sabi nito sa kanya.

Kumunot naman ang nuo niya sa inasal nito pero isinantabi nalang niya. Baka may nangyari lang o kaya ay baka napagalitan ito ni Arthur kaya ganoon ito.

"Papasokin ko nalang okay." Aniya dito at tumalikod na pero pinigilan siya nito.

"M-Mam Jeanna------
kabilin-bilinan po nang k-kasama ni sir na walang ibang papapasokin sa l-loob kahit sino daw po." Natatarantang pigil nito sa kanya.

Ngunot-noong tiningnan niya ito.

"Ahh may mahalaga bang meeting si Arthur?" Tanong niya dito.

"A-Ahmm__ ahh hindi ko po alam mam. I-Iyon lang po ang ibinilin nang kasama ni sir sa loob." Tila namutla pa ito sa sinabi kaya lalo siyang nagtaka.

"Sino ba ang kasama nang sir mo sa loob?" Aniya ditong may kalakip na kaba sa tinig.

"Ahhh-- si kuan-- ahmm ano oi mam--"

"Sino Luna?" Aniyang bahagyang tumaas ang tinig. Kinakabahan din siya sa pagkakautal nito.

"Yung ex-girlfriend po ni sir ang nasa loob mam." Diretsong sabi nito sa kanya na nakapagpahugot nang hininga niya.

Sino sa mga ex girlfriend ni Arthur ang nasa loob at ayaw nitong magpapasok nang kahit na sino. Si Gigi kaya? Hindi naman siguro dahil hindi naman naging girlfriend ni Arthur ang modelong iyon.

HOT OBSESSION (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora