Ate(Completed)

By MissJ_35

345K 12.5K 1.5K

Hindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bag... More

Prologue
Chapter1: Farewell
Chapter2: A fight
Chapter3: Ella
Chapter4: Her presence
Chapter5: Transferee
Chapter6: Love letter
Chapter7: Sweet revenge
Chapter8: Welcome Home
Chapter9: Tears
Chapter10: Questions
Chapter11: Serina
Chapter12: Ribbon clip
Chapter13: Nightmare
Chapter14: Birthday Gift
Chapter15: The twins
Chapter16: Note
Chapter17: Imprisoned
Chapter18: Save her
Chapter19: Secrets
Chapter20: Justice?
Chapter21: Investigation
Chapter22: Suspect
Chapter23: Monic
Chapter24:Pain
Chapter25: Ate Serina
Chapter26: Trigger
Chapter27: The Culprit
Chapter28: School Camp
Chapter29: The Promise
Chapter30: His answer
Chapter31: The Answer
Chapter32: Katapusan?
Chapter34: Kaba
Chapter35: Hinala
Chapter36: Trap
Chapter37: Dugo
Chapter38: Case
Chapter39: Truth
Chapter 40: Suzy's Help
Chapter41: Scribbles
Chapter42: Se-re-ni-ty.
Chapter43: Wrath
Chapter44: Dirty Truth.
Chapter45: Madness.
Final Chapter: Pangako.
Epilogue

Chapter33: Lights on

4.7K 187 18
By MissJ_35



3rd person's POV



Itim...



Madilim....



Malamig........


Ganyan ang kalagayan ng paligid kung nasaan nanggagaling ang nag huhumiyaw na tinig.

Halata ang tindi ng galit nito sa boses  pa lamang. Para bang uhaw ito sa pagpaslang sa kanyang kaaway.

Paulit ulit..

Tila ba hindi  ito nauubusan ng lakas dahil sa ginagawang pag hiyaw.

"MAGBABAYAD KA LYKA!! ISA KANG HANGAL! WALA KANG KARAPATANG HAWAKAN ANG KAHIT NA DULONG DALIRI NI SERENITY! LALO NA ANG PAGTANGKAAN ANG BUHAY NIYA!!!! HINTAYIN MONG MAKALABAS AKO RITO AT PAHIHIRAPAN KITA NG TODO!!!! HIHILAHIN KITA PAPUNTANG IMPYERNO!!!!"

Umaalingawngaw ang boses  ni Serina sa buong paligid.

Ang mukha nito  ay nanggagalaiti sa galit na nadarama, napakatalim ng mata nito na para bang isang matalas na punyal na konting dampi mo lamang, ikaw ay masusugatan.

"Tatapusin ko na ang lahat. Magmamadali na kong  ubusin sila para di na nila pa mahawakan sa leeg si Serenity."

Nasabi na lamang nito bago mabuo ang isang nakakakilabot na ngisi sa kanyang labi, ngisi ng isang demonyo.

"HAHAHAHAHA! MAG SAYA LANG KAYO MGA HANGAL! MALAPIT NA KAYONG MAWALA DYAN SA IBABAW! MATITIKMAN NYO KUNG GAANO KAPAIT ANG MANIRAHAN SA IMPYERNO!!!!!"





























----------------------

Malalim na ang gabi. Tanging mga kuliglig lamang ang maririnig mong humuhuni. Mabibilang na lamang ang mga sasakyang dumadaan dahil lahat ay namamahinga na sa pagod buong araw.

Ngunit. Wala ito sa loob ng dalagang si Lyka. Nakaupo lamang ito sa kanyang kama, nakatingin sa kawalan at napaka lalim ng nasa isip.

Ilang sandali pa ay naputol ang kanyang pag mumuni muni sa tunog ng kanyang cellphone.

Mayroon siyang tawag.

Nang makita ang pangalang nandoon ay agad niya itong sinagot.

" Hello, Max."

Walang sigla niyang bati rito.

"Bitch. Hindi ka nag iisip Lyka! Napakainutil mo talaga kahit kailan! You waste our damn plan! Okay sana kung natapos mo pero hindi! Anong napala mo? Grounded ka na nga. Nakick out ka pa! Fvck! Wala ka ng nagawang matino!!"

Sigaw na kanyang kausap sa kabilang linya. Halos mapantig ang kanyang tainga sa binitawan nitong salita.

"What do you mean na hindi ko natapos?"

Kinakabahang tanong nito.

"Duh! Wake up Lyka! Hindi mo napatay si Serenity! Sa totoo nga ay maayos na ang lagay nya! No need to ask kung pano ko nalaman. I had my source. Ano? Wala kang napala, may parusa ka pa. Pinagkakamalan ka ng baliw ng mga magulang mo noh? Hula ko ipapatingin ka na nila sa Doctor bukas! You know what? Yo----"

Walang paalam na binabaan niya ito at hinagis ang kanyang telepono dahil sa nag halong inis at galit.

"BAKIT?! BAKIT BUHAY KA PA RIN?! HINDI KA NAMAN PUSA!!!!"

Inis na hiyaw nito na halos maputol na ang kanyang litid.

Hindi pa siya nakuntento at nagwala sa loob ng kanyang kwarto. Lahat ng mahagilap ng kanyang mga kamay ay walang pag aalinlangan niyang sinisira at binbalibag.

Napaka gulo na ng kanyang silid. Para bang dinaanan ito ng bagyo.

Napahinto siya ng mapansin ang isang sobreng nasa ibabaw ng kanyang drawer. Ganoon na lamang ang pagtataka niya dahil hindi niya ito na pansin kanina lang.

Agad siyang ginapangan ng takot at kaba dahil hindi lingid sa kanyang kaalaman kung para saan at kung kanino ito galing. Alam niyang nakakatanggap ng ganoong sobre ang mga kaibigan niya bago mamamatay.

Kabado man ay kinuha niya pa rin ito. Sa kanyang isip ay kailangan niyang lumaban at madali lamang siyang makakahingi ng tulong kung sakali, dahil nandiyan ang kanyang mga magulang at kasambahay.

Nanginginig niya itong binuksan at kinuha ang papel na nasa loob.






Dear Lyka,

MAMAMATAY KA NA! WALA KANG KARAPATANG TANGKAIN ANG BUHAY NI SERENITY! MAGBABAYAD KA! HIHILAHIN NA KITA SA IMPYERNO!!!!!!!!

Serina,







Dahil sa panlalambot dahil sa nabasa ay napasalamapak na lamang siya sa malamig na sahig. Buong akala niya ay tapos na.



Ngunit hindi pa.


Dahil sa pag kasalampak ay naaninaw niya ang kamang nasa kanyang harapan. Napatitig siya ng maigi sa ilalim noon dahil sa na aaninaw na kung anong bagay sa ilalim noon.

Bigla na lamang nagpatay sindi ang ilaw sa kanyang kwarto na nag padagdag sa kaniyang takot.

"H-h-h-hindi... T-tulong...."

Mahina at nauutal niyang turan.

Natulala na lamang siya ng mag simulang gumalaw ang bagay sa ilalim ng kanyang kama. Sa bawat pag patay sindi ng ilaw ay mas lalong gumagalaw ang nasa ilalim.


Unti unti itong lumalabas sa ilalim.


Sa muling pag patay sindi ng ilaw ay nakalabas na ang maputlang kamay nito. Kitang kita niya na may hawak itong kutsilyo sa kanang kamay nito at ang kaliwang pulso nito ay nagdurugo ng napakarami na syang nagmamantsa sa kulay kremang sahig ng kanyang kwarto.


Sa bawat pag patay sindi ng ilaw ay unti unti na itong lumalabas sa ilalim na kama at unti unti rin itong lumalapit sa kanya.


Nang makalabas na ito ng tuluyan ay muling na pirmi ang ilaw. Nakita niyang nakaupo ito sa kama habang nakayuko.

Napaluha na lamang siya sa takot.

Kilala niya ito kahit pigura lamang nito ang kanyang titigan.


"Lyka..... Alam mo bang oras mo na? Ito nga at sinusundo na kita....... Hahahahaha!!!!"

Muling namatay ang ilaw at sa muling pagbukas nito ay napahiyaw na lamang siya. Dahil ang kaninang nasa kama, ngayon ay ilang sentimetro na lamang ang layo mula sa kanyang mukha.

Nakakatakot ang itsura nitong puro itim ang mata na napapalibutan ng maiitim na ugat at ang pag kamutla ng balat nito na para bang isang papel.

Bumagsak sa sahig si Lyka. Nawalan ito ng ulirat dahil sa takot. Agad na napahalakhak si Serina sa nasaksihang pag kabagsak nito.

"Una pa lang yan Lyka! Nagsisimula pa lang ang laro natin! Hahahahahahahhahahahaha!!!!!!!!"

Nababaliw na saad nito..















-------------

Minulat ni Lyka ang kanyang mga mata.

Ang antok sa kanyang sistema ay biglang nawala dahil sasitwasyon niyang kanyang nasasaksihan.

Kitang kita niya ang buong paaralan dahil nasa gitna siya ng school ground at ang lahat ng poste ng mga ilaw ay nakabukas. Para bang may selebrasyong magaganap.

Nakatali siya sa isang silya. Mahigpit ang pagkakatali nito na kapag kanyang pinupwersang kalagin ay nasasaktan ang kanyang mga kamay.


"TULONG!!!!!!!! TULUNGAN NYO AKO!!!!!!"

Naghuhumiyaw na saklolo nito. Umaasang may makakarinig ngunit bigo lamang siya. Nag uunahan ng lumabas ang kanyang mga luha dahil sa takot. Takot na maaring iyon na ang huli niyang oras na mabubuhay.

Naputol ang kanyang paghikbi dahil sa pagpalakpak ng taong papalapit sa kanya.

Taong sa kanila ay bumabawi.

"Kamusta?"

Tanong ni Serina sa kanya.

"PATAY KA NA DI BA?! PATAY KA NA!"

Nagwawalang sagot nya rito.

"HAHAHAHA! OO! PATAY NA KO DAHIL SA PINATAY NINYO AKO! WALANG HIYA KA! SINO KA PARA PAGTANGKAAN ANG KAPATID KO?!?!?! HANGAL!!!! HINDI SIYA ANG PUMAPATAY KUNDI AKO!!! SI SERENA NA PATAY NA!!!!! BAKIT?!?!? MALAMANG NA NANININGIL AKO!!!!!"

Nanggagalaiting pahayag nito sa kanya. Bigla na lamang inilabas nito ang isang matalas na kutsilyo. Namilog ang kanyang mga mata ng makita ito.

"A-anong g-g-ggawin m-m-m mo????"

Nagkandautal utal nitong sabi sa kanya. Ngumisi si Serina dahil sa tanong nitong para sa kanya ay nakakatawa.

"Malamang pahihirapan at papatayin ka! Ano pa nga ba? Hahaha!"

Lumapit ito sa kanya na sobra pa niyang kinatakot. Dinampi nito ang matalas na kutsilyo sa kanyang pisngi. Tila ba umurong ang dila ni Lyka dahil sa takot.

Pinunasan ni Serina ang kanyang mga luha gamit ang kutsilyong hawak na syang naging dahilan ng pagkakaroon niya ng sugat.

"Aaaah!!!!"

Hiyaw niya sa hapdi. Napapaiyak na lamang siya dahil wala na siyang magagawa pa.

Walang awang pinutol ni Serina ang kanang tainga ni Lyka. Agad sumirit ang dugo mula roon.

"Aaaah!!!! Walanghiya ka!!!! DEMONYO!!!!!!!"

Hiyaw nito dahil sa sobrang hapding nadama.

"Eh, anong tawag mo sa sarili mo? huh!"

Lumuhod si Serina sa kanyang harapan at hinimas ang kanyang pisngi. Ginapangan siya ng matinding kilabot dahil sa lamig ng palad nito.

"Alam mo.... Ang kinis ng pisngi mo.... Tanggalin natin! Hahahahaha!"

Demonyong tawa nito. Nagpupumiglas siya naghihiyaw dahil sa takot. Takot na tapyasin nito ang kanyang makinis na pisngi.

Ngunit. Bigla siyang hindi nakakilos na kanyang kinabigla. Para bang may ibang kumokontrol sa kanyang katawan.

Hindi na sya naka tanggi pa ng hawakan na nito ang pisngi niya at simulang tapyasin.

Sa bawat pag hiwa ng kutsilyo sa kanyang pisngi ay napapahiyaw na lamang siya sa sakit na tila bang isang musika kay Serina. Mababaw lang ang tinapyas niya mula rito upang magtagal pa si Lyka. Kahit na mababaw lamang ang tinapyas niya ay ganoon na lamang ang pagdurugo nito. Kanang pisngi lamang iyon upang hindi agad maubos ang dugo ni Lyka.

Iyak. Iyan lamang ang nagawa ni Lyka sa mga oras na iyon.

"Tutal mamamatay ka na dahil sa pag kaubos ng dugo mo. PAPAHIRAPAN NA KITA NG TODO!!!!!!"

Nakakahilakbot na saad sa kanya nito. Naaninaw na naman niya na may hawak itong babasagin na bote, may laman itong parang tubig sa kanyang paningin.


"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"



Hiyaw niya ng ibuhos ni Serina ang laman ng bote. Hindi iyon tubig kundi isang asido. Agad natuklap ang kanyang dalawang hita kung saan ito ibinuhos ni Serina. Natalsikan din siya sa kanyang mukha na lalong nakadagdag sa sakit na kanyang nadarama.

"Tapusin na natin. Bubuksan ko na ang pinto patungong impyerno Lyka. Mag hi ka sa mga kaibigan mong mga nauna na! Hahahahaha!"

Pumunta ito sa kanyang likuran. Hinang hina na ang kanyang katawan ngunit nagawa pa rin niyang masundan ito ng tingin. Nagulantang na lamang siya ng nakataas ang dalawang kamay nito sa ere habang hawal ang sobrang talas na kutsilyo.

Katapusan na.

Iyan ang kanyang nasa isipan bago ibaba ni Serina ang kutsilyo na syang humati sa kanyang ulo.




"Patay na. Gusto ko pa. Hahahaha!!!!"

Sambit ni Serina bago hugutin ang kutsilyong tila ba itak na naka ipit sa ulo ng walang buhay na si Lyka.


"Malapit na............................... Malapit na! Hahahahahaha!!!!"






Itutuloy......

N/A

Humihingi po ako ng tawad dahil sa pagiging inactive 2 months dito sa wattpad. Una dahil sa na writers block ako. Pangalawa. Nawalan ako ng gana mag sulat. At pangatlo, wala ng panload heheh.

Sa muli kong pag log in. Na shock ako at na overwhelm kasi 114k reads na ang Ate!!!!! Ayun . nabuhayan ulit ako at nagsulat ulit. isa pa patapos na rin namn ito.

Salamat sa pagtulong nyo sa akin na maachieve ko yung plano kong reads sa kwentong toh.

Pasensya na talaga.
Walang bumabatikos sa kwento ko pero sa sobrang bagal na otor na tulad ko meron. Hahahah. Ayos lang. Totoo naman eh. Tinitiis ko na lang.  •~•  

Thank u ulit!

Nag mamahal

Otor na napaka bagal.
MissJ_35




Continue Reading

You'll Also Like

214K 11.7K 36
Bloodline Series, Book #2 || She fought and traveled for weeks to find the truth, but she didn't know that her return to her real home meant one thi...
1.7M 80.2K 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabas...
4.1M 114K 85
ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Unedited) I'm ordinary girl with a simple life but it all change when i realized that I'm Married to the Mafia B...
119K 5.5K 41
WATTYS 2021 WINNER A young dedicated policeman vows to find the motive behind the death of a ghost who's also the ex-master of the crime group he has...