Mysterious Twin

By iamdyowana

26.1K 1.7K 87

"Praise me to death. I'll kill you." -Rhinna More

Chapter One- The Past
Chapter Two- Zerdiacs
Chapter Three- Collide
Chapter Four- The Dark Duos
Chapter Five- Angelic
Chapter Six- Sudden
Chapter Eight- Prince of hell
Chapter Nine- Kiss
Chapter Ten- Second Meeting
Chapter Eleven- 'They' met
Chapter Twelve- Caught
Chapter Thirteen- Killed
Chapter Fourteen- Other side
Chapter Fifteen- Awaken
Chapter Sixteen- Arranged
Chapter Seventeen- Damned
Chapter Eighteen- Punished
Chapter Nineteen- Days
Chapter Twenty- Recruit
Chapter Twenty-One- Anything
Chapter Twenty-Two- Pissed
Chapter Twenty-Three- Flashback
a u t h o r ' s n o t e
Chapter Twenty-Four- Plan
n o t e
Chapter Twenty-Five- New
Chapter Twenty-Six- Vacation
Chapter Twenty-Seven- Saved
Chapter Twenty-Eight- Meetings
Chapter Twenty-Nine- Hell I
Chapter Twenty-Nine- Hell II
Chapter Thirty- Games
Chapter Thirty-One- Show
questions
Chapter Thirty-Two- Better Win
Chapter Thirty-Three- Reality

Chapter Seven- Solved

1K 69 5
By iamdyowana

LJ's Point of View

Binitbit ko na ang nga bote ng beer at dinala na sa labas. Natagalan kasi ako sa pagluluto ng mojos. Masarap yun! Try niyo.

Tuwang tuwa akong lumabas na sinabayan pa ng pagkanta na alam kong wala sa tono.

"Oh! Oh-ho Yeah oh! GUYS! The drink is here! Wooooh! Sorry kung," Napatigil ako sa pagtalon at tinitigan ang bawat isa, "na-ta-ga-lan? Ah? Anong nangyare at ganyan ang mga mukha ninyo?" tanong ko sa kanila. Ikaw ba naman kasi datnan mo ay yung mga mukhang parang namatayan na naghirap pa. Diba? Masaklap yun at ganun ang itsura nila.

"Sabi ni RR ibigay ko daw sayo to. Oh." sabi ni Jell habang may inaabot sa aking isang papel. Maliit na pinabilog na papel.

"Eh? Ano naman sa tingin mo ang gagawin ko dito sa papel mo?" tanong ko. Ayokong kumain ng papel! Never ko po pa naranasang ngumuya ng papel. Ayoko m----

"May tumawag kay RR," pagsisimula ni Jell na diretsong nakatingin sa akin, napaseryoso na ko dahil doon at hinayaan siyang matapos sa pagsasalita, "Si Lorrielle. At problema sa palace at aalis na daw muna siya. Kasama ka."

"Sige?" Hindi ko siguradong sagot. Hindi ako sanay sa kanila. Masyadong seryoso.

Pagkabukas na pagkabukas ko ay napangiti na ako. So that's the plan?

~

Rhinna's Point of View

Nandito na ko ngayon sa Storage house kuno namin ni LJ. Bakit storage house kuno? Kasi dito lang naman nakatambak ang mga kagamitan namin ni LJ pag may mga bakbakan katulad nito. Pero wala pang alam ang mga kagang mates namin dito dahil alam naman naming na magtatanong lang sila nagmagtatanong kung bakit may ganito pa. At ayaw ko pa noon ipaalam ang tungkol dito.

Pero siguro ito na din ang tamang panahon para malaman nila. Ayoko na ng masyadong maraming nililihim kung pwede namang pakisamahan ang mga ito.

Hindi rin totoong may nangyari sa palace. May tumawag lang sa akin kanina, and that is an unknown guy. Hindi ko muna ipinaalam sa kanila ang totoo dahil kailangan ko munang makuha ang totoo talagang kinuha nila sa amin.

Nagchecheck na ako ngayon ng mga gagamitin ko para mamaya. Kasi baka may makalimutan pa kong importante. Mahirap na! Tsaka kailangan ko ng madaliin to dahil baka may mapahamak pang iba. Ayoko naman ng ganon.

"Damit? Check! Guns? Check! Shurikens? Check! Tear gas? Check! Hmm? Ano pa ba ang mga kailangan ko?" inisip ko pang mabuti ang mga kailangan ko dahil baka may maiwan pa ako.

Hmn.

"Lollipop! Check!" sigaw ko at tumungo sa cabinet sabay hablot ng damit para isuot. Naka fitted na black long sleeve at pants lang ako. As always! I always wear this thing when we are the one.

"Kahit kalain talaga hinding hindi nawawala ang lollipop mo no?" bulong ng isang tao sa likod pero sapat na para marinig ko. And there you go, LJ is here.

"Kailan ba nawala to?" tanong ko pero natatawa tawa pa. Ganito lang naman kasi ako pagkami lang ni LJ ang magkasama. Depende na lang minsan samin ng iba pang Zerdiac. Hindi pa ko masyadong handa para maging open sa kanila.

"Tsk! Sana pala araw araw na lang may ganito no? Kasi araw araw ko na rin makikita ang mga ngiti ni RR, I mean ni Rhinna dati." nakangiting sabi ni LJ at nagsimula na rin magayos at magsuot ng red fitted niyang damit na katulad ng akin.

Napatigil ako sa sinabi nito.

"You should loosen up, Rhinna."

~

Someone's Point of View

Nandito na ako ngayon sa isang abandunadong gusaling pinaghihide out-an nila. I was here with Her. Sobrang dilim nga dito eh. Wala na talaga akong makita miski isa. Buti na lang kamo eh malakas ang pakiramdam ko kundi kanina pa ako natalisod dito.

*CLICK*

Nagulat ako ng biglang bumukas ang mga ilaw at halos lahat sila ay nakatutok na sa akin ang mga baril. Hala?! Ayos to ah? Isa laban sa madami? Life is so unfair nga naman.

"Woah! Ang pinapapunta ko lang naman ay ang mga Zerdiacs ah? Bakit nandito ang pinakamahusay na Dark Storm?" sarkastikong sigaw nung tabachoy. Tinitigan ako ang bawat isa. Marami pala sila.

Pinindot ko muna ang connector device para marinig niya ang mga pinaguusapan namin dito. Tsaka lang ako nagsalita.

"Matanda ka na talaga Gomez, hindi mo ba naaalalang bigla bigla na lang naman sumusulpot ang Duo?" sabi ko ng may halong pangaasar. Nakita ko namang napatiim bagang ito kaya napangisi ako. Asar talo talaga ang hudyo.

"Tss. Oo nga naman! Nakalimutan ko yun ah? Pero nakakapagtaka naman ata? Tatlo o apat na taon kayong nawala na parang bula tapos ngayon susulpot na naman kayo? Wow!" sarkastiko na naman niyang sigaw. Kala naman niya magpapatinag ako. As if.

"Wag ka pakampante Gomez. Wala man akong palabas ngayon mauuwi pa rin sa wala ang hirap mo. Akalain mong naipasok mo ang kaisa isa mong anak sa palace para lang magnakaw?"

Nakita kong nanlaki ang mga duling nitong mata. Kita sa mga ito ang takot. Pero matagal na ata akong hindi marunong maawa sa kagaya niya. Ayoko kasi sa lahat ay yung nandadamay pa ng walang kamuwang muwang na tao.

"Anong ginawa niyo sa kaniya?" Asik nito. Handa naman na ako parati kung sakaling bigla itong manugod.

"Wag ka magalala, Gomez. Maayos ang lagay ng unica ija mo. Sa totoo nga ay paalis na ito ng bansa dahil hindi na niya kayang magtagal sa kademonyohan mo."

"H-hindi mo ako matitinag. Gusto mo ako na lang magpalabas sayo?" nakangisi niyang sabi tapos nagsnap ito kasabay ng paglabas ng babaeng nakapiring at nakaposas sa upuan. Wala itong malay sa lagay nito ngayon. Mukha namang hindi ito sinaktan dahil wala itong ni isang galos sa katawan. Mabuti na lang na ganon dahil baka hindi siya makapagtimpi at pasabugin na niya ang ulo nito.

"Oh ano na? Hindi ka na nakapagsalita? Yan kasi ang hirap sa mga superhero eh! Kapag may hostage na, wala na. Talo na sila! HAHAHA! Kawawa naman kayong mga superhero!" sigaw niya. Nagmukha lang siyang tanga dahil wala naman akong pake. Alam kong maililigtas namin siya kaya kampante lang akong nakatayo.

"Eh pano naman kung sabihin ko sayo na hindi ako nagpapadala sa mga paganyan ganyan mo?" sabi ko at nagtapon na ng tear gas sa gitna at nagsimula ng magpaputok ng baril.

Mga ilang sandali pa ay pawala na ng pawala ang usok at tumigil na rin ang mga nagpapaputok ng baril.

Nang tuluyan na ngang mawala ang usok ay bumulaga sa akin ang gulat na gulag na matandang lalaki. Ubos na ang kasama niya at siya na lang ang natitira.

Ipagpapaliban ko na lang muna ang baboy na ito sa kasama kong alam kong nakamasid lang.

Sumipol ako na sapat na para marinig niya at doon na naubos ang kalaban.

Alam kong hindi ako mapapagod ngayon pero hindi ko naman inaasahang ganito kasimple ang kalalabasan.

Tss.




Nandito pa rin kami sa abandunadong gusali at inaabangan na lang siya magising. Hindi na ito nakatali at nakaayos na siya ng higa sa lapag. Mukhang may tinurok ditong pampatulog dahil sa namumula ang braso nito.

"Hmm!"

"Gising na siya!" Sigaw ng kasama ko nang umasik ito. Tinitigan namin siyang mabuti hanggang sa mag mulat na siya ng mata.

"Sino kayo?"

"Wag ka mag-alala, hindi naman kami mamamatay tao eh." walang ganang sagot ni Red Shadow. Kanina lang ay excited siya ngayon naman parang akala mo ayaw na niyang magising ito. May sapak siguro ito sa utak.

"Teka! Natatandaan ko kayo! Hindi ako pwedeng magkamali! Kayo yung dalawang babaeng may dahilan ng pagsabog ng resto years ago! Kayo yun! Kayo ang dahilan kung bakit patay na ang mga magulang ko!" singhal niya sabay tayo. Halatang natatakot siya pero pinangungunahan pa rin siya ng tapang.

"Hep-hep-hep ! Wag ka nga bintang ng bintang! Nang dahil diyan sa maling akala mo napapahamak ka eh!" sigaw din nitong si Red

"Hinding hindi niyo ako mauuto! Kayo yun! KAYO YUNG WALANG AWANG PUMAPATAY NG WALANG KAMUWANG MUWANG NA MGA TAO!" sigaw ulit niya at mukhang nauubusan na ng pasensya itong si Red dahil sa malalalim niyang paghinga.

"Fine! Ipapaliwanag ko, okay?" Pagsisimula nito. Tumingin pa siya sa akin bago magsalita ulit, "ganito kasi yun. Hindi naman talaga kami ang may pakana nun, sa totoo pa nga kami ang pumipigil sa mga yun eh! Sadyang late lang kami ng dating kaya napasok na ng kalaban yung resto! Imperial Rouge! Sila ang may pakana nun! Nalaman kasi nila na nandun ang kanilang target kaya pinagplanuhan na nila iyon!" pagpapaliwanag ni Red na halata mong napipikon na. Maiksi pa naman pasensya niya.

"Teka! Eh sino ba yung target nila?" tanong naman niya na halata mong wala talagang kaalam alam sa mga nangyayari. Well, kailan ba magkakaroon.

"Mga magulang mo." pagsisingit ko.

"ANO?!" hindi makapaniwalang sigaw niya.

"Oo. Kasi nga diba mayaman kayo, kaya kayo ang tinatarget nila kase kailangan nila ng pera niyo! Gets mo na?" sabi ni Red.

"H-hindi ako makapaniwala! Ang sasama talaga nila!*sniff* Pasensiya na kayo kung *sniff* napagbintangan ko kayo ah? Pinangunahan lang talaga *sniff* siguro ako ng galit. Tsaka pala salamat *sniff*" umiiyak na sabi nito. Naaawa ako sa lagay niya. Sa aming lahat.

"Naiintindihan ka naman namin." mahinahong sabi ni Red. Mukhang nahimasmasan na ito sa pagkainis.

"Teka? Sino ba kasi talaga kayo? Ayoko na kasi ulitin ang paghihinala ko. Lalo na't mga kaibigan ko pa sila." sabi niya habang pinupunasan ang mga luha.

"Mamaya na lang pagdating nila." sabi ko. Alam kong sa ilalim ng mascara na yan nakangiti si Red. Matagal na kasi nitong gustong magpakilala.

Mga ilang minuto lang din ang nakalipas ay may nagsidatingan na mga kotse't motor. At ang iingay.

Sino pa ba ang may ganung klaseng entrance? Edi sila na yun malamang.

"QUENCE!" sigaw nila habang papalapit sa amin.

"Teka? Kayo yung Dar—-"

"Yes kami nga!" masayang sabi ni Red tapos umakbay sakin

"OMAYGADH! Maraming salamat sa pagligtas sa kaibigan namin ah!" sabi nila. Tiningnan ko isa isa ang mga ito bago magsalita.

"Aanhin pa ang pagkakaibigan kung hindi naman nagtutulungan?" sabi ko pero sa malayo na ang tingin. Kailangan ko ng maging open pero uunti untiin ko.

"K-kaibigan?" takang tanong nila.

"Kala ko ba ngayon na kayo magpapakilala?" tanong ni Quence na nakatingin sa akin. Alam kong kilala na niya kami pero hindi ito nagsasabi.

"Bakit pa kasi kami magpapakilala kung matagal niyo naman na kaming kilala?" pasimpleng sabi ni Red na kunwari ay naiirita. Best actress goes to her!

"Kilala na namin kayo?" kailangan talaga lagi silang sabay sabay. Well sa lahat nga ay ginagaya nila ako eh.

"Oh sige na nga! Hmmm? Ako nga pala si," paninimula ni Red na halatang binibitin sila "Lyra Jane Ferrer but also known as LJ." bungad niya na may ngiti sa mga labi.

"RR." Simpleng pakilala ko at tinanggal na rin ang maskara kom

Oo, kami nga ni LJ ang pinakakinikilalang Dark Duo. Matagal na namin yung tinatago sa lahat para lang matalo na ang Imperial Rouge dahil sa mga masasamang nagawa nila. This might look selfish pero matagal na kaming may ganitong organisasyon ni LJ. Simula pa lang ng magkakilala kami.

"Oh-my!" sigaw ni Lan at biglang yumakap samin, sumunod naman ang iba kaya nagkaroon ng instant group hug.

Awkward.

"Hindi ba kayo nagagalit na naglihim kami?" Tanong ko para makaalis na sa yakap nila.

"We knew."

"What?! How?! When?!"

Nashock pa ko dahil sabay kaming napasigaw ni LJ.

"Well, sino bang hindi macucurious sa Dark duo diba? So sinubukan naming alamin. Jack and AU tried to find a clue at may palaging lumalabas na note doon. Ayun yung note na nadidicipher ni AU sa POM. Kaya napagtanto naming kayong dalawa ang darks." Zy said.

"At halata naman kasi parehas na parehas kayo ng way tumalo ng kalaban sa darks." Chris continue.

"And may tattoo si LJ sa batok ng Ddx." Ollen said.

Tumingin ako ng masama kay LJ at nagpeace sign lang siya.

"Ang cool kasing tingnan."

"Tss."

"So, can we go now? Kailangan ng magpahinga ni Quence." Sabi ni Lan. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng magsalita ako.

"Thank you."

~~
❌UNEDITED CHAPTER❌

Continue Reading

You'll Also Like

9.8K 1.3K 80
Book 1 in my thriller quadrilogy. .......... Vaidehi is a young woman with her own set of dreams and disappointments. She faces a heartbreak w...
50.8K 2.1K 25
Book 2 of the ๐•ฑ๐–Ž๐–Œ๐–๐–™๐–ˆ๐–‘๐–š๐–‡ series {Duology} ๐–ค“ ๐•พ๐–”๐–’๐–Š ๐–’๐–Š๐–’๐–”๐–—๐–Ž๐–Š๐–˜ ๐–“๐–Š๐–›๐–Š๐–— ๐–‘๐–Š๐–†๐–›๐–Š ๐–ž๐–”๐–š๐–— ๐–‡๐–”๐–“๐–Š๐–˜. ๐•ฟ๐–๐–Š๐–ž ๐–‡๐–Š๐–ˆ๐–”๐–’๐–Š ๐–•๐–†๏ฟฝ...
42.2K 903 33
Jhocey !!Disclaimer!! โ€ขThis story are made pure imagination. Please seperate friction to reality. โ€ขThis story contains Spg scenes like s*x, and k*...
16.2K 548 52
ุฑูˆุงูŠุฉ ู…ูู†ู‚ุฐูŠ ุณุจุงูŠุง ุฏุงุนุด ู„ู„ฺชุงุชุจุฉ ูˆุฑุฏู‡ ุงู„ุดูŠุฎ ู…ุญู…ุฏ ((ู…ู†ู‚ูˆูˆูˆู„ู€ู€ู€ู€ู€ู€ู€ุฉ)) ยซ ูุชุงุฉ ุนุฑุงู‚ูŠุฉ ุชุฎุทู ูˆุชุณุจูŠ ู…ู† ู‚ุจู„ ุงูŠุฏู ุงุชุฎุฐุช ุงู„ุฏูŠู† ุบุทุงุฆุงู‹ ู„ู‡ุง ุชุณู…ู‰ " ุฏุงุู€ุด" ุชุฑูˆูŠ...